Filipino Grade 9 Reviewers

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 9

Taung Panuruan 2022-2023

PAMIMILI. Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat
bilang.

KAALAMAN

C_____1. Ano ang tawag sa maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang
tuluyan tulad ng maikling kuwento, anekdota, mito, alamat, at nobela?

A. buod B. daloy C. banghay D. balangkas

C______2. Anog uri ng kuwento ang nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari?

A. katatawanan B. pag-ibig C. makabanghay D. tauhan

B_____3. Anong akda ang nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo;

A. dula B. nobela C. maikling kuwento D. sanaysay

C_____4. Anong uri ng tunggalian ang nagaganap sa isang tao laban sa kanyang sarili ?

A. pisikal B. panlipunan C. panloob D. panlabas

B_____5. Ano ang taglay ng tula na hindi makikita sa ibang akda?

A. aral B. indayog at aliw-iw C. damdamin D. paksa

D_____6. Ano ang hindi totoo tungkol sa tula?

A. Ito’y isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, at


ipinararating sa ating damdamin.
B. Ito’y nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at
paggamit ng magkakatugmang salita
C. Ito’y isang mabisang pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, imahinasyon, at mithiin sa
buhay.

D. Lahat ng manunulat ng tula ay tinatawag na makata.

B______7. Anong naidudulot na kabutihan ng pagkakaroon ng kahusayan o kaalaman


sa pangangatwiran?
A. nagkakaroon ka ng karapatan para ipagtanggol ang iyong sarili.
B. nagiging epektibo ang iyong pamamaraan sa pagpapaigpaw ng katotohanan at ilantad ang
kamalian.
C. katatakutan ka sa mga pagtatalong pasalita
D. magkakaroon ka ng maraming kaalaman na magagamit mo sa iyong pag-aaral
B______8. Ano ang ipinapakita ng isang pahayag na katotohanan?
a. ipinagtatanggol ang karapatan ng nakararami
b. sinusupurtahan ng datos, pag-aaral, pananaliksik at suportang impormasyon
c. ginagamit ang pariralang “puwedeng ang mga pangyayari…”
d. malinaw na naipahahayag

B______9. Anong bahagi ng balangkas na nagpapakita ng pinakamasidhing parte ng kuwento na kung


saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin?
A. Panimulang pangyayari C. Papataas na pangyayari

B. Kasukdulan D. Resolusyon/wakas

A______10. Saan ginagamit ng mga pang-uring pamilang na panunuran o ordinal?

A. pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan

B. pagkakasunod-sunod ng mga proseso

C. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

D. pagkakasunod-sunod ng mga paraan

______11. Mahigpit na ipinagbilin ng iyong guro na kinakailangan mong magrepaso nang mabuti para

pumasa ka at matuwa ang iyong mga magulang. Dahil sa di inaasahang pangyayari nakaligtaan

mong magbasa. Katabi mo ang pinakamagaling sa inyong klase, wala kang ibang maisip gawin

maliban sa mangopya. Anong uri ng tunggalian ang naganap?

A. pisikal B. panlipunan C. sikolohikal D. panlabas

_____12. Madalas nakikipagsapalaran ang isang magsasaka – walang katiyakan kung kailan uulan para

sa pagtatanim, walang katiyakan kung kailan titila ang ulan upang makapagbilad ng inani. Ano

ang tawag sa ganitong pakikipagtunggali ng magsasaka?

A. pisikal B. panlipunan c. sikolohikal d. panloob

_____13. Anong uri ng tula ang pumapaksa tungkol sa buhay sa kabukiran at sa kagandahang-asal ng
Mga magsasaka.
A. kababalaghan B. pag-ibig C. katatawanan D. pastoral

_____14. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari. Batay sa mga nakita ko walang dahilan para manisi.
Sapagkat ang tao’y may sariling kalayaan para pumili at magpasya. Anong damdamin ang
nangingibabaw sa pahayag?
A. kasiyahan B. pag-ayaw C. pagkainis D. pagtataka

_____15. Ano ang angkop at tamang pang-ugnay na hudyat sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari

ang angkop na ipuno sa patlang ng pangungusap na nasa ibaba?

