Kontemporaneong/Kontemporaryong Isyu- tumutykoy sa mga pangyayari,
pagkakataon, usapin, paksayang talakayin at mga kondisyong nagaganap sa
kasalukuyang panahon
Pano natin malalaman tungkol sa mga issue?
>Through Observation > Personal Experiences
Dalawang Kategorya: Konstruktibo Nakakasama
Sa bawat isyu at usaping panlipunan, ang tao ang sentro at may
mahalagang tungkulin sa pamayanan at sa kabuuan ng lipunan
PAMAYANAN- tinatawag ding komunidad, ito ay tumutukoy sa isang lugar na
kinabibilangan ng mga tao at nanroon ang kaalamang mabibihgay sa iisang tradisyon at ang pagkilala at pagsaabuhay sa nakaugaliang kultura
Ang pagkamulat sa iba’t ibang isyu sa komunidad ay mahalaga upang
maunawaan ng tao ang kanyang responsibilidad na tumulong upang matugunan ang mga ito
PAGKAMAMAMAYAN(CITIZENSHIP)- ang pagkamamayan ay hindi lamang
tumutukoy sa kinabibilangang lahi o pagiging kasapi ng isang bansa. Ang pagiging mamamayan ay tumutukoy sa responsibilidad ng isang mamayan sa kanyang lipunan
PAGKILALA AT PAGTUGON SA KALAMIDAD
Kalamidad- tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan sa mga tao komunidad na tinatamaan nito. Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan subalit may kinalaman din ang mga tao madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.
Mga Uri at Klasipikasyon ng Kalamidad
a) Mga Natural na Kalamidad- sakuna na dulot ng mga likas o natural na proseso at Sistema ng kapaligiran at ng ga pagbabago sa kalikasan 1) LINDOL- Ito ay sakunang bunga ng biglaang paggalaw ng lupa na nagdudulot ng pinsala sa mga gusali, tulay, bahay at mga kahalintulad nng estruktura 2) BAGYO- tumutukoy sa isang napakalaking Sistema ng kaulapan at malakas na hangin na kumikilos nang malakas nang paikot at madalas ay may kasamang malakas at matagal na pagulan 3) DALUYONG/STORM SURGE- isang di normal at biglaang pagtaas ng lebel ng tubig sa dalampasigan dahil sa paggalaw ng anyong-tubig dulot ng bagyo 4) PAGSABOG NG BULKAN- nabubuga ang bulkan ng lava dahil sa malakas na presyur na dulot ng matinding pagkuulo ng magma sa ilalim neto 5) PAGLALAGANAP NG SAKIT O EPIDEMYA- tumutukoy sa palaganap ng sakit sa komunidad
b) Kalamidad na Dulot ng Kilos at Gawain ng Tao- isang kalamidad na
dulot ng kilos at Gawain ng tao na kinabibilangan ng mapaminsalang aktibidad, kawalan ng pagkilos at pagkukulang upang maagapan ang epekto ng isang gawain
1) KRIMEN/TERORISMO- ay mga pangyayaring pantao at kalimitan ay
dulot ng pagkakaiba sa interes at kagustuhan 2) PAGSABOG DULOT NG SANDATANG NUKLEYAR- isang panganib na may kakayahang magdulot ng malawakang pinsala o kamatayan (Weapons of Mass Destruction) 3) PAGGAMIT NG NAKAKALASONG KEMIKAL- ginagamit upang makipagdigma sa ibang bans ana kung saan ay malaking pinsala ang madudulot nito sa buhay ng tao at kapaligiran 4) OIL SPILL- isang kalamidad na nangyayari kapag tumagos o natapon ang langis o petrolyo sa karagatan 5) CYBER ATTACK – isang uri ng makabagong sakuna na ginagamitan ng teknolohiya upang makapinsala sa iba’t-ibang gawain ng tao PAGTUGON NG TAO Ang tao ay may mahalagang tungkulin upang maiwasan at malutas ang mabibigat na problemang dulot ng kalamidad sa kanyang pamayanan. Tungkulin ng bawat mamamayan na makipagtulungan sa pamahalaan sa pagtugon nito sa mga kalamidad. Ang tao ay marapat na gumawa ng pagkilos sa bawat aspekto ng kalamidad tulad ng paghahanda (mitigation), pagpapababa (reduction), at pamamahala ng gobyerno (management). Ang mabisang pagtugon sa kalamidad ay maaaring magsimula sa pamayanan at sa barangay na kumakatawan sa pamahalaan. Ang bawat mamamayan at pamilya ay nabibilang sa isang barangay. Ito ay itinuturing na batayan sa pamamahala ng mga pamayanan sa ating bansa. Ang barangay ang pangunahing yunit ng pamahalaan na tumutugon sa pangangailangan ng mga tao sa komunidad.
MGA AHENSIYA NG PAMAHALAAN AYON SA KALAMIDAD
1) NDRRMC (National Disaster Risk Reduction Management Council)- tagatasa sa epekto at mga apektado ng isang kalamidad; gumagawa ng ulat ng iba’t ibang aksiyon o hakbang ng pamahalaan sa pag-iwas sa mga pinsalang dulot ng kalamidad.
pinamumunuan ng lokal na opisyal (gobernador o alkalde) na may tungkuling isagawa ang pagbakwet ng mga residente kung kailangan at bumuo ng mga programang kaugnay ng DRR (Disaster Risk Reduction)
2) DSWD (Department of Social Welfare and Development/Kagawaran ng
Kagalingan at Pagpapaunalad Lipunan)-Nangunguna sa pagtanggap, pagbibigay, at pamamahagi ng tulong sa mga apektado ng kalamidad
3) PIA (Philippine Information Agency)- Nagbibigay ng update tungkol sa
ginagawang relief and rescue operations sa mga lugar na apektado ng kalamidad 4) PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration/Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heosipiko at Astronomiko)- naguulat at nagbibigay babala tungkol sa lagay ng panahon, kabilang narin ang pagmonitor sa lagay ng baha
5) PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology)-
naguulat ng anumang impormasyon na may kinalaman sa aktibidad ng bulkan, lindol at tsunami
6) DEPED (Department of Education)- naghahanda ng mga paaralan na
maaaring maging pansamantalang tirahan ng mga nasalanta (Evacuation Center) sa tuwing may kalamidad sa komunidad
7) RED CROSS – isang pribadong sekto na kabalikat ng pamahalaan sa
pagbibigay ng tulong medikla sa mga mamamayan sa tuwing may kalamidad