Ang Larawan Sa Pitaka Buod

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

ANG LARAWAN SA PITAKA

Ni Victor P. Barcibal
Pauwi sa San Jose, Nueva Ecija si Mang Pedring galing sa Cubao. Siya’y nakajacket at
nakabalanggot na itim, nakaupo siya sa bandang dulo ng bus. Habang nasa byahe may nakasabay siyang
kakilala na nakasuot ng uniporme. Tinanong siya ng lalaki kung saan ang lakad nito, sumagot naman si Mang
Pedring na siya’y uuwi upang masaksihan ang pagtatapos ng kanyang anak. Naguusap pa sila ng biglang
tumunog ang telepono ni Mang Pedring, tumatawag ang anak nito. Sa kadahilanang kawalan ang signal
hindi sila nakapagusap ng maayos kaya’t pinadalhan na lamang si Mang Pedring ng kanyang anak ng
mensahe na nagsasabing “Tay mag-ingat po kayo sa byahe” at ipinagpaalam na makikitulog ang kanyang
bestfriend sa kanilang bahay at doon na rin magdiriwang ng pagtatapos sapagkat wala itong handa.
Napangiti ang kanyang ama at nagbalik sa kanyang ala-ala ang mga hirap na naranasan niya noon. Sa
paggugunita ng kanyang nakaraan, siya’y nakaidlip ng di namamalayan.

Ginising siya ng konduktor, “ Sir, nasa San Jose na po tayo” wika nito. Agad naming tumayo si
Mang Pedring, sa kanyang pagmamadali nahulog ang kanyang pitaka at sumambulat ang mga laman na
papel, dalawampung libong pisong pera at tsapa niya. Tinulungan siya ng konduktor at sa kanyang pagbaba
nakaramdam siya ng gutom kaya’t kumain muna ito sa di kalayuang karinderia. Pagkayari niyang kumain,
humugot siya sa kanyang pitaka at nagbayad. Nagsindi siya ng sigarilyo habang pinapababa ang kinain
nito.Tumungo na siya sa sakayan papuntang Rizal ngunit wala nga palang byahe sa ika-apat na hapon kaya
naman napagpasyahan niya na magtungo sa toda at mag arkila na lamang. Habang tumatakbo ang traysikel,
sinisipat niya itong mabuti walang numero ang sidecar at ang drayber ay medyo bata pa. Tinunton nila ang
daang madilim at bilang lamang sa darili ang sasakyang nakakasalubong.

“Sa wakas nakarating din” wika ni Mang Pedring. Agad naman itong nagbayad sa drayber at sa
di kalayuan huminto ang ito sa tapat ng street light at inilagay ang bayad ni Mang Pedring sa pitakang itim.
Abot tanaw ni Mang Pedring, sinalubong siya ng kanyang asawa na si Amy at anak na si Jonell. Habang
kumakain, sila’y nagkwentuhan sa pangyayari sa byahe ni Pedring at ipinaalam ni Jonell ang pagpunta sa
paaralan. Pagkatapos kumain nagpalit na si Mang Pedring at kinapa ang kanyang pantalon. Napatigil ito sa
paggalaw, at nagiisip. Mabilis niyang isinuot ang kanyang damit na hinubad at nagpaalam umano na may
bibilhin lamang ito. Agad na pinaandar ang kanyang motorsiklo at humarurot dala-dala ang iskwalang
nakaipit sa kanyang baywang. Nagtataka ang mag-ina sa iniasta nito. Nawawala ang pitaka ni Pedring na
naglalaman ng paghanda sa pagtatapos ng kanyang anak.

Dumating ito sa San Jose at nagtungo sa toda, pangatlo sa pila ang traysikel na pinagsakyan niya.
Kitang-kita niyang nagkwekwentuhan at nagtatawanan ang mga kasama nitong drayber. Pinagtangkaan
niyang ang drayber na iyon ang nanguha ng pitaka niya kaya’t gusto niyang turuan ito ng leksyon. Nang
nasa unahan na ang traysikel ay agad siyang nagtungo at sumakay muli. Habang nagmamaneho si Andoy
nagulat siya sa biglaang pag para ni Pedring samantalang malayo pa sila sa Rizal. Naramdaman na lamang
ni Andoy na may nakatutok sa kanyanf tagirilan. Nanlalamig nag buong katawan niya. Pinatay ni Pedring
ang traysikel at kinuha ang susi nito. Tinanong ni Mang Pedring ang pitaka at dinukot niya sa bulsa ni Andoy.
”Sir, akin po iyan” mahinang katwiran ni Andoy. Sa sobrang galit ni Pedring, hinataw nito sa batok si Andoy,
walang tinag sa pagkakalapag at walang konting kilos. Hinagis ni Pedring ang susi at umalis.
Kinabukasan maagang nagising si Amy at naghanda ng makakain. “Mukhang marami pera ah,
hindi ka humingi sa akin” pabirong sabi ni Pedring. ”May ipon naman ako,ayaw ko kasing mapunta sa wala”
sagot naman ni Amy. ”O sya, tara na po baka mahuli pa tayo sa programa” wika ni Jonell. Habang papunta
sa eskwelahan tinatawagan nito ang kanyang bestfriend ngunit hindi ito makontak. Inaakala niyang late
nanaman nga ito. Hanggang sa nag-umpisa na ang programa paikot-ikot ang mata ni Jonell dahil hinahanap
niya ang kanyang bestfriend. Tinawag na kahuli-hulihan ang pangalan na Brandelito Gaston ngunit walang
pumaroon. Bilang nag-iyakan ang isnag grupo ng mag-aaral at mga guro. Tumulo ang luha ni Jonell, patay
na ang kanyang bestfriend. Dali-dali itong nagpunta sa kanyang ama at sinabi ang nangyari . niyakap ni
Pedring ang anak at nagtungo sa bahay ng kanyang bestfriend.

Sa isang sulok napansin ni Mang Pedring ang itim na traysikel, siya’y napanghinaan ng tuhod at
umupo. Nag-ipon ng lakas loob upang muling tumayo. Pumasok siya sa loob upang bigyang linaw ang
pagdududa. Tinignan niya ang ataol at siya’y lumayo narinig niya na may nagkwekwentuhan sa labas na
naputol daw umano ang spinal cord ni Brandelito na nagging sanhi ng kanyang kamatayan. “Dapat lamang
iyan sa kawatan” bulong ni Mang Pedring. Umupo siya at kinapa ang pitaka, dinukot niya ito upang kumuha
ng pang-abuloy. Binuklat niya ang pitaka, tatlong daan lamang ang laman at nakita niya ang larawan ng
biktima na nakaakbay kay Jonell na masayang kumakain sa isang restawran. Nabitawan niya ang pitaka.
Sumambulat ang laman nito, napasaldak si Pedring na nakatulala. Agad na tinayo ito ng kanyang asawa at
pinulot ng mga pulis ang nagkalat na laman ng itim na pitaka.

You might also like