Contextualized Fil - Paragraph Dagani

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Deparment of Education
Caraga Administrative Region
Division of Butuan City
Southwest Butuan District
VILLA KANANGA INTEGRATED SCHOOL
Butuan City

CONTEXTUALIZED
FILIPINO
PARAGRAPHS
WRITTEN BY:

LIEZEL R. DAGANI
Grade 6-Adviser
BUNGA NG KASIPAGAN
Si Mang Tope ay isang masipag na magsasaka na
nakatira sa maliit na sityo ng San Roque sa Barangay Bit-os,
Syudad ng Butuan. Madaling araw pa lamang ay matiyaga
siyang naglalakad papuntang bukirin. Nagdadala ng baong
pang-agahan at pananghalian. Pagdating sa bukid ay dali-daling
dinidiligan ang mga pananim na gulay malapit sa sapa.
Pagkatapos ay maingat na binubunot ang mga ligaw na damo sa
paligid nito. Di alintana ang sikat ng araw.
Pagkatapos ay sumisilong siya sa lilim ng kanyang
maraming mga punong mangga na nakapaligid sa kanyang
gulayan upang mag-agahan. Sinadya niya ang pagtanim ng mga
punong mangga malapit sa sapa upang maiwasan ang pagguho
ng lupa kung may malakas na ulan. Dito rin siya ng lilim ng puno
namamahinga sa tuwing mainit na mainit na ang araw.
Bago uuwi sa bandang hapon ay maingat na pinipitas
niya ang mga bunga ng mangga upang maipagbili sa palengke
ng Langihan. Masayang-masaya ang pamilya ni Mang Tope na
napag-aral ang dalawang anak sa kolehiyo dahil sa pagtitinda ng
mga aning gulay at mangga. Ito ang bunga nga kanyang
kasipagan.
Ang Panganib
Si Mang Kiko ay isang mangingisda sa Buenavista, Agusan
Del Norte. Mayroon siyang isang bangkang de motor na
ginagamit sa pangingisda. Tuwing hapon hanggang gabi ay
pumapalaot siya sa dagat upang mangisda.
Marami ang naiinggit sa kanya dahil araw-araw ay marami
ang kanyang mga huling malalaki at maliliit na mga isda. Malaki
rin palagi ang kita niya kaya bigla ang kanyang pag-asenso sa
buhay. Di alam ng mga kapitbahay nila na mayroon siyang
sikretong gamit kapag nasa gitna na siya ng karagatan.
Gumagamit siya ng dinamita upang may marami siyang kuha.
Kaawa-awa ang mga maliliit na isda dahil kasama itong
namamatay.
Isang gabi, masayang kinuha ni Mang Kiko ang dinamita
Ngunit bago niya ito maihagis ay pumutok na ito sa kaliwa
niyang kamay. Naputol ang kanyang kamay at kahit anong
pagsisisi niya ay di na ito maibabalik pa. Ang panganib na dala
ng bawal na pangingida ay nagdala sa kanya sa kapahamakan.
Ang Pagbabago
Si Dina ay 8 taong gulang at nakatira malapit sa tapunan ng
basura sa pampang ng Barangay San Roque. Namumulot siya ng
mga bagay na pwede pang maibenta. Balewala sa kanya na
mainitan at marumihan, ang mahalaga lang sa kanya ay
makabili ng mga paborito niyang pagkain gaya ng junkfoods at
mga inuming pampalamig gaya ng Coke at Royal. Di siya
natatakot sa Covid-19. Ayaw nga niyang magsuot ng facemask
at maghugas ng kamay. Kaya madalas siyang pinapagalitan ng
nanay at tatay niya dahil inaksaya lamang niya ang pera sa
pagkaing nagdudulot ng sakit.
Isang araw, habang namumulot siya ng basura ay inabutan
sya ng malakas na ulan. Kinagabihan, inuubo si Dina at
nilalagna. Ang kanyang mga magulang ay tinuoban siya at
pinaiinom siya ng gamot. Natakot sila na nahawaan si Dina ng
Covid-19. Buti nalang at naagapan siya. Madali lang siyang
gumaling dahil sa pag-aalaga ng mga magulang.
Simula noon, malaki na ang ipainagbago ni Dina. Di na siya
namumulot ng basura. Tumutulong nalang siya sa mga gawaing
bahay. Kumakain na rin siya ng mga masustansiyang pagkain.
Higit sa lahat, sumunod na siya sa mga Health Protocols upang
di mahawa ng Covid-19. Masaya na ang kanyang mga magulang
sa laki ng ipinagbago ni Dina.
