Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON VII
DIBISYON NG MANDAUE
Plaridel St., Mandaue City

NAKALBO ANG DATU


(Kwentong-bayan ng Mindanao)

Para sa Filipino 7
UNANG MARKAHAN-LINGGO 1

SARILING LINANGAN KIT


1|Page
SELF-LEARNING KI
PAUNANG SALITA

Ang SELF-LEARNING KIT na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral sa


ikapitong baitang upang maipamalas nila ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Mindanao.
Ang mga gawain ay makapagpapatibay ng kanilang kaalaman sa
mga iba’t ibang kasanayan sa nasabing learning competency na pwedeng
gamitin at makapagpapaunlad ng mga pang-araw-araw na pamumuhay at
ng sariling karanasan.
Sa learning kit na ito ay matutunan ng mga mag-aaral ang Unang Aralin
tungkol sa Kwentong-Bayan mula sa Mindanao at Kasanayang Pangwika na
Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay.

TATLONG BAHAGI NG
SELF-LEARNING KIT NA
ITO:

A. Ano ang Nangyari? ay bahagi na kung saan ay sasagutin nila ang


mga iba’t ibang gawain na hindi pa nila lubusang nalalaman ang learning
competency.

B. Ano ang Dapat Malaman? ay bahagi na kung saan ay ipaliliwanag


ang learning competency na nakapaloob dito.

C. Ano ang Natutunan? ay bahagi na kung saan ay malalaman kung


nahasa ang kanilang kaalaman sa learning competency na naghihinuha sa
mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan at
nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

Inaasahan ang mag-aaral na malinang ang kanilang kakayahan at


magamit ang mga natutunan nila sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay.

2|Page
MGA LAYUNIN:

1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na


pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan;
2. naiuugnay ang mga pangyayari mula sa binasa sa mga nagaganap sa iba
pang lugar ng bansa;
3. naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng salita ayon sa gamit sa
pangungusap;
4. nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng tradisyon at akdang
pampanitikan batay
sa nabasang kuwentong-bayan;
5. naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng
tradisyon o kaugalian ng
lugar na pinagmulan nito;
6. nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay
at;
7. naibabalita ang kasalukuyang kalagayan ng lugar na pinagmulan ng
alinman sa mga kuwentong-
bayang nabasa, napanood, o napakinggan;

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

F7PN-Ia-b-1

1. Nahihinuha ang mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na


pinagmulan ng kwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan at;

F7WG-Ia-b-1

2. nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga


patunay.

3|Page
Magandang araw mga bata! Alamin natin
ngayon ang mga kwentong-bayan mula sa
Mindanao. Samahan ninyo ako na tuklasin ang
nakatagong yaman at kultura sa pulong ito, tara!

SARIWAIN NATIN 1

Punan ang talahanayan sa ibaba. Diskubrehin kung may mga alam


kang impormasyon ng tungkol sa datu.

Dalawa o tatlong kilala o pamilyar


na pangalan ng datu
Katangian ng isang datu
Responsibilidad ng isang datu
Paraan upang maging datu
Pamagat ng panitikang may
tauhang datu

SARIWAIN NATIN 2

Bigyang patunay ang mga pahayag sa ibaba. Gamitin ang mga salita
na nasa loob ng kahon upang makabuo ng pangungusap na nagsasaad ng
patunay tungkol sa mga pangyayari sa ating lipunan ngayon.

• Nagpapakita • Kapani-paniwala
• Nagpapatunay • Pinatunayan ng mga detalye
• Taglay ang matibay na kongklusyon

PAHAYAG PAGPAPATUNAY
1. Si Jose Rizal ay bayani.
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

4|Page
2. Hindi na makikita sa local channels ang ABS-CBN.
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

3. Nakakamatay ang Covid 19 virus.


_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

4. Sa panahon ngayon ay ligtas ang pagsunod sa Social o Physical


Distancing.
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

5. Gumagamit na ng bisikleta ang mga mamamayan ng Mandaue City.


_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

5|Page
II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Mga bata! Ihanda ang inyong sarili sa


pagkilala sa bantog na datu sa bahagi ng Mindanao.
Kilalanin din ang katangian ng isang Kwentong-
bayan mula rito. Ihanda naman ang sarili sa
panibagong kaalaman tungkol sa mga wastong
pahayag sa pagbibigay ng patunay. Madali lamang
ang lahat ng ito kaya tara at tayo’y magsaya!

