Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Action Research

Sa
Mga
Kontinente
Ng
Daigdig

By:
James Vincent L. Sitchon
8-Orange
Discussion:
Ang lupalop na kikilala rin bilang kontinente, ay ang pinakamalaking uri ng anyong lupa.
Sa daigdig, ang mga ito ay binubuo ng magkakaratig na bansa na kadalasan ay nasusukat at
naitatangi dahil sa kanilang kultura, tradisyon, at teritoryo. Heograpiya ang tawag sa agham ng
mga lokasyon ng mundo. Nakapokus ito sa distribusyon ng likas na yaman at mga tao sa ibabaw
ng lupa. Ang kontinente ay ang pinakamalaking uri ng anyong lupa. Sa daigdig, ang mga ito ay
binubuo ng magkakaratig na bansa na kadalasan ay nasusukat at naitatangi dahil sa kanilang
kultura, tradisyon, at teritoryo. Ang lupa ng daigdig ay nahahati sa pitong malalaking kontinente.
Ang mga kontinenteng daigdig na ito ay ang mga Asya, Europa, Africa, Australia o Oceania,
Hilagang Amerika, Timog Amerika, Antartica o Antartika Ang planetang Daigdig ay ang
pangatlong planeta mula sa Araw. Ito ang pinakamalaking planetang terestriyal ng sistemang
solar.
ASYA
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na
ikatlong bahagi ng mundo. May sukat itong 43,810,582 km² o 17,159,995 milya kuwadrado
(mi2). Ito ay nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng isang makinaryang libu-libong linya and
dumadaan buhat sa Bundok Ural patungong Dagat Caspian, Bulubundukin ng Caucasus at sa
Dagat Itim (Black Sea). Ang hangganang naghahati sa Africa at Asya ay ang Suez Canal at ang
hangganan sa pagitan ng Hilagang Amerika At Asya ay ang Bering Strait. Sa hilaga ng Asya ay
ang Karagatang Artik at sa timog nito, ang Karagatang Indian. Ang Karagatang Pasipiko ang
nasa silangan ng Asya at sa kanluran nito matatagpuan ang Bundok Ural, Dagat Caspian, Dagat
Itim at Dagat Aegean. Ang Asya ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang
isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at
paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito. Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa
Asya ay ang kabihasnang Tsina, India, Mesapotamia, Persia at kabihasnang aramaiko na may
dalawang sangayang Israel at arabo.
EUROPE
Ang Europa ay isang kontinente na bumubuong kanlurang bahagi ng super kontinente ng
Eurasia. Pinalilubutan ang Europa ng Karagatang Artiko sa hilaga, ng Karagatang Atlantiko sa
kanluran, ng Dagat Mediteraneo at Dagat Itim sa timog, at ng Kabundukang Ural sa silangan.
Kung pagbabatayan ang lawak, ikalawang pinakamaliit na kontinente ang Europa namay lawak
na 10,400,000 km², mas malawak nang kaunti sa Australia. Kung pagbabatayan ang populasyon,
ito ang ikatlong pinakamalaking kontinente kasunod ng Asya at Africa. Tinatayang 666,498,000
ang populasyon ng Europa noong 2000, halos ikapitong bahagi ng populasyon ng mundo
NORTH AMERICA
Ang Hilagang America ay isang kontinente sa hilagang hemisperyo ng Daigdig athalos
na nasa kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang
Karagatang Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean satimogsilangan, at Hilagang Karagatang
Pasipiko sa timog at kanluran. Nasa24,500,000 km² (9,460,000 sq mi) ang sakop nito, o nasa
4.8% ng ibabaw nabahagi ng planeta. Noong Hulyo 2002, tinatayang mahigit sa 514,600,000 ang
populasyon nito. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente ayon sa sakop,
pagkatapos ng Asya at Aprika, at ika-apat na pinakamalaki ayonsa populasyon, pagkatapos ng
Asya, Aprika at Europa.
SOUTH AMERICA
Ang Timog Amerika ay isang kontinente na matatagpuan sa Kanlurang Hemispiro sa
