Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Modyul Introduksyon sa Pamamahayag

Aralin 1 Ang pampaaralang pamahayagan

Inaasahang Bunga ng Pagkatuto: Pagkatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

1. Naibibigay ang katuturan, saklaw at anyo ng pampaaralang pamahayagan;


2. Natutukoy tungkulin, layunin at mga pangunahing pahina ng pampaaralang
pamahayagan.

Introduksyon
Ang patuloy na pag-inog ng mundo tungo sa maunlad na pang-impormasyong
tenolohiya ay lalo pang nagpapasulong sa antas ng pamahayagan. Sa pamamagitan nito,
nagiging madali, mabilis at di-gaanong magastos ang pangangalap at pagpapalaganap ng
mga kaalaman.
Kaalinsabay dito ay ang lalo pang pagtaas ng antas ng pagnanasa ng mga taong
palawakin pa ang kanilang mga kaalaman sa tulong ng pamahayagan. Ang mga
kaganapang ito ang lalo pang nagbigay-daan sa pagsulong ng pamamahayag sa lahat ng
dako ng daigdig.
Ang pamamahayag ay sinisimulan sa elementarya hanggang kolehiyo. Ito ay lalo
pang pinagtibay sa implementasyon ng Republic Act No. 7079 na tinaguriang Campus
Journalism Act of 1991. Idineklara nito ang pagtataguyod at pangangalaga sa kalayaan ng
pamamahayag kahit na sa mga paaralan. Itinaguyod din nito ang pagpapaunlad at
pagsulong ng pamahayagang pangkampus bilang isang paraan sa paghubog ng mga
positibong pagpapahalaga, paglinang sa mapanuri at malikhaing pag-iisip at
pagpapaunlad ng katangiang moral at disiplinang pansarili ng kabataang Pilipino.
Ang pamahayagang pangkampus ang nagiging tuklasan, linangan at sanayan ng
talento at kakayahan ng mga bata tungo sa kadalubhasaan sa pamamahayag.

1.1. Pamahayagan

Ang pamahayagan ay isang sining ng pagpapahayag ng iba’t ibang impormasyon


na may kahalagahan para sa mga mambabasa, tagapakinig o tagapanood. Tinatawag na-
mang pahayagan ang isang inilimbag na publikasyon ng mga balita na inilathala at ibinebenta.
Ang pamamahayag (journalism) ay isang kaakit-akit na libangang pang-araw-
araw na taglay ng katotohanan ng buhay. Samantala, ang pamahayagang pangkampus
(Campus) journalism ay isang kawili-wiling gawaing pampaaralan ng mga kaanib sa
patnugutan sa pangangalap at paglalahad ng balita; pagsulat ng mga editoryal, pitak; ang
pagwawasto ng mga kopya at pag-aanyo.

Saklaw ng Pamahayagan
Ang saklaw ng pamahayagan ay nahahati sa tatlong kategorya: pasulat, pasalita at
pampaningin. Pasulat kung ang midyum ng pamahayag ay ang mga pahayagan, magasin
at iba pang babasahin; pasalita kung nasa radyo; at pampaningin kung ito ay nasa
telebisyon at sine.
1. Pasulat- pahayagan, polyeto, magasin,
aklat (print media)
2. Pasalita- radio, karaniwang pabalita,
komentaryo (broadcast media)
3. Pampaningin- telebisyon, pelikula,
Betamax (Visual Media)

1.2 Anyo ng Pamahayagan

1. Palayong Pamahayagan- anyo ng pag-uulat ng mga pangyayari na nakatuon lamang sa


mga datos at sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino, Saan at Kailan, Bakit at
Paano?
2. Pagpapakahulugang Pamahayagan- anyo ng pag-uulat kung saan ang mamamahayag
ay nagpapaliwanag sa kahalagahan ng pangyayari sa pamamagitan ng pagpapalawak
ng kasagutan sa tanong na Bakit at Paano?
3. Katunggaling Pamahayagan- anyo ng pag-uulat kung saan ang mamamahayag, bilang
kabahagi ng tinaguriang Ikaapat na Estado ay nagsisilbing “watchdog” o
tagapagbantay ng mga gawain ng tatlong sangay ng pamahalaan: ang ehekutibo,
lehislatibo at hudikatura.
4. Pangkaunlarang Pamahayagan- anyo ng pag-uulat na taliwas sa katunggaling
pamahayagan; at may layuning itaguyod ang panlipunan, pang-ekonomiya at
pampulitikang kaunlaran ng bansa.
5. Dilaw na pamahayagan- anyo ng pamahayagan na ginagawang sensasyonal ang mga
istorya tulad ng mga krimen, karahasan; kahalayan at imoral na mga gawain ng mga
artista at mga kilalang tao tulad ng paglilimbag ng kanilang mga hubad na larawan.

