Professional Documents
Culture Documents
Tortugas
Tortugas
Tortugas
Lalawigan ng Bataan
Lungsod ng Balanga
City Fisheries and Aquatic Resources Management Council
Katitikan ng buwanang pulong ng CFARMC at Bantay Dagat na ginanap noong ika-12 ng Enero 2022 sa
Sibacan Balanga City, Bataan
Mga Dumalo:
Agenda:
Unang tinalakay ni Chairman ang tungkol sa ginawa nating paglilinis sa palaisdaan sa Sibacan. Sinabi niya na
marami pa tayong lilinisin at kailangan na mayroon tayong schedule ng paglilinis dahil ang iba sa atin ay
mayroong mga obligasyon sa isa’t isa.
Itinanong nya kung anong araw at oras ang kailangan natin ilaan dito. Iminungkahi ni Vice Chairman Rolando na
gawin nating dalawang beses sa isang buwan ang gawain nating paglilinis. Itinanong ni chairman kung sang ayon
ba ang lahat sa mungkahi ni kuya Rolando. Ang lahat naman ay sumang ayon at ito ay gagawin tuwing ikalawa at
huling biyernes ng buwan.
Sinabi pa din ni chairman na ito ay ipinagkatiwala sa atin ni Madam ang pag aalaga sa atin at pamamahala nito
bilang Livelihood Project.
Tungkol naman sa mga hindi makakadalo o makakapunta sa itinakdang araw ay mangyari na magpasabi at kung
maaari ay mayroon kapalit sa pagpunta sa paglilinis.
Napagkasunduan pa din na magsisimula tayo sa ika 14 ng Enero 2022 Ganap na ika 7:00 ng umaga
Dahil wala ng nakatakda pang usapan ang pulong ay isinara sa ganap na ika 11:00 ng umaga.