4rth Quarter LAS Week 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Ika-apat na Markahan-Ikalawang Linggo

Pangalan:________________________________________________________________________
Baitang at Seksyon:________________________________________________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Paksa: PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

Kasanayang Pampagkatuto at koda

 Nasusuri ang ginawang personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay


may pagsasaalang- alang sa tama at matuwid na pagpapasiya EsP7PB-IVc
14.1
 Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay
gabay sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang
direksyon sa buhay atEsP7PB-IVc-14.2

Panimula (Susing Konsepto)
Ang proseso ng paggawa ng mabuting pagpapasya sa uri ng buhay lalong lalo na sa
pagbuo ng personal na pahayag sa misyon sa buhay.Kailangan mong matunghayan o
malaman ang mga salik na makakatulong sayo upang magkaroon ng malinaw na
pagpapasiya bilang gabay sa pagkakaroon ng tamang direksiyon sa buhay.
Ang misyon ay isang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kanya tungo sa
kaganapan.
Dito nakasalalay ang mabuting pagpapasiya upang maging maayos ang buhay na
hindi nagsisisi sa huli.
Mahalaga na sigurado sa nagiging desisyon sa buhay sapagkat ito ang susi upang
makamit niya ang layunin niya sa kanyang buhay.
Mahalaga ang misyon sa buhay sapagkat ito ang susi upang maging basehan ito ng
iyong pagtamo ng buhay.
Ang mga sumusunod ay maaaring gabay sa paggawa ng misyon sa buhay.
1.Kailangan mong malaman ang iyong ugali at katangian sapagkat ito ang
magpapakilala sa iyong sarili.
2. Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang iyong
pagpapahalaga.
3.Tipunin ang mga impormasyon

Ang tao ay nabubuhay ng may layunin,may dahilan at may patutunguhan.Bahagi ito


ng natatanging disenyo sa tao na wala sa ibang nilikha.Kaya maitatanong mo sa
sarili,ano ang kabuluhan ng personal na pahayag ng misyon sa buhay sa aking pag-
unlad bilang tao.Ang salitang misyon ay nangangahulugan ng tungkulin.Ang
tungkulin ng isa ay kailangang malinang upang malaman niya kung ano ang nais
niyang maging reputasyon.

Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaring magbago o mapalitan sapagkat


patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nagyayari sa
kanyang buhay.

Sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay,maaring isaalang-alang ang


mga sumusunod na tanong.
1.Ano ang Layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking pagpapahalaga?
3.Ano ang mga nais kong marating?
4.Ano-ano ang mga benepisyong maari kong makuha at paano ito makakatulong sa
akin at sa ibang tao?
5.Ano-ano ang magiging balakid na maaring harapin ?
6.Sino ang mga tao na makasama at maging kaagapay sa aking buhay?

Ayon kay Stephen Covey, ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay


maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat .ito ay matatag at hindi
mawawala.Ito ay buhay at patuloy na lumalago.Kaya kailangan natin ang matibay na
kakapitan upang malampasan ang anumang unos sa buhay.

Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kaniyang aklat.
1.Mangolekta ng mga kasabihan o motto.
2.Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump” Sa loob ng 15 minuto ,isulat mo ang
nais mong isulat tungkol sa iyong misyon.
3.Magpahinga o maglaan ng oras sap ag-iisip.
4. huwag labis alalahanin ang pagsulat tungkol sa iyong misyon.Hindi kinakailangan
ang perpektong pagkakasulat sa layunin sa buhay.

Gawain 1:
Panuto:
Bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

LAYUNIN SA BUHAY

MGA PINAHAHALAGAHAN

MGA NAIS KONG MARATING

MGA BENEPISYONG MAARING


MAKUHA AT PAANO ITO
MAKAKATULONG SA AKIN AT SA IBANG
TAO
MGA BALAKID O HADLANG NA
MAARING HARAPIN

MGA SOLUSYON SA MGA BALAKID NA


MAAARING HARAPIN
MGA TAO NA MAARI KONG MAKASAMA
AT KAAGAPAY SA AKING BUHAY.BAKIT
SILA ANG DAHILAN NG AKING MISYON
SA BUHAY?

GAWAIN 2
Panuto: Isipin mo na ngayon ay ika-50th mong kaarawan o isa na namang
makabuluhang pangyayari sa iyong buhay. Ikaw ay tinanong tungkol sa iyong mga
nakamit sa buhay. Isaalang-alang ang mga sinasabi ng iyong pamilya, mga kaibigan,
kasamahan sa trabaho at iba pang kakilala tungkol sa mga nagawa at nakamit mo.
Ano ang nais mong maalala nila tungkol sa iyo? Ipahayag ito sa lima hanggang
sampung pangungusap.

Repleksyon:
Ang aking tugon mula sa mga konseptong natutunan mula sa araling ito:
Bilang mag-aaral,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Bilang anak,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Bilang mamamayan,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda ni: Iniwasto ni:

CHRISTIAN JANU E. PASION GERRY Q. PALARA


Guro sa EsP HT-III

Mga Sanggunian
1. Mula sa Modyul
Edukasyon sa Pagpapakatao 10: Modyul para sa Mag-aaral
2. Mula sa Internet: https://www.depedk12.com/2019/07/grade-7-10-
edukasyon-sa-pagpapakatao.html

You might also like