Ang Adyenda (Agenda)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

ANG ADYENDA

(AGENDA)
Ang adyenda ay talaan ng mga pag-uusapan
sa isang pormal na pulong. Sumusulat ng
adyenda upang bigyan ng impormasyon ang
mga taong kasangkot sa mga temang pag-
uusapan at sa mga usaping nangangailangan
ng pansin at pagtugon. Binibigyang-halaga rin
dito ang rekomendasyon na lulutas sa isang
isyu. Pagkatapos, ang napagkasunduang
rekomendasyon ay dapat magkaroon ng
resolusyon (Garcia, 2009).
Ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang
tatalakayin sa pulong (Sudpasert, 2014). Ang
pagkakaroon ng maayos at sistematikong
adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na
pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang
maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi
bago isagawa ang pulong.
Narito ang ilang kahalagahan ng
pagkakaroon ng adyenda ng pulong.
1. Ito ay nagsasaad ng sumusunod na mga
impormasyon: a. mga paksang tatalakayin b.
mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng
mga paksa c. oras na itinakda para sa bawat
paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong
tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga
paksang tatalakayin at kung gaano katagal
pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang
mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.

4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi


sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyunan.

5. Ito ay nakatutulong nang malaki upang manatiling


nakapokus sa mga paksang tatalakayin.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Adyenda
Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa
papel o kaya naman ay isang email na
nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol
sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong
araw, oras, at lugar.
Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito
bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung
email naman, kinakailangang magpadala sila ng
kanilang tugon. Ipaliwanag din sa memo na sa
mga dadalo, mangyaring ipadala o ibigay sa
gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o
paksang tatalakayin at maging ang bilang ng
minutong kanilang kailangan upang pag-usapan
ito.
Gumawa ng balangkas ng mga paksang
tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda
o paksa ay napadala o nalikom na. Higit na
magiging sitematiko kung ang talaan ng
adyenda ay nakalatag sa talahanayan (table
format) kung saan makikita ang adyenda o
paksa, taong magpapaliwanag at oras kung
gaano ito katagal pag-uusapan.
Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong
dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang
pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang
layunin ng pulong, at kung kalian at saan ito
gaganapin.

Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng


pulong.
Pinaghanguan:

G.D. GARDINGAN.2021.Pagsulat ng Adyenda. Di nalimbag na


Modyul.Kagawaran ng Edukasyon. Rehiyong Administratibo ng Cordillera.

You might also like