Antique National School Edukasyon Sa Pagpapakatao 7 Learning Activity Sheet

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Antique National School

San Jose, Antique


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Ikalawang Markahan
LEARNING ACTIVITY SHEET

Pangalan:_______________________________ Baitang 7-_____________ Petsa: ___________

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anoman ang kanyang kalagayang panlipunan, kulay, lahi , edukasyon ,
relihiyon at iba pa.

2. Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na may pagpapahalaga sa dignidad ng tao.

3. Napatutunayan na ang

A. Paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at

B. Ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at magkapareho nilang tao

4. Naisasagawa ang mga konkretong paraan upang ipakita ang paggalang at pagmamalasakit sa mga taong kapus-palad o
higit na nangangailangan kaysa sa kanila.

ANG DIGNIDAD NG TAO

Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin “karapat-dapat”. Ang dignidad ay
nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao,
anoman ang kaniyang gulang , anyo, antas ng kalinangan at kakayahan, ay may dignidad.

May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung ihahalintulad sa ibang nilikha. Sapagkat
mayroon siyang isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatwiran , maagmuni-muni at
pumili nang malaya.

Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa
ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran , dahil sa mata ng Diyos , pantay-pantay ang lahat.

Ayon kay Propesor Paatrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang
sumusunod:

1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.

2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.

3. Pakitunguhan ang kapwaa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.

Maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao sa pamamagitan ng:

1. Pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang
bagay na ibig mangyari.

2. Paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy
mong isanasaalang-alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapwa.

GAWAIN 1.

Mag-isip ka ng dalawang magkaibang katayuan ng tao sa buhay na iyong nasasaksihan sa iyong paligid (halimbawa,
mayaman at mahirap). Suriin mo ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba sa pamamagitan ng Venn Diagram. Ang Venn
Diagram ay ginagamit upang ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay. May nakahandang
halimbawa para sa iyo. Gawin ang iyong sariling Venn Diagram sa iyong papel.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang nakita mong pagkakaiba ng dalawang tao na may magkaibang katayuan sa buhay? Ipaliwanag.

2. Ano naman ang kanilang pagkakatulad? Ipaliwanag.

3. Sa pagitan ng kanilang pagkakaiba at pagkakatulad , alin sa iyong palagay ang higit na dapat na pagtuunan ng pansin
at

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin mo ang sumusunod at isulat sa iyong sagutang papel ang iyong mga sagot.

1. Ilarawan mo ang isang bansa kung mananatiling hindi mapapangalagaan ang dignidad ng mga taong maliliit sa
lipunan.___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. Paano ka makakatulong upang mapangalagaan ang dignidad ng iyong kapwa?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

GOOD LUCK!!!

Inihanda ni: Inaprobahan ni:

CREAMS S. CEZAR CORDEL H. TUPAS

T-I / EsP Teacher T-III / Esp Coordinator

You might also like