Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.3


Textbook based instruction SA FILIPINO 9
paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s Kwarter 2 Linggo 3
Activity Sheet (LAS)

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________________

Guro: _______________________________________ Petsa ng Pagpasa : _______________________________

MELC: 11: Naipaliliwanag ang pananaw ng may akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan
(F9PN-IId-47)
12: Naipaliliwanag ang mga:kaisipan, layunin, paksa; at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay.
(F9PB-IId-47)
13: Naipaliliwanag ang mga salitang di-lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap (F9PT-IId-47)
14: Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang mga saloobin
o opinyon sa isang talumpati (F9PD-IId-47)
15: Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu s talumpating
nagpapahayag ng matibay na paninindigan. (F9PS-IId-49)
16: Nakasusulat ng isang argument hinggil sa napapanahong isyu sa lipunang Asya.(F9PU-IId-49)
17: Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at
mungkahi (F9WG-IId-49)
Aralin:
Pananaw, Kaisipan at Layunin
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 Pahina: 115 – 127

Layunin:
 Naipaliliwanag ang pananaw, kaisipan at layunin ng may-akda tungkol sa paksa batay sa nabasang talata
Kasanayan Bilang: 1 Pagpapaliwanag ng Pananaw, Kaisipan Araw: 1
at Layunin ng May-akda
KONSEPTO:
Ang pananaw sa ingles ay points of view. Ito ay nangangahulugan ng paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa
isang bagay suliranin o pangyayari. Personal na pang-unawa, punto de bista.
Ang kaisipan ay tumutukoy sa nais ibahagi ng isang indibidwal o grupo sa maaaring gustong ipahayag kung ano ang
posisyon nila tungkol sa isang paksang pinag-uusapan. Sa simpleng eksplanasyon, ang kaisipan ay kung ano ang
masasabi mo sa isang paksang pinag-uusapan batay sa iyong pag-iisip sa nasabing paksa.
Ang layunin ay nangangahulugang tunguhin o mithiin na kailangan makamit, makamtan o maisakatuparan na may
kaakibat na pagkilos.
Pagsasanay 1 (3 puntos bawat bilang)
Panuto: Basahin at unawain ang talatang pinamagatang “Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50
Taon”. Maaaring buksan ang link https://www.youtube.com/watch?v=r8aPffr5_II&pbjreload=101

Ipaliwanag ang mga sumusunod na kaisipan:

1. “Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa mababang kalagayan sa lipunan.”
Paliwanag: _____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. “Ang karapatan at kalagayan ng kababaihan ay umuunlad kung ihahambing 50 taon ang nakalipas.”
Paliwanag: _____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. “Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay-halaga sa kakayahan kaysa kasarian.”
Paliwanag: _____________________________________________________________
_____________________________________________________________
4. “Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon.”
Paliwanag: ______________________________________________________________
______________________________________________________________
1
5. “Naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon.”
Paliwanag: ______________________________________________________________

Layunin: Naipaliliwanag ang mga salitang’ di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap.

Kasanayan Bilang: 2 P agpapaliwanag ng mga Salitang’ Di lantad ang Kahulugan Araw:2

KONSEPTO:
Ang pangunahing ideya na di-lantad ay iyong mga ideya na hindi tuwirang inilahad ng awtor sa loob ng isang talata.
Ang Nilalaman ng mga Panaginip. Kahalagahan ng pagbuo ng pangunahing ideya. Ang pagbuo ng pangunahing ideya
ay makatutulong para maunawaan mo nang lubos ang kompleks na kaisipan na hindi tuwirang nakalahad sa isang
talata.

Halimbawa: Si Maria ay pumayag na maging kabiyak ng puso ni Juan.


Sagot: kabiyak ng puso – Ito ay nangangahulugang sinisinta, asawa, o sinumang minamahal na nais pakasalan.
Paliwanag: Sinasabing kabiyak ng puso ang isang minamahal dahil magkasama na sila sa mga desisyon sa buhay at
iisa na ang tinitibok ng kanilang puso.
Pagsasanay 2: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ipaliwanag at ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit nito sa sanaysay.
Isulat sa iyong papel ang sagot. Maaaring buksan ang link https://www.youtube.com/watch?
v=r8aPffr5_II&pbjreload=101
1. parehong pagkakataon
Sagot:_____________________________________________________________________
2. pantay na karapatan
Sagot:_____________________________________________________________________
3. naiiba na ang gampanin
Sagot:__________________________________________________________________
4. hindi makatarungan ang trato
Sagot:_____________________________________________________________________
5. higit na mapanghamon
Sagot:_____________________________________________________________________

Layunin:
 Naipahahayag at nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang mga saloobin o
opinyon sa isang talumpati.