Sipag at Tiyaga
Mahirap na karpentero si Mang Abel sa Barangay San
Vicente. May tatlo siyang anak at halos di magkasya ang kita
niya sa pang-araw-araw na gastusin. Hirap na hirap na siya lalo
nang magkasakit ang bunsong anak. Umisip siya ng paraan na
magkaroon ng ekstrang kita.
Isang araw, bumili siya ng mga matitibay na kahoy at
ginawang mga upuan tuwing araw ng Linggo silbing dagdag
kita. Binibenta niya nang mura sa mga kapitbahay. Nais lang
niyang magkaroon ng konting dagdag sa kita. Laking tuwa niya
at dali lang itong naubos. Maganda kasi ang mga disenyo at
malinis ang pagkagawa ng mga upuan.
Hanggang sa may isang taong nagpagawa sa kanya ng
marami at malaki na ang kanyang presyo dahil ibenenta din ito
ng negosyante ng doble sa kanyang presyo. Doon nagsimula
ang pag-asenso ni Mang Abel. Huminto na siya sa
pagkakarpintero at nagakaroon na ng malaki at kilalang
furniture shop sa buong Barangay. Sa wakas, naiahon na niya sa
hirap ang pamilya at nagkaroon nang masaganang buhay. Ang
sipag at tiyaga ang susi ng kanyang tagumpay.
Nasa Huli ang Pagsisisi
Si Ramon ay nag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Maon.
Sa pagtatapos ng taon siya ang nangunguna sa klase sa
ikalawang baitang kaya ipinagalaki siya ng kanyang ama.
Matagal na niyang gustong magkaroon ng kompyuter kaya
bilang regalo sa kanyang pagiging With Highest Honors,
binigyan siya ng ama ng mamahaling kompyuter.
Nahuhumaling na si Ramon sa kalalaro ng kompyuter.
Halos di kumakain at di naliligo, ayaw umalis sa kanyang
kompyuter. Palagi rin siyang walang tulog dahil naadik na sa
computer games. Nagtataka ang kanyang mga guro sa laki ng
ibinaba ng mga marka ni Ramon. Kinausap nila ito pero di pa rin
ito nakikinig.
Isang araw, pinatawag ng guro ang kanyang mga magulang
sa paaralan. Nagagalit ang ama dahil bagsak ang lahat ng grado
ni Ramon. Nagsisisi siya sa pagbibigay ng kompyuter sa anak. Di
nakapasa si Ruben sa ikatlong baitang. Nasa huli talaga ang
pagsisisi.
Laki sa Layaw
Ang pamilyang Lopez ay nakatira sa Camella Homes, isa sa
mayamang subdibisyon ng Siyudad ng Butuan. May nag-iisa
silang anak na si Ruben na may 10 taong gulang. Sila ay
mayamang mga magulang. Nagtratrabaho ang mga ito sa
Amerika bilang mga caregiver. Malaki ang kita kaya sunod ang
layaw ni Ruben. Iniwan lang siya sa kanyang Lola at Lolo. Mahal
na mahal siya ng lolo at lola at ibinigay ang lahat para sa
kanyang kasiyahan.
Ang mga magulang niya ay nagpapadala ng lahat ng
maraming pera para matustusan ang mga layaw niya. Lahat ng
mga uri ng laruan ay ipainapadala kay Ruben upang maibsan
ang pangungulila sa kanila. May bago na naman silang pinadala,
ang napakamahal na bisekleta. Tuwang-tuwa si Ruben. Umaga’t
hapon ay nasa daan at masayang nagbibisekleta.
Isang araw, dahil sa pagod sa pagbibisekleta ay di
namalayan ang isang kotseng paparating sa kanya. Nabundol
siya at lumipad sa damuhan. Nang namulat si Ruben ay nasa
ospital na siya at putol na ang isang kamay. Laking pagsisi niya.
Ang kayamanan ay di pwedeng makabili ng bagong kamay.
Matamis na Bunga
Nakatira si Rita sa isang liblib na Sityo ng Kauswagan sa
Barangay Bit os. Ulila nang lubos si Rita dahil bata pa siya ay
namatay na ang kanyang mga magulang. Kinupkop lamang siya
sa isang mabait nilang kapitbahay na matandang dalaga na si
Aling Sabel. Pinapaaral siya at ngayon ay nasa ikatlong baitang
siya sa Paaralang Elementarya ng Bit-os.