Introduksyon sa Pamamahayag
Page 3 of 12
Modyul

USMKCC-COL-F-050
*Ang Spanish-American War ay kinikilalang unang “media war”.

1.3 Tungkulin ng Pamahayagan

1. Maglathala ng balita. Ang isa sa mga pangunahin at pinakamahalagang tungkulin ng


pamahayagan ay ang ipabatid sa mambabasa ang mga kaganapan sa pamayanan o
lipunan nang wasto, tumpak, walang labis at walang kulang ang mga impormasyon at
walang kinikilingan.
2. Magbigay ng puna sa balita. Sa pamamagitan ng editoryal at mga tudling, natutulungan
ang mga mambabasang maunawaan ang mga puno’t dulo ng mga pangyayari o balita.
Natutulungan din sila nitong makapagpasya kung saang panig ba ng isyu ang higit
nilang tatangkilikin at itataguyod o papanigan.
3. Mang-aliw sa mambabasa. Karaniwang nang bahagi ng pahayagan ang mga pitak-
panglibangan upang magbigay ng aliw sa mga mambabasa. Halimbawa rito ay ang mga
crossword puzzel, maze at marami pang iba.
4. Magbigay ng payo sa mambabasa. May mga pitak ang pahayagan na nagbibigay ng mga
tips sa mambabasa ukol sa iba’t ibang aspeto ng buhay tulad ng pagkokonserba ng
enerhiya, makabagong pamamaraan sa pagtatanim o paghahalaman, mabisang pag-
aaral o pagrerepaso ng mga leksyon at iba pa.
5. Maglathala ng mga anunsyo. May mga bahagi ng pahayagan na nag-aanunsyo ng mga
produkto at serbisyo upang mabigyang kabatiran ang mga mambabasa tungkol sa mga
bakanteng trabaho, mga bagong uso at mabiling produkto at iba pang kakailanganing
produkto ng mambabasa.

1.4 Tungkulin ng Mamamahayag


Sa Pilipinas, ang tungkulin ng isang mamamahayag ay hindi lamang ang iulat o
ilarawan ang mga pangyayari, kundi ang ipaliwanag at hulaan ang maaaring kahihinatnan
ng mga ito. Sa madaling sabi, may tatlong tungkulin ang mamamahayag: 1) iulat o

Introduksyon sa Pamamahayag
Page 4 of 12
Modyul

USMKCC-COL-F-050
ilarawan ang isang pangyayari; 2) ipaliwanag ito at bigyan-kahulugan; at 3) hulaan ang
maaaring kahihinatnan ng nasabing pangyayari.

1.5Tungkulin ng Pampaaralang Pahayagan


1. Magbigay ng pagkakataon sa mga batang manunulat na matuto sa mabisang
pagpapahayag ng kani-kanilang mga kaisipan at saloobin.
2. Maipaabot sa mambabasa ang anumang kaganapan sa loob at labas ng paaralan.
3. Matuto ang mga batang manunulat na maging higit na mapagmasid, mapanaliksik,
mapanuri at mapalawak ang kamalayan sa nangyayari sa kanilng kapaligiran.
4. Mabigyan ng pagkakataon ang mga batang mag-aaral na malinang at mahasa ang
kanilang kakayahan sa pagsusulat tungo sa pagiging ganap at propesyunal na
manunulat.
5. Malinang ang pagpapahalaga sa pangkatang pagtutulungan tunga sa hinahangad na
tagumpay.
6. Mahubog sa mga batang manunulat ang pagpapahalaga sa pagiging mapanagutang
mamamahayag.
7. Magsilbing talaan ng mga kaganapan sa loob at labas ng paaralan.
8. Magsilbing tulay na magbibigkis sa pagtutulungan ng paaral, tahanan at pamayanan.