LINANGIN NATIN 1

Ang kuwentong-bayan (folklore) ay mga salaysay tungkol sa mga


tauhang likha ng imahinasyon na maaaring kumakatawan sa mga uri ng
tao sa lipunang pinanggagalingan ng kuwento. Maaari ring ito ay mga
salaysay tungkol sa pook, mga mamamayan, paniniwala, kaugalian,
tradisyon, o relihiyon ng bayang pinagmumulan ng kuwentong-bayan.
Apat na katangian ng kuwentong-bayan:
1. nagpasalin-salin sa magkakasunod na henerasyon sa pamamagitan
ng tradisyong oral;
2. nasa anyong tuluyan o prosa;
3. tungkol sa mga diyos at diyosa, siyokoy, sirena, anito, kapre, tiyanak,
tikbalang, aswang, manananggal, at iba pang elemental na
makikita o pinaniniwalaan sa bayang pinagmulan ng kuwento; at
4. naglalaman ng mga tradisyon, pagpapahalaga, at paniniwala ng
bayang pinagmumulan nito.
Tatlong uri ng kuwentong-bayan:
1. Mito. Ito ay mga kuwentong tumutukoy sa mga diyos at diyosa at
kung paano nakikipag-ugnayan sa kanila ang mga tao at kung
paano rin sila nakikipag-ugnayan sa mga ito. (Halimbawa: Ang
Kuwento ni Mariang Sinukuan, Si Mariang Makiling, Si Malakas at si
Maganda).
2. Pabula. Ito ay mga kuwento na hayop ang mga tauhan at
karaniwang nagbibigay ng aral o paalala tungkol sa buhay at
pakikipagkapuwa. (Halimbawa: Ang Pagong at Matsing, Si
Langgam at si Tipaklong, Ang Aso sa Tulay, Ang Daga at Elepante).
3. Alamat. Tungkol ito sa pinagmulan ng mga bagay, lugar, pangalan,
o hayop. (Halimbawa: Ang Alamat ng Sampaguita, Ang Alamat ng
Ilog Pasig, Bakit Mapait ang Ampalaya, Bakit Matamis ang
Lansones).

6|Page
Mga Sanggunian:
Fr. Juan de Plasencia, OSF, “Customs of the Tagalogs,” Blair and Robertson
(eds.), The Philippine Islands 7: 194. Eugenio, Damiana L. Philippine Folk
Literature: The Myths. Quezon City: University of the Philippine Press. 2001.

Nakalbo ang Datu


Kuwentong-bayan mula sa Mindanao
muling isinalaysay ni Ramilito B. Correa

Nagsimula ang kwento sa isang datu na tumandang binata sa dahil sa


kanyang paglilingkod sa mga nasasakupan. Dahil siya ang punong abala sa
pamamahala ng kanilang lugar, nalimutan na niya ang mag-asawa. Kaya
pinayuhan siya ng matatandang tagapayo na kailangan niyang mag-asawa
para magkaroon siya ng magiging tagapagmana niya.
Kaya napilitang mamili ang datu ng kanyang mapangangasawa ngunit
naging pihikan ito dahil marami ang magagandang dilag sa lugar na
kanyang pinamumunuan. Tinulungan na ng matatandang bumubuo ng
konseho ang datu sa pagpili kaya natutunan na rin nito ang umibig. Hindi
lamang iisang ang kanyang napili kundi dalawang dalagang maganda at
mabait. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit
niyang mahal kaya pinakasalan niya ito parehas.
Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay nagngangalang Hasmin,
batang-bata at napakalambing at mahal nya ang datu kahit ito ay matanda
na. Mahal na mahal din siya ng datu kaya kahit ano ang kanyang hilingin ay
ipinagkaloob ito sa kanya. Dahil sa kanyang pagmamahal sa datu, umisip si
Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa. Kaya binunot nya
ang mapuputing buhok ng datu nang sa gayon ay magmukha itong kasing-
edad nya. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng
puting buhok ang asawa. Dahil dito, kaya madaling nakakatulog ang datu
ng mahimbing.
Ang isa pang dalagang napangasawa ng datu ay si Farida, mahal din
siya ng datu. Si Farida ay maganda at mabait din, hindi tulad ni Hasmin na
mas mabata kaysa sa datu, si Farida naman ay kasintanda ng datu. Kaya
natutuwa si Farida kapag nakikita niya ang mga puting buhok ng datu. Tuwing
tanghali, sinusuklayan niya ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim
niyang binubunot ang mga itim na buhok nito.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa datu, saya at galak
ang nararamdaman ng datu. Pinagsisihan niya kung bakit di agad siya nag-
asawa. Ngunit nagulat siya ng siya ay minsang manalamin at hindi nakilala
ang kanyang sarili. Napasigaw ang datu ng "Kalbo! Kalbo, ako!" Nakalbo ang
datu dahil sa pagmamahal ng kanyang dalawang asawa.