Kasanayan Bilang: 3 Pagpapahayag at Pagbibigay-puna Araw:3


Sa pagsasalita sa isang talumpati
KONSEPTO:
Ang paninindigan ay sinasabing dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon. Ito ay ganap na pagtupad sa isang
ideya o pag-iisip, o pagtupad sa isang pangako. Ito rin ay ang pagkakaroon ng responsibilidad o prinsipyong may
pagtitiwala sa sarili sa nagawang desisyon.
Ang Talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
Pagsasanay 3: Panuto: Panoorin ang isang video tungkol sa talumpating “Ang Kabataan Pa Rin Ba Ang Pag-asa ng
Bayan?”Maaring gumamit ng internet para mabuksan ang link: https://www.youtube.com/watch?v=1qyNwVeAI6Y

Pagsagot sa Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang paksa ng talumpating napanood?
__________________________________________________________
2. Napapanahon ba ang paksa? Pangatwiranan
__________________________________________________________
3. Paano naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay?

2
__________________________________________________________
4. Magtala ng mga mahahalagang punto na tumimo sa iyong isipan habang pinapanood ang talumpati.
__________________________________________________________
5. Ano ang iyong napuna tungkol sa paraan ng pagsasalita ng nagtatalumpati?
__________________________________________________________

Pagsasanay 4: PANANAW MO, IPARINIG MO! (15 PUNTOS)


Panuto: Bumuo ng isang talumpati na nagpapahayag ng iyong matibay na paninindigan sa sumusunod na tema: “Babae
Ako/Lalaki ako, May Karapatan Ako!”.
__________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Ang Iyong gagawing talumpati ay mamarkahan sa sumusunod na pamantayan:


Napakahusay 15
Mahusay 12
Katamtaman 10
Di-Gaanong Mahusay 7
Lubhang Di-Mahusay 5

Layunin: Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa lipunang Asya gamit ang
Angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi.
Kasanayan Bilang:4 Argumento o opinyon Araw: 4
KONSEPTO:
Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon

Ang pagpapahayag ng opinyon ay maaaring pasalita o pasulat. Sa pagbibigay ng opinyon kinakailangan na maging
maayos ang paglalahad ng ideya.
Ang mga sumusunod ay mga angkop na pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon, matibay
na paninindigan at mungkahi.

Pagbibigay ng Matatag na opinyon Pagbibigay ng Neutral na opinyon


Buong igting kong sinusuportahan… Kung ako ang tatanungin…
Kumbinsido akong… Kung hindi ako nagkakamali…
Labis akong naninindigan… Sa aking pagsusuri…
Lubos kong pinaniniwalaan… Sa aking palagay…
Sa aking pananaw…
Sa ganang sarili…
Sa tingin ko…

Mga halimbawa ng mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinion:


1. Buong igting kong sinusuporahan ang kanyang desisyon sapagkat ito ang tama para sa lahat.
2. Kumbinsido akong kaya niyang gampanan ang kanyang responsibilidad dahil may paninindigan siya.
3. Sa aking palagay, si Rhea ang pinakamatalino sa kanilang klase.

Pagsasanay 5: OPINYON KO, IBABAHAGI KO! (5 puntos bawat bilang)


Panuto: Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Pumili lamang ng isang sitwasyon at sumulat ng isang talata na
nagpapahayag ng iyong sariling opinyon tungkol sa mga napapanahong isyu ng bansa. Gamit ang angkop na mga
pahayag sa pagbibigay ng opinyon.
1. Covid-19 sa Pilipinas 2. Kahirapan 3. Pagbabago ng Klima

