Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
MONTES, TRACY LIANNE MARIE P. PANITIKANG FILIPINO
BA History 2-3 AGOSTO 27, 2022

GAWAIN 2

Basahin ang akdang Manabang ni Nap Arcilla at sagutin ang katanungan:

1. Sino si Nap Arcilla? (Background ng awtor).

Si Napoleon Arcilla III o mas kilala bilang Nap Arcilla ay isang prominenteng
manunulat na taga-Catanduanes. Kilala si Arcilla sa kanyang mga akda na nakatuon sa karanasan
ng bawat mamamayan sa kanilang isla. Siya ay naging kasapi ng Bilog Writer’s Circle, isang
organisasyon ng mga manunulat na may layuning ipakilala ang kultura, sining, at maging ang
panitikan ng Kabikulan. Ginawaran si Arcilla ng Carlos Palanca Awards for Literature. Isa siya
sa mga manunulat na nagsusulong ng isang masining at makulay na panitikan tungkol sa
kalagayan at karanasan ng mga tao sa lipunan, partikular sa aspeto ng pulitika. Si Arcilla ay
naging kasapi at panelist ng iba’t-ibang workshops katulad ng 8th Saringsing Worksop, Unang
Kaboroyogan, Ikalawang Palihang Multi-Genre ng PUP, 12 th Palihang Rogelio Sicat, 17th
Ateneo National Writers Workshop, 20th UST National Writers Workshop, at Tara, Tula
noong 2020. Isa sa mga sulatin na kanyang inilathala ay ang “Maqueda: Mga Usipon Mula
Lawod at Baybayon.” Ito ay isang koleksyon ng mga maikling kuwento tungkol sa iba’t-ibang
kalagayan ng mga tao sa Catanduanes, kung saan pangingisda ang kanilang naging kabuhayan ng
mga tao sa isla.

2. Tungkol saan ang akda?

Ang akdang ito ay pumapatungkol sa sistema ng kanilang hanapbuhay, ito ay ang


pangingisda na isa sa mga pinakamahirap at pinakamababang uri ng hanapbuhay ng mga
Pilipino. Marami sa atin ang nangngangarap magkaroon ng magandang buhay ngunit dahil sa
bulok na sistemang umiiral sa ating lipunan, sila ang pinakanaapketuhan ng matinding kahirapan
at pagmamanipula mula sa mga naghaharing uri. Sa kasalukuyan, isang malaking pasahin para sa
mga mangingisda ang kumita nang sapat mula sa pagpapalaot. Mas mahirap pa nga kung lalayo
pa ang ito. Sinasabing mas maraming huling isda sa malayo kaya wala na ibang dapat gawin
kundi isakripisyo ang kanilang buhay kumita nang malaki para sa araw-araw na
pangangailangan. Ngunit may mga pangyayari na maaaring maiugnay sa tunay na buhay na kung
saan, marami sa mga manggagawang Pilipino ay nakararanas ng paghihirap mula sa
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
pagmamanipula ng mga oportunista. Wala na silang ibang pagpipilian kundi sundin kung ano
ipinapagawa ng mga mapagsamantalang tao sa kanila.

Magsisimula ang kuwento sa isang mangingisda na nagngangalang Erwin. Siya ay isang


mangingisdang hindi makahuli ng maraming isda ng mga nagdaang araw ng kanyang
pagpapalaot. Siya lamang ang bumubuhay sa kanilang pamilya simula nung makulong ang
kanyang ama. Pumunta at tumambay si Erwin sa tindahang-bahay kung saan nag-aasikaso ng
mga paninda si Manay Ana. Umutang ulit sa kanya para sa pangangailangan ng pamilya. Sa
sobrang baon niya sa utang ay uminit ang ulo ni Manay Ana at agad itong tumanggi. Marahil na
kakaunti lamang ang mga tiking (isdang maliliit) na nahuli niya at iyon ang naging dahilan ng
pagbulyaw ni Manay Ana sa tuwing pupunta sa kanilang tindahang-bahay ang binata. Walang
ibang mapupuntahan si Erwin para manghiram ng pera kundi sa asawa nito na si Angkol Mauro
dahil siya lamang ang puntahan o takbuhan ng lahat sa kanilang sitio sa oras ng kanilang
pangangailangan.

 Sa unang bahagi, dito inilarawan ng binata ang katangian ng mag-asawa. Binanggit sa


kuwento na ang katangiang pisikal ni Manay Ana maganda, maputi, mabango, maitim at
mahaba ang buhok, may malusog na dib-dib, at malapad ang kanyang balakang. Ito ay
parang karaniwan na inilalarawan kung ano ang pisikal na anyo ng mga kababaihan.
Habang ang kanyang asawa na si Angkol Mauro ay manilaw-nilaw ang kanyang balat,
balbas-sarado, at butas-butas ang kanyang mukha. Sa madaling salita, pangit si Angkol
Mauro base sa paglalarawan ni Erwin kumpara kay Manay Ana na parang
pinagpapantasyahan niya o inoobjectify dahil sa pisikal na anyo nito.