7|Page
Ang Mindanao na siyang pangalawang pinakamalaking pulo ng
bansa at sinasabing tahanan ng maraming Muslim ay tinatawag ding
Lupang Pangako ng Pilipinas. Sa panitikang Mindanao masasalamin ang
kultura at paniniwala ng mga Muslim at mga pangkat-etnikong naninirahan
dito. Karaniwang paksang kanilang panitikan ay may kinalaman sa kanilang
relihiyon at paniniwala gamit ang kanilang lingua franca, Bisaya at
Cebuano. Ayon sa kulturang Muslim, ang kasal ay nasa kawikaan ni
Muhammad, ‘kalahating relihiyon’. Ang pag-iisa ng dalawang kaluluwa sa
banal na seremonya ay makikita bilang isang ligal na pag-iisa at
panlipunang kasunduan. Ang mga lalaking Islam ay maaring magpakasal
sa apat na babae kung siya ay magiging pantay-pantay ang pagtingin sa
kanyang mga mapapangasawa at tratuhin ang mga ito nang pantay-
pantay. Ang mga mukha at kamay lamang ng mga kababaihang Muslim
ang maaari nilang ipakita sa publiko, ngunit maaari silang magsuot ng kahit
ano sa harap ng kanilang asawa.

Sanggunian: http://muslim-academy.com/the-right-understanding-of-the-
islamic-culture/#more-1897

LINANGIN NATIN 2

Ang mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay

May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan


ng isang bagay, pangyayari, paniniwala, o danas. Ginagamit ang mga
pahayag na ito upang mapatunayan at maging katanggap-tanggap o
kapani-paniwala sa mga tagapakinig ang pananaw o paninindigan ng
nagpapahayag. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan
rin ng mga datos o patunay na makapagpapatibay sa katotohanan ng
inilalahad. Maliban sa mga oral at pasulat na pagpapaliwanag, ang iba
pang anyo ng pagpapahayag na kailangan nang patunay ay ang balita,
editoryal, pormal na sanaysay, at iba pang sulating katulad nito na ang
pangunahing layunin ay ang magpabatid.
Ang mga pahayag na nagpatunay ay kailangang;
1. Kapani-paniwala – sa pamamagitan ng salitang ito, nailalahad ang
mga ebidensiya na nagpapatunay sa inilalahad.
2. May matibay na patunay – katunayang pinalakas at pinatatag ng
makapagkakatiwalaan at malinaw na mga ebidensiya o
impormasyon.

8|Page
3. Nagpapahiwatig – hindi direktang nakikita, nahihipo, naaamoy, o
naririnig ang ebidensiya subalit may mga pahiwatig na totoo ang
pahayag.
4. Nagpapakita – salitang nagpapahayag na totoo ang isang bagay
na pinatutunayan.
5. Nagpapatunay – ito ang salitang nagpapatunay sa katotohanan
ng pahayag.

Halimbawa:

1. Ayon sa mga nakalap na larawan, binubunutan nga nina Farida at


Hasmin ng buhok ang datu kapag nagpapahinga ito.
2. Kitang-kita sa mga video na masaya ang datu sa kaniyang
paglilingkod.
3. Batay sa mga impormasyong ibinigay ng mga mamamayan,
nakapili nang mabubuting asawa ang datu.
4. Pinapatunayan ng kaunlaran ng kanyang bayan ang matapat at
masigasig na pagsisilbi ng mabuting datu.
5. Makikita sa kalbong ulo ng datu ang ginawa sa kanya nina Farida
at Hasmin.

9|Page
III. ANO ANG NATUTUNAN?
Magaling mga bata! Ngayong nalaman na
ninyo kung anong uri ng kwentong-bayan ang mula
sa Mindanao at napag-aralan din natin ang mga
pahayag na naglalahad ng pagpapatunay, subukin
naman nating kalikutin ang inyong isipan sa mga
pagsasanay tungkol dito. Madali lamang ang gawin
kaya tara at gawing kasiya-siya ang pagsagot!

