Talumpati Upang Magbigay Impormasyon Sa Kapwa Kabataan Upang Mas Maging Responsible Sa Pagpapahayag o Paggamit NG Social Media at Mga Makabagong Teknolohiya.

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TALUMPATI UPANG MAGBIGAY IMPORMASYON SA KAPWA KABATAAN UPANG MAS

MAGING RESPONSIBLE SA PAGPAPAHAYAG O PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA AT MGA


MAKABAGONG TEKNOLOHIYA.

Magandang umaga! Bago ko simulan ang aking talumpati, nais ko muna kayong
tanungin, sino sa inyo ang mahilig makisabay? Makisabay sa kakilala, makisabay ng bilihin,
makisabay sa dagsa ng tao, o makisabay sa uso. Ako, oo, ang hilig hilig kong nakikisabay,
nakikisabay sa gastusin at higit sa lahat ay sa uso. Minsan, ang saya saya ko kapag alam ko
yung bagong labas na kainan o kanta tipong pakiramdam ko nakakaangat na ako sa iba,
ganoon kalala. Dati pa nga noon naalala ko na sa tuwing may bagong labas na cellphone ang
isang kilalang brand, ishe-share ko pa yoon kahit naman alam ko sa loob-loob ko na hindi ko
din yoon mabibili, kumbaga para lang makasabay ako kasi karamihan ng mga kakilala ko
nagshe-share ng ganoon eh. Malala pa nga ako dati dahil talagang nagtatampo ako sa mga
magulang ko kapag wala ako nung bagay na wala yung mga kaklase ko, pero siyempre hindi
na ngayon. Hulaan niyo kung ano ang problema ko ngayon o problema natin ngayon? Iyon
yung, walang tigil na paggamit ng cellphone, walang tigil na pagtingin sa facebook,
instagram, tiktok o kahit anong social media pa yan ng bilang ng likes at comments na
natatanggap natin; agree ba kayo doon? Yung tipo bang kakapost mo pa lang ng picture o
bidyo, titignan mo na agad kung may nag like na ba o kaya naman minsan magtataka ka pa
kung bakit iilan pa lang ang likes kahit na nakaka-isang araw naman na yung ipinost mo.
Kung parehas tayo ng pinagdaanan o pinagdadaanan, mas mabuting pakinggan mo itong
kwento at sasabihin ko.

Noong mga panahong namulat ako sa social media, kapag sinabi kong social media
ito yung mga panahong natuto akong mag browse ng kung ano-ano o mag-twitter ‘a kasi
dati naalala ko pa noon na yung facebook ay puro post lang ng ulam, quote of the day, outfit
of the day, kamustahan sa mga kapamilya na nasa malayo... mga ganoon lang hindi katulad
ngayon na kung ano-ano na lumalabas sa facebook kaya kung ipagkukumpara mo yung
social media noon at sa ngayon, masasabi ko na oo, maganda at talaga nga naman nag-
evolve yung mga pwedeng gawin doon pero kung pag-uusapan natin yung kasimplehan ng
social media noon, mas masasabi kong mas gugustuhin ko pa yung noon, mga panahong pet
society lang o Farmville yung habol ko sa facebook: o sino sa inyo ang nakaranas maglaro ng
ganoon? Kung kayo tatanungin, ang saya di’ba? Tipong pupuntahan mo lang si mayor
(karakter sa pet society) para makakuha ng points, hindi katulad ngayon na magugulat ka na
sa batang pitong taong gulang o kung minsan nga mas bata pa ay marunong ng gumamit ng
cellphone at magpost ng kung ano-ano, madalas pa nga sila pa mas may alam sa ganoon
kaysa sa nanay o lola nila. Yung ibang kabataan ngayon, makikita mo na lang na nagpopost
ng “happy first monthsary bibi q mahal na mahal kita...”na may kasama pang emoticon na
kiss at puro puso; oh tignan mo nga yung katabi mo baka guilty.. eto pa, yung iba mas
malala pa nga yung mga pinagpopost minsan may kung anong fake news o di kaya
nambabash. At dahil sa mga nakikita mo, mapapa-isip ka na lang talaga na “ha ganito ba
yung nagagawa ng teknolohiya o social media sa kanila?” na sa edad nila na iyon bakit
ganoon na yung mga shine-share o pino-post nila sa facebook, o kahit ano pa yang edad
kahit labing walong taon na. Kaya kapag tinanong mo yung ibang kabataan kung saan nila
nakilala yung mga boyfriend nila, sasabihin nila sa internet lang tapos magugulat ka pa nga
minsan na poser yung kausap nila pero siyempere yung iba sa internet talaga nakikita yung
pag-ibig, yung iba naman, magugulat ka na lang bigla kasi nagpopost ng may mura kasi na-
scam.

Ano ba yung gusto kong ipunto rito? Ang gusto kong malaman niyo ay dapat bilang
isang kabataan, tao marunong tayong maging responsible sa mga ginagawa natin lalo na sa
online world kung tawagin nga natin, kasi tayo yung kumabaga mas nakakatanda sa
henerasyon natin at tandaan niyo na marami na ngayong mga mas bata pa sa atin na
marunong mag bukas ng cellphone at mag facebook, at maaari nila Makita yung mga
ginagawa natin. Kahit hindi na para sa kanila, para na rin sa atin, para maprotektahan natin
yung privacy natin kasi hindi rin naman natin alam kung totoong mga tao ba yung mga
nakaka-chat natin sa social media. Higit sa lahat, dapat bantaan dn natin yung mga nilalagay
natin sa social media, hindi ko sinasabing bawal mag post o kung ano pa man, ang akin lang
ay siguraduhin natin na hindi nakakababa ng pagkatao natin o ng iba yung mga pino-post o
shine-share natin. “Eh ate paano kung kaqya lang naman nagpopost kasi gusto naming
nakakakita ng positibong comment tungkol sa min at gusto rin naming sumabay sa uso”
sabi nga nila, think before you click ibig sabihin sa sarili natin alamin muna natin klung tama
ba ito o hindi at kung nakakapagpasaya sa inyo yung pagpo-post niyo, edi gawin niyo lang
iyon. Pero isa lang ang sigurado ako, na yung mga sasabihin ng tao sa social media tungkol
sa atin ay hindi kailanman dapat maging patunay o validation ng halaga natin bilang isang
tao. Lagi niyong tatandaan na, sarili niyo lamang ang dapat na magsabi ng halaga niyo at yun
ay hindi basta-basta maikukumpara sa isang diyamante dahil sigurado ako na mas higit pa
roon ang tumbas niyo.

Ang haba na pala ng sinabi ko. Upang ibuod ang aking mga sinabi, nais ko kayong
iwanan ng isang paalala na ang teknolohiya ay isang biyaya, gamitin ng tama upang ika’y
maging malaya. Iyon lamang at maraming salamat!

You might also like