Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MEYCAUAYAN COLLEGE

City of Meycauayan, Bulacan


GRADUATE SCHOOL DEPARTMENT
FIRST TRIMESTER/ A.Y. 2022-2023

FIL 201 AT FIL 202


UNANG PANGKAT

Name: Gonzaga Josephine A. Professor: Dr.Joel L Zamora


Course: MAED FIL Date: Sept. 1, 2022
Time: 6:00 P.M – 9:00 P.M.

ACTIVITY SHEET
1. Sa iyong palagay, ang mga teorya ba sa wika ay may malaking ambag sa pagpapaunlad ng
wika?

Tore ni Babel sapagkat sa teoryang ito ay sinasabing dito nagmula ang lahat ng salita sa ating
bansa.

2. Mula sa mga natalakay pumili ng isang panahon na tumutugon sa pagiging dinamiko ng


wika?

lahat ng mga bagay na nagbabago pagdaan ng panahon at walang kasiguraduhan ay


tinatawag na dinamiko. Tulad ng isang wika, nagbabago din ito, mga bagong salita ay
nadadagdag at mga lumang salita ay natatanggal at nakakalimutan. Halimbawa ay
ang wikang Filipino. Sa panahon na kung saan ang telnolohiya ay umaangat, madalas
ang mga mag-aaral ay nahihirapan gumamit ng wikang Filipino sa pagsasalita at
pagsusulat sa klase dahil ang nasabing wika ay pinapalagay na impraktikal na gamitin
sa mga aral patungkol sa modernong edukasyon. Ayon sa mga mag-aaral at guro,
mas nagagamit ang wikang Ingles kumpara sa wikang Filipino sa kanilang
komunikasyon at pag-aaral dahil mas madali itong maunawaan. Ayon kay Joreza
Sayon, isang guro, nagbabago ang wikang Filipino dahil sa kakulangan sa aplikasyon
nito sa mga bagay dulot ng globalisasyon. Ayon naman sa ikang Direktor ng Wikang
Filipino na si Rommel Rodriguez, ang wikang Filipino ay may malaking halaga sa
modernong panahon dahil malawak itong nagagamit sa maraming uri ng
komunikasyon sa lipunan. Ang paglaganap ng Tag-lish ay senyales ng pagiging
dinamiko ng wikang Filipino dahil konseptwal ito at bukas sa ibang wika.
3. Nararapat ba bilang isang guro ng wika na magkaroon ng sapat na kaalaman patungkol sa
linggwistika? Kung Oo sa anong mga pamamaraan, kung hindi bakit?

Ang guro sa Filipino ay dapat na higit na maalam pagdating linggwistika dahil ito ay bahagi ng
ating pang-araw-araw na trabaho. Paano natin ituturo ang isang paksa kung tayo ay may
kakulanagn sa nasabing lararan ng paksa.

4. Magbigay ng isang magandang naidulot ng pananakop ng mga banyaga sa ating wika.


Pangatwiranan.

Para sa akin isa sa magandang naidulot ng banyagang wika sa atin ay ang pagkakaroon ng iba
pang katawagan sa isang bagay dahil dito ay mas malalaman natin na may mas akma pang
wika o salita sa bagay na ito.

5. Bilang guro ng wika sa kasalukuyan, paano nakatutulong ang pagbalik sa iba’t ibang panahon
na may kaugnayan sa wika sa kasalukuyan?

Sabi nga bahagi ng kasalukuyan ang nakaraan kung kaya’t ang pagbabalik sa ,mga salita
noong unang panahon ay makakatulong din upang di mamatay ang pinag mulan ng mga
salita na ginagamit natin ngayon.

You might also like