Araw-araw bago siya pumasok ay pinakakain pa niya ang
alaga niyang 3 baboy. Nagdidilig din siya ng mga gulay na
itinitinda nila ni Aling Sabel tuwing Linggo sa palengke. Iniipon
ni Aling Sabel ang perang kinikita sa baboyan at pagtitinda ng
gulay para pampaaral kay Rita sa kolehiyo. Mahal niya ito at
inalagaang parang tunay na anak. Bukod kasi sa mabait si Rita
ay matalino pa. Mula kindergarten hanggang sa kasalukuyan ay
palagi itong nangunguna sa klase.
Pagkatapos ng klase ay dali-daling umuuwi si Rita. Di
alintana ang nga pagyaya ng mga kaklase na maglaro. Gusto
niyang tulungan ang ina-inahan sa pag-aalaga ng mga baboy at
gulay. Mabilis na lumipad ang panahon, si Ana ay naging
matagumpay na nars. Nasa malaking ospital sa Amerika na siya
nagtratrabaho. Pinitesyon niya si Aling Sabel. Kasama na niya
itong masaya at masaganang namumuhay sa doon. Talagang
napakasarap ng tagumpay kung nakukuha sa pagtitiis at
pagsisikap.
Ang Taong Mapagbigay
May isang matandang lalaki na nakatira sa maliit na
sityo ng san Roque sa Barangay Bit-os. Nag-iisa lang siya
sa buhay dahil di siya pinalad na makapag-asawa. Si
Mang Tonyo ay may malawak na lupain na minana niya
sa namayapa niyang mga magulang. Dito siya kumukuha
ng ikinabubuhay. Ang pagtatanim nga mga punong
prutas at mga gulay sa paligid ng kanyang bahay ang
kanyang kinaaabalahan.
Sobra-sobra ang kita niya sa pagtitinda ng kanyang
mga produkto dahi biniyayaan ito ng Diyos ng
napakaraming bunga. Tuwing Linggo hindi niya
makalimutang magbigay ng alay sa simbahan. Ang mga
kapitbahay di niya ay palagi niyang binibigyan ng mga
gulay, bayabas, mangga, kaimito, balimbing at marami
pang iba. Mahal na mahal siya ng mga bata dahil palagi
silang busog sa mga sariwa at masasarap ng bungang
prutas mula kay Mang Tonyo. Kaligayahan niya ang
magbigay.
Isang araw si Mang Tonyo ay nagkasakit. Walang
kasama sa bahay kaya ang buong sityo ay salit-salit sa
pag-aalaga sa kanya. Madaling gumaling si mang Tonyo
sa kanyang karamdaman dahil sa pag-aalaga at
pagmamalasakit ng mga kapitbahay. Napaiyak si Mang
Tonyo sa lubos na kaligayahan sa pagkakroon ng
mabubuting kapitbahay. Lalong mas nagging mapagbigay
si Mang Tonyo sa lahat. Ang ginawa ng mga tao, ay ganti
laamng nila sa pagiging mapagbigay ni Mang Tonyo sa
lahat.
ULIRANG AMA
Si Mang Bino ay isang biyudo at may walong anak.
Malilit pa ang kanyang mga anak nang mamatay ang
kanyang asawa. Ang pagmamaneho ng traysikel at
pagmemekaniko ang ipinantustos niya sa pangunahing
panganagilangan at pag-aaral ng mga anak. Ipinangako
kasi niya sa kanyang asawa bago ito binawian ng buhay
na patatapusin ang mga anak sa kolehiyo.
Buong buhay niya ay inialay sa pag-aalaga ng mga
anak. Di niya alintana ang hirap at pagod maitaguyod
lang ang buong pamilya. Masaya kasi siya sa kanyang
mga anak dahil nagsusumikap ito sa pag-aaral sa kabila
ng kahirapan. Lahat ng kita niya ay para lang sa pagkain
at edukasyon ng mga anak. Walang barkada at bisyo si
Man Bino kaya naigapang niyang lahat ang pag-aaral ng
mga supling.
Buong galak at pasasalamat sa Diyos si Mang Bino
nang makatapos lahat ang mga anak. Kahit mayroon na
silang sariling mga pamilya ay linggo-linggo siyang
dalawin ng mga ito. Mahal na mahal si Mang BIno ng mga
anak at sila na ang nag-aalaga at tumustos sa
pangangailanagn ng ama. Hanggang ngayon ay malakas
na malakas pa rin siya dahil sa pagmamahal ng mga anak.
Ipinagmamalaki nila ang kanilang ulirang ama.