________________ ay masayang ihain ang masarap na Indonesian Sate sa mesa upang


masayang pagsaluhan ng pamilya.
A. Sa wakas B. sumunod C. Sa simula D. Pagkatapos

A_____16. Ano ang pinakamatandang uri ng panitikan?

A. Tula B. Dagli C. Nobela D. Alamat

A______17. Ang tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran samakatuwid wala siyang dahilan para isisi sa

iba ang kanyang sasapitin. Anong panandang pangramatika ang salitang nakapahilis?

A. pangatnig B. pang-ukol C. pang-angkop D. pang-abay

Para sa bilang 18-19

Napatigagal si Padre Damaso, hindi dahil sa magagandang dalaga. Hindi rin dahil sa Kapitan
Heneral at sa mga alalay nito, kundi sa pagpasok ni Kapitan Tiago na hawak pa sa kamay ang isang
nakaluksang binata. Humalik ng kamay si Kapitan Tiago sa dalawang pari at magalang na bumati.
“Magandang gabi po sa inyo, mga ginoo.”Inalis ng pareng Dominikano ang suot na salamin at sinipat
angbinata. Namumutla naman at nanlalaki ang mga mata ni Padre Damaso. “Siya po si Don Crisostomo
Ibarra, anak ng namatay kong kong kaibigan,” Pagpapakilala ni Kapitan Tiago. “Kararating lamang niya
mula sa Europa, at sinalubong ko siya.” Hindi naikaila ang paghanga ng mga panauhin nang marinig ang
pangalan ng binata. Nakalimutan tuloy ni tenyente Guevarra ng guardia civil na batiin si Kapitan Tiago.
Nilapitan niya ang nakaluksang binata at sinipat mula ulo hanggang paa. Si Ibarra’y mataas kaysa
karaniwan, malusog, mukhang edukado. Magiliw ang kanyang mukha at kasiya-siyang kumilos.
Kababakasan iyon ng lahing kastila. Kayumanggi ang kanyang balat ngunit mamula-mula ang kanyang
pisngi. “A!” may pagtataka ngunit masayang bati ni Ibarra. “Sila ang kura sa aking bayan. Matalik na
kaibigan ng aking ama si Padre Damaso!” Nalipat ang tingin ng lahat kay Padre Damaso. “Hindi ka
nagkamali!” agaw ng prayle. “Pero, kailanman ay hindi ko naging kaibigang matalik ang iyong ama.”
Iniurong ni Ibarra ang iniabot niyang kamay sa pari. Nagtatakang tinitigan ang kausap. Tumalikod upang
harapin ang pormal na anyo ng tenyenteng nakatingin sa kanya.
Hango sa Noli Me Tangere

D_____18. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng opinyon?

A. Si Padre Damaso ang katunggaling tauhan

B. Si Ibarra ang pangunahing tauhan

C. Si Ibarra ay tauhang bilog

D. Batay sa nobela, si Padre Damaso ay tiwaling pari.

D______19. Ano ang mahihinuha sa huling dalawang talata ng seleksiyon?

A. Magkalabang mortal si Ibarra at Padre Damaso

B. Si Ibarra ay matampuhin

C. Matigas ang loob ni Padre Damaso.


D. May namumuong hindi maganda sa pagitan nina Padre Damaso at Ibarra.

A______20. Anong pahayag ang maituturing na makatotohanan?

A. Ayon kay Dr. Jose P. Rizal “Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.”

B. Sa ganang akin ang winika ni Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ay
mali.

C. Baka hindi hinuli at ikinulong si Dr. Jose P. Rizal kung hindi niya isinulat ang kanyang mga

nobelang Nole Me Tangere at El Filibusterismo.

D. Marahil ang mga pangyayari ngayon ay naiwasan kung naagapan ang sigalot.

B______21. Ano ang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa ibaba batay sa “Alamat ng
Padaythabin”.

