Matias Ipaliwanag ang iba't ibang uri ng talumpati
Mayroong pitong uri ang talumpati; Una ay ang
talumpating "nagbibigay aliw" sa uring ito ang isang mananalumpati ay nagbibigay nga mga impormasyon na makapagbibigay aliw o kasiyahan sa mga tagapakinig madalas itong ginagawa sa isang salo-salo. Pangalawa ay ang talumpating "nagdaragdag kaalaman" madalas itong isinasagawa sa mga lektyur at paguulat tulad ng mga reporter sa telebisyon. Pangatlo ang "nagbibigay sigla" ito ay pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas ito ng mga Coach sa kaniyang mga pangkat manlalaro upang bigyan sila ng lakas at sigla sa paglalaro. Pang-apat ay ang talumpating "nanghihikayat" ang talumpating ito ay karaniwang naririnig sa mga kumpanya upang maging marketing strategies at sa panahon ng halalan. Panglima ay ang talumpating "nagbibigay galang" ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis. Pang-anim ay ang talumpating "nagbibigay papuri" ginagamit sa pagbibigay ng pagkilala sa mga pumanaw. Panghuli ay ang talumpating "nagbibigay impormasyon" ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang- siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay. Alin sa mga sumusunod na mga halimbawa ng pagtatalumpati ang nais mong isagawa at bakit? Magbigay din ng isang paksa na nais mong pillin upang ito ay mailahad sa mga tagapakinig.
Para sa akin kung ako ay papipiliin kung anong uri ng
talumpati ang aking nais gawin o isagawa ito ay ang talumpating nanghihikayat o panghikayat. May mga pagkakataon sa aking buhay na naranasan ko ng gumawa at magtalumpati ng ganitong uri ng pagtatalumpati at ang palagi kong naipapaksa ay ang pagsugpo o kung paano maiwasan ang mga stress at kung paano lumaban sa buhay na mayroon ang bawat isa sa atin. Sa panahon na mayroon tayo ngayon ay mas pipiliin ko parin na ganitong paksa ang aking gawan ng talumpati dahil alam naman nating lahat, simula ng dumating ang pandemya sa ating buhay ay maraming tao ang nahantong at nakaranas ng mga stress, anxiety at mental and emotional stress. Ito ay dala ng hirap at problema sa pamilya, personal at maging sa akademikong suliranin. Nais ko lamang hikayatin ang mga mag-aaral maging ang mga tao na nakakaranas ng paghihirap sa emosyonal at mentalidad na damdamin. Sa simpleng panghihikayat at pagbibigay ng mga inspirasyonal na mensahe ay maiibsan at mabibigyan natin sila ng panibagong pagkaka-taon para magpatuloy sa buhay na alam nating mahirap at nahihirapan lahat. Sa simpleng pagpapaliwanag at pagkunbinse sa kanilang gumawa ng mga bagay na ikasasaya nila ay makkatulong at mahihikayat na natin silang magpatuloy sa buhay. Dahil para sa akin problema lang yan, mahirap pero kung iisipin mong magpatuloy at maging positibo lahat naman ay kakayanin natin. Wala naman problema na hindi nasosolusyunan. Ang talumpating nanghihikayat ay hindi lang para sa mga paksang tungkol sa marketing o halalan maaari din ito sa mga paksang magbibigay buhay sa mga taong wala ng pag- asa sa buhay upang magpatuloy.