 Bukod dito, isinalaysay din ni Erwin ang magkakaibang karanasan bago sila naging mag-
asawa. Sinimulan niya ang pagsasalaysay sa naging karanasan ni Manay Ana. Siya ay
nagmula sa maykayang pamilya sa Pandanan, isang barrio sa lalawigan ng Camarines Sur
at panganay siya sa isang manggagawa ng bangka. Nang dumaan ang bagyo sa kanilang
lugar ay maraming napinsalang mga kabuhayan na pangunahing kinabubuhay ng
kanilang pamilya. Walang nagawa ang pamilya kaya nauwi ito sa pagpapakasal kay
Angkol Mauro kahit masyado pa itong matanda para sa kanya kapalitan ng kalakal ng
kanilang pamilya at pangunahing tagapagpagawa ng mga bangka upang makapag-aral at
matustusan ang pamilyang ginulungan ng kamalasan. Sa isang banda naman, isinalaysay
naman niya ang naging karanasan ni Angkol Mauro. Siya raw ang diyos ng Sitio
Kalangkang na may pinakamaraming pag-aaring bangka sa kanilang sitio. Takbuhan siya
ng mga tao sa oras ng kanilang pangangailangan, tuwing may emergency, tuwing may
manganganak, may biglang namatay o pinatay, at may ibang ooperahan sa iba’t-ibang
bahagi ng katawan. At siya lang din ang nag-susupply ng krudong nagpapatakbo sa
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
kanilang mga bangka. Dagdag sa kanyang sinabi, isinalaysay ang buhay ni Angkol
Mauro. Siya raw ay anak sa labas ng mayamang Instik sa kabisera na nagmamay-ari ng
pinakamalaking tindahan ng gamot na nagngangalang Orlando Tiu. Kapatid siya sa labas
ng kasalukuyang alkade at gobernador at itinuring na parang tunay na anak kahit sa mga
araw na may problema at kagipitan. Di nagpapatinag si Angkol Mauro sa kanyang mga
problemang kinahaharap matapos mamatay ang kanyang ina sa sunod. Ito ay sa
kadahilanang pinilit na isinalba ang gintong arinola na naglalaman ng inipong pera.
Nanatiling matatag at tumayo sa sariling mga paa si Angkol Mauro hanggang sa
yumaman siya at lumago at kanyang kinikita.

Nang tatabuyin sana ni Manay Ana ang binata ay biglang lumapit si Angkol Mauro
upang magpautang ng tatlong daan ngunit binigyan ng kondisyon ang matanda kay Erwin na
aayain siyang sumama sa pagkuha ng mga korales dahil mas malaki ang kita nito kaysa sa mga
isdang nahuhuli niya. Kahit pinagpilitan ng matanda ang kondisyon sa kanya ay tumanggi si
Erwin. Ayaw mangyari sa kanya na mahuli sila sa kalagitnaan ng kanilang pagnanakaw dahil
alam niyang ilegal ang kanilang gagawin. Binanggit ni Erwin sa akda na ito ang dahilan kung
bakit nakulong ang kanyang ama. Nangako ang binata na makakasama siya sa paghuhuli ng mga
korales kapag kakaunti pa rin ang mga isdang hinuli niya. Kung mapapansin natin ang akda, tila
may hinihinging kapalit kapag kinuha niya ang tatlong daang piso at kinukwestyon ni Angkol
Mauro ang prinsipyo ni Erwin. Pauwi ng bahay si Erwin nang makasalubong niya ang isang
grupo ng mga mangingisda, kasama na rito di Indoy Kasag na kinakantiyawan at pinagtatawanan
ang kanyang huli at kamalasan sa pangingisda. Tinawanan nalang ni Erwin ang mga naging
kantyaw sa kanya ng mga mangingisda pero sa loob loob niya ay nagmumura na siya.

