Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

“PISO AT PUSO”

INT. CLASSROOM – DAY.


Sinusulat ng teacher ang mga salitang SEX at GENDER sa board.
PATTY
Sex refers to the different biological and physiological
characteristics of males and females, such as reproductive organs,
chromosomes, and hormones. Whereas gender refers to socially
constructed characteristics of men and women, such as norms, roles,
and relationships.
ALVIN
Uy anong bibilhin mong meryenda mamaya? Sabay na tayo ha. Tagal naman
kasi ma’am magdiscuss.
ALLYSA
Ano ba ‘yan? Kakakain mo lang kanina, gutom ka na naman?
PATTY
A candidate in Binibining Pilipinas named Jessarie Dumaguing once said
that gender equality is very important because it’s a key to a
progressive country. No society can develop economically, politically,
or even socially when half of its population is marginalized. We must
leave no one behind. (Maririnig ng teacher ang daldalan ng dalawa.)
Mr. Castro and Ms. Samson, can you share your thoughts with us tungkol
sa sinabi ko? (magtitinginan at alangang tatayo ang dalawa)
ALVIN
Ah eh ma'am...
PATTY
Kanina ko pa kayo napapansin na hindi nakikinig, alam niyo man lang ba
kung tungkol saan ang lesson natin? Wala? Kahit isang salita man lang
sa sinabi ko? Mygosh! I want you to make an observation report about
gender equality.

EXT. SARI-SARI STORE – DAY.


Naglalakad papuntang tindahan sina Alvin at Allysa para bumili ng makakain.
ALLYSA
Kasalanan mo 'to eh, nadamay pa tuloy ako sa kadaldalan mo.
ALVIN
Luh? Anong ako? Eh ikaw nga ‘tong may pinakamalakas na tawa sa'tin.
ALLYSA
Hayst! kung hindi mo ko dinaldalan, narinig ko sana lesson natin!
Kainis naman, dami ko pang di tapos na activities tapos dumagdag pa
‘to.
ALVIN
Alam mo mamaya na lang natin isipin 'yan, gutom na ‘ko. Tara na!
Pagdating sa tindahan ay bibili sila ng pagkain at mag-aabot ng isang candy
ang tindera bilang sukli.
ALLYSA
Ate, aanhin ko 'tong candy na sukli niyo? Maipambabayad ko ba 'to sa
jeep?!
ALVIN
Uy, tigilan mo nga 'yan. Piso na lang eh, grabe ka maka-react.
ALLYSA
Hindi naman kasi tama 'yun, piso ang dahilan kung bakit may limang daan
at isang libo kaya huwag mong mala-lang lang yung piso ah! Dahil sa
pisong 'yan, pwede na siyang magmulta mula 500 hanggang 25,000!
(haharap sa tindera) Ate, alam mo ba na pwede kayong mawalan ng
business permit sa ginagawa ninyo? Alam niyo ba yung No Shortchanging
Act? Dapat niyong ibigay ang dapat na sukli, kung hindi pwede ko kayo
ireklamo sa DTI. Kung ayaw niyo mawalan ng business permit o magmulta
ay ibigay niyo yung sukli ko.
ALVIN
Uy ano ba? Tama na ‘yan.
KAYE
Pambihira naman itong batang ‘to. Oh, ito na iha pasensiya ka na ha!
Kukunin ang piso at aalis.

INT. ALLYSA’S HOUSE – DAY.


ALVIN
Grabe ka, kawawa yung tindera.
ALLYSA
Anong masama sa sinabi ko? Kahit maliit lang na parte ng isang bagay ay
importante dahil sila yung dahilan kung bakit may malalaking bagay.
Tulad sa isang sasakyan, if wala yung isang gulong, tingin mo gagana
‘yon?
ALVIN
Ewan ko sa'yo! Mabuti pa simulan na natin yung report natin. Ano nga
kasi yung topic?
ALLYSA
Naku po, kumain lang siya at nakalimutan na niya. Gender equality daw
sabi ni ma’am!
ALVIN
Gender equality? Seryoso ba si ma’am? Pantay ang babae sa mga lalaki?
Anong kalokohan 'to?
ALLYSA
Eh ano namang mali don?
ALVIN
Ang sabi gender equality. Alam naman ng lahat na mas malakas ang mga
lalaki kaysa sa mga babae kaya mas marami silang nagagawa. Never
magiging pantay 'yun.
ALLYSA
Duh! Kaya rin naman naming gawin yung nagagawa nyo. Feeling superior
naman ‘to.
ALVIN
Bakit, sino bang nagtatrabaho para sa pera na iuuwi sa bahay niyo?
Hindi ba yung mga tatay? Lalaki!
ALLYSA
Hindi mo ba naiisip yung sacrifices ng mama mo? ‘Di ba simula nang
mawala yung papa mo, siya na yung nagtatrabaho para sainyong
magkapatid. Well, kung nabibigyan lang ng opportunity lahat ng babae,
makikita nyo na kaya namin!
ALVIN
Bat ka nagagalit? Anyway, malapit na matapos yung 1st sem. Iniisip mo
na ba san ka magcocollege at anong course mo?
ALLYSA
Ako pa ba? Kinakausap mo lang naman ang future Atty. Samson. So alam mo
na ‘pag nakulong ka, idedefend ko yung biktima mo.
ALVIN
Luh, grabe sya! Bagay nga sayo maging abogado, ang hirap mo talunin sa
argument eh. Yung tindera nga kanina muntik mo na mapaiyak.

