Araling Panlipunan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN

Lokasyon, Panahon, at Klima ng Pilipinas

Globo
 Bilugang representasyon ng daigdig at tinuturing na eksaktong modelo nito.
 Ginagamit upang matukoy ang tiyak na kinalalagyan o direksiyon ng mga bansa.
 Mailalarawan ang anyo, hugis, at laki ng mga bansa na bumubuo sa daigdig.

Mapa
 Lapat o patag na representasyon ng isang lugar.

Kartograpo
 Ang tawag sa mga taong gumagawa ng mapa.

Mapang Pulitikal
 Nagpapakita ng hangganan ng mga teritoryo o rehiyon.
 Gumagamit ng iba’t ibang kulay.

Mapa ng Populasyon
 Nagpapakita ng dami o kapal ng bilang ng mga tao sa isang lugar sa loob ng isang tiyak na
panahon.

Senso (Census)
 Paraan ng pagbibilang ng kompletong dami ng sambahayan sa bansa upang malaman ang
tinatayang kabuuang bilang ng mga mamamayan.

Mapang Pangkabuhayan
 Nagpapakita ng sari-saring kabuhayan sa iba-ibang lugar.

Mapang Pangklima
 Naglalarawan sa nararanasang klima sa isang pook.

Mapang Pangkalsada
 Binibigyang diin ang mga kalsada at mga palatandaang makikita sa isang pook tulad ng mga
gusali ng pamahalaan, mga parke, mga paaralan, sambahan, botika, ospital, istasyon ng bus,
mga kainan, at iba pa.

Mapang Pangwika
 Isang uri ng map ana nagpapakita ng pagkakabahagi ng wika o ng mga wika sa isang pook.

Digri ( °)
 Panukat s globo dahil ito ay bilog.

Digring Latitud
 Sinusukat and distansya mula sa ekwador, pahilaga o patimog.
Digring Longhitud
 Sumusukat sa distansya mula sa Prime Meridian, pakanluran o pasilangan.

Batayang Guhit
 Mga guhit na nakikita sag lobo at mapa.

Grid
 Guhit na nagkukrus sa globo at mapa.

Polo
 Dulong bahagi ng daigdig

Hilagang Polo (North Pole)


 Polong nasa Hilaga.

Timog Polo (South Pole)


 Polong nasa Timog

Mga Guhit Latitud


 Guhit na makikita sag lobo at map ana pahalang o nakahiga.
 Tinatawag din itong parallels.
 Ekwador
 Tropiko ng kanser
 Tropiko ng kaprikorn
 Kabilugang Artiko
 Kabilugang Antartiko

Mga Guhit Longhitud (meridian)


 Prime Meridian
 International Date Line

International Date Line


 Batayang guhit sa pagbabago ng oras at petsa.

Batayang Pagtukoy ng Lokasyon


Lokasyong absolute
 Eksaktong lokasyon sa ibabaw ng daigdig.
 Degree ng latitude at longhitud na nagsasalubong.

Lokasyong relatibo
 pagbanggit sa mga pisikal na palatandaan.
 Anyong lupa
 Anyong tubig
 Iba pang pook o lugar

Lokasyong Insular o Maritime:


 Nakapalibot na anyong tubig.
Lokasyong Bisinal o Kontinental:
 Karatig-pulo o karating bansa.

KLIMA
 Pangkaraniwan at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon sa isang takdang
lugar o rehiyon.

PANAHON
 Tumutukoy sa kainitan, katuyuan, kalamigan, kabasaan, katahimikan, pagkamaaraw,
pagkamahangin, pagiging maulan sa isang pook sa isang takdang oras na maaaring magbago.

TEMPERATURA
 Sukat ng int at lamig ng isang bagay o lugar.

HALUMIGMIG
 Nararamdamang maalinsangang singaw sa hangin.

HANGING HABAGAT
 Hanging malamig na nagdadala ng malalakas na pag-ulan sa bansa.

HANGING AMIHAN
 Malamig at tuyong hangin na nagmumula sa bahagi ng Tsina at Siberia patungo sa timog-
kanluran.

PAGASA
 Philippine
 Atmospheric
 Geophysical
 And
 Astronomical
 Services
 Administration

TEORYA
 Paliwanag na kapani-paniwala o katanggap-tanggap ng agham na inilalahad upang
maisalaysay ang maaaring dahilan ng mga kababalaghan.

TEORYA NG PAG-ANOD NG LUPALOP (Continental Drift Theory)


 Bunga sa pag-aaral ng isang dalubhasa na si Alfred Wegener.
 Paggalaw ng mga kontinente.

TEORYANG BULKANISMO/PASIPIKO
 Sinasabing nabuo ang bansa ula sa pagputok ng mga bulkan na nasa ilalim ng Karagatang
Pasipiko.
 Teorya ayon sa pagsasaliksik ni Bailey Willis.
TEORYANG ASYATIKO
 Nabuo sa paraang diyastropismo ( diastrophism) ang kapuluan ng PIlipinas ayon sa Teoryang
Asyatiko ni Dr. Leopoldo Faustino.
 Paggalaw ng lupa kaya may bahagi itong tumaas at may bahaging lumubog.
 Naganap sa pamamagitan ng pagtiklop (folding), pagkakaroon ng lamat (faulting), at
pagkiwal (warping) ng lupa.

You might also like