KALIKUTIN NATIN 1

A. Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang kasingkahulugan at


kasalungat ng mga salitang nasa bawat bilang. Pagkatapos ay isulat ito sa
patlang.

1. Naging pihikan ang datu sa pagpili ng kanyang mapapangasawa.


Kasingkahulugan: ___________________________________________
Kasalungat: _________________________________________________

2. Dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang


pamayanan
Kasingkahulugan: ___________________________________________
Kasalungat: _________________________________________________

3. Dahil wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit


niyang mahal
Kasingkahulugan: ___________________________________________
Kasalungat: _________________________________________________

4. Sa ganito, magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.


Kasingkahulugan: ___________________________________________
Kasalungat: _________________________________________________

5. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na


buhok ng asawa.
Kasingkahulugan: ___________________________________________
Kasalungat: _________________________________________________

10 | P a g e
K U L M A T A N D A W
A I K I N K A W A L A
I T N E T R A A M A L
B N D A D E A K A O A
A A N S K T T A S G N
H G I A A A I N A A G
A A T B A A L D K T P
N L S A N I T A I A I
P A N T A Y W K T P L
M D O S E N A O T T I

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang


kwentong-bayang, “Nakalbo Ang Datu”. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Bakit hindi agad nakapag-asawa ang datu?


a. dahil ayaw niya
b. dahil abala siya sa kanyang tungkulin
c. dahil walang nagkakagusto sa kaniya
d. dahil gusto niya maghanap ng maganda
2. Ano ang ginampanan ng datu sa kanilang lipunan?
a. simpleng mamayan
b. matandang binata
c. masipag na pinuno
d. mapagkakatiwalaang tagapayo
3. Ano ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng tagapayo ng datu?
a. malapit na kapamilya ng datu
b. mabuting kaibigan sa lahat ng oras
c. tagagabay sa tamang gawain ng datu
d. tagahanap ng mapapangasawa ng datu
4. Bakit kailangang mag-asawa ng datu?
a. upang magkaroon ng anak
c. upang mapunta sa kanya ang magandang babae
b. upang maranasan ang buhay-pamilya
d. upang magkaroon ng pamilya at tagapagmana
5. Bakit nakalbo ang datu?
a. dahil kay Farida
b. dahil kay Hasmin
c. dahil sa katandaan
d. dahil sa pagmamahal ng kanyang mga asawa

11 | P a g e
C. Sagutin ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay
ngpatunay?
a. Makatutulong ang mga pahayag sa pagkakaroon ng ugnayan ng
talata.

b. Makatutulong ang mga pahayag sa pagtukoy sa formalidad at


kaantasan ng wika
c. Makatutulong ang mga pahayag sa pag-alam ng kahulugan at
kasalungat ng isang salita.
d. Makatutulong ang mga pahayag upang tayo ay makapagpatunay at
ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-
paniwala sa mga tagapakinig.
2. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng pagbibigay ng patunay?
a. Huwag na sana tayong makadama ng labis na kalungkutan.
b. Malungkot makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga
mahal sa buhay at ari-arian.
c. Kaya naman magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti
ng lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap.
d. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development
Authority na kakailanganin natin ng 361 bilyong piso para sa muling
pagbangon ng mga lugar na labis na nasalanta ng bagyo.
3. Alin ang pangungusap na naglalahad ng patunay?
a. Umaasa silang huwag ng magkaroon ng ganoon kalakas na bagyo sa
bansa.
b. Sana ay magkaroon ng solusyon ang mga karahasang nagaganap sa
mga kababaihan.
c. Baka makakabangon tayo mula sa pagkalugmok sa pamamagitan ng
malalaking buwis.
d. Ang unti-unting pagtatayo ng mga nasirang gusali at mga tirahan at
pagsisismula ng muling komersiyo sa mga lugar na ito ang
nagpapatunay na bumabangon ang mga taga-Visayas.
4. Aling pangungusap ang naiiba sa ibaba?
a. Ang mga pangyayari sa panahon ngayon ay parusa sa ating lahat.
b. Ang mga pribadong organisasyon ay may malaking ambag sa panahon
ng krisis.
c. Ang Gender and Development ay gumagawa ng mga hakbang upang
masolusyunan ang mga problema na may kaugnayan sa karahasan at
pang-aabuso sa mga kababaihan.
d. Ang mahigit anim na libong bilang ng mga nasawi dahil sa bagyo ang
magpapatunay sa lakas at bagsik ng bagyong humambalos sa maraming
lalawigan sa Kabisayaan noong 2013.
5. Ito ay mahalaga sa pagbibigay ng mga patunay sa isang pangyayari.
a. opinyon
b. ebidensiya o datos
c. pormalidad ng wika
d. tamang pagpili ng salita
12 | P a g e
KALIKUTIN NATIN 2

A. Suriin ang mahahalagang bahagi ng binasang kuwentong-bayang,


“Nakalbo Ang Datu” at sagutin ang sumusunod na tanong. Gawing
gabay sa pagsagot ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay.

