Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAIKLING PAGSUSULIT SA AP

TAONG PANURUAN 2022-2023

Pangalan:________________________________________ Puntos:________
Baitang at Pangkat:______________ Petsa: ___________

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng pinakatamang sagot.


1. Ang Ekonomiks ay hango sa salitang Griyego na oikonomia na nangangahulugang pamamahala ng
sambahayan. Samakatuwid, ano ang dapat mong pangasiwaan sa sambahayan?
A. Pagkakaroon ng malinis at magandang bahay.
B. Paghahanap ng trabaho upang mabuhay ng matiwasay.
C. Papupundar ng mga kagamitan na magpapasaya sa pamilya.
D. Paglinang ng mga yaman na mayroon sa tahanan upang maging kapaki-pakinabang.
2. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pagpapasya ng sambahayan ng wastong pagpaplano ng
gastusin?
A. Bibili ng bagay na kailangan at sasapat lamang sa halaga ng baon na mayroon.
B. Matutulog na lang maghapon para tipid sa pagkain at gastusin
C. Uunahin ang mga kagustuhan na magpapasaya sa sarili.
D. Maglalaro na lang gadget kaysa gumala kasama ang barkada.
3. Bilang bahagi ng lipunan, paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa Ekonomiks sa pang-araw-araw
na pamumuhay?
A. Mapaplano ng kinabukasan na maisaayos ito
B. Matututong magtipid lalo na sa panahon ng kagipitan
C. Mauunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa usaping ekonomiko
D. Lahat ng nabanggit
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo sisiguruhin na ikaw ay mapapabilang sa yamang tao na
makakatulong sa lipunan pagdating ng tamang panahon?
A. Tutulong sa mga gawaing bahay upang makatipid sa gastusin.
B. Hindi na lang lalabas ng bahay para makaiwas sa mga barkada.
C. Mag-aaral nang mabuti upang magkamit ng mga kaalaman at kasanayan
D. Magtitipid sa mga gastusin kaya hindi na lang gagastusin ang baon sa eskwela.
5. Bakit mahalaga sa iyo ang pag-aaral ng Ekonomiks?
A. Gabay ang Ekonomiks sa pagbuo ng matalinong desisyon.
B. Makatutulong ang Ekonomiks sa pagkakamit ng kayamanan.
C. Matutupad ang pangarap na pumasok sa politika sa papamagitan ng pag-aaral ng Ekonomiks.
D. Magkakaroon ka ng kakayahang makipagdebate sa iyong kapwa lalo na sa usaping pang-ekonomiya
6. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang pangunahing tuon ng pag-aaral ng ekonomiks?
A. Kahirapan B. Kakapusan C. Kalungkutan D. Kaunlara
7. Tila walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Paano makakaapekto ang ganitong
sitwasyon sa ating mga limitadong pinagkukunang-yaman?
A. Madaling mapapalitan ang likas na yaman dahil maraming alam ang tao sa pangangalaga nito
B. Madaling mapapalitan ang likas na yaman dahil sa teknolohiyang alam ng tao
C. Madaling mauubos ang likas na yaman dahil tuloy-tuloy ang pagkonsumo sa mga ito
D. Madaling mauubos ang likas na yaman dahil wala ng mabilhang suplay ng produkto
8. Ang kakapusan ay maaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI nagpapakita ng suliraning ito?
A. Magdudulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
B. Magtataas ang presyo ng mga bilihin na nagdudulot ng kabawasan sa kakayahan ng mamimili na
bumili ng kanyang pangangailangan
C. Pagbaba ng bilang ng mga nahuhuling isda sa karagatan
D. Pagkakataong kumita ng mas malaki ang mga negosyante
9. Paano mo haharapin ang suliranin sa kakapusan?
A. Matutong magtipid sa lahat ng oras at panahon
B. Tugunan ang pangunahing pangangailangan
C. Ugaliin ang matalino at episyenteng paggamit ng pinagkukunang-yaman
D. Isaisip ang bagay na magpapasaya sa kagustuhan ng bawat isa
10. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang mga sumusunod ay maaaring maganap
MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Maaaring sumaya ang mga may kakayahang bumili ng maraming produkto.
B. Maaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
C. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
D. Magiging maayos ang pagbabadyet.

Panuto: Basahin ang bawat pahayag at alamin kung ano ang konseptong inilalarawan sa bawat bilang.
Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel. (11-15)

Opportunty cost Incentives Marginal thinking

Trade-off Makroekonomiks Maykroekonomiks

11. Tumutukoy sa bagay o karanasan na nagiging pagganyak upang tagkilikin ang isang kalakal o
paglilingkod.
12. Paggamit ng resources nang efficient o “walang sayang
13. Pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
14. Halaga ng bagay o ng best alternative na handang isakripisyo sa bawat paggawa ng desisyon.
15. Tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa
.

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng bawat
pangungusap at MALI naman kung hindi wasto. (16-25)

16. Ang pagsasaalang-alang sa opportunity cost ay dapat iwasan sa pagsasagawa ng marginal thinking.
17. Ang cost-benefit analysis ay ang pagbawas ng opportunity cost sa opportunity benefit upang matukoy
kung wasto ba ang gagawing desisyon.
18. Mas makabubuti kung uunahin muna nating matugunan ang ating pangangailangan kaysa kagustuhan.
19. Ang trade off ay hinaharap ng lahat ng tao kung kaya mahalaga ang matalinong pagdedesisyon upang
magamit nang efficient ang limitadong pinagkukunang-yaman.
20. Ang marginal thinking ay hindi maisasagawa ng mag-aaral kung hindi siya nakapag-aral ng Ekonomiks.
21. Pangunahing pokus ng ekonomiks na maging mayaman ang mga mag-aaral nito.
22. Magagamit ang mga kaalamang natutunan sa ekonomiks upang maging mapanuri sa mga isyung
panlipunan at magkaroon ng pamantayan sa pagbuo ng pagpapasya.
23. Nagsisilbing batayan ang mga konseptong napag-aralan sa ekonomiks upang episyente magamit ang
yaman na mayroon ang sarili, ang pamilya, at ang lipunang kinabibilangan.
24. May kakayahan ang mag-aaral ng ekonomiks na gawing unlimited o walang hanggan ang lahat ng
pinagkukunang - yaman.
25. Magulang lamang ang may kakayahang magpasya kung paano pamamahalaan ang mga maituturing na
yaman mayroon ang pamilya.

You might also like