Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ilang mga tanggapan ng barangay, inilipat na

/Reymar OlorazaOlibas/

NAMABBALAN SUR, Tuguegarao City - Kasabay ng pagbubukas ng bagong


dalawang palapag na multi-purpose hall ng Namabbalan Sur na pinasinayaan
nonng ika-dalawampu ng Pebrero ngayong taon, inilipat narin ang mga iba’t-
ibang tanggapan ng barangay.

Ayon sa punong barangay na si Gng. Margita M. Micua, inilipat ang mga ilang
tanggapan tulad na lamang ng Office of the Sangguniang Barangay (OSB), Barangay
Assistance Police Command (BAPC), Violence Against Women and Children Center
(VAWCC) at health department sa kadahilanang masikip ang dating tanggapan ng
barangay.

Dagdag pa niya, mas maluwag na ito at mas komportable para sa mga tao lalo
na sa paglalakad ng mga mahahalagang papeles at dokumento kung saan mas
napapabilis din ang serbisyo.

Aniya, magagamit parin ang dating tanggapan nang Barangay Disaster Risk
Reduction and Management Operