FINAL DLP Pagsasaling-Wika 1st Co 2022

You might also like

Download as xlsx, pdf, or txt
Download as xlsx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
MANTALONGON NATIONAL HIGH SCHOOL
Mantalongon, Dalaguete, Cebu

MADETALYENG GABAY SA PAGTUTURO SA FILIPINO 10


DLP Blg: Asignatura: Filipino Baitang: 10 Quarter: 3rdIka-3 ng Marso 2022
Batayan sa Pagkatuto: (Hango sa Code:
Gabay Pangkurikulum) MELC Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika F10WG-IIIa-71

Susi ng Pag-unawa na Lilinangin: Angkop na pamantayan sa pagsasaling-wika


Adapted Cognitive Process Dimensions (D.O. NO. 8, s. 2015)
Pangkaalaman : Nakakikilala sa mga alituntunin sa angkop na pamantayan sa pagsasaling-wika

Pangkasanayan: Nakasasalin ng isang akda gamit ang angkop na pamantayan sa pagsasaling-wika


1. Domain:
Pangkaasalan: Nakahihinuha sa kahalagahan ng pagsunod ng pamantayan sa pagsasaling-wika

Pagpapahalaga: Naisaalang-alang ang angkop na pamantayan sa pagsasaling-wika


2. Nilalaman: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika
3. Mga Kagamitang Panturo: TV, Laptop, at powerpoint presentation
4. Pamamaraan PAMAMARAAN
*Pagdadarasal
Bago natin sisimulan ang ating araw, magsitayo na muna ang lahat para sa panalangin.

*Pagsasaayos ng mga upuan


Ayusin at ihanay nang maayos ang mga upuan.
4.1 Panimulang Gawain (5 minuto)
*Paglilinis ng buong silid
Pakipulot ng lahat ng mga basura na nasa inyong paligid, sa ilalim, sa gilid, at sa inyong harapan.
Pakitapon ito sa basurahan at pagkatapos ay maaari na kayong umupo.
*Pagtsetsek ng attendance
Sa puntong ito ay ating titingnan kung kumpleto na ba ang lahat o may kulang pa. Kapag sasabihin ko ang
inyong class number, kailangang itaas ninyo ang inyong kamay.
*Pampamukaw-sigla
Ating iunat ang ating mga kasu kasuan at kalamnan, sumabay tayo sa indak at tugtog ng sayaw na, "Paro
Paro G."
*Paglalahad ng layunin
Para magkaroon tayo ng gabay sa mga kailangang isakatuparan sa araw na ito, ay narito ang ating mga
layunin.
Mahilig ba kayong manood ng mga Korean Drama o K-Drama? Ngayong umaga ito ay magbabalik-tanaw
tayo sa isa sa mga kinababaliwang K-Drama sa mga nagdaang taon, ang "Princess Hours." Pamilyar pa
ba kayo sa dramang ito? Fasten your seat belt dahil pupunta na tayo sa Korea. Annyeonghaseyo! Halika't
tunghayan natin ang video. (Araling Panlipunan Integration)

4.2 Mga Gawain/Estratehiya (5 minuto)


Ngayong tapos na nating mapanood ang video, subukan nating sagutin ang mga katanungang ito:
1. Ano ang inyong napansin sa ipinakitang video clip?
2. Napansin ninyong may English subtitle dahil ang video ay nasa wikang Korean. Nakatulong ba ang
English subtitle para maintindihan ninyo ang bawat linya ng kanta? (English Integration)
4.3 Pagsusuri (5 minuto)
3. Kung gayon, bilang mga mag-aaral, mahalaga bang magkaroon tayo ng kaalaman sa iba't ibang wika
lalong lalo na sa wikang Ingles na unibersal na lenggawahe at mas lalo na sa wikang Filipino na wikang
atin?
4. Ano nga ba ang pagsasaling-wika? Ano-ano ang mga pamantayan nito?
Kaugnay ng gawaing ating nagawa na kanina, ngayon ay ihanda ang mga sarili para sa mga bago na
namang kaalaman. Ang tatalakayin natin sa umagang ito ay tungkol sa, "Pagsasaling-Wika." Maraming
kaalaman ang dapat taglayin ng bawat mag-aaral na tulad mo at isa na rito ang malawak na kaalaman sa
pagsasaling-wika. Nasubukan mo na bang makipag-usap sa isang banyaga? Naging madali ba para sa iyo
na ipahayag ang nais mong sabihin? Kaakibat ng pag-unlad ng bansa ang pakikipag-ugnayan natin sa
mga banyaga at dahil ang ingles ay tinatawag na unibersal na lenggwahe, marapat lamang na may taglay
tayong kaalaman ukol dito. Sa araw na ito ay matututunan ninyo ang mga batayang kaalaman sa
pagsasaling-wika.

Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na


mensahe ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan. Sa pagsasaling-wika
kailangang maipabatid nang tama ang mensahe ng isinasalin kaya naman mahalagang isaisip
ng isang tagapagsalin ang sumusunod na paalala o pamantayan sa pagsasaling-wika:

Bago natin iisa-isahin ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika, atin munang alamin kung ano ang mga
katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin.

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.


Ang kakarampot na kaalaman sa alinman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay magiging
mapanganib. Kailangan-kailangan dito ang kahusayan sa gramatika, wastong paggamit ng mga salita,
wastong pagbubuo, pagsusunod-sunod at iba pa. Subalit hindi pa rin garantiya ang mga iyan upang siya’y
makapagsalin nang maayos, lalo na kung ang isasalin ay mga malikhaing uri ng akda. Kailangan pa rin
dito ang sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.
2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
Nakalalamang na ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit na
nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito. Halimbawa: Ang isang gurong
hindi nagtuturo ng biology ay hindi magiging kasinghusay na tagapagsalin ng akdang tungkol sa Biology
kaysa gurong nagtuturo nito.
3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Ingles ay wikang
kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura; ang Filipino ay gayundin sa
pagpapahayag ng kulturang Pilipino. At dahil sa pagkakaiba ng kultura ng dalawang bansang kasangkot sa
pagsasalin, hindi tayo dapat magtaka kung may mga pagkakataong hindi maisalin nang maayos ang isang
bahagi ng materyal na Ingles. Ang dahilan ay ang pagkakaiba sa kultura at hindi dahil sa ang Filipino ay
mahinang klase ng wika.
*Ngayong alam na natin ang mga katangiang kailangang taglayin ng isang tagpagsalin, dadako na naman
tayo sa mga pamantayan sa pagsasaling-wika:

 Alamin ang paksa ng isasalin.


Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa
paksa ng tekstong isasalin.

 Basahin nang ilang beses ang tekstong isasalin.


Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag
o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Gayunpama’y tandaang hindi ka
basta magpaparaphrase kundi magsasalin kaya hindi mo dapat baguhin, palitan, o bawasan ang
ideya o mensahe ng iyong isinasalin.

 Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita.
Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang isasalin at sa wikang
4.4 Pagtatalakay (15 minuto) pagsasalinan. Hindi kasi sapat na basta tumbasan lang ng salita mula sa pinagmulang teksto ng isa
ring salita sa pagsasalinang wika dahil literal lang ang kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi
mapalabas ang tunay na diwa ng isinasalin.

 Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa.


Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na
mauunawaan din ng mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang orihinal sa salin.

 Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika ang
iyong isinalin.
Makatutulong nang malaki ang pagpapabasa ng isinalin sa isang taong eksperto o katutubong
nagsasalita ng wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung
ito ba’y naaangkop na sa konteksto ng isang taong likas na gumagamit ng wika.

 Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin.


Makatutulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre na kinabibilangan
ng isasalin. Halimbawa, hindi basta makapagsasalin ng isang tula ang isang taong walang gaanong
alam sa matatalinghagang salita at mga tayutay na karaniwang ginagamit sa isang tula. Idagdag pa
rito ang kaalaman ukol sa magkakatugmang salita lalo na kung may sukat at tugma ang tulang
isasalin. Kung tula ang isasalin, kailangang lumabas pa rin itong isang tula at hindi prosa. Kung ito’y
may sukat at tugma, kailangang pagsikapan ng tagapagsaling mapanatili rin ito.

 Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan.


May mga pagkakataon kasing ang paraan ng pagsasaayos ng dokumento sa isang wika depende sa
kanilang nakasanayan ay naiiba sa wikang pagsasalinan kaya’t dapat din itong bigyang-pansin ng
magsasalin.

 Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon at napagbubuti ng


karanasan.

