Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Agusan del Norte
Magallanes District
MAGALLAES NATIONAL HIGH SCHOOL
First Quarter
GRADE – 9 ESP SUMMATIVE TEST
(Week 7 and 8)

A. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang titik ng
pinakawastong sagot sa iyong kwaderno o sagutang papel.

_______1. Ang sumusunod ay ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Pagkakaisa, MALIBAN sa:


A. pagkakaroon ng kaalitan B. bayanihan at kapit-bahayan C. sama-samang pagtakbo para
sa kalikasan D.pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
_______2. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at
kinabukasan ng mamamayan?
A. batas B. mamamayan C. kabataan D. pinuno
_______3. Aling pagkilos ang nagpapakita ng mahusay na daloy ng pamamahala sa isang
lipunan?
A. mula sa mamamayan patungo sa namumuno B. mula sa namumuno patungo sa
mamamayan
C. sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan D. pagkilos para lamang sa mga
namumuno sa bayan
______ 4. Saan maaaring ihambing ang isang pamayanan?
A. Pamilya B. barkadahan C. organisasyon D. magkasintahan
______ 5. Ano ang pinagbabatayan upang maging isang pinuno ang isang indibidwal?
A. personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan B. kakayahang gumawa ng batas
C. angking talino at kakayahan D. pagkapanalo sa halalan
______6. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng
sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito?
A. lipunang political B. pamayanan C. komunidad D. pamilya
______7. Alin ang kinikilala na tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika?
A. mamamayan B. pangulo C. pinuno ng simbahan D. kabutihang
panlahat
______ 8. Sino ang isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya
ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat?
A. Ninoy Aquino B. Martin Luther King C. Malala Yuosafzai D. Nelson
Mandela
______ 9. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, mga nakasanayan, mga pamamaraan
ng pagpapasiya, at mga hangarin na pinagbabahaginan sa paglipas ng panahon ng isang
pamayanan?
A. politika B. kultura C. pamayanan D. panlipunan
______10. Alin ang HINDI halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
A. pagsisingil ng buwis B. pagbibigay daan sa Public Bidding
C. pagsasapribado ng mga gasolinahan D. pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa
pabahay
______11. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang
panlahat. Alin sa sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
A. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan B. kondenahin ang
mapagsamantala sa kapangyarihan
C. itaguyod ang karapatang-pantao D. ingatan ang interes ng marami
______12. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa
karapatan ng bawat mamamayan?
A. sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng
mga mamamayan
B. sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pagunlad ng
ekonomiya ng bansa
C. sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng
bawat mamamayan
D.sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas
______13. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasya?
A. magdudulot ito ng kasiyahan B. makapagpapabuti sa tao
C. ito ay ayon sa mabuti D.walang nasasaktan
______14. Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay nakikilahok?
A. pag-unlad B. pagkakaisa C. kabutihang panlahat D. pagtataguyod
ng pananagutan
______ 15. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?
A. pangulo B. mamamayan C. pinuno ng simbahan D.
kabutihang panlahat 3
______16. Sa ating lipunan, alin ang nagpapatunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili
sa bagay?
A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa
pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dahil
karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
B. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang mga lumang damit upang ibigay sa
kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
C.Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang
bansa lamang mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na
kasiyahan.
D.Lahat ng nabanggit
______17. Alin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa
iba?
A. iba-iba ang ating kakayahan
B.nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
C. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
D.hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa
______18. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at
kinabukasan ng pamayanan?
A. batas B. pinuno C. kabataan D. mamamayan
______19. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na
A. walang nagmamalabis sa lipunan
B.Ang lahat ay magiging masunurin.
C. Matugunan ang pangangailangan ng lahat.
D.Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.
______20. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng
nakararami?
A. Sa ganitong paraan natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
B. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
D. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.

B.
Panuto: Ibigay ang mga kahulugan ng mga acronym sa ibaba.

1. IATF
2. ECQ
3.GCQ
4. MCQ
5. MGCQ

ANSWER KEY
1. A
2. D
3. C
4. B
5. A
6. A
7. D
8. B
9. B
10. C
11. B
12. A
13. B
14. C
15. B
16. A
17. D
18. D
19. D
20. C
21. Inter-Agency Task Force
22. Enhanced Community Quarantine
23. General Community Quarantine
24. Modified Community Quarantine
25. Modified General Community Quarantine

You might also like