1. Ano ang kalagayan ng datu batay sa binasang unang bahagi ng akda?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang ebidensiya na naging abala ang datu sa kanyang matapat na


paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano ang patunay na nahihirapan ang datu na pumili ng kanyang


mapapangasawa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ano ang patunay na mahal na mahal nina Hasmin at Farida ang datu?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Batay sa binasang kuwentong-bayan, patunayan na mahalaga sa isang


datu ang magkaroon ng sariling pamilya.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. Patunayan ang katotohanan ng sumusunod na pahayag sa


pamamagitan ng paglilista ng mga ebidensiya o pagpapatunay.

Angkuwentong-bayan (folklore) ay mga salaysay tungkol sa mga


tauhang likha ng imahinasyon na maaaring kumakatawan sa mga uri
ng tao sa lipunang pinanggagalingan ng kuwento. Maaari ring ito ay
mga salaysay tungkol sa pook, mga mamamayan, paniniwala,
kaugalian, tradisyon, o relihiyon ng bayang pinagmumulan ng
kuwentong-bayan.

______________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

13 | P a g e
C. Gamit ang graphic organizer ay suriin ang ugnayan ng tradisyon at
akdang pampanitikan batay sa nabasang kuwentong-bayan. Isulat sa
loob ng bilog ang iyong sagot. Pagkatapos ay sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.

1-3 TRADISYON

KULTURA PANINIWALA

DATU

4. Paano mo ilalarawan ang kalagayang panlipunan sa Mindanao batay sa


mga pangyayari at usapan ng mga tauhan sa akdang, Nakalbo Ang Datu?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Batay sa iyong nabasang akda at impormasyon, ipaliwanag ang


pagkakaiba ng mga kultura at tradisyon ng mga taga-Mindanao, taga-
Visayas, at taga-Luzon.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

KALIKUTIN NATIN 3

May sariling mga kuwentong-bayan ang bawat bayan o probinsiya.


Ilista sa tsart ang kuwentong nagmula sa inyong lugar.

Kuwentong-bayan Paksa ng Kuwento Impluwensiya sa


Lipunan
1.

14 | P a g e
2.

3.

4.

5.

KALIKUTIN NATIN 4

Bilang panapos na gawain, sumulat ng isang balita o kolum na


nagpapatunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o
kaugalian ng lugar na pinagmulan nito. Gawing batayan ang natutunan mula
sa nabasang kuwentong-bayan at mga kuwento mula sa inyong lugar.
Bigyang-diin sa susulating balita ang tungkol sa kaugnayan ng
pangyayari sa paniniwala ng mga tao sa lugar.

_______________________________________________
Pamagat ng Balita

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

15 | P a g e
Rubriks sa Pagsulat ng Balita
Mga Napakahusay May Kahusayan Kailangan ng
Pamantayan 3 2 pagpapaunlad
1
Orihinalidad at Lubos na Nagpapakita ng Ang nilalaman
Nilalaman nagpapakita ng orihinalidad ang ng balita ay
orihinalidad ang nilalaman ng nagmula sa mga
nilalaman ng talata. naisulat nang
talata. mga talata.
Pag-organisa ng Malinaw ang Hindi Walang
ideya paglalahad ng masyadong kalinawan ang
ideya malinaw ang buong ideya ng
nilalaman ng balita.
balitta
Konsepto Maliwanag ang Maliwanag ang Hindi makikitaan
konsepto ng konsepto ng ang konsepto
balita tungkol sa balita tungkol sa tungkol sa
kwentong-bayan kwentong-bayan kwentong-bayan
bilang tradisyon ngunit hindi bilang tradisyon
o kaugalian ng malinaw ang o kaugalian ng
isang lugar. tradisyon o isang lugar.
kaugalian ng
isang lugar nito.
Kabuuan:

16 | P a g e
A. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba batay sa inyong natutunan
sa araling ito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay mga kwentong tungkol sa ating bayan na nagpasalin-salin sa iba’t


ibang tao at henerasyon.
A. Kuwentong-bayan C. Literatura
B. Panitikan D. Tula
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang kuwentong-bayan?
A. Pasalindila C. Patula
B. May gintong aral D. Mahihiwaga
3. Sa binasang kwentong “Nakalbo ang Datu, paano inilarawan ang datu?
A. Malupit at tamad C. Matipuno at magiliw
B. Masipag at pihikan D. Maliksi at maparaan
4. Bakit hindi siya kaagad nakapag-asawa?
A. Hindi magiliw ang datu sa mga babae
B. Walang babaeng nagkakagusto sa kanya
C. Bawal sa isang datu ang mag-asawa
D. Abala ang datu sa kanyang pamumuno
5. Ano ang mensaheng nakapaloob sa kuwento?
A. Walang magandang naidudulot ang pag-ibig
B. Mahirap magkaroon ng dalawang asawa
C. Dapat lamang magmahal ng iisang babae
D. Ang pagmamahal ay naipapakita sa iba’t ibang paraan

B. Piliin ang angkop na Pahayag na Nagpapatunay sa kahon at isulat ito


sa patlang upang mabuo ang kaisipan ng bawat pangungusap.

Nagpapakita Nagpapahiwatig Kapani-paniwala


May matibay na patunay Nagpapatunay

1. Ang tulong mula sa ibang bansa ay _________________________ sa likas


na kabutihang-loob ng tao anuman ang kulay ng balat at lahi mo.
2. Ang pagtulong sa panahon ngayon ay ________________________ ng
pagiging mabuting tao.
3. _________________________________ kaya hinatulan ng Korte Suprema
ang mga senador hinggil sa Pork Barrel Scam.
4. Ayon sa mga datos, _____________________ nga ang sigalot na dulot ng
pandemyang ito.
5. __________________ ang programang “I-Witness” na sadyang maraming
kabataan ang nagsusumikap sa buhay makatapos lang ng pag-aaral.

17 | P a g e
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA,
6. Ph.D., CESO VI
Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. 7.
RUELAN, Ed.D.
Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, Ed.D.


LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C.
8. MAGNO, MAEd
Education Program Supervisor in Filipino

GLORYSOL A. ALIC, TEACHER 1


Writer/Illustrator/Layout Artist

DEPARTMENT OF EDUCATION REGIONAL OFFICE

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed.D. JD, CESO VI


Regional Director

DR. EMELIANO B. ELNAR, JR.


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMDS-Education Program Supervisor

DR. ELAINE PERFECIO


Filipino Regional Education Program Supervisor

18 | P a g e
SINOPSIS 10. Nagpapatunay
9. Kapani-paniwala
Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito 8. May matibay na patunay
ay tumatalakay sa mga kaugalian at 7. Nagpapahiwatig
tradisyon ng mga kapatid nating Muslim 6. Nagpapakita
sa Mindanao. Matututunan mo ang 5. D
mga panitikang Pilipino mula sa 4. D
Mindanao. Sa pag-aaral ng mga 3. B
panitikang Mindanaoan, inaasahang 2. C
higit mong mauunawaan at 1. A
mapahahalagahan ang iyong pagka- SUBUKIN LALO ang KAALAMAN:
Pilipino.
KL – Kinakalat
Ang mga mag-aaral ay 5. KH – Patago
inaasahang maipamalas ang kanilang KL – Mas bata
pag-unawa sa mga akdang 4. KH – Kaeded
pampanitikan ng Mindanao. KL – Kaibahan
3. KH – Pantay
Tara na at samahan mo kami sa KL – Matanda
paglalakbay sa mga akdang- 2. KH – Dalaga
pampanitikan na nagpapamalas sa KL – Walang Pili
katangi-tanging ganda ng kultura at 1. KH – Maarte
tradisyon ng Mindanao. KALIKUTIN 1:

SUSI SA PAGWAWASTO:

May-Akda: GLORYSOL A ALIC. Nagtapos sa Cebu Normal


University sa kursong Bachelor of Science in Education with
area of Specialization- Filipino noong 2007. Kasalukuyang
nagtuturo sa Don Gerardo Llamera Ouano Memorial
National High School bilang guro sa ikapitong baitang, at
isang grade leader. Tinatapos ang kanyang post
graduate studies na Master of Arts in Education major in
Filipino sa Cebu Technological University.
Y OUR PICTURE

19 | P a g e

You might also like