Professional Documents
Culture Documents
DLP - Q2 - W1 - Day 5 - FILIPINO 4
DLP - Q2 - W1 - Day 5 - FILIPINO 4
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City
I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin .
II. NILALAMAN:
A. ARALIN: Wastong Gamit ng Salitang Naglalarawan
B. SANGGUNIAN: ADM Modyul sa Filipino 4, Yaman ng Lahi p.50
C. KAGAMITAN: PowerPoint presentation, Laptop, TV
III. PAMAMARAAN:
1. PANLINANG NA GAWAIN: Pag-awit ng Filipino song.
A. BALIK-ARAL: Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong.
1. Si Dancine ay matalinong bata.
a. Ano sa pangungusap ang ngalan ng tao?
b. Ano naman ang salitang naglalarawan sa tao?
2. Ang tigre ay mabangis.
a. Ano ang ngalan ng hayop?
b. Ano naman ang salitang naglalarawan sa hayop?
3. Ang Barangay San Nicolas ay malawak.
a. Ano sa pangungusap ang ngalan ng lugar?
b. Ano naman ang salitang naglalarawan sa lugar?
2. PANGGANYAK:
Naalala nyo pa ang kuwento tungkol sa pamamasyal ng mga mag-aaral sa Bicol sa Bulkang Mayon?
Ilarawan ang hugis ng Bulkang Mayon.
3. PAGLALAHAD:
a. Paglalahad sa teksto Aral sa Pamamasyal.
b. Pagbibigay kahulugan ng mga salita.
Hanay A Hanay B
1. natulala a. naamoy, nasisinghot
2. namangha b. nakita, nasilayan
3. natanaw c. natigilan
4. nalanghap d. nagulat, nabighani
c. Paggamit sa sariling pangungusap ng mag salita.
d. Pag-ala-ala sa mga pamantayan sa pakikinig at pagbasa ng malakas.
e. Pagbasa sa teksto ng piling mag-aaral.
6. Paglalapat:
Pangkat 1: Awitin Mo: Kumatha ng isang awit gamit ang lantay na pang-uri.
Pangkat 3: : Itula Mo: Sumulat ng isang tula sa alaga mong hayop gamit ang mga lantay na
pang-uri
Pangkat 4: Iguhit Mo: Gumuhit ng paborito mong prutas , kulayan at ilarawan ito.
IV. PAGTATAYA: Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang pang-uri na nasa lantay na
kaantasan.
1. Ang Bagyong Paeng ay nagdala ng malakas na ulan sa ating lalawigan.
2. Si BBM ay isang mahusay na lider ng bansa.
3. Matamis ang hinog na mangga.
4. Ang mga mag-aaral sa ika-apat na baiting ay maingay.
5. Malapit na ang Pasko kaya ramdam na natin ang malamig na simoy ng hangin.
V. KARAGDAGANG GAWAIN:
Panuto: Sumulat ng maikling talata tungkol sa sarili gamit ang lantay na pang-uri.
Pagninilay
A.Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B.Bilang ng mag-aaral na
nangangailanagn ng ib
apang Gawain sa
remediation
C.Iba pang gawain