1. kaya’t dumating ang panahong inabuso ng mga tao ang mahiwagang puno

2. mistulang nasa paraiso ang mga tao noon dahil walang suliranin ang mga mamamayan

3. ngunit nakilala ng mga tao ang kasakiman sa buhay

4. noong unang panahon, lahat ng pangangailangan ng mga tao ay nakukuha sa puno ng

Padaythabin.

5. Sahuli ay tuluyan na itong naglaho at hindi nakita pa ng mga tao

A. 4, 2, 3, 5, 1 B. 4, 2, 3, 1, 5 C. 4, 3, 2, 1, 5 D. 4, 3, 2, 5, 1

D______22. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod nina Jake, Boy, Anne, at Luke?

A. Una si Jake, ikalawa si Boy, kasunod si Anne, at panghuli si Luke

B. Una si Jake, pangalawa si Boy, pangatlo si Anne, at panghuli si Luke

C. Pang-una si Jake, ikalawa si Boy, ikatlo si Anne, at ikaapat si Luke

D. Una si Jake, pangalawa si Boy, pangatlo si Anne, at pang-apat si Luke

C______23. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagluluto?

1. Ihain ang bago at mainit-init na nilutong ulam.

2. Una, piliin ang sariwang karne ng baboy.

3. Hiwain ito batay sa planong luto.

4. Lutuin ito kasama ng mga kinakailangang sangkap.

5. Dagdagan ng asin at iba pang pampalasa upang makuha ang tamang timpla
A. 1, 2, 3, 4, 5 B. 2, 3, 5, 4, 1 C. 2, 3, 4, 5, 1 D. 2, 4, 3, 5, 1

C_____24. Magiliw o hospitable ang mga Pilipino sa mga panauhin maging sila man ay kamag-anak,

kaibigan, kakilala, o dayuhan. Kapag may pagdiriwang o pagtitipon sa tahanan ay sinisikap nilang
masiyahan ang lahat. Lubos nating pinahahalagahan ang pagdalaw ng mga panauhin sa ating
tahanan. Alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig ng matatag na opinyon?

A. Sa tingin ko positibo ang ganitong katangian ng mga Pilipino subalit sa kabilang banda may
dulot din itong hindi maganda.

B. Labis ko itong pinaniniwalaan

C. Labis akong naninindigan na ang ganitong kultura ng mga Pilipino ay dapat na ipagmalaki.

D. Sa aking pagsusuri, ang ganitong pag-uugali ay unti-unti nang kinakain ng teknolohiya

A_____25. Sadyang mahigpit ang pagkakabigkis ng pamilyang Pilipino. Masasalamin ito sa kanilang
pagpapahalaga bilang magkakasama sa hirap man o ginhawa. Madalas sa isang tahanan ay
kasama ng mag-asawa at ng kanilang mga anak ang ilang kamag-anak tulad ng kapatid, tiya, tiyo,
lolo, lola, at iba pa. Hindi nila basta pinababayaan ang kanilang mga kamag-anak na walang
matutuluyan. Alin sa sumusunod ang maituturing na neutral na opinyon?
A. Para sa akin, iba na ang bagong henerasyon, kanya-kanya na – sa oras ng kainan, may
nagpifacebook, may nagse-cellphone at kung ano-ano pa.
B. huwag na tayong umasa pa na magtatagal pa ang kaugaliang ito.
C. Buong igting kong sinusuportahan ang ganitong pamana ng ating mga ninuno, at ito ay
makikita
saa pamilyang sama-sama at masayang nagsisimba tuwing Linggo.
D. Nakikita pa rin ba hanggang sa kasalukuyan ang ganitong kaugalian?

A______26. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nagpapahayag ng opinyon?