Ang Masipag na Bata
Si Carlos ay nasa ikatlong baitang ng Paaralang
Elementarya ng Amparo. Wala na siyang ama at
itinataguyod siyang mag-isa ng sariling ina. Sa kasamaang
palad ay nagkasakit ang ina ng Tubercolusis dahil sa
paglalabada para matustusan lang ang pag-aaral ni
Carlos.
Ayaw ni Carlos na huminto sa pag-aaral kaya
naisipan niyang magtitinda ng pandesal tuwing madaling
araw sa buong baryo. Samantalang ang kanyang ina ay
nagpapagaling sa karamdaman dahil may libreng gamot
sa TB sa kanilang Barangay Health Center. Masakit man
sa dibdib ng kanyang ina ang paghihirap ni Carlos ay wala
siyang nagawa.
Di pa tumitilaok ang mga manok ay una ng
sumisigaw ng Pandesal! Pandesal! sa buong baryo si
Carlos araw-araw. Ikinatutuwa ito ng kanilang mga
kapitbahay. Di na nila kinukuha ang sukli mula kay Carlos
kung bumibili ng pandesal. Naawa sila kay Carlos, na sa
murang edad ay nagsusumikap para lang maiahon sa
hirap ang sarili at ang kanyang ina.
Buong tapang na hinarap ni Carlos ang buhay.
Ngayon ay isa na siyang magaling na guro sa Paaralang
Elementarya ng Amparo. Masaya na ang mag-ina sa
kanilang buhay. Di niya sukat akalain na ito ay maging
isang guro. Ito ay bunga ng kasipagan ng kanyang anak.
Si Bantay
Si Carla ay mahilig sa aso. Pangarap niyang
magkaroon ng alagang aso kahit isa lang. Gustong gusto
niyang makipaglaro ng aso at may kasamang aso sa
paglalakad sa palibot ng barangay San Vicente. Subalit
ang kanyang ama ay galit na galit sa mga ito. Kinagat kasi
siya ng aso noong bata pa siya.
Isang araw niregalohan siya ng kanyang ninang
ng isang napakagandang tutang puti. Pinangalanan niya
itong Bantay. Itinago niya ito sa likod ng kanilang bahay
upang di makita ng ama. Palihim niya itong pinaligoan at
binibigyan ng pagkain at tubig.
Isang gabi, nagising ang ama ni Carla dahil sa
walang tigil na tahol ni Bantay sa likod bahay. Nalito siya
saan galing ang tahol ng aso. Dali-dali siyang bumangon
at pumunta sa likod-bahay. Laking gulat niya ng
tumatahol ang aso sa unti-unting nasunog na dingding sa
may likuran. Mual noon, maal na mahal nan g tatay si
Bantay. Ang buong pamilya na ang nag-aalaga nito,
Napakasaya na ni Carla.
Kayang Abutin ang Pangarap
Si Rita at ang dalawa niyang nakababatang
kapatid na puro babae ay ulila na sa ama at ina.
Naaksidente ang mga magulang niya dahil sa isang lasing
na nagmamaneho ng isang motorsiklo. Kinukupkop sila at
pinapaaral sila ng kanilang mababait ngunit matatandang
lolo at lola. Nang nasa sekondarya na si Rita ay di na siya
kayang papag-aralin ng matatanda kaya kinuha siyang
katulong siya ng kanyang mabait na guro.
Pinapaaral si Rita sa gabi at sa araw siya ay
natratrabaho sa mga gawaing bahay. Di niya alintana ang
hirap at pagod sa buong araw. Ang determinasyon na
abutin ang pangarap ang palaging nasa isip niya. Ang mga
kapatid, lolo at loala ng kanyang inspirasyon. Araw-araw
ang kanyang panalangin sa Diyos na makatapos sa pag-
aaral upang makamit ang tagumpay at mapaaral din ang
mga kapatid.
Ngayon ay isa ng guro si Rita at ang dalawang
kapatid sa kanilang baryo. Masayang–masaya ang
kanilang lolo at lola dahil kinaya nilang abutin ang
pangarap at sila na ngayon ang inalagaan ng
magkakapatid.
A e i o u
Ba be bi bo bu
Ka ke ki ko ku
Da de di do du
Ga ge gi go gu

Aba abe abo abu bae


Buo iba baba babe babae
Bebi bibo biba bao babo
Abaka aka oka ika iko
Biko kiko kika kuko keke
Kabo kubo bobo daga diga
Dugo diko gugo gaga abakada
Baga giga giba adobo abokado
Bugo digo gabi gabo abogado
Gido dido aga bigo abaka
baga bago ade dade bede
dede dada dido dobi abodo
gade gabe gobi gubo dubo
dibo gido gogo bako ako

You might also like