Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

Layunin

• Nabigyang kahulugan ang semantika sa pamamagitan ng pagbibigay ng salita

• Natukoy ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon, intensyon at ekstensyon

• Nakabuo ng ilang salitang may kahulugan sa denotasyon at konotasyon

II. Panimula

Nagkaroon ng pagbabago ang wika sa iba't-ibang panahon. Ang mga katuturang ibinibigay ngayon sa
isang salita ay maaaring humago, lumawak, maiba sa isang henerasyon o particular na panahon. Sa ating
tatalakayin ngayon na semantika mabibigyan natin ng paliwanag kung ano nga ba ang tawag sa iba't
ibang pagpapakahulugan sa mga salita.

III. Motibasyon

Hahatiin ng taga ulat ang mga mag aaral sa dalawa at ang bawat grupo ay bibigyan ng dalawang salita
at tutukuyin ng mga mag aaral kung saan nabibilang ang mga salitang ito. Kung ito ba ay kahanay sa
denotasyon o konotayson.

IV. Talakayan

• Semantika

Ang semantika ay pag aaral ng mga salita upang malaman ng lubusan ang kahulugan nito gayundin ang
paggamit nito sa pangungusap

Ayon kay Gonzales (1999), ang semantika ay isang pag aaral kung paano nabibigyang kahulugan ang
mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag.

Ayon naman kay Tayag (2016), ang semantika ay isang pag-aaral kung paano ang isang salita ay
masusuri at mabibigyan ng pagpapakahulugan.

Dimensyon ng Semantika

Denotasyon

Tumutukoy ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga salita. Madalas din itong tawaging "dictionary
meaning" sa ingles na ang ibig sabihin ay tahas, aktwal, tiyak o tuwirang kahulugan. Ang kahulugan ng
mga termino o salitang ginagamit ay may tuwiran o literal na kahulugan.

Konotasyon.

Tumutukoy ito ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa intensyon o motibo ng taong
gumagamit nito. Ito rin ang kahulugang ibinibigay sa mga salita, parirala, o pangungusap na hindi
tuwirang isinasaad. Malalim ang kahulugan ng mga salitang ginagamit ng tagapagpabatid o
tagapagpahayag nito.
SALITA DENOTASYON KONOTASYON

ahas isang uri ng reptilya na gumagapang traydor

plastik sisidlan ng bagay mapagpanggap

Intensyon

Ang paglalahad ng kahulugan ay may pagtukoy sa konsepto.

Ekstensyon

Ang paglalahad ng kahulugan ay may pagtukoy sa pangkaisipang imahe ng binibigyang kahulugan.

SALITA INTENSYON EKSTENSYON

aklat binabasa at inuunawang kagamitan Noli Me Tangere

Presidente ng Pilipinas puno ng buong bansang Pilipinas Rodrigo Roa Duterte

You might also like