A. A, basta naniniwala ako sa sinabi mo.
B. Labis akong naninindigan sa sinabi ng Bibliya tungkol sa pagpapalaki ng anak.
C. Kumbinsido akong lalaking mabubuting bata ang may tamang paggabay ng magulang.
D. Sa tingin ko ay dapat din nating isaalang-alang ang mga turo sa Koran tungkol sa tamang
pagpapalaki sa anak.

B______27. Tulang Makabayan; Buhay ay handang ialay, Makita ko lang ang iyong Kalayaan Tulang
Pangkalikasan; Ang aking pluma’y umaagos na tulad ng ilog; Tula ng Pag-ibig; Ang puso ko’y
natutong umawit, mula nang ikaw ay ibigay ng langit Tulang Pastoral: ___________________
A. Sa pagpalahaw ng makinang nagluluwal ng de-lata
B. sa pagsipol ni Juan sa gitna ng kabukiran
C. sa iyong pagpanaw ang mundo ko ay nagunaw Inihanda nina: Ginoong Esmael R. Navarro at
Gng. Helen O. Navarro
D. masaya ako sapagkat ang pag-ibig mo’y natamo

Para sa bilang 28-29

Matamis mabuhay sa sariling bayan


Na pinagpapala ng init ng araw
Ang mahinhing simoy na galing sa parang
Pagsinta’y matimyas maging kamatayan

Bahagi ng “Awit ni Maria Clara”

A______28. Ano ang paksa ng taludturan?


A. pagkamakabayan B . pastoral C. pag-ibig D. kalikasan

C______29. Alin ang halimbawa ng pangungusap na padamdam ang maaaring nakabatay sa tula?
A. Ako’y nasaktan sa iyong sinabi!
B. Malupit ang buhay sa mundo!
C. Grabeh!
D. Sana kunin ka na ni Lord!

Para sa bilang 30-31

Ang mga Pilipino ay kilalang matatag at matapang, hindi sumusuko, hindi umaayaw gaano man
kabigat ang suliraning pinapasan. Ang ganitong katangian ay muling namalas noong ika-23 ng Hulyo
taong kasalukuyan matapos ihayag ng Pangulong Duterte ang kanyang ikatlong SONA. Sa kabila ng mga
magaganda niyang nagawa, siya’y pinutakti sa kaliwa’t kanan. Naglipana ang napakaraming paninisi –
dumarami di umano ang mga walang trabaho, dumarami ang naghihirap. Ang pangulo ba ng nag-utos na
“sige mag-asawa kayo at mag-anak ng marami at ako ang magpapakain?” Ang pangulo ba ang nagsabing
“Sige huwag ka nang mag-aral at ihahanap kita ng trabaho?” Nakapagtataka kung saan ba nagmumula
ang ganitong mga kaisipan ng mga Pilipino. Halos duruin ang pangulo dahil sa mga patayang nagaganap
na kinasasangkutan ng mga tulak ng ipinagbabawal na gamot. Maraming sumisigaw ng katurungan para
sa mga napatay na salot sa lipunan. Ang nakapagtataka bakit walang Human Rights (CHR) kapag
nagahasa at napatay ang isang walang kamalay-malay na sanggol? Bakit walang Human Rights kapag ang
napatay ay isang alagad ng batas o ordinaryong mamamayan? Hindi ba mas magandang sa halip na
pumarada sa EDSA at magsusumigaw, humanap ng mga bagay na maaaring pagkakitaan? Hindi ba mas
mahalagang ipamudmod sa mga nangangailangan ang perang ginugol sa mga kagamitang gagamitin sa
pagwewelga?

Mr. Blue Heart


______31. Ang katwirang nangibabaw sa seleksiyon ay malinaw at matibay. Ang pahayag ay;
A. Tama, dahil nailahad ang mga batayan na nagpapatunay sa katuwiran.
B. Tama, nakuha nito ang loob ng mambabasa at malinaw ang ideang tinataglay
C. Mali, mabisa nga ang pagkakagamit ng mga salita ngunit walang batayan ang mga katwiran.
D. Mali, Malabo ang katwiran, magulo ang idea, at higit sa lahat walang batayan

_____32. Ano ang ginamit na sanggunian ng may-akda sa kanyang katwiran?


A. Ang sariling karanasan B. mass media C. walking dictionary D. wala
Pagganap/Paglikha

Para sa bilang 33-35

Ibig na ibig kong makakilala ng isang babaeng moderno, iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t
makaaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay,
puno ng tuwa at sigasig, pinagsisiskapan hindi lamang ang sariling kapakanan kundi maging ang
kabutihan ng buong sangkatauhan.

