Kabanata 1 2 UP FB1 ABM11 04 COMPLETE 1 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

ii

PHINMA-University of Pangasinan

Senior High School Department 

Dagupan City, Pangasinan

A.Y. 2022-2023

Antas ng Kaalaman sa Paggamit ng Wikang Pambansa ng mga Mag-

aaral mula sa Ika-11 ng ABM-01 hanngang ABM-04 ng Phinma-

University of Pangasinan, Taong-Panuruan 2022-2023 

Isang sulating pananaliksik na iniharap kay

Bb. Cindy L. Saura

COR 003

Unang Semestre, 2022-2023

Ipinasa Nina:

CASTAÑARES, HANNAH KRISTELLE P. LAMSEN, MARIAN FEY F.

CASTAÑARES, HANNAH KRIZELLE P. MANUEL, MICKAELYN T.

DELA CRUZ, PAUL JANNSEN D. PARAAN, ROSELIN MYLES P.

ESTRADA, CASSANDRA ARACHÉ C. TAMAYO, TRISHA DIANE P.

EUGENIO, RIANNA LEE D. VINLUAN, GELANIE ROSE M.

JUMAQUIO, CONRADO JOSE A.


iii

PASASALAMAT

Lubos na nagpapasalamat ang mga mananaliksik ng Ika-11

na baiting ng ABM-04 Unang-una sa poong may kapal na bigyan

ang mga mananaliksik ng lakas, determinasyon at pag-gabay sa

pananaliksik na ito, sapagkat walang impossible sa taong ng

nagtitiwala sa kanya.

Pangalawa, nagpapasalamat ang mga mga mananaliksik kay

Ginang Cindy L. Saura sa walang sawang pag-gabay, pagtulong

at pag apruba sa pananaliksik na pagpapatungkol sa Antas ng

Kaalaman sa Paggamit ng Wikang Pambansa ng mga mag-aaral

mula sa Ika-11 na baitang ng ABM-01 hanggang ABM-04 ng

Phinma-University of Pangasinan, Taong-Panuruan 2022-2023”.

Pangatlo, sa mga magulang ng mga mananaliksik na walang

sawang sumusuporta at pagbibigay ng determinasyon upang

matapos ang pananaliksik na ito. Nais din ng mga

mananaliksik na maipabatid ang kanilang walang sawang

pasasalamat sa mga nakibahagi upang maging epektibo ang

pananaliksik na ito.

Muli, taos pusong nagpapasalamat ang mananaliksik sa

lahat ng mga taong tumulong upang matapos at magkaroon ng

magandang kalalabasan ang pananaliksik na ito.

ANG MGA MANANALIKSIK


iv

TALAAN NG NILALAMAN
Fly leaf i

Pamagat ii

Pasasalamat iii

Talaan ng Nilalaman iv

KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral 1

 Raysunale ng Pag-aaral 1

 Suliranin ng Pag-aaral 3

 Kahalagahan ng Pananaliksik 4

 Konseptuwal ng Balangkas 5

 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 7

 Kahulugan ng Termino 8

KABANATA II: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 10

 Kaugnay na Literatura 10

- Local na Literatura 10

 Kaugnay na Pag-aaral 16

- Banyagang Pag-aaral 16
v

- Local na Pag-aaral 18
1

Kabanata I

Suliranin ang Kaligiran nito

___________________________________________________________________

Sa Kabanatang ito ay nagpapakita ng rasyunale at

introduksyon ng pananaliksik. Inilalarawan din dito ang

Independent variable at Dependent variable na nagamit sa

pananaliksik na ito at ang kanilang mga kahalgahan at

limitasyon.

Rasyunale ng Pag-aaral

Marami ang mga wikang umusbong sa Pilipinas at isa na

ang Filipino. Marahil marami sa mga ibang Pilipino ay hirap

gumamit ng wikang Filipino sa kadahilanang wika ng kanilang

probinsya ang kanilang ginagamit. Problema para sa mga ilan

ang pag intindi ng wikang FIlipino sapagkat ang mga wika sa

kanilang nasasakupan ang kanilang kinagisnan. 

