Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. Ano ang wika?

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay
na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa
daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto.
Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay.
Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang
wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na
nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang
"wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o
wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

A. Kahalagahan ng wika

Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. Nagkakahiraman
ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang wika, walang magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan,
paniniwala, pamahiin, at sa iba pang bagay na kaugnay ng pamumuhay at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Naipakikilala ang
kultura dahil sa wika. Yumayaman naman ang wika dahil sa kultura. Isang magandang halimbawa nito ang mga payyo
(tinatawag ding payao o payaw), ang hagdan-hagdang taniman ng palay ng mga lgorot.

Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya. Hindi tunay na
malaya ang isang. bansa kung hindi nag-aangkin ng sariling wikang lilinang sa pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.
Malaki ang papel na ginagampanan ng wika bilang tagapagpanatili ng pambansang kamulatan at pagkakakilanlan. Wika ang
tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito.

B. Katangian ng wika

1.) Ito ay may masistemang balangkas.


Nakaayos satiyak na balangkas
Nakabatay sa balarila or grammar at ponema, morpema, hanggang sintaks.
2.) Ito ay binibigkas na tunog.
Ang wika ay binubuo ng mga tunog.
Pinagsama-samaang tunog upang makalikha ng mgasalita.
3.) Ito ay pinipili at isinasaayos.
Layunin ng wikaang magkaroon ng epektibong komunikasyon na may malinaw na
mensahe.
4.) Ito ay arbitraryo.
Ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng gumagamit nito.
5.) Ito ay patuloy na ginagamit.
Isang katangian ng wika ay ang pagiging gamitin. Ito ay kasangakapan sa komunikasyon.
6.) Ito ay nakabatay sa kultura.
Nagkakaiba-iba ang wika nang dahil sa iba-ibang kultura.
7.) Ito ay dinamiko o nagbabago.
Ang wika ay nadaragdagan ng bagong bokabularyo habang lumilipas ang panahon.

2. Angkan ng wika
1. INDO-EUROPEAN
2. FINNO-UGRIAN 
3. ALTAIC
4. CAUCASSIAN
5. AFRO-ASIATIC
6. KOREAN
7. JAPANESE
8. SINO-TIBETAN 
9. MALAYO-POLYNESIAN
10. AUSTRALIAN

You might also like