Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

PANITIKAN NG PILIPINAS MODULE 2

BISCAST Vision, Mission, Core Values and Quality Policy

VISION The premier Applied Sciences and Technology institution and


the country
MISSION Produce quality graduates who are highly competitive and
socially responsive to the needs of the community along
instruction, research, extension and entrepreneurial
undertaking through excellent applied sciences and technology
education.
CORE VALUES B- Brilliance
I- Integrity
S- Student-centric
C- Competence
A- Adaptability
S- Service-excellence
T- Teamwork

QUALITY POLICY BISCAST is committed to provide quality applied sciences


and technology education and relevant service through
continual improvement of its quality management system,
satisfying applicable requirements thereby exceeding
stakeholder’s expectation.

Grading System
Class Standing 50%
Project 20%
Major Exam 30%
Total 100%

COURSE INFORMATION SHEET


Course Code ELEC003
Course Title Ang Panitikan ng Pilipinas
Credit units 3
Number of contact hours 3
E-mail address amasares@astean.biscast.edu.ph
Consultation Time 11-12 pm
Facebook Messenger Account Annabell Asares
Contact Number 09461892752
PANITIKAN NG PILIPINAS MODULE 2

COURSE DESCRIPTION

Ang kursong ito ay pag-aaral sa iba’t ibang anyo ng panitikan/ literatura ng Pilipinas sa
pamamagitan ng pagbasa sa ilang tekstong pampanitikan na hango sa iba’t ibang
rehiyon ng Pilipinas , tatalakayin din ang mahahalagang kaganapan sa iba’t ibang
panahon ng kasaysayan ng panitikan sa sambayanang Pilipino.

COURSE LEARNING OUTCOMES


1. Mahubog ang kaalaman, kasanayan sa pagbasa ng iba’t ibang akdang
pampanitikan.
2. Malinang ang mataas na antas ng kasanayan sa pag-unawa ng mga tula, dula
maikling kuwento at iba pang anyo ng panitikan.
3. Mabigyan ng iba’t ibang interpretasyon ang iba’t ibang dulog pampanitikan.

COURSE OUTLINE
Topic Topic Mode of Delivery
No. Synchronous Asynchronous
1 LITERATURA 1. Facebook 3. Access through
NG Messenger Google
CORDILLERA 2. Video via zoom classroom or FB
2 LITERATURA Social Learning
NG Group
ILOCOS 4. Pre-recorded
3 LITERATURA video learning
NG material
PANGASINAN 5. Embedded URL
links, video files
4 LITERATURA
and video
NG
learning
PAMPANGA
materials,
electronic
article(pdf)
PANITIKAN NG PILIPINAS MODULE 2

KABANATA III: LITERATURA SA CORDILLERA


PANITIKAN NG PILIPINAS MODULE 2

https://www.google.com/search?q=biag+ni+lam+ang+tagalog+buong+istorya&tbm=isch&ved=2ahUKEwiOkon2_4rsAhWBat4
KHXIrBOkQ2-
cCegQIABAA&oq=biag+ni+lam+ang+&gs_lcp=CgNpbWcQARgDMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggA
MgIIADICCAAyAggAUObfC1jm3wtg14gMaABwAHgAgAHNAYgBzQGSAQMyLTGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8
ABAQ&sclient=img&ei=smRxX47xFIHV-Qby1pDIDg&rlz=1C1CHBD_enTW836PH860#imgrc=rCE0wBFWLFek4M
PANITIKAN NG PILIPINAS MODULE 2

PAGSASANAY 1
Panuto:Sumulat ng tula na may 6 na saknong tungkol sa pakikipagsapalaran ni Lam-ang . Maaaring
gumamit ng tugma at sukat at mga salitang kontemporaryo upang mas maging malinaw ang pagsasalaysay.

GAWAING INTERAKTIBO:
Panuto: Bumuo ng liriko nang isang tula-awit na panitikan bilang paghahanda sa alin man sa mga
sumusunod.

a. paglalakbay sa isang magandang resort


b. panliligaw sa isang nililiyag
c. mga bagay na kinahihiligan

KABANATA IV: LITERATURA SA ILOCOS

ANG PANITIKANG ILOKANO

Pinaniniwalaang nagmulang ng salitang Ilokos. Ang mga taong nakatira sa bayan na ito ay
matatagpuan sa maliit na baybayin na ‘’look’’. Ang unlaping ‘’I’’ nangangahulugang ‘’mula sa’’ o ‘’ilog’’.
Nagmula sa ‘’loko’’ na ang ibig sabihin ay ‘’bayan sa kapatagan’’ at dinadagdagan na lamang ng ‘’I’’. Nagmula
sa salitang tagalog na ‘’iloc’’. ILOKANO. Ang tawag sa lipi ng naninirahan sa nasabing lugar. SAMTOY ang
tawag ng mga ilokano sa kanilang salita. Mula sa salitang ‘’saomi datoy’’. Isang austronesian KURDITAN ang
tawag sa kanilang panitikan. KURDIT-‘’sumulat’’ DOCTRINA CHRISTIANA ni Cardinal Berllarmine na isinalin
ni P. Francisco Lopez. Ito ang kauna-unahang libro ng mga ilokano. Naglalaman ito tungkol sa unang tulang
iloko at mga bahagi na naisulat ng mga katutubong script.