Ang Wikang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas

na itinalaga bilang opisyal na wika ng ating bansa. Mula kay

Ginoong Ayon, Ang pagkakaroon ng wikang Filipino ay

nagtataguyod ng pagkakaisa ng mga tao at nakakatulong sa

pag-unlad ng iba't ibang aspeto ng bansa. Mahalaga at

kailangan ang katutubong wika para sa bansa dahil ginagamit


2

ito ng lahat ng mga mamamayan para sa pakikipag-komunikasyon

at pakikipag-ugnayan. Ang wikang Filipino ay patuloy na

umuunlad at nagbabago ngayon. 

Sa larangan ng edukasyon, ang wika ay isa sa

pinakamahalagang salik dahil nakakatulong ito sa paglinang

ng kaalaman sa iba't ibang larangan ng mga asignaturang

pang-edukasyon at pagkakaroon ng magandang pagkakaunawa

upang maintindihan ng lubos ang iba't ibang asignatura.

Kung kaya't ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang

pag-aaral upang malaman ang antas ng kaalaman ng mga mag

aaral ng ika-11 na baitang ng ABM-01 hanggang ABM-04

sapagkat marami sa mga Pilipino ang nalilito sa paggamit ng

wikang Filipino at iniisip na ito ay tumutukoy sa mga taong

naninirahan sa Pilipinas. Sa kalagitnaan ng pandemya,

naisipan ng mga mananaliksik na pagtuunan ng pansin ang pag-

aaral sa pagbuo ng mga kapaki-pakinabang na estratehiya para

sa pagtuturo ng Filipino. 

Nais ng mga mananaliksik na masakop ang mahalagang pag-

aaral at makakuha ng wasto at detalyadong impormasyon batay

sa kanilang pag-aaral sa Wika ng Pilipinas.


3

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang matukoy ang

antas ng kaalaman sa paggamit ng wikang Filipino. Sa pahayag

na ito, makikita kung paano makakatulong ang Wika sa mga

partikular na salita at paglabas ng damdamin ng mga tao at

magkaroon ng magandang komunikasyon. Maipapahayag din dito

ng isang mahalagang kaalaman tungkol sa sariling wika, at

magagamit sa pang araw-araw na pamumuhay at maipasa pa sa

mga susunod pang henerasyon.

Sa partikular, ang pag-aaral ay naglalayong sagutin ang

mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mga propayl ng mga mag aaral sa aspeto ng:

a. Edad

b. Kasarian

c. Antas ng baitang

2. Paano nakakaapekto sa mga mag aaral ang antas ng kaalaman

sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang asignatura?

3. Gaano kahalaga sa mga mag aaral ang antas ng kaalaman ng

paggamit ng Wikang Filipino sa iba’t ibang asignatura?


4

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay itinuturing ng mga mananaliksik

na naaangkop sa mga sumusunod: 

 Sa mga mag-aaral, adhikaing ipamalas ng pag-aaral

na ito ang katibayan na nagpapakita kung ano ang

kanilang antas ng kasanayan sa paggamit ng wikang

Filipino at kung ano ang silbi nito sa kanilang

pag-aaral at sa daloy ng kanilang pamumuhay.

 Sa mga magulang, ito ay nagsisilbing karagdagang

kaalaman upang kanilang mas malinang ang kasanayan

nila sa paggamit ng wikang Filipino. Nang sa

gayon, maimpluwensiyahan nila ang kanilang mga

anak at maunawaan ang kahalagahan ng pag-aaral

nito.

 Sa mga susunod na mananaliksik, Ang pananaliksik

na ito ay pwede nilang balikan upang pagkuhanan ng

ideya na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral, at

magkaroon ng bagong kaalaman tungkol sa wikang

Filipino.
5

konseptwal na balangkas

Input Proseso Awtput

Ang mga
Ang mga Inaasahan ng mga
mananaliksik ay
mananaliksik ay mananaliksik sa
nais na malaman
nagbahagi ng pag aaral na ito
kung gaano kataas
interbyu o na malaman ang
ang antas ng
surbey questionare Antas ng Kaalaman
kaalaman ng mga
sa mga mag aaral sa Paggamit ng
ika-11 na baitang
mula ABM11-01 Wikang Filipino
ng ABM-01 hanggang
hanggang ABM11-04 sa mga iba't ibang
ABM-04 ng Phinma-
ng asignatura ng mga
Univesity of
Phinma-University Mag-aaral ng

Pangasinan sa pamamagitan ng 11ABM-01 hanggang

pagdating sa google form upang 11ABM-04 ng

paggamit ng wikang suriin at pag- Phinma-University

Filipino. Kung aralan ang mga of Pangasinan,

kaya't nagsagawa datos sa nakalap Taong-Panuruan

ang mga impormasyon. 2022-2023.

mananaliksik ng

kwestyuner na

naglalaman ng mga
6

tanong kung gaano

kataas ang

kanilang nalalaman

patungkol sa

wikang Filipino.

Ang konseptwal na balangkas ay isang visual na

representasyon na ginamit upang ilarawan kung ano ang

inaasahang mahanap sa pamamagitan ng isang pananaliksik.

Tinutukoy nito ang mga mahahalagang baryabol para sa pag-

aaral at ipinapalabas ang kaugnayan ng mga baryabol na ito

sa isa't isa. Upang makabuo ng konseptwal na balangkas,

kailangan munang mangolekta ng datos ang mga mananaliksik.

Ang isang konseptwal na balangkas ay maaaring idisenyo sa

maraming iba't ibang paraan depende sa kung anong uri ng mga

relasyon ang inaasahan ng mga mananaliksik.

Ang input ay naglalaman ng propayl ng mga tumutugon

tulad ng pangalan,edad,kasarian, baitang, at antas ng

baitang. Ang istruktura ng proseso ay tumutukoy sa mga

hakbang na susundin ng mga mananaliksik patungkol sa pagkuha

ng data, kabilang ang pakikipanayam at pagdodokumento sa

impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng Google forms. Ang


7

awtput naman ay naglalaman ng naging resulta ng o

kinalabasan ng isinagawang pananaliksik sa pamagat na Antas

ng Kaalaman sa Paggamit ng Wikang Filipino sa mga iba't

ibang asignatura ng mga mag-aaral ng 11ABM-01 hanggang

11ABM-04 ng PHINMA-UNIVERSITY OF PANGASINAN, Taong-Panuruan

2022-2023.
8

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa Antas ng Kaalaman

sa Paggamit ng Wikang Filipino sa mga iba't-ibang asignatura

ng mga mag-aaral mula sa Ika-11 baitang mula sa PHINMA-

University of Pangasinan, taong-panuruan 2022-2023.

Ang pananaliksik ay isasagawa sa loob ng PHINMA-

University of Pangasinan. Ang pananaliksik ay naglalayong

makakuha ng mga respondante mula sa mga mag-aaral ng ika-11

na baitang ng ABM mula sa sekyong 1 hanggang 4 sa PHINMA-

University of Pangasinan. Nais makabuo ng mga mananaliksik

ng hindi bababa sa 50 respondante, mapalalaki man o babae.

Sa pangangalap ng datos, napagpasyahan ng mga

mananaliksik na gumamit ng online na sarbey sa pamamagitan

ng Google forms. Pinili ng mga mananaliksik ang pamamaraang

ito dahil sa kahusayan at katumpakan nito sa pangangalap ng

mga datos. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa noong unang

semestre ng taong-panuruan 2022-2023.


9

KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Makikita rito sa parte na ito ang mga kahulugan ng

malalalim na salita na galing sa dictionary na tutulong sa

mga magbabassa na lubos na maintindhan ang nilalaman ng

kabanata na ito.

DATOS - Isang representasyon ng mga katotohanan, konsepto o

tagubilin sa isang pormal na paraan, na angkop para sa

komunikasyon, interpretasyon o pagproseso.

RESPONDANTE - Ang respondante ay isang tao na tinatawag na

magbigay ng tugon sa isang komunikasyong ginawa ng iba.

PAGSISIYASAT - Isang disenyo o metodo sa isang pananaliksik

na ginagamit ng mananaliksik

ASIGNATURA - Nagpapakilala ng mga pamamaraan sa pananaliksik

tulad ng eksperimental, quasi-eksperimental, kaso ng pag-

aaral at sarbey.

MODERNISASYON - Ang modernisasyon ay tumutukoy sa

pagbabagong anyo mula sa isang tradisyunal at rural na

lipunan sa isang pang-industriyang lipunan na kung saan


10

ginagamitan ng makabagong pamamaraan, mga ideya, kagamitan

at iba pa upang mapabilis ang gawain ng mga tao.

ADHIKAIN - Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba

ang kahulugan ng salitang adhikain at ang mga halimbawa

nito.

KINAGISNAN - Ang salitang kinagisnan ay nangangahulugan ng

kinalakihan, kinasanayan, kinamulatan, kinaugalian, at

kinagawian.

ESTRATEHIYA - Isang salitang nangangahulugang mahusay na

paraan o mahusay na pamamaraan

HENERASYON - Tumutukoy sa isang salinlahi. Ito ay grupo ng

mga tao na namuhay sa parehong panahon.

ESTRUKTURA - Ito ay ang pormasyon o komposisyon ng mga parte

o elemento ng isang bagay na komplikado.

PANDEMYA - Isang sakit na laganap sa isang buong bansa o sa

mundo.

BARYABOL -Isang elemento, tampok, o salik na maaaring mag-

iba o magbago.
11

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

___________________________________________________________________

Makikita sa kabanata na ito ang mga naunang pananaliksik

mula sa kaugnay na literatura at kaugnay na pag-aaral at

kanilang mga kahalagahan sa ilalim ng pag-aaral.

BANYAGANG PAG-AARAL

Ayon kay Parba (2018), ang pagtuturo ng wikang Filipino

sa konteksto ng United States ay nanatiling halos hindi

nakikita. Sa pag-aaral ni Parba, nasuri kung paano gumagana

ang Critical Language Pedagogy (CLP) sa dalawang upper-

intermediate na kurso sa wikang Filipino sa isang

Unibersidad sa Hawaii. Gamit ang Critical Teacher Research

(CTR), nasuri niya ang proseso ng negosasyon sa kurikulum sa

mga klase na kung saan naging aktibo ang papel ng mga mag-

aaral sa pagbuo ng mga kritikal na tema, ginawang mas

demokratiko ang pagtatasa, at gumamit ng mga pampakay na

code na nakuha mula sa kanilang mga karanasan sa buhay. Ang


12

natuklasan niya ay nagpapakita na ang negosasyon sa

kurikulum sa mga silid-aralan ng wikang Filipino ay may

magkakaibang linguistic na posible sa pamamagitan ng

pagpapatibay ng mga kritikal na pananaw ng

multilinggwalismo, pagtuturo ng wika, at pilosopiya ng

pagtuturo.

Ayon sa pananaliksik ni Napil at San Jose, (2020),

sila’y nag-imbestiga sa mga mag aaral base sa benipisyo,

pagkakaalam sa Wikang Filipino, at sa kanilang akademikong

pagganap. Mahigit sa 74 na mag aaral ang mga napili upang

makakalap ng impormasyon o datos. Ang mga napiling mag aaral

ay may mga klase sa Filipino, miyembro ng PAGLAUM, at kasali

sa organisasyon ng mga katutubo ng University of Mindanao.

Ayon sa resulta, lumabas na ang mga mag aaral ay walang

pagbabago sa kanilang akademikong pagganap subalit ang

pagkakaalam sa wikang Filipino ay mataas pa sa inaasahan.

Sa pananaliksik nina Aranda at Amora (2016), sila’y

gumamit ng quasi experimental research design upang makakuha

ng magandang datos mula sa mga ika-10 na baiting sa kanilang

asignaturang Filipino. Napag-alaman na hirap ang mga mag

aaral sna intindihin ito dahil sa paraang ng pagtuturo ng

guro. Base sa resultang nakalap, nagpapakita na nagkaroon ng

magandang pagbabago sa akademikong pagganap sa mga mag aaral


13

kung sila ay magkakasama. Makikita rin sa result ana ang

pagturo ng mga guro ng wikang Filipino sa ibang pamamaraan

ay nagging matagumpay.

LOKAL NA LITERATURA

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mas maunawaan

kung bakit Filipino ang napiling wikang pambansa. Para sa

mas siyantipiko at Impormatibong paglalahad ng ating

pananaliksik sa mga salik, kahalagahan, epekto at katayuan

ng Filipino bilang ating wikang. Mga mag-aaral ng mga

nabanggit na kurso sa Facultad ng Sining at Panitikan

Unibersidad ng Santo Tomas ng kasalukuyang taong punuruan

2012-2013 sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga tanong

ukol sa paksa na maaaring tumugon at maihalintulad sa aming

mga nasaliksik na kaalaman. Mula sa pag-aaral, napatunayan

na malaki ang ginagampanan ng sariling wika lalo na sa mga

usapin ng pambansang ekonomiya. Ang resulta ng pag-aaral ay

may mahalagang epekto sa kasalukuyang sitwasyon sa ekonomiya

kung susuriin lamang ang historikal na basehan ng

pagkakaroon natin ng sariling wika.