ALLYSA
Eh ikaw ba? Anong balak mo sa buhay?
ALVIN
Well, gusto ko magtake ng nursing.
ALLYSA
Nursing? Eh pambabae 'yun ah, bakla ka ba?
ALVIN
Bakit pambabae lang? Pwede rin kaya sa mga lalaki!
ALLYSA
Now, you see my point? Pwedeng magpantay ang mga lalaki at babae. Iba
ang totoo sa bagay na tinatanggap natin bilang totoo. Tinatanggap natin
‘yun bilang totoo kasi ‘yun ang nakasanayan natin at pinamulat satin,
na hindi pantay ang mga lalaki at babae. Pero ang totoo, pantay tayong
lahat, kahit LGBT pa ‘yan.
ALVIN
Napaka seryoso naman neto! Gawin mo na nga ‘yang report natin. Baka
hindi pa tayo maka graduate, ‘di ka pa maging lawyer.

INT. ALVIN’S HOUSE – NIGHT.


Uuwi ng bahay si Alvin at madadatnan niya ang kaniyang nanay na naghahanda
para sa kanilang hapunan.

NESLENE
Oh, nandiyan ka na pala. Magayos ka na muna habang nagluluto pa ko.
Kumusta naman araw mo ngayon?
ALVIN
Hay nako Ma. Nakakapagod. Puro activities at report. Napagalitan pa ko
nung teacher ko kasi di daw kami nakikinig, kaya yun binigyan kami ng
task. Pero kayang-kaya naman Ma. Ako pa ba? Eh gusto ko… (masusugatan
ang daliri ng nanay habang naghihiwa) NESLENE
Aray! Nahiwa ko yung daliri ko. (dali-daling kukunin ni boy ang first
aid kit at gagamutin ang sugat)
ALVIN
Ma naman oh, mag-ingat nga kayo sa susunod. Patingin po ng kamay niyo.
Umupo muna nga po kayo. Ako nang bahala.

NESLENE
Hindi naman malalim ang hiwa nak. Siya nga pala, ano yung sinasabi mo?
Napagalitan ka ng teacher mo kanina?
ALVIN
Ah, wala yun Ma. Wag mo na isipin. Oh okay na ‘to.
NESLENE
Galing naman ng anak ko, salamat.
ALVIN
Dapat matuto rin ko po kayo sa first aid Ma, para kapag wala kang
kasama, alam mo kung paano lunasan yung sarili mo. Saka, para hindi
lumala yung sugat at di mainfect. Mapuputol ‘yang kamay mo Ma bahala
ka.
NESLENE
Itong batang to oh. San mo ba natututuhan yan? Nabibilib na ko sayo.
ALVIN
Balak ko po sanang kumuha ng nursing sa college.

Iinalis ng nanay yung kamay niya kay boy at tumayo.