Alas dos y media ng hapon nang muling pumalaot si Erwin. Nakarating siya sa dangop
sakay ang bangkang pagmamay-ari ni Angkol Mauro. Umaasa ang binata na makahuli ng
maraming isda. Marami kasi ang nagsasabi na maganda at masagana ang huli ng mga isda roon.
Sa kalagitnaan ng kanyang paghuhuli, maraming isda ang nahuli ni Erwin. Naisip niya na kapag
marami ang kanyang nahuli ay makakabayad siya mga inuta niya sa mag-asawa. Dahil nag-iba
ang klima sa dagat, hindi niya inasahan na may malakas na paghampas ng alon ang sasalubong
sa kanya habang naglalayag pabalik sa kanilang sitio. Nasira ang bangka na kanyang sinasakyan
dala ng hagupit ng alon sa dagat. Nawalan ito ng malay na tila palutang-lutang lamang siya ng
ilang oras. Maraming mangingisda ang namatay noong gabing mangyari ang sakuna sa dagat.
Kasama na rin dito si Angkol Mauro sa mga mangingisdang nawala dahil sa nangyaring
aksidente. Kinabukasan ay nagkamalay si Erwin nang maramdaman ang gaspang ng kamay ng
kanyang ina sa kanyang kwarto kasama si Manay Ana. Siya lamang ang mangingisda na
nakaligtas mula sa sakuna.
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
Pagkaraan ng isang buwan ay nagbago ang kilos at galaw ng mga tao sa sitio simula nang
mangyari ang sakuna na kung saan maraming kabuhayan ang nawala. Pumunta si Erwin sa
tindahang-bahay ni Manay Ana upang umutang ng krudo na gagamitin sa kanyang paglalayag.
Nai-kuwento sa kanya na dumaan ang mga pulis na nag-imbestiga sa nangyaring aksidente.
Inabot ni Manay Ana ang isang sobre upang basahin ng binata. Sinabi ng matandang babae na
may mga kasama si Angkol Mauro at nagtaka ang mga pulis na may mga nakuhang gamit sa
lantsa ni Angkol Mauro. Dagdag pa niya parang sinadyang sirain ang mga bangka pangisda at
halatang hindi raw ito gawa ng malakas na alon. Walang alam si Erwin sa mga pangyayaring
iyon kaya sumagot ang binata na hindi siya sumama sa pagkuha ng mga korales at ibang dangop
ang pinuntahan niya para makapanghuli ng maraming isda. Mapapansin na nagbago ang ugali ni
Manay Ana na dating masungit, ngayo’y naging mabait at pala ngiti na parang wala siyang
iniisip na problema. Iniuugnay niya ang ekspresyon nito kay Angkol Mauro batay sa kanyang
sinabi.

3. Ano ang gustong sabihin ng akda?

Ang nais iparating ng akdang ito na may mga taong di pa nakakahon sa hirap lalo na sa
panahon ngayon na maraming problema ang kinakailangang harapin. Nabubuhay lamang sila sa
pangingisda upang may pantustos sa kanilang pangangailangan at hindi maghirap o magdurusa
sa kung anumang kalagayan nila sa ngayon. Hinahangad ng iba na umangat sa buhay paminsan-
minsan. Gayunpaman, may mga taong sobrang nasisilaw sa kinang ng barya. Ang iba naman ay
kumakapit sa patalim dahil sa matinding kahirapan na dinanas sa kanilang buhay.

Kung mas palalalimin pa ang kahulugan ng akda, ito ay maihahalintulad sa mga tunay na
problema na karaniwang nangyayari sa lipunang ating ginagalawan. Ito ay ang isyu ng
Kapitalismo. Sa konseptong pang-ekonomiya at pampulitika, ang kapitalismo ay ang pagkuha
ng yaman at produksyon ng mga kalakal o produkto at maging ang serbisyo nito mula sa mga
malalaking kumpanya. Kontrolado ng mga indibiduwal ang mga ari-arian na pinagmumulan ng
kanilang kayamanan na kung saan ito ay nagtulak sa kanila upang gumawa ng mga bagong
produkto at iposisyon ang kanilang sarili ayon sa interest ng mga mamimili tungo sa kanilang
pag-unlad. Ngunit ang naging problema sa sistemang ito ay naapektuhan ang mga ordinaryong
manggagawa dahil sa patuloy na pananamantala ng mga kapitalista. Dahil kontrolado nga ng
mga pribadong kumpanya, binabalewala ang mga pangangailangan ng mga manggagawa at
walang kalayaan na gumawa ng mga bagay na sa kanilang palagay ay magiging daan sa
pagkamit ng pinakamataas na potensyal.
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
Sa kaso ni Angkol Mauro, ito ay mai-uugnay sa isang kapitalista o oportunista na
pinagsasamantalahan ang mga ordinaryong manggagawa. Batay sa nabasa kong akda,
pinupuntahan at nilalapitan siya ng mga taga-sitio dahil nagbibigay siya ng tulong sa abot na
kanyang makakaya ngunit nang makaharap niya si Erwin ay mukhang may masamang balak na
gagawin sa kanya. Kaya matatawag siya na kapitalista dahil kontrolado niya ang buhay ng tao at
pinagkakakitaan niya ito. At sa kaso naman ni Erwin bilang mangingisda, napagtanto niya kung
bakit ganoon ang naging pagtrato sa kanya ni Angkol Mauro. Hindi niya masikmura ang mga
pinagagawa sa kanya dahil ang lahat ng tulong ay laging may kapalit na pagtatalik at mga
gawaing ilegal gaya ng pagnanakaw ng korales. Sa madaling salita, ang kultura ng pandarahas na
ginagawa sa mga mahihirap ay umuusbong sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na siyang umiigting sa
kontradiksyon sa pagitan ng mga kapitalista at mga manggagawa. At ginagawa ni Angkol Mauro
ay nakaaapekto sa kanilang kabuhayan ng kanilang komunidad.

