Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PROSPERIDAD NATIONAL HIGH SCHOOL

POBLACION, PROSPERIDAD, AGUSAN DEL SUR

UNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: _________________


Guro: BB. JEWELRY ANN A. CABUSAS Iskor: _________________

I. TAMA o MALI
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI kung ito ay mali.

____________1. Ang heograpiya ay ang siyentipikong pag – aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
____________2. Hindi nakaaapekto ang heograpiya sa daloy ng kasaysayan.
____________3. Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.
____________4. Ang lugar ay tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook.
____________5. Ang lugar na malayo sa equator ay nakararanas ng pinakamainit na klima sa buong daigdig.
____________6. Ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay ang Mount Everest.
____________7. South America ang pinakamalaki at pinakamalawak na kontinente sa buong daigdig.
____________8. Ang rehiyon ay ang pinagbubuklod – buklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultura.
____________9. Tinatawag na core ang kaloob – loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng metal tulad ng iron at nickel.
___________10. Atlantic Ocean ang pinakamalawak na karagatan sa daigdig.

II. MARAMING PAGPIPILIAN


Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

11. Ano ang tawag sa pangkat ng mga taong naninirahan sa iisang lugar at nakapagtatag ng maunlad na
pamayanan?
a. Mesopotamia c. Kabihasnan
b. Pamumuhay d. Persia

12. Ano ang ipinagawa ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang pinakamamahal na asawa?


a. Taj Mahal c. Ziggurat
b. Hanging Garden of Babylon d. Angkor Wat

13. Ano ang tawag sa pinuno ng lungsod – estado sa Sumer?


a. Lugal c. Pinuno
b. Datu d. Hari
14. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga batas sa Babylonia?
a. Rules of Hammurabi c. Code of Hammurabi
b. Ethics of Hammurabi d. Regulations of Hammurabi

15. Anong bansa ang Mesopotamia sa kasalukuyan?


a. Iraq c. Syria
b. Iran d. Turkey

16. Ano tawag sa pag – aaral hinggil sa nakaraan ng tao batay sa mga naisulat na dokumento?
a. Pre – history c. Kasaysayan
b. Anthropology d. Paleontology

17. Bakit mahirap ipagtanggol ang Mesopotamia laban sa mga mananakop?


a. Dahil wala itong likas na hangganan c. Dahil wala itong mga kagamitang pandigma
b. Dahil malapit ito sa ilog d. Dahil mahihina ang mga tao

18. Ano ang naiiwan sa lupain ng Mesopotamia tuwing bumabaha ang mga ilog sa paligid nito?
a. Mga basura c. Banlik o silt
b. Mga labi ng mga namatay d. Ginto at pilak

19. Ano ang tawag sa naboung sistema ng pagsulat ng mga Sumerian na ginagamitan ng luwad?
a. Pictograph c. Ziggurat
b. Cuneiform d. Phonics

20. Sinong siyentista ang naniniwala na ang tao ay nagmula sa mga ape?
a. Charles Darwin c. Nebuchadnezzar II
b. Albert Einstein d. Galileo Galilei

21. Ano ang kahulugan ng salitang Paleolitiko?


a. Bagong bato c. Matandang bato
b. Makinis na bato d. Malinis na bato
22. Alin sa sumusunod ang hidi kasali sa pinagpipintahan ng mga sinaunang tao?
a. Katawan c. Kweba
b. Bato d. Ginto

23. Saan kadalasan nagtatayo ng mga campsite ang sinaunang tao?


a. Sa lambak c. Sa bundok
b. Sa burol d. Sa kapatagan

24. Ano ang kahulugan ng salitang Neolitiko?


a. Bagong bato c. Matandang bato
b. Makinis na bato d. Malinis na bato

25. Saan inililibing ng mga taga Catal Huyuk ang kanilang mga yumao sa buhay?
a. Sa labas ng kanilang bahay c. Sa burol
b. Sa loob ng kanilang bahay d. Sa mga kweba

26. Bakit pinaghahalo ang tanso at lata sa panahong Neolitiko?


a. Upang maging Tin at maging mas matigas na bagay c. Upang gawing palamuti sa bahay
b. Upang maging mas makintab ito d. Upang gawing matulis na bagay