Kung sakaling sa unang pagtatangka mo ay hindi mo agad magawang makapagsalin nang halos
kahimig ng orihinal ay huwag kang mag-alala dahil habang tumatagal ka sa gawaing ito at
nagkakaroon nang mas malawak na karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon ng kahusayan
sa gawaing ito.

ILANG TIYAK NA HAKBANG SA PAGSASALIN


Naririto ang ilang tiyak na hakbang na maaari mong maging gabay sa pagsasaling-wika:

 Basahin muna ang buong akdang isasalin upang makuha mo at maunawaan ang kabuuang diwa
nito.

 Isagawa na ang unang pagsasalin. Dapat mong isipin na ang isasalin ay diwa at hindi ang mga
salita.

 Pagkatapos mong maisalin ang akda, itabi mo muna ang orihinal. Basahin mo ang salin.
ILANG TIYAK NA HAKBANG SA PAGSASALIN
Naririto ang ilang tiyak na hakbang na maaari mong maging gabay sa pagsasaling-wika:

 Basahin muna ang buong akdang isasalin upang makuha mo at maunawaan ang kabuuang diwa
nito.

 Isagawa na ang unang pagsasalin. Dapat mong isipin na ang isasalin ay diwa at hindi ang mga
salita.

 Pagkatapos mong maisalin ang akda, itabi mo muna ang orihinal. Basahin mo ang salin.

Muli mong basahin ang salin at alamin kung may salita kang dapat palitan, pariralang dapat na
alisin o idagdag upang mabuo ang hinihinging diwa o kaya naman ay mga pangungusap na dapat
baguhin ang balangkas upang maging malinaw ang kahulugan nito.

 Ipabasa mo nang malakas sa iba ang salin at obserbahan ang mga bahagi ng salin na hindi
mabasa nang maayos.

 Rebisahin ang salin at saka muling ipabasa nang malakas sa iba (hindi ang unang bumasa)
hanggang sa maging maayos nang lahat ang dapat ayusin.
*Magbibigay ng mga gabay na katanungan ang guro pagkatapos ng talakayan:
1. Nauunawaan mo ba ang tinalakay nating paksa tungkol sa kahulugan, mga pamantayan at hakbang sa
pagsasaling-wika?
2. Aling bahagi ng ating talakayan ang hindi malinaw para sa iyo?
3. Kung gayon, ano ang pagsasaling-wika batay sa iyong sariling pang-unawa?
4. Ano-ano ang kailangang isalaang-alang sa pagsasaling-wika?
5. Madali lang ba ang magsaling-wika?
6. Bakit mahalagang kasanayan ang pagsasaling-wika? Ano ang implikasyon nito sa iyo bilang isang mag-
aaral? (Values Integration)
Gamit ang mga natutuhang pamantayan sa pagsasaling-wika, ang bawat mag-aaral ay malayang
makapagsalin ng kahit anumang akda na kanilang nais mula sa dalawang wikang kasangkot, ang wikang
Filipino at wikang Ingles at vice versa. Maaaring magsalin sila ng isang kanta o awitin, isang tula, isang
maikling kuwento mula sa wattpad at manga, mga hindi malilimutang linya sa pelikula at iba pa.
Kailangang makabuo ka ng limampu (50) hanggang walumpung (80) salita pagkatapos mong maisalin ang
iyong napiling akda. (Music and Arts Integration) & (ICT Integration)
Narito ang mga pamantayan na ating susundin bilang gabay sa gagawing pagsasalin:

4.5 Paglalapat (16 minuto)


Gamit ang mga activity sheets na ibibigay ko sa inyo bawat isa, sagutan ang mga pagsasanay na may
kaugnayan sa tinalakay nating paksa.