Mapapansin natin na ang kapitalismo ay may masamang epekto para sa mga mangingisda
tulad ni Erwin. Unang-una, pahirapan sila sa pagkuha ng resources gaya ng krudo na gagamitin
nila sa paglalayag. Sa sobrang taas ng presyo nito ay hindi alam ng mga mangingisda kung
paano nila itong gagastusin, kaya ang iba ay napipilitang umutang nalang sa mga negosyante
para maipagamit ang krudo at ang mga bangkang pangisda na nasisira dahil sa malakas na
paghampas ng alon ay pahirapan din ang paghahanap ng mapagkukunan upang makagawa ulit
ng bago. At pangalawa, dahil sa kahirapan ng paghuli ng maraming isda ng mga nagdaang araw,
nagtitiis lamang sila sa tiki na kahit papaano ay may panlaman tiyan pa rin. Ang mas masama pa
nito, napagtiisan niya ang pagtrato sa kanya ng matanda kapalit ng tulong ibinibigay nito.

Malaki ang naging epekto ng kapitalismo lalo na sa mga manggagawa mula sa mababang
sektor. Imbis na binibigyan ng benepisyo ang mga manggagawang Pilipino ay nakatuon lamang
sila sa pagpapayaman ng kanilang sarili kunpanya na magreresulta sa pagtataguyod ng hindi
pagkakapantay-pantay ng yaman. Nakikita ang problemang ito sa ating lipunan na kung saan ang
mga nasa mababang sektor ay naapektuhan ng ganitong klase ng pananamantala ng mga
negosyante gaya ng hindi maayos na pagbibigay ng serbisyo, pagbibigay ng mababang sahod,
hindi magandang pagtrato, at ang walang maayos at konkretong polisiya upang mapabuti ang
kalagayan ng mga manggagawa.

Ipanaramdam din ng may akda ang bawat suliranin na umuusbong sa ating lipunan na
kung saan ang pagiging mahirap ay siyang naging balakid sa pag-unlad ng bansa. Sa naging
problema ni Erwin dahil nakulong ang kanyang ama, naisipan niya lamang na huminto sa pag-
aaral at pinilit ang sarili niya na magtrabaho upang buhayin ang kanyang pamilya. At sa isyu
naman ng seksuwalidad, isa sa mga naging problema na ipinakita sa akda ay ang pagpapantasiya
ng mga kakabaihan na nagiging normal sa kasalukuyang lipunan. Maraming maseselang usapin
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
DEPARTMENT OF HISTORY
Sta. Mesa, Manila
ay ginagawang katatawanan o naisasantabi na lamang. Hindi lahat ng mga manunulat at
mambabasa ay may kritikal ang kanilang pag-iisip tungkol sa ganitong usapin. Karamihan sa
mga ito ay sadyang naging mababaw ang kanilang pag-unawa sa sex dahil sa umiiral na
konserbatismo ang ating bansa na malabong buksan pa ang ganito sensitibong usapin, kaya hindi
ito nababahiran ng reyalidad.

Ang akda ni Nap Arcilla ay binibigyang boses ang mga isyung hindi pa napag-uusapan sa
kanilang lugar na kung saan, ito ay magsisilbing daan upang gisingin ang kamalayan na sa una’y
nililito niya ang mga mambabasa kagaya ko dahil sa mga ginagamit niyang salita at estilo ng
kanyang pagsulat ngunit habang binabasa ko ang kanyang akda, unti-unting binubuksan ang
aking isipan kung ano ang gustong iparating ng akda sa kalagayan ng ating lipunan. Kaya ang
kaibahan niya sa ibang manunulat ay nagiging mapanghamon. Sinusubok ng mga mambabasa
kung hanggang saan ang kaya nila na unawain ang akda niya. Binibigyan muna ng kalituhan at
iniinis ang mga mambabasa bago malaman ang tunay na kahulugan ng kanyang akda.

- Tracy Lianne Marie P. Montes

Sanggunian:

Maqueda. (n.d.). Isang Balangay Media Productions. https://balangaybooks.com/maqueda

You might also like