3
Inihanda ni:

HAZEL A. SALINO
CCNHS

SUSI SA PAGWAWASTO

Sipi ng Akda

LUMILIPAS ANG PANAHON


(Ang mga Kabataan Noon at Ngayon)
Sa paglipas ng panahonmaramingbagay ang nagbabago, ngunitpaanobamaiiwasan ang
mgapagbabago? Paanobamapapanatili ang mganakagawianna? ‘di ba’tsinasabina ang kabataan ang pag-
asa ng bayan? Ngunitngayon ay ibangibana ang mgakabataan.
Noon, ang kabataan ay masunurin, walangbisyo, magalang at maka-Diyos. Ngayon,
hindinamagalangdahilsumasagotna ng pabalangsamgamagulang, hindimasunurindahil lagging
sagotngayon ay “mamayana” o kaya naman ay “saglit lang”. Noon, isangtingin lang ng
mgamagulangsakanilanganaktumatahimiknaagad. Ngayon, halos lumuwana ang
mgamatasapagtinginperohindi pa rinmasaway.
Dati ang kabataan ay kusangnagmamanosamgamatatanda, magalangsakapwa, magingsatahanan ay may
kusangpagkilosmagingbabae man ito o lalaki. Pagdatingnamansapag-ibig mas mahirapmagpaligaw ang
isangbabae noon, kaysasangayonna halos hindinaaabot ng isangbuwan ang mgapanliligaw. Bakit din ang
mgakabataanngayon ay nagigingmarahas at bayolenye? Mayroonna ding lumalabansakani-
kanilangmgamagulang. At mahiligsilasamga away at rambol?
Eto pa saisangpagbabago ng kabataan. Noon, ang pananamit ng mgababae ay halos matana lang
maaaring Makita, ngunitngayon at madamingpagbabago ang naganap. Kung makikitamosila ay halos
maghubadnasakanilangmgapananamitnakitana ang kanilangmgakaluluwa.
Kung tatanungin ko kanyongayon..anong mas gusto niyo, ang mga ugali ng kabataan noon o
ngayon?

4
Sipi ng Akda

ANG KABABAIHAN NG TAIWAN: NGAYON AT NOONG NAKARAANG 50 TAON”


Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Ang bilang ng populasyon ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% 0 2% na mataas
kaysa kalalakihan .Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon
at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakukuha ng pantay
na karapatan at paggalang tulad ng kalalakihan.Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-
unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon.Ito ay makikita sa dalawang kalagayan:una ang pagpapalit
ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at
kalagayan.Nakikita ito sa Taiwan.
Ang una ng kalagayan noong nakalipas na 50 taon,ang babae sa Taiwan ay katulad sa
kasambahay o housekeeper.Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-
bahay na hindi natapos ng kanilang asawa.Ang mga babae ay walang karapatang magdesisiyon dahil sa
kanilang mababang kalagayan sa tahanan.
Ngayon,nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong nagging komplikado.Sa bahay
ng mga Taiwanese,sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay.Ngunit sa larangan ng
trabaho,inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan.Sa madaling
salita,dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.
Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod,pagkakataong
makapag-aral,at mga batas na nangangalaga sa kanila.Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay sa
kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handing kumuha ng mga babaeng may kakayahan at
masuwelduhan ng mataas.Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya at
nakikita na ring may mga babaeng namamahala.Isa pa,tumaas ang pagkakataon para sa mga babae
pagdating sa edukasyon.Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno,higit na mataas ang bilang ng mga
babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.
At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay
nakikita na rin.Halimbawa,sa Accton Inc.,isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa
Taiwan,ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang.Ang gobyerno ng
Taiwan ay gumagawa nan g batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang
mapangalagaan ang kababaihan.
Bilang pagwawakas,naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung
ihahambing noon.Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan nan g pansin. Ngunit hindi ito
nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap nan g pantay na posisyon at panganaglaga sa
lipunan.Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaeng lider
nito.Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa
tahanan.Ito ay matuwid pa rin sa kanila .Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa
Taiwan at malaki ang aking pag-asa na Makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.

5
6
Sipi ng Akda

KABATAAN: PAG-ASA PA RIN BA NG ATING BAYAN? (Isang Talumpati)


“Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan.”
Ito ay isa sa mga napaka-tanyag na katagang binitiwan ng ating pambansang bayani na si Doktor Jose Rizal
noong siya’y nabubuhay pa. Dito, inilalarawan niya na ang kabataan ay ang siyang may kakayahan na
ipagtanggol ang ating bayan laban sa mga mananakop o sa iba’t ibang uri ng tao na may maitim na adhikain
sa ating bansa. Ngunit, dahil sa mabilis na pagtakbo ng panahon, masasabi pa ba natin na ang kabataan ay
siyang tunay na pag-asa ng Pilipinas, ang bayang ating sinilangan?

Sa ikalawang nobela ni Rizal na El Filibusterismo, natunghayan natin ang mga tauhan na sina Basilio, Isagani,
Makaraig, Sandoval at Juanito Pelaez. Ang mga kabataan sa nobelang ito ay nagkakaisa sa iisang mithiin at
ito ay ang ipaglaban ang karapatan nilang magtatag ng isang paaralang tinawag nilangAkademya ng Wikang
Kastila na naglalayong magturo ng wikang Kastila sa lahat ng mga kabataang Filipino. Sa kasawiang-palad,
ito’y hindi sinang-ayunan ng pamahalaang Kastila. Subalit, kung inyong mapapansin, ang mga kabataang
Filipinong ito ay maituturing na mga dakila dahil sa pamamagitan ng kanilang layunin, naipakita nila na
mayroon silang paki-alam sa kapwa nilang mga Filipino.