1.6 Mga Pangunahing Pahina ng Pampaaralang Pahayagan


1.Pangmukhang Pahina
Ito ay karaniwang naglalaman ng mga sumusunod na bahagi:
a. pangalan ng pampaaralang pahayagan - kalakip nito ang pangalan at lugar ng
paaralan, tomo, bilang ng isyu, saklaw na mga buwan at taon ng pagkalimbag.
b. tainga - isa o dalawang kahon na kahanay ng pangalan pampaaralang
pampahayagan na naglalaman ng logo ng paaralan, kasabihan, kartun, o
panimula ng mahahalagang panloob na balita.
c. ulo ng pinakamahahalagang balita - nagsisilbing pamagat ng pinakatampok na
balita at nakalimbag sa malaking titik.
d. pinakamahalagang balita (banner news)
e. Pamatnubay (lead)
f. Balita (news)
g. Larawan/ Klitse (cut)
h. Paliwanag sa larawan o kapsyon (caption or cutline)

Introduksyon sa Pamamahayag
Page 5 of 12
Modyul

USMKCC-COL-F-050
i. Pamagat ng paliwanag sa itaas ng larawan (overline)
j. Kiker (tagline/kicker)
k. Petsahang balita (dateline news)
l. Pangalawang bahagi ng ulo ng balita o kubyerta o dek (deck o bank)

Banner
headline

Banner
news

streamer

Introduksyon sa Pamamahayag
Page 6 of 12
Modyul

USMKCC-COL-F-050
lead

Deck

cut

lead

line cut

sabhed (subhead)- isang malaking pamagat na ginagamit upang mabigyan ang mahabang
istorya ng break o puting ispasyo (white space) upang hindi pagsawaan ang pagbabasa
taglayn(tagline), tiser (teaser), o kiker (kicker)- binubuo ng isang maikling linya na
inilalagay sa itaas ng pinakaulo sa bandang kaliwa nito o sa sentro. Maliit ang tipo at may
salungguhit. Kung ang taglayn ay mas Malaki kaysa ulo ng balita ang tawag dito ay hamer
(hammer).

Introduksyon sa Pamamahayag
Page 7 of 12
Modyul

USMKCC-COL-F-050
kicker

hammer

Payong (umbrella)- streamer na nasa itaas ng nameplate

umbrella

nakakahong ulo (boxed head)- ulo ng balita na kinulong sa mga guhit para maipakita ang
kahalagahan.
talon-ulo (jump head) ulo ng jump story na nasa ibang pahina.

Introduksyon sa Pamamahayag
Page 8 of 12
Modyul

USMKCC-COL-F-050
OVERLINE

Caption
UNENDING BATTLECRY. A group of protesters rally o cutline
in the street of Alunan, Kidapawan City shouting
against oil price hike yesterday. JEOFFREY MAITEM credits

Introduksyon sa Pamamahayag
Page 9 of 12
Modyul

USMKCC-COL-F-050
2.Pahinang Editoryal
Ito ay ay karaniwang naglalaman ng sumusunod:
a. Polyo (Folio) -tinataglay ang bilang ng pahina,pangalan ng pahayagan, at ang petsa
ng paglimbag.
b. Watawat (Flag)- pinaliit na pangalan ng pahayagan sa loob ng kaho ng patnugutan.
c. Kahon ng patnugutan (Masthead or staff box)
d. Pangulong tudling o editorial (editorial proper)
e. Tudling editorial o pitak (editorial column)
f. Kartun (cartoon)
g. Liham sa Patnugot (letter to the editor)
h. Editoryal Layner (editorial liner)
i. Panauhing tudling (guest editorial)

FLAG

MASTHEAD

FOLIO

Introduksyon sa Pamamahayag
Page 10 of 12
Modyul

USMKCC-COL-F-050
3. Pahinang Lathalain
Nagtataglay ito karaniwan ng mga palagiang kolum ng lathalain, natatanging
lathalain, mga larawan at guhit, puzzle, maze at iba pa.
4. Pahinang pampanitikan
Ito ay karaniwang naglalaman ng maikling kwento, sanaysay, tula, dula, suring-dula,
suring-pelikula, suring aklat, komiks at iba pa.

Introduksyon sa Pamamahayag
Page 11 of 12
Modyul

USMKCC-COL-F-050
5. Pahinang Pangkaunlarang Komunikasyon
Karaniwang mababasa rito ang mga balita, editoryal, kuru-kurong tudling at mga
opinyon, lathalian, kartung editoryal, mga larawan at guhit tungkol sa kaganapang
pangkaunlaran ng pamayanan.
6. Pahinang Pang-agham
Naglalaman ang pahinang ito ng mga balita, editoryal, kuru-kurong tudling at mga
opinyon, kartung editoryal, mga larawan at guhit tungkol sa agham at teknolohiya.
7.Pahinang Pampalakasan
Karaniwang mababasa rito ang mga balita, editoryal, kuru-kurong tudling at mga
opinyon, kartung editoryal, lathalain, mga larawan at guhit na na uukol sa pampalakasan
o isports.

Introduksyon sa Pamamahayag
Page 12 of 12
Modyul

USMKCC-COL-F-050

You might also like