Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Aralin 2

Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansan sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas


Pa

Macabit, Jhedel M.

BSBA MM3A

Suriin!

1. Ano ang ipinaglalaban ng artikulong ito?

Sagot:

Ang artikulong ito ay kaugnay sa pagtatag ng Tanggol Wika- alyansang nanguna sa pakikibaka
laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at
Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng
Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan). May plano ang gobyerno
na tanggalin ang ibang asignatura sa kolehiyo dahil nga ilalagay ang ibang asignatura sa K-12
Curriculum Program ngunit marami ang hindi sang-ayon rito isa na Ang Tanggol Wika na kung
saan ipinaglalaban ng artikulong ito ang asignaturang Filipino sa kolehiyo na huwag tuluyang
mawala sa antas tersyarya. Dahil dito mas nagaganap o mas nalilinang Ang intelektwalisasyon
ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang
pangmadla at kaalamang pang midya.
2. Sang-ayon ka ba sa ipinaglalaban nito?

Sagot:

Ako ay sang-ayon rito, una dahil sa pamamagitan ng paggamit ng asignaturang Filipino mula
elementarya hanggang kolehiyo ay maipapakita natin at mapapalaganap ang kahalagahan ng
ating sariling wika at ito rin ang isang paraan upang mas malinang natin ang pagsasalita at
paggamit ng Wikang Filipino sa pang araw-araw na pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap natin
sa kapwa natin Pilipino. Pangalawa, ay dahil katulad ng ibang bansa ginagamit nila ang kanilang
sariling wika sa kolehiyo bukod sa mga pang dayuhang wika. Higit sa lahat Ang wikang Filipino
ang pamana ng ating mga ninuno na nakipagsapalaran at nakipaglaban para makamit ang ating
kalayaan na dapat nating pahalagahan at paunlarin upang sa ganun ay hindi ito tuluyang
masapawan ng mga dayuhang wika na patuloy na ginagamit ng kapwa natin Pilipino ng sa
ganoon ay magamit pa natin ito sa susunod na henerasyon.

3. Magbigay ng isang argumento at ipaliwanag ito batay sa iyong pagkakaunawa.

Sagot:

Argumento 4: PARA MAGING EPEKTIBONG WIKANG PANTURO ANG FILIPINO, KAILANGANG


ITURO AT LINANGIN DIN ITO BILANG ASIGNATURA

Sa argumentong ito ay sang-ayon ako dahil dapat talagang gamitin parin Ang asignaturang
Filipino sa pagtuturo lalo na sa kolehiyo dahil base sa aking obserbasyon karamihan sa mga
estyudyante sa kolehiyo dito sa ating bansa lalo na sa Visayas at Mindanao (na kung saan hindi
ito ang kanilang unang wikang natutunan ng sila ay bata pa) ay hindi parin bihasa sa paggamit
nito. Kaya dapat paring gamitin ito sa antas tersyarya upang mas malinang ang kasanayan ng
mga estyudyante sa Wikang Pambansa. Dapat itong ipaglaban at paunlarin ng sa ganoon ay
maipalaganap pa Ang intelektwalisasyon ng Wikang Filipino. Ang pagpaslang nito ay para naring
pinatay natin ang pagkatao ng kapwa natin mamamayang Pilipino

Subukin!

 Nasa Facebook ang video ng aking talumpati.

You might also like