URI NG PANITIKANG ILUKO

-Uri ng panitikang iluko ayon kay Leopoldo Y. Yabes ay ang mga sumusunod:

I.Mga simu-simula
II. Mga akdang ukol sa pananampalataya sa kagandahang asal
III. Mga akdang ukol sa wikang Iluko
IV. Panulaang Iluko
V. Maikling kuwento
VI. Nobela
VII. Dula

l. Mga simusimula
A. Kantahing bayan
B.Salaysaying bayan
C.Karunungang bayan

A. KANTAHING BAYAN

1.Pinagbiag- ito ay awiting nagpapahayag ng kuwento ng bayani. Nahahati sa dalawang uri:ang awiting
nagpapahayag ng kaisipan at saloobin.
Dallot- awit sa mga kasalan,binyag at ibang pang pagtitipon na sinasaliwan ng sayaw at pagbibigay ng payo
sa bagong kasal. - Isang uri ng pagtatalo ng lalaki at babae sa saliw ng tulali. –
2. TULALI- isang plawtang iloko na may 6 na butas. Halimbawa: Da mangngalap ken agsansana(ang mga
mangingisda at mag-aasin) Salin ni Deogracia del Castillo-Santos Mannamili
3.Badeng- isang awit pag-ibig na ginagamit ng mga kalalakihang nanghaharana. Halimbawa: Manang biday
Pamulinawen Naraniag a bulan
PANITIKAN NG PILIPINAS MODULE 2

4.Dung-aw- awit para sa mga patay Halimbawa: As-asug daguiti kararrua Agtig-ab ti lubong
5. Dasal. na patungkol sa mangmangkik -ang mga mangmangkik ay espiritu sa kagubatan na dinadasalan
upang hindi sila magalit.
6 . Arinkenken- paligsahan ng mga lalaki at babae . - Ang tema nlia ay tungkol sa karapatan at
responsibilidad.
7.Hele o duayaya- Awit na pampatulog sa mga bata Halimbawa: Hele

B.SALAYSAYING BAYAN
1.ALAMAT

Halimbawa:
1. Bakit umakyat sa damo ang mga suso? Ni Jose E. Tomeldan ng Binalonan, Pangasinan
2. Ang kauna-unahang unggoy ni Sotero Albano ng Dingras, Ilocos Norte
3. Ang alamat ng bigas
4. Alamat ng pinaupong bangkay

BIGONG PAG-ASA
Salin ni: Isagani R. Cruz

Anong saya at ginhawa


Kung may nagmamahal
Dahil may makikiramay
Sa lahat ng pagdurusa

Ang masama kong kapalaran


Walang kapantay
Wala akong alinlangan
Sa dinaranas sa kasalukuyan

Kahit na ako ay magmahal


Sa isang musa
Wala naming hinuha
Na ako’y pahahalagahan

Isumpa ko kaya ang panahon


Nang ako’y ipinanganak
Higit na mas masarap
Na mamatay bilang sanggol

Nais ko lamang magpaliwanag


Dila ko’y ayaw gumalaw
Nakikita kong malinaw
Pagtanggi lamang ang matatanggap

Ligaya ko sana’y walang kapantay


Sa kaalamang ikaw ay minamahal
Isusumpa ko at patutunayan
Para sa iyo lamang ako mamamatay.

PAGSASANAY 2
Panuto: Lapatan ng himig ang tula. Maaari kayong gumamit ng tono ng mga makabagong awitin. Dapat
maramdaman ang emosyon na namumutawi sa persona na nakapaloob sa tula at maipaabot ang mensahe
nito sa tagapakinig.
PANITIKAN NG PILIPINAS MODULE 2

.
ODA SA GABI
Salin ni: Rolando A. Bernales

Humimlay ako sa mapagkalingang bisig ng gabi


Ipinagheleng tulad ng sanggol sa duyan
At sa mayuming haplos ng kanyang kadiliman
Isang animo’y kislap ang aking nasumpungan
Na nasok sa kailaliman ng aking kaluluwa.

Aking dinama ang makinis na kutis ng dilim


Ano mang anyo’y di niya kinikilala
Ngunit sa palad niya’y kanyang dinarama
Maging ang kailalimang gunita na misteryo sa iba
Na tila lihim na di maabot ng liwanag.

Bakit, kung gayon, kay raming nahihintakutan sa dilim?


Sila’y kinikilabutan o nagagalit maisip lamang
Na walang makikitang liwanag sa kalawakan
Ah, di nga kasi, kanila lamang namamasdan
Ang nakikita ng kanilang mga mata.

Sila’y walang-patid na nananalangi’t naghahangad


Ng walang-hanggang liwanag, walang-hanggang araw
Ngunit sila lamang, silang ang pananalig
Ay may bahid ng kahinaa’t pag-aalinlangan
Ang dapat matakot sa iyo, O gabi.

GAWAING INTERAKTIBO:
Panuto: Iguhit sa isang kartolina o sa isang malinis na papel at kulayan ang mga imaheng nabuo sa inyong
isipan habang binabasa at matapos basahin ang tula.

You might also like