A. Panuto: Gamitin ang mga natutuhang mga pamantayan sa pagsasaling-wika upang mapabuti ang
sumusunod na literal na pagsasalin mula sa orihinal ng mga online translation site sa Internet.
“A nation that destroys its soils destroys itself. Forests are the lungs of our land, purifying
the air and giving fresh strength to our people.”
-Franklin D. Roosevelt
 
“Ang isang bansa na sira ang lupa nito sira mismo. Kagubatan ang mga baga ng aming
lupa, paglilinis ang mga naka at pagbibigay sa mga sariwang lakas sa ating mga tao.”
-Salin ng isang online translation site
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________
 
-Salin ni: ________________________________________
Pangalan Mo

“Like music and art, love of nature is a common language that can transcend political or
social boundaries.”
-Jimmy Carter
 
“Tulad ng musika at sining, pag-ibig ng kalikasan ay isang pangkaraniwang wika na
maaaring mangibabaw pampolitika o panlipunan mga banggaan.”
-Salin ng isang online translation site 
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________ 
-Salin ni: ________________________________________
Pangalan Mo 
3. “When the last tree is cut, and the last fish killed, the last river poisoned, then you will
see that you can’t eat money.”
-John May
 
“Kapag ang huling tree-cut at ang huling isda namatay, ang huling ilog poisoned,
pagkatapos ay makikita mo na hindi ka maaaring kumain ng pera.”
-Salin ng isang online translation site
__________________________________________________________________________
_______________________________________________________________ 
-Salin ni: ________________________________________
Pangalan Mo
 
4. “We are seeds as well as parasites to the earth. We can either give or take, depending on
our perception of growth.”
-Zephyr Mclyntyre
4.6 Pagtataya (10 minuto)  
“Kami ay buto pati na rin ang peste sa lupa. Maaari namin bigyan o tumagal, depende sa
aming pang-unawa ng pag-unlad.”
-Salin ng isang online translation site
__________________________________________________________________________
_______________________________________________________________ 
-Salin ni: ________________________________________
Pangalan Mo
 
5. “If you really think that the environment is less important than the economy, try holding
your breath while you count your money.”
-Zephyr Mclyntyre
 
“Kung sa tingin mo talaga na ang kapaligiran ay di masyadong mahalaga kaysa sa
ekonomiya, subukan na may hawak ang iyong hininga habang bilangin mo ang iyong
pera.”
-Salin ng isang online translation site
__________________________________________________________________________
_______________________________________________________________ 
-Salin ni: ________________________________________
Pangalan Mo
B. Panuto: Gamitin ang mga natutuhan mong pamantayan sa pagsasalin ng sumusunod na
mga karaniwang pagbati mula sa wikang Ingles patungong wikang Filipino.
 
1. How are you? ________________________________________ 
2. What can I do for you? ________________________________________
3. I’m pleased to meet you. ________________________________________ 
4. Can you please show me the way? ______________________________________ 
5. Where did you come from? ________________________________________
 
C. May mga katawagang Ingles na hindi dapat isalin nang literal sa Filipino dahil
magkakaroon ito ng ibang kahulugan. Unawain ang ibig sabihin ng sumusunod at saka isalin
2. What can I do for you? ________________________________________
3. I’m pleased to meet you. ________________________________________ 
4. Can you please show me the way? ______________________________________ 
5. Where did you come from? ________________________________________
 
C. May mga katawagang Ingles na hindi dapat isalin nang literal sa Filipino dahil
magkakaroon ito ng ibang kahulugan. Unawain ang ibig sabihin ng sumusunod at saka isalin
nang tama sa Filipino.
1. Sleep tight _____________________________
2. Sing softly _____________________________
3. Study hard _____________________________
4. Take a bath _____________________________
5. Fall in line _____________________________
 

4.7 Takdang Aralin (1 minuto) Maghanda sa susunod na talakayan. Pag-aralan ang anekdotang patungkol kay Nelson Mandela.

Mag-iiwan ng isang katanungan ang guro na nagsasabing: "Paano magagamit nang angkop ang mga
4.8 Paglalagom (3 minuto)
pamantayan sa pagsasaling-wika?"

5. Mga tala
6. Pagninilay "Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa."

B.  Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng ibang gawain


A.  Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
sa remediation?

C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin? D.  Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?

E.   Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang lubos na nakatutulong? Paano ito F.   Anong suliranin na aking naranasan ang nasolusyunan ng
nakatutulong? aking punong-guro o tagamasid?
G.  Anong kagamitang panturo ang aking nabuo na maaari kong mabahagi sa
aking kapwa guro?
Inihanda ni:
Pangalan: LOVELY F. SELERIO Paaralan: MANTALONGON NHS
Posisyon/Designasyon: Teacher 1 Sangay: CEBU PROVINCE
Contact Number: 9055497024 Noted by: MRS. ANNA ZHUSETTE Z. PINTOR

You might also like