Bahagi ng “Liham para kay Estella Zeehandelar”


Mula sa Indonesia - Salin ni Ruth S. Mabanglo

C_____35. Ano ang layunin ng talata?


A. mangatwiran B. magsalaysay C. maglarawan D. maglahad

C_____36. Magbigay ng sariling interpretasyon sa pahiwatig na may salungguhit sa talata.


A. sumasabay sa daloy ng panahon
B. matapang na hinaharap ang mga pagbabago
C. binubuno ang mga pagsubok na kinakaharap
D. pilit na lumalaban sa kabila ng karamdaman
B_____37. Ibigay ang kahulugan ng salita batay sa denotatibo at konotatibong kahulugan
1. Ang kababaihan sa ngayon ay mabulaklak ang dila (konotasyon)
2. maraming magagandang bulaklak sa ating lipunan ngayon (konotasyon)
3. mabango ang mga bulaklak sa hardin (denotasyon)
A. 1. amoy bulaklak; 2. halaman; 3. dalaga
B. 1. bolero/a; 2. babae; 3. Halaman
C. 1. Mabango ang hininga; 2. Babae; 3. Halaman
D. 1. Bolero/a; 2. Halaman; 3. Dalaga

D_____38. 1)Bilang isang mamamayang kabilang sa Asya, tungkulin ko itong ipagtanggol sa alinmang uri
Ng karahasan. 2)Totoong ako ay wala pang sapat na kakayahan o lakas para gawin ito ngunit
natitiyak kong ito ay aking magagawa kahit sa simpleng paraan lamang. 3)Mag-aral nang mabuti,
pahalagahan ang kulturang kinagisnan, pangalagaan ang lupang tinubuan at iba pa. 4)Sa palagay
ko kaya nating gawin ang bagay na ito. Anong pangungusap ang nagsasaad ng opinyon?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
Para sa bilang 39-40

Sa tabi ng kanyang ina natulog si Basilio. Nakararamdam siya ng magkahalong lamig at init. Pilit
na ipinikit ang mga mata ngunit para pa rin niyang nakikita ang kapatid na naiwan sa kombento. Hindi
nagtagal at inantok din siya hanggang sa tuluyang makatulog. Nanaginip ng masama si Basilio. Nakita
niyang nag-uusap ang kura at sakristan mayor sa salitang hindi niya maintindihan. Palinga-linga naman
ang luhaang si Crispin. Hinarap ito ng kura at binarahan ng sunod-sunod na palo. Dahil sa sakit ay
nanlaban si Crispin. Nanipa. Sumigaw. Nabuwal sa kasasangga ng dumurugong mga kamay. Dala marahil
ng labis na hirap ay napilitang sugurin ni Crispin ang kura at kinagat sa kamay. Napasigaw ang kura at
nabitiwan ang pamalong yantok. Nakakuha ng baston ang sacristan mayor at pinalo sa ulo ang bata.
Nakabulagta na ang sugatang si Crispin ay pinagsisipa ng kura. Sigaw nang sigaw at pagulong-gulong si
Crispin…!

Bahagi ng Kabanata 17 ng Noli ni JPR

C_____40. Sa unang talata anong tunggalian ang nangibabaw?


A. pisikal B. panlipunan C. panloob D. panlabas

D_____41. Anong opinyon ang nagpapahiwatig sa sinapit ni Crispin?