14

Garbo. J. et. al., (2018), " Ang Kahalagahan ng Wikang

Filipino sa Makabagong Henerasyon.” Ang nais iparating ng

pananaliksik na ito ay bigyang kaalaman ang mambabasa sa

kalagayan ng wikang Filipino sa makabagong henerasyon ng mga

kabataang Pilipino. Ang mga baryabol na iniulat dito ay

naghahatid ng kaalaman kung gaano kahalaga ang wikang

Filipino sa mga kabataan sa panahon ngayon. Sa paggamit ng

sariling wika sa mga transaksyon, mas mapapadali para sa mga

mamamayang Pilipino ang makaimpluwensiya sa iba upang

makilahok sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob

ng bansa. Sa panahon ngayon, malinaw na nakatutulong pa rin

ang patuloy na paggamit ng mga kabataan sa wikang Filipino,

mapapadali ang pag-unlad ng ating ekonomiya kung

nagkakaunawaan ang lahat sa gagamiting wika, at karamihan sa

mga respondente ang sumasang-ayon na napakahalaga ng wikang

Filipino sa makabagong henerasyon. (Pg. 4, 9, 29, & 30)


15

Paggamit ng Wikang Tagalog sa iba't ibang Asignatura sa

Paaralan(scribd), (2022). Ang pananaliksik na ito ay

patungkol sa Paggamit ng wikang tagalog sa iba't ibang

asignatura sa paaralan. Ang pananaliksik na ito ay gumamit

ng survey o mga katanungan patungkol sa kung ano ang wika na

madalas ginagamit sa kanilang asignatura. Sinurvey ng mga

pangkat na nasa ikaapat na baitang at ikaanim na baitang na

mga mag aaral ng Flos Carmell Institution of Quezon City.

Ang resulta ng pananaliksik na ito ay hindi madaling

maisakatuparan ang panghihikayat na gamitin ang wikang

Filipino subalit ito ay ating gagamitin at papaunlarin may

posibilidad na tumaas ang antas ng paggamit ng ating

sariling wikang Filipino. Bigyan importansya at kahalagahan

ang sariling wika.


16

BANYAGANG LITERATURA

Pajarillo, J. (2022). Mahalaga ang wika dahil ito ang

pangunahing paraan ng komunikasyon. Ito ang ginagamit ng mga

Pilipino sa pakikipag-usap sa iba. Kapag nakikipag-usap ang

mga Pilipino sa iba, naiintindihan at naipapadama ang

damdaming nito ang gustong sabihin sa kaniyang kausap.

Mahalaga ang wika sa maraming larangan, lalo na sa Negosyo,

tinutulungan ng wika ang mga negosyo at trabaho upang

magkaroon ng magandang komunikasyon sa pagitan ng mamimili

at tindera. Ang panayam na ito ay nagpapakita ng mga

pagkakaiba sa pagitan ng mga wika noon at ngayon, gayundin

ang mga wika na mas karaniwang ginagamit sa mga kaso sa

korte, Filipino man, Ingles, o multilinggwal.

Ang wikang Filipino ay naglalayon na magkaroon ng

magandang komunikasyon at maipadama sa taga-pakinig ang

kaniyang saloobin o damdamin. Isa sa mga halimbawa na lamang

nito ay ang marketing mula sa journal ni VInlaon, inilalahad

sa journal na may puwang or may saysay pa rin ng wikang

Pambansa sa pag-akit ng mga binebentang mga produkto,

paggawa ng maayos na kompanya, atbp. Masasabi nga na ito na

ang wikang Filipino ay may magandang layunin para sa

marketing.
17

Ayon kay Gallego (2017), itinatag ang National Language

Institute noong 1936 upang pamahalaan ang pag-unlad ng mga

pambansang wika batay sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas.

Noong 1937, iminungkahi ng National Language Institute ang

Tagalog bilang pambansang wika, at noong 1959 ay

pinangalanan ito ng Ministri ng Edukasyon na Philippines. Sa

ilalim ng konstitusyon ng 1973, ang wikang pambansa ay

tinawag na Wikang Filipino. Maraming problema na may

kaugnayan sa pag-unlad ng wikang Korean. Sa isang banda,

itinuturing ng ilan ang Filipino bilang isang wikang

Tagalog, at sa kabilang banda, may nagsasabi na ang Filipino

ay batay sa mga katangian ng wikang Filipino. Bagaman ang

paggamit ng terminong Filipino ay hindi nagsimula hanggang

1973, malinaw na ang wikang pantribo ay Tagalog, isa sa mga

wikang sinasalita sa gitnang Luzon. Ang terminong Filipino

ay ginagamit upang tukuyin ang wika dahil ito ang wikang

ginamit ng Liwayway, ang publikasyong pinag-aralan sa

kasalukuyang pag-aaral.
18

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay Arshad, A. (2018). Sa mga kultura ng espanyol lalo

pagdating sa wika. Sa kanilang pagsusuri ng diksyunaryong

Pilipino-Ingles, ipinakita ni Llamzon at Thorpe na nagmula ang

33% ng mga salitang ugat sa Kastila. Ibinago ng pagkupkop ng

alpabetong Abakada noong 1940, ang pagbaybay ng karamihan sa mga

salitang hiram sa Kastila ng wikang Filipino. Naisakatutubo ang

mga orihinal na baybay ng salitang hiniram mula sa wikang Kastila

ayon sa mga patakaran ng alpabetong Abakada. Isa sa mga halimbawa

ng hiram na salita ay ang mga sumusunod: baño, vaso, cuchara ,

cuarto , cuento , lavabo , la mesa atbp. Bagaman napakaliit ang

kabuuang impluwensya ng Kastila sa morposintaks ng wikang

Tagalog, mayroong mga salitang ginagamit mula sa Kastila na

nakapagbago sa palaugnayan ng Tagalog.


19

Ang ating pagsusuri sa wikang Filipino ay nagpapakita

na ito ay nagbabago kasabay ng pabago-bagong mga pangyayari

sa ating bansa at ang ating pagbabago sa mga kaugalian sa

lipunan. Sa kasalukuyan ay maraming wika sa Pilipinas,

ngunit isa lamang ang pambansang wika, ang wikang Filipino.

Natitiyak nating hindi nawawala ang wikang Filipino sa ating

mga Pilipino, dahil ito ang ating pambansang wika at patuloy

nating ginagamit sa pang-araw-araw na komunikasyon.

Gayunpaman, may mga taong nakialam sa ating wika, bunga ng

kanilang kawalan ng pagmamahal sa ating pambansang wika.

Dito sa Pilipinas, maraming bagong wika ang lumitaw, isa na

rito ang Gaylingo at ang wika ng mga homosexual. Alvaro, D.,

(2017) “Ang Filipino sa kasalukuyang panahon”. Academia.edu.


20

Ayon sa Dyornal ni Espinosa, M., (2019), lumalawak ang

Wikang Filipino sa paglipas ng panahon. Sinasabi rin nila na

walang pagbabago na matatanggap kung ang wika ay patay.

Dahil sa impluwensiya ng neolohismo ay marami ang

nangyayaring pagbabago, mula sa mga salitang nabuo ng iba’t

ibang henerasyon. Mula sa mga wikang Kastila, Ingles at iba

pang wika na nagmula sa banyaga, ito ay naging bahagi ng

ating pakikipagtalastasn at hanggang sa ngayong panahon ng

milinyal, mas maraming salita ang napadagdag sa

diskyunaryong Filipino ang napabilang sa talasalitaan. Dahil

dito, sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, ang mga mag-

aaral sa Dyunyor Hayskul ay kinakailangan magkaroon ng

unawaan sa mga makabagong salitang nabuo mula sa paglipas ng

henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masuri

ang impluwensiya ng neolohismo sa kasanayan sa

pakikipagtalastasan bilang dinamiko ng wikang Flipino. Ang

mga tagatugon sa pananaliksik ay nagmula sa Junior High

School na nagmula sa walong pampublikongpaaralan sa Antas

Sekundarya ng Silangan Distrito ng Dibisyon ng Lungsod

Calamba.

You might also like