NESLENE
Tama na ang biruan, tapusin ko na yung niluluto ko.
ALVIN
Seryoso po ako, gusto ko pong makatulong sa mga tao. Kagaya po ng
ginawa ko sainy-
NESLENE
Wala kang mapapala diyan anak. Hindi tayo iaahon sa hirap ng pagtulong
mo. Mababa ang pasahod ng mga nurse! At saka tingnan mo nga sarili mo.
Kalalaki mong tao, iyan ang kursong kukunin mo? Magtapat ka nga Alvin.
Bakla ka ba?
ALVIN
Ano? Hindi ho! Bakit naman po ako magiging bakla dahil lang sa
pagnunurse. Saka Ma, wala naman akong pake kung mababa yung sahod eh,
ito yung nakikita kong magpapasaya sakin. NESLENE
Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin anak. Ang sa akin lang, marami
pang course na mas bagay para sa isang lalaking katulad mo, pilot,
police, o kaya engineer kagaya ng kuya mo. Para sa mga babae ang
nursing anak.
ALVIN
Ma! Wala pong kasarian ang mga trabaho. Marami ng lalaking nurse,
babaeng engineer. Ang Nursing po ay para sa lahat ng kasarian. NESLENE
Hindi! Magpakalalaki ka nga Alvin. Hindi ka mag nunursing. Tapos ang
usapan.
EXT. HALLWAY – DAY
Kasama ni Alvin yung dalawang kaibigan niyang lalaki. Habang nakatambay sa
hallway ay nagccatcall sila ng mga babae.

ALDRIN
Nagawa mo na yung assignment pre?
GINO
May assignment?
ALDRIN
Yan, puro ka kase cutting. Buti pa ‘tong si Alvin oh. Meron ng
inspirasyon.
ALVIN
Anong inspirasyon? Puro kayo kalokohan!

May dumaan na mga babae at sumipol si Aldrin.

GINO
Speaking of inspirasyon, look at that! Shawty pre oh.
ALDRIN
Good morning, ladies! Saan ang punta? Ang gaganda niyo naman.
GINO
Lalo na yung sa gitna oh. Wanna join us here? Tara libre namin kayo!
(tutuloy sa paglalakad ang mga babae at dadating si Allysa)
ALDRIN
Sungit naman, kala mo ganon kaganda. (tatawa sila)
ALVIN
Kayo talaga, kung ano ano pumapasok sa isipan niyo. (nakita ni Allysa
si Alvin tapos nilagpasan niya) Uy, Allysa! (hahabulin niya ito) Una na
ako pre, kita na lang sa klase (sinundan) Allysa about pala sa report
natin kailan natin balak simulan? (di siya pinapansin) May naresearch
na din ako nang konti tungkol sa topic kaya may ambag naman ako. Sabay
ba natin gagawin?
ALLYSA
Ano ba sa tingin mo? Saka kung talagang may naresearch ka, bat mo
tinolerate yang behavior ng mga kaibigan mo? ALVIN
Huh? What do you mean? May naisip ka na ba about sa topic natin?
Hello? Uy! (iling si Allysa) Okay ka lang? Ba’t di mo ko pinapansin?
Huy!
ALLYSA
Ano ba?! (sigh) Sasabihan nalang kita kung kailan natin gagawin yung
report.
Magwwalk out si Allysa.
INT. ALVIN’S HOUSE – NIGHT.
Uuwi ng bahay si Alvin at makikita niyang nagsasalo-salo ang buong pamilya
nila dahil nakapasa ng board exam ang kuya niya.
NESLENE
Anak, Alvin. Nakauwi ka na pala. Halika na dito at makisalo ka na. May
good news ang kuya mo.
ALLEN
Eto, tignan mo ‘to.
ALVIN
Wow, engineer ka na kuya!
ALLEN
Hindi lang engineer, licensed engineer!
NESLENE
Osiya osiya, kayo talaga! Kumain na tayo. Ikaw Alvin? Ready ka na ba?
Wag kang mapressure sa kuya mo ah, alam kong kayang kaya mo rin maging
licensed engineer.
ALVIN
Huh? Sino po ang nagsabing magiging engineer ako? Hindi ba’t sinabi ko
naman po na nursing ang kukunin kong course? Hindi po ba malinaw
sainyo yun?
ALLEN
Nursing? Nako, wag mo nang ituloy yan. Yung mga kaibigan kong babae,
ayun nagsusuffer. Naging nurse nga, mababa naman kinikita nila.
ALVIN
Kuya, yun yung magpapasaya sakin. Intindihin nyo naman ako oh, Ma.
NESLENE
Ilang beses na natin ‘tong pinag-usapan Alvin. At ilang beses ko nang
sinabi sayo na hindi para sayo yun. Nanay mo ko, kaya alam ko kung ano
yung mabuti para sayo. Mag engineer ka sa ayaw at sa gusto mo.
ALVIN
Alam ko na alam mo ang makakabuti para sakin Ma. Pero hindi mo ko
tinanong kung magiging masaya ba ko diyan, o kung kaya ko ba. Ang
hirap kasi sainyo, lagi niyong dinadahilan na ang nursing ay para sa
mga babae lang. Iniisip niyo yung sasabihin ng iba pero hindi niyo man
lang inisip kung ano yung mararamdaman ko? Bakit? Hindi naman po kayo
ang mag-aaral ah? Hindi kayo ang masstress, magpapagod, para
makapagtapos. (masasampal siya ng nanay)
Suporta lang po ang hinihingi ko sainyo Ma. Sana naman kahit yun lang
ibigay nyo na sakin. (tatakbo palabas)

EXT. ALLYSA’S HOUSE – NIGHT.


