Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Prelim Aralin 3: Ang Wika at ang

Lipunan; Gamit ng Wika sa Lipunan


Status Open

Category Aralin

Created @September 23, 2022 8:55 PM

Edited @September 23, 2022 9:36 PM

“Ayon kay Durkheim (1985), isang sociologist, ang mga taong nasa isang lipunan ay may kanya-
kanyang papel na ginagampanan. Sila ay namumuhay, nakikisama, at nakikipagtalastasan sa
bawat isa.”

“Sa pamamagitan ng wika naipapasa sa susunod na henerasyon ng kultura ng isang lipunan.


Sadyang napakalaki ng gampanin ng wika sa isang lipunan. Ito ang nagbibigkis sa mga kasapi sa
lipunan. Ito ang istrumento ng kanilang pagkakaunawaan; at ito ang simbolo ng kanilang
pagkakakilanlan.”

“Kung ang ginagamit na mga wika sa lipunan ay naiintindihan ng isa’t isa, anoman ang estado sa
buhay, tiyak, magkakaroon ng pag-unawa sa isa’t isa na isa ring magiging tulay upang magkaisa
o magkasundo ang lahat na nasa iisang lipunan.”

TUNGKULIN O GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


7 Tungkulin o Gamit ng Wika Ayon kay M.A.K. Halliday sa kaniyang librong ‘Explorations
in the Functions of Language (Explorations in Language Study)’ (1973)

1. Interaksyon - Nagkakaroon ng tawanan, iyakan at pagkakaunawaan gamit ang wika.

2. Instrumental - Nakikiusap at humiginga ng tulong ang tao gamit ang wika.

3. Regulatori - Ang wika ay nakapagpapakilos ng sambahayanan maging ng sandaigdigan.

4. Pansarili o Personal - Naipapahayag ang mga nararamdaman, pangitain, opinyon at


pagkatao ng isang indibidwal.

Prelim Aralin 3: Ang Wika at ang Lipunan; Gamit ng Wika sa Lipunan 1


5. Imahinatibo - Sa pagiging malikhain ng tao ay natural na dumadaloy ang paggamit ng
wika sa imahinatibong pamamaraan.

6. Heyuristiko - Nagtatanong at humihingi ng impormasyon sa pagnanais niyang matuto, at


magkamit ng mga kaalaman.

7. Impormatibo - Naipapabatid at naihahatid ang mga bagong kaalaman at katotohanan sa


pamamagitan ng wika.

“Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan, susi ito sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Gamit
ang wika nang tama dahil iyan ang magbibigkis sa iyo sa ibang tao. Kung paano mo ginagamit
ang wika, iyan ang maaalala sa iyo ng ibang tao.”

Prelim Aralin 3: Ang Wika at ang Lipunan; Gamit ng Wika sa Lipunan 2

You might also like