Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

RESIPI NG SINIGANG NA BABOY

Mga Hakbang sa Pagluluto:


1. Hugasan ang baboy at hiwain ng pa-kuwadradong hugis.
2. Pakuluan ang baboy hanggang sa lumambot.
3. Hugasan ang sibuyas, kamatis, siling haba, at iba pang mga gulay.
4. Hiwain ang sibuyas at kamatis.
5. Tanggalin ang tuktok at dulong parte ng mga okra saka ito hiwain sa gitna.
6. Tanggalin ang mga dahon ng kangkong at putul-putulin ang tangkay sa
katamtamang laki. Maliban sa matigas na parte sa ibabang bahagi ng tangkay.
7. Putul-putulin din ang sitaw sa katamtamang laki.
8. Kapag kumukulo na ang baboy ay tanggalin ang mga nakalutang na bula.
9. Pag malambot na ang baboy ay ilagay na ang sibuyas, kamatis, at siling haba.
10. Pagkatapos ng limang minuto ay ilagay na ang okra, tangkay ng kangkong, at
ang sitaw.
11. Hayaang kumulo ng limang minuto at lagyan ng knorr cubes pork, konting
asin, at magic sarap.
12. Ilagay ang mga dahon ng kangkong.
13. Lagyan ng knorr sinigang sampalok mix, depende ang dami sa kung gaano
kaasim ang sinigang na iyong nais.
14. Haayan kumulo saglit at maari na patayin ang apoy dahil luto na ang iyong
sinigang.

You might also like