Kakatok sa pinto ng bahay nina Allysa si Alvin. Sasaraduhan siya ng pinto
pero pagbubuksan din naman nang makitang malungkot ito at tila may problema.
Yayakapin ni Alvin si Allysa habang umiiyak at uupo sila sa labas ng bahay.
ALVIN
Sorry sa abala ah. Ikaw lang kasi naisip kong puntahan. May nangyari
kasi sa bahay eh. Si mama, pinipilit niya kong itake yung course na
hindi ko naman gusto. Pinipilit niya kong i-pursue yung engineering,
tulad ng kuya ko. Paulit ulit ko nang sinabi na nursing ang gusto ko.
Hindi ko na nga alam kung paano ko ipapaunawa sa kanila. Kaya ayun,
umalis na lang ako.
ALLYSA
Hindi naman dapat pagtalunan yung ganyang mga bagay.
ALVIN
Bakit kaya ganiyan yung mga magulang natin? Ang hilig nilang
magcompare. Kapag nangatuwiran ka naman, sila pa yung galit. Tingin
nila, wala kang modo, di marunong rumespeto sa mga nakatatanda. (Iiyak
si Alvin at saktong may dadaan na grupo ng lalaki)
GIAN
Uy pre, tignan mo. Kalalaking tao, umiiyak sa harap ng babae.
ANGELO
Alam mo tol, kung ako ikaw, ipapakita ko sa babaeng ‘yan kung gaano
ako katapang at kamacho. Hindi ako lalambot lambot sa harap niyan.
Biglang tatayo si Allysa.
ALLYSA
Hoy! Manahimik nga kayo diyan. Hindi nyo alam kung ano pinagdadaanan
ng tao, kaya wala kayong karapatan na husgahan siya. Hindi nga kayo
umiiyak, mga wala naman kayong bayag!
Aalis ang mga lalaki at uupo ulit si Allysa.
ALVIN
Salamat ah. Di mo naman kailangang gawin ‘yun.
ALLYSA
Ano ka ba? Future lawyer yata ‘to.
ALVIN
Nga pala, sorry sa nangyari kanina ah. Alam ko namang mali yung ginawa
ng tropa ko pero tinolerate ko sila.
ALLYSA
Wag ka sakin mag sorry. Dun sa babaeng cinatcall nyo. Di nyo alam kung
anong epekto nun sa isang tao. Pero kung ako yun baka sinuntok na
kita.

INT. ALVIN’S HOUSE – DAY.