Ang aking tanong sa bawat isang naririto na nakaririnig ng aking talumpati, “Sa modernong panahong ating
kinalalagyan ngayon, masasabi ba natin na mayroon pa ring Basilio, Isagani, Makaraig, Sandoval at Juanito
Pelaez na siyang mayroong inisyatibong tumayo at lumaban para sa ating mga karapatan?”

Kung ako ang inyong tatanungin ukol diyan, oo ang aking isasagot. Mayroon pa ring mga kabataang tulad ng
mga nabanggit na tauhan ng El Fili na siyang may lakas ng loob na ipaglaban ang ating mga karapatan.

Ngunit, kung mayroong mga kabataang tulad nila Basilio, napakarami rin namang mga kabataan ngayon ang
maaari nating ihalintulad sa isa pang tauhan ng El Fili na nagngangalang Tadeo.

Si Tadeo, mga kaibigan, ay isang kamag-aral nina Basilio na namumukod-tangi sa lahat. Siya ay isang uri ng
kabataan na tamad mag-aral at laging ipinanalangin na sana’y wala laging pasok. Kaya kung inyong
natatandaan, noong hinuli na ang mga kabataan sa paratang na pagkakabit ng mga paskin sa kanilang
paaralan, si Tadeo lang ang kaisa-isang mag-aaral na imbes na malungkot ay siya pang abot-tainga ang ngiti
sabay sinunog pa ang kanyang mga aklat dahil ito daw ang pinakamasayang pangyayari sa kanyang buhay
sapagkat dahil dito’y wala nang pasok sa kanilang paaralan.

Sa panahong ito, nagkalat ang mga “Tadeo” sa ating lipunan. Maraming mga kabataan na mas pinili na ubusin
ang kanilang panahon sa paggawa ng mga walang kabuluhang gawain kaysa sa pagpunta sa kani-kanilang
mga paaralan. Nariyan ang mga kabataang nauubos hindi lamang ang oras kundi pati na rin ang kanilang pera
dahil lamang sa paglalaro ng mga computer games tulad ng Defense of the Ancient o mas kilala sa daglit na
D.O.T.A. Nariyan naman ang mga kabataan na nauubos ang pera sa pagbili ng mga bagay na hindi naman nila
kailangan. At ang mas masahol pa rito, marami nang mga kabataan ngayon ang nalululong sa iba’t ibang mga
bisyo tulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at ang mas matindi pa, ang paghithit ng mga ipinagbabawal na
gamot.

Kung dati-rati, sa handaan ng isang kamag-aral na nagdiriwang ng kaarawan, madalas nating itanong ang mga
ito: “Marami bang pagkain?,” “May mga palaro ba?” at “May keyk ka ba?” Ngayon, karamihan ng mga
kabataang dadalo sa isang pagdiriwang ng kaarawan ng isang kaibigan ay ganito ang unang tinatanong: “May
inuman ba?” sabay sabi ng, “Ui, San Mig Lights lang sa akin ha? Baka mapansin ni Papa at Mama.”

Oo. Marahil kayong naririto ay natatawa ngunit tanggapin na natin sa ating mga sarili na lahat ng mga ito ay
possible at tunay na nangyayari sa modernong panahong ito.

Mayroon namang mga kabataan, na sa murang edad pa lang, ay pumapasok na sa pakikipag-relasyon. Ito ang
siyang nagiging dahilan ng tumataas na kaso ng maagang pagiging mga magulang ng kabataan.

Oo, hindi masamang magmahal sa ating kapwa. Ngunit, hindi lang puso ang dapat nating gamitin sa pag-ibig.
Maskailangan nating gamitin ang atin isip. At kapag magmamahal tayo, huwag natin ibigay lahat ng
pagmamahal sa ating mga kasintahan. Magtira rin tayo para sa ating mga sarili. Kung gusto mong mahalin ka
ng taong mahal mo, bakit hindi mo muna mahalin ang sarili mo? Sa ganoon, makikita ng mga tao sa paligid
mo na may respeto ka sa sarili mo na siyang magiging dahilan ng iba upang mahalin ka.
7

You might also like