A. Totoong napakalupit ng mga dayuhan.


B. ikasasawi ng buhay ni Crispin ang ganoong sinapit
C. Dapat parusahan nang mabigat ang mga taong nagdudulot ng sakit sa kanya.
D. Sa tingin ko, ikakamatay ni Crispin ang ganoong sinapit sa Sakristan Mayor

Para sa bilang 42-44

“Magulang, ang anak upang dumakila’y


Huwag palayawin mula pagkabata,
Pagkat ang lumaking sa layaw alaga
Ay halamang hindi magbubungang kusa.
Anak, magulang mo’y hindi bathalang
Ang bawat ibigay ay isang biyaya;
Ang maling paglingap niya’y walang pala
Kung hindi ka mandin malunos sa luha.

- Bahagi ng “Tulang Pagsisisi ng Isangg Bilanggo” ni Cirio H. Panganiban

C_____42. Ano ang paksa ng taludturan?


A. pagkamakabayan B. kalikasan C. pag-ibig D. pastoral
B______43. Sa pangungusap na “Ang halamang hindi magbubunga ng kusa ay napalaki sa layaw ng
kanyang mga magulang”.Ano ang kahulugan ng may salungguhit sa pahayag?
a. pananim b. anak c. magulang d. alaga

C______44. Batay sa binasa mong saknong, paano nga ba dapat hubugin ang anak upang lumaki siyang
Maayos at maging mabuting mamamayan?
A. ilaan ang lahat ng gusto niya upang maramdaman niyang siya ay mahalaga
B. ipagtanggol siya lahat ng pagkakataon
C. ituwid ang mga kamalian niya simula pa pagkabata
D. dapat siyang parusahan sa kahit anomang paraan

Para sa bilang 45-50.

Panuto: Sumulat ng isang dagli tungkol sa paksang “ Ano ang mas mahalagang taglayin
ng tao, katalinuhan o kayamanan?” Gamitin bilang gabay ang Rubriko sa ibaba.

Pamantayan 3 2 1
Paglalahad ng katwiran Nailalahad nang May 1 bahagi sa Malabo ang katwiran
malinaw at katwiran na walang dahil walang basehan
makatotohanan ang basehan
katwiran
Pagkakaayos ng dagli Maayos ang May bahaging wala sa Magulo ang
pagkasunod-sunod ng angkop na puwesto pagkakasunod-sunod
mga bahagi ng dagli ng mga bahagi ng
dagli
KABUUAN
Talahanayang Espisipikasyon ng Filipino 9
(Unang Markahan)

Kasanayang Bilang Porsyent Bilan Pag- Pagunawa Paglalapat Pagganap/


Pampagkatuto ng o ng g ng alala 25% (12) 30% (15) Paglikha
Araw Araw Ayte 15%(8) 30%(15)
m
1. Nasusuri ang paksa,
tauhan, at hudyat ng
pagkakasunod-sunod ng 6 20% 10 1-2 9-10 21-23 36-38
mga pangyayari sa akda (2) (2) (3) (3)
2. Natutukoy ang
tunggalian (at kung
anong uri nito) sa nobela 6 20% 10 3-4 11-12 24-26 39-41
at nakikilala ang mga (2) (2) (3) (3)
pahayag na nagbibigay
opinyon
3. Natutukoy ang mga
paksa ng tula at iba’t
ibang paraan ng 6 20% 5-6 13-14 27-29 42-44
pagpapahayag ng 10 (2) (2) (3) (3)
emosyon o damdamin
4. Natutukoy ang
kahulugan at
pangangailangan sa
pangangatwiran;
Natutukoy ang mga 6 20% 10 7 15-17 30-32 45-47
pang-ugnay at mga (1) (3) (3) (3)
pagpapahayag na
ginagamit sa pagbibigay
ng sariling pananaw
5. Natutukoy ang tauhan
bilang elemento ng
akdang pasalaysay,
gayundin ang mga 6 20% 10 8 18-20 33-35 48-50
ekpresyong (1) (3) (3) (3)
nagpapahayag ng
katotohanan o opinyon
30 100% 50 8 12 15 15

You might also like