Lalabas si Alvin ng kwarto nang nakabihis na ng uniporme.
NESLENE
Anak, ready ka na pala. Mag-almusal ka na dito bago ka umalis. (uupo
si Alvin at magkakaroon ng silence) Alvin, humihingi ako ng dispensa
sa inasal ko kagabi. Alam mo ‘nak, narealize ko na mali ako. Hindi ko
dapat diktahan kung ano yung gusto mo. Bawat tao, kagaya mo, ay may
kani-kaniyang kakayahan. May mga bagay na mas magaling ka kaysa sa
iba. Kaya bilang mama mo, susuportahan kita anuman ang course na itake
mo sa college.
ALVIN
Talaga, Ma?
NESLENE
Oo nak! Kahit maging teacher ka, fashion designer, o kahit ano basta
masaya ka.
ALVIN
Salamat po Ma. Salamat at naiintindihan mo na ko. Pero sorry din po sa
mga nasabi ko kagabi. Di ko sinasadya at nasagot ko pa kayo.
NESLENE
Tama ka naman nak. Basta simula ngayon, nandito lang kami para gabayan
ka sa mga desisyon mo, kaming dalawa ng kuya mo. Kami yung sandalan mo
pag pagod na pagod ka na. Kami yung gawin mong inspirasyon para
patuloy na lumaban. At lagi mong tandan na mahal na mahal ka namin.
ALVIN
Promise ko po sainyo na tutuparin ko lahat ng pangarap ko. Tutulungan
ko kayo. (naluluha) Ano ba yan! Nagpapaiyak si mama eh. Kain na nga po
tayo.
INT. LIBRARY – DAY.
Nagccram na ang dalawa sa paggawa ng kanilang report.
ALLYSA
Hay, isipin mo sa loob ng tatlong araw, introduction pa lang nagawa
natin.
ALVIN
Ikaw kasi, kung hindi mo ko inaway at sinungitan noong isang araw, edi
sana natapos na natin yan.
ALLYSA
Wow, parang kasalanan ko pa. Sino kaya ‘tong umiiyak sa akin kagabi?
(ginagaya si Alvin) Pasensiya ka na ah, ikaw lang kasi naisip kong
puntahan.
ALVIN
First of all, hindi ganyan. Second, kalimutan mo na yan! Mabuti pa
magstart ka na.
ALLYSA
Okie! So simulan natin sa gender equality as one of the sustainable
development goals (nagcecellphone lang si Alvin) Tapos yung factors na
nakakaaffect sa gender equality sa school, sa bahay, sa workplace...
at ano pa ba? Ahh! Sa public areas. (nananahimik lang si Alvin) Then
yung ways para i-address yung issue. (napansin si Alvin) Hoy Alvin
Castro! Nakikinig ka ba? Kanina ka pa cellphone ng cellphone, eh kung
tulungan mo kaya ako.
ALVIN
Teka lang naman, may binabasa kasi ako. Tignan mo ‘to oh. Halaga ng
piso vs. dolyar, pinakamababa sa mahigit 16 years. (ipapakita yung pic
sa phone at mapapaisip si Allysa)
ALLYSA
OMG. Good idea! Alam ko na pano natin gagawin ‘tong report natin?
Natatandaan mo ba yung piso na sinukli satin nung tindera nung isang
araw. (Kukuha siya ng piso sa bulsa at ipapakita kay boy. Nakasmile si
Allysa habang nagtataka naman si Alvin.)
INT. CLASSROOM – DAY.
Ipepresent ang report.
ALVIN
I have realized so many things from this report Ma’am. First, men
treat some behaviors as social norms when they shouldn’t be in the
first place. For instance, catcalling girls. Kailangan malaman naming
mga lalaki na ang pag-catcall ay hindi maganda, nakakatawa, o papuri.
Ito ay nakakasira, nakakahiya. Ang mga babae ay higit pa sa pisikal
nilang anyo. Hindi sila babae lang. Meron silang karapatang tratuhin
nang may paggalang at dignidad. Sa katunayan ay mayroon tayong mga
magigiting na kababaihan sa panahon, may mga abogada, ekonomista,
guro, doctor, at kahit presidente ng Pilipinas na babae, meron. That
is why women must be empowered because they can. Dahil babae sila,
hindi babae lang.
ALLYSA
He’s right Ma’am. Actually, we also learned that men don’t receive
much care about their feelings and emotions, unlike us girls. Dahil
nakatatak sa kukote natin na kapag lalaki, dapat matapang. Real men
don’t cry ika nga. Dapat malakas. But mind you, we need to change this
mindset because men and women are equal. Pare-pareho lang tayong tao.
For instance, gender stereotypes when choosing your own career path.
Because of the social norms that we live in, naaapektuhan tayo sa
paggawa ng mga desisyon natin.
ALVIN
Tama. Hindi pwedeng ang nursing ay para lang sa mga babae. Hindi pwede
ang engineering ay para lang sa mga lalaki. Dahil walang batas na
nagsasabi o nagdidikta nang ganito. Kung ano ang kaya ng babae ay
tiyak na kaya rin ng lalaki. At kung ano ang kaya namin ay mas lalong
kaya ng mga babae.
ALLYSA
Kung dumating ang panahon na pantay na ang pagtingin ng lipunan sa
lahat ng kasarian, hindi imposible na magkaroon tayo ng maginhawang
kinabukasan. Tulad na lamang ng halaga ng piso. Who knows? Kapag
nagkaroon ng gender equality, maging mas malaki pa ang halaga nito sa
dolyar. Hindi katulad sa panahon ngayon na umabot ng 59 pesos ang
value ng isang dolyar. Dadating din ang panahon na hindi bababa ang
tingin natin sa piso, kung paiiralin natin ang ating mga puso.
Magtititigan ang dalawa.

You might also like