27. Ano ang dalawang ilog ng Mesopotamia?


a. Tigris at Euphrates c. Tigris at Nile
b. Indus at Huang Ho d. Ganges at Euphrates

28. Ang sumussunod ay ang mga bansang kabilang sa kabihasnang Indus maliban sa
a. Pakistan c. Iraq
b. India d. Maldives

29. Ano ng dalawang lungsod na umusbong sa kabihasnang Indus?


a. Uruk at Ur c. Kish at Lagash
b. Harappa at Mohenjo – Daro d. Eridu at Harappa

30. Anong bansa ang mayroong pinakamatandang kabihasnan hanggang sa kasalukuyan?


a. Pakistan c. India
b. Tsina d. Mesoamerica

31. Sino ang nagtaguyod ng ideolohiyang Taoism?


a. Confucius c. Lao Tzu
b. Charles Darwin d. Zoroaster

32. Ano ang kahulugan ng Mesopotamia?


a. Lupa sa pagitan ng tatlong ilog c. Ilog sa pagitan ng dalawang lupa
b. Lupa sa pagitan ng dalawang ilog d. Ilog sa pagitan ng dalawang bundok

33. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga lungsod na umusbong sa Sumer maliban sa
a. Eridu c. Lagash
b. Kish d. Mohenjo – Daro

34. Ano ang tawag paniniwala sa maraming Diyos?


a. Monotismo c. Politismo
b. Zoroastrianismo d. Confucianismo

35. Ano ang paraan ng pagsusulat ng mga Sumerian na ginagamitan ng clay o luwad?
a. Ziggurat c. Pictograph
b. Cuneiform d. Phonics

36. Ang sumusunod ay ang mga hayop na inaalagaan ng mga Sumerian maliban sa
a. Baka c. Tupa
b. Kambing d. Buwaya

37. Ano ang isa sa pinakamahalagang batas ni Hammurabi?


a. Mata sa mata, buhok sa buhok c. Mata sa mata, ngipin sa ngipin
b. Ngipin sa ngipin, kamay sa kamay d. Kamay sa kamay, buhay sa buhay

38. Sa panahon ng mga Persian sa kabihasnang Mesopotamia ay hinati ang mga lalawigan na tinatawag na
Satrapy, ano naman ang tawag sa mga gobernador na namanahala ng mga lungsod?
a. Satraper c. Saprat
b. Satrap d. Sapraty

39. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistema ng agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao sa
panahon ng neolitiko?
a. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan
b. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain
c. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan
d. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop.

40. Paano mapapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t – ibang relihiyon sa kabila ng
pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala?
a. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon
b. Makisalamuha sa mga taong magkatulad ang relihiyon
c. Gawing makatwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon
d. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon

III. PAGPIPILIAN
Panuto: Piliin ang tamang sagot Hanay B na tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik sa patlang ng
tatlong beses. Halimbawa: CCC

__________1. Siya ang mandirigmang mula sa Akkad A. Cyrus the Great


na sumakop sa mga lungsod estado ng Mesopotamia.
__________2. Pinakahuling mahusay na pinuno ng B. Hammurabi
Akkadia.
__________3. Isa sa mga pinuno ng Babylon na C. Nomads
nagpanukala ng mga batas para sa kanyang nasasakupan.
__________4. Siya ang nagtatag ng imperyong Assyrian. D. Sargon I
__________5. Siya ay isa sa mga hari ng Assyrian na may
maayos na pamamahala sa kanyang panahon. E. Alexander the Great
__________6. Ama ni Nebuchadnezzar II na nagtatag ng
Imperyong Chaldean. F. Naram Sin
__________7. Nagpagawa ng Hanging Garden of Babylon
na alay niya para sa kanyang pinakamamahal na anak. G. Nabopolassar
__________8. Pinuno siya ng mga Persian na unang lumusob
at sumakop sa Mesopotamia. H. Tiglath Pileser
__________9. Siya ang pinunong Persian na sumakop sa
hilagang bahagi ng India. I. Ashurbanipal
__________10. Tawag sa mga taong palipat – lipat ng tirahan
sa panahon ng lumang bato. J. Darius the Great

K. Nebuchadnezzar II

To God be the Glory! 

You might also like