pagitan ng mga karagatang Pasipiko at Atlantiko. Kadalasang tinutukoy bilang kabilang sa
Amerika, katulad ng Hilagang Amerika,pinangalan ang Timog Amerika kay Amerigo Vespucci,
na ang unang Europeo na nagmungkahi na ang Amerika ay hindi ang Silangang Indies, ngunit
isang hindi pa natutuklasang Bagong Mundo. May laki ang Timog Amerika ng of 17,840,000
kilometro kuadrado (6,890,000 milyakuadrado), o nasa 3.5% ng ibabaw ng Daigdig. Noong
2005, tinatayang nasa 371,000,000 ang populasyon nito. Pang-apat ang Timog Amerika sa laki at
panglima sa populasyon
AUSTRALIA
Ang Komonwelt ng Australya o Australya ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa
mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon
ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki dito
ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isang federasyon at
pinamamahalaan bilang parliamentary constitutional monarchy. Kasama sa mga karatig bansa ng
Australia ay ang Indonesia, East Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Pacific Islands sa
hilagang-kanluran, at ang New Zealand sa timog-silangan. Ang Oceania ay ang pangalan na
ginagamit sa heograpiya para sa rehiyon na binubuo ng Australia, New Zealand, New Guinea, at
iba pang mga islang bansa na paloob dito. Ang ibang tao ay tinatawag ang bahaging ito ng
mundo bilang Australasia. Para sa iba, ito ay itunuturing kasama sa lupalop ng Australasia.
AFRICA
Ang Aprika, ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa
pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240
mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano
(lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika Ang Silangang Aprika
ay pinakasilangang rehiyon sa kontinente ng Aprika, na iba't iba ang kahulugan sa heograpiya o
heopolitika. Sa Mga Nagkakaisang Bansa iskimang mga heograpikong rehiyon.
ANTARCTICA
Ang Antartiko ay isang kontinente na pinapalibutan ng Katimogang Dulo ng Daigdig. Ito
ang pinakamalamig ng lugar sa daigdig at halos natatakluban ng yelo ang kabuuan nito. Hindi
dapat ipagkamali sa Artiko, na matatagpuan sa salungat na bahagi ng planeta na malapit sa
Hilagang Dulo ng Mundo. Bagaman mababakas noong unang panahon ang mga alamat at hinala
tungkol sa isang Terra Australis ("Katimugang Lupain"), naganap noong 1820 ang unang
karaniwang tinatanggap na pagkita ng kontinente at noong 1821 ang unang napatunayang
paglapag ng isang Rusong ekspedisyon nina Mikhail Lazarev at Fabian Gottlieb von
Bellingshausen. Gayon man, isang mapa ni Admiral Piri Reis noong 1513 ang naglalaman ng
isang katimogang kontinente na mayroong posibleng pagkahawig sa pampang sa Antarctica.
Konklusyon:
Kumpirmado ng makabagong agham na ang Daigdig lamang ang katawang pamplaneta
kung saan maaaring tumira ang mga buhay na organismo tulad ng mga hayop at halaman.
Sinasabing nagmula sa isang malaking kontinente ang pito. At dahil sa mga sakuna at mga
pagbabago sa klima,nagkawatak-watak ang mga lupa at nabuo ang kasalukuyang anyong mga
kontinente sa daigdig. May iba't ibang anyo ang lupa sa daigdig. Nariyan ang bundok, bulkan,
kapatagan, talampas, tangway, burol, lambak at mga isla.

References:
“7 Kontinente Sa Daigdig | PDF.” Scribd, www.scribd.com/doc/284376323/7-Kontinente-Sa-
Daigdig. Accessed 15 Oct. 2022.
Mahumot, Aivan. “(PDF) MODYUL 1: Heograpiya at Mga Sinaunang Kabihasnan Sa Daigdig |
Aivan Mahumot - Academia.edu.” (PDF) MODYUL 1: Heograpiya at Mga Sinaunang
Kabihasnan Sa Daigdig | Aivan Mahumot - Academia.edu,
www.academia.edu/33649851/MODYUL_1_Heograpiya_at_mga_Sinaunang_Kabihasnan_sa_D
aigdig. Accessed 15 Oct. 2022.

You might also like