Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Kasaysayan I

Kasaysayan ng Pilipinas

Beng Boro-Magbanua
Katuwang na Propesor
Dibisyon ng Kasaysayan,
Departamento ng Agham Panlipunan,
Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños

2-11-2015
Ano ang K A S A Y S A Y A N ?

KASAYSAYAN ay salaysay na may saysay


na may kabuluhan , kahulugan at
katuturan para sa isang grupo o pangkat
ng tao.

Binibigyan pokus nito ang…

1. Saysay- kabuluhan, kahulugan, katuturan,

2. Isang grupo o pangkat ng tao


KASAYSAYAN

Kahulugan SAYSAY Kabuluhan


Importante, May gamit,
mahalaga nakakatulong,
kapupulutan ng aral
Katuturan
katotohanan,
makatuwiran,
KASAYSAYAN
a. may saysay (kabuluhan) para sa
isang grupo ng tao
b. nakaugat sa kultura
(epiko, alamat, kuwentong bayan,
tarsila, mga labi etc)
c. kabuluhan “para kanino?”
d. subhetibo
HISTORYA o HISTORIA

a. Europeo (Griyego, Pranses)


b. Positibista = Kronikel =Obhetibo
c. Siyentipiko
d. “His Story” (kuwento ng lalaki)
Ano ang P A N A N A W ?

Angulo o distancia ng pagtingin sa


isang bagay, walang tama, walang
mali mayroon lamang pinakamaganda
batay sa tumitingin.
Mga Pananaw

Bi-Partite (dalawahang pagtingin)

dilim liwanag

pagdating ng Kastila 1565

Pananaw ng dayuhan (pangsila)


(Sinulat ng dayuhan, tungkol sa dayuhan, para sa
dayuhan, sa wika ng dayuhan.)
Mga pananaw con’t...

Tri-Partite (tatluhang pagtingin)


liwanag dilim liwanag

pagdating ng Kastila tagumpay ng Himagsikan


1565 o ng Kilusang Propaganda
Tri-partite
Pananaw ng Pilipinong elite

■ pangKAMI - isinulat ng Pilipino, tungkol sa


Pilipino, para sa dayuhan,
sa wika ng dayuhan.
- mula sa loob patungo sa labas
proponent: Jose Rizal (Noli at Fili);
Katipunan; Agoncillo at ang Inarticulate
of History ni Renato Constantino

■ pangKAYO – mula sa labas tungo sa loob


PANTAYONG PANANAW
Binibigyan diin ang taong dapat makausap at
ang paksang dapat pag-usapan.

Isinulat ng Pilipino, tungkol sa Pilipino, para


sa Pilipino, sa wika ng Pilipino.

Isang buong diskursong pangkalinangan, ang


pinakakatangian ng isang kabihasanang may
kabuuan at kakanyahan. Batayan ito ng
pagkakaisa ng isang pangkat ng taong may
sariling wika at kultura.
Dean Conant Worcester, (1866 - 1924)
kasama ang isang babaeng Ita.
BAGONG KASAYSAYAN

■ mga bago at di karaniwang paksa (hal.,


kasaysayan ng kolera at epidemya,
kasaysayan ng prostitusyon, kriminalidad sa
Pilipinas, kasaysayan ng Perokaril, ang
aswang sa kasaysayan at kasaysayang lokal)
■ mga bagong batis (hal. memoir, love letters)

...ay tulad ng lubid, bawat hibla isang


Kasaysayan, may napuputol, may
tumutuloy, at ang nagpapatuloy ang
bumubuo ng sambayanan.
Kaparaanan sa Kasaysayan

Buong disiplina ng pag-aaral ng kasaysayan

Pagtatanong: pagpili ng Paksa pangangalap ng batis kritika pagsusulat (etika)


a. panlabas a. maaari bang isulat?
b. panloob b. para kanino

HUERISTIKA
Pangangalap ng batis
■ Nakasulat (dokumento, kronika, gunita,
kalendaryo, talaarawan, liham, mapa, libro,
jornal, magazin, pahayagan at iba pa) at
Di-nakasulat (artifak, hayto, labi,
kasaysayang pasalita at panitikan, sining, wika
at iba pa)
■ Primarya (mula sa panahon at saksi sa mga
pangyayari); Sekondarya (di kapanahon at
di saksi); Tersyarya (gumagamit ng lamang
ng mga sekondaryang batis)
■ Diskursibo (produkto ng kaisipan, hal. alaala
o gunita)

Di-diskursibo (materyang pagkasaysayan o


bagay, hal. artifak, o labi)

2 pangunahing paraan sa pangangalap ng batis:


■ pananaliksik sa aklatan, museo at sinupan

■ pananaliksik sa larangan
KRITIKA o pagsusuri ng batis
a. panlabas (surface realities)
b. panloob (underlying realities)

a. Panlabas (kritika ng kapanaliganan/katunayan)


Panahon: petsa, kasabay bang isinulat sa panahon ng
pangyayari o malayo sa panahon ng pangayayari?

Kritika ng katunayan

Pinanggalingan Nawawasto o restitusyon

Lugar: sa loob ba ng lugar na pinangyarihan/kalinangan isinulat


o sa labas
Tao: Paraan ng pagkalap ng batis (siya ba’y saksi, batay sa saksi
o di-saksi)
Katayuan ng May-akda (pribado o opisyal/pampubliko)

*tinta, estilo ng sulat kamay, wika, kaugaliang ibinubunyag etc.


*kailangan ang tulong ng ibang disiplina sa pagtitiyak
b. Panloob (kritika ng kapaniwalaan at katotohanan)
pagsusuri sa mismong nilalaman ng batis upang
mapalitaw ang tiyak at tunay na kahulugan ng batis

Mahalaga ang “wika ng batis”.


■ Mahalaga ang pagkaunawa sa “wika” (kultura ng wika)
na ginamit sa batis.
■ Mapalitaw ang mga nakatago, itinagong kahulugan
dahil nagkakaroon ng iba’t ibang pakahulugan sa batis
sa pagdaloy ng panahon.
■ Intensiyon ng may-akda.

Mapanuring pamamatnugot at paglilimbag (anotasyon,


komentaryo, pagsasalin, paglalathala o paglilimbag
Katapusang Hibik ng Pilipinas

Walang isinuhay kaming iyong anak


sa bagyong masasal ng dalita't hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.
Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...
ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.
Wala nang namamana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,
rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.
Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,
kami'y di na iyo saan man humanggan,
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.
Samakatuwid ang pagsusulat ng
kasaysayan ay palaging sumasagot sa
tanong na....
Para kanino iniuulat ang salaysay?
Samakatuwid, ang pananaw ang
siyang nagbibigay ng direksyon sa kung
ano ang paksang dapat maisangkap sa
pag-aaral ng kasaysayan.
AUXILIARY DISCIPLINES
(Mga pantulong na disiplina)

(hal. Sosyolohiya, Agham Panlipunan,


Sikolohiya, Antropolohiya, Matimatika, Pisika,
Biyolohiya, Heyograpiya, Astronomiya,
Teyolohiya, Literatura, Agrikultura, Medisina,
Engineering, Pag-aaral sa Paggugubat at
Kalikasan, Teyatro, Genetics, Nutrisyon,
Sistatistika, at marami pang iba.)
BALANGKAS (Outline)
Nakikita agad ang pangkabuuang layunin.
Nagkakaroon kaagad ng pangkabuuang
interpretasyon.

Eroplano (balangkas),
Helicopter (institutions),
Paglalakad (detalye)
Samakatuwid masasabi natin
na nakapook sa wika ng
kahulugan ng kasaysayan.
Maraming Salamat po!
Para sa susunod na pagkikita
•Maikling Pagsusulit

•Pagkabuo ng Pilipinas (heyograpiya)

•Kronolohiya ng Kasaysayan ng Pilipinas


Prehistori at Pag-usbong ng Sinaunang Pilipinas
(ca. 500,000/250,000–ca.800 BK)
Mga Babasahin
Prehistori at Pag-usbong ng SinaunangPilipinas
(ca. 500,000/250,000–ca.800 BK)
*Gripaldo. Eden (et. al.) Kasaysayan ng Filipinas at mga
Institusyong Filipino, Unibersidad ng Pilipinas, Sentro
ng Wikang Filipino, 2003. pp. 20-33.
*Veneracion, Jaime. Kabanata 2 at 3, Agos ng Dugong
Kayumanggi. Quezon City, Binagong Edisyon.
* Solheim, Wilhelm II. “The Nusantao Hypothesis: The
Origin and Spread of the Austronesian Speakers,"
Asian Perspectives, xxvi, 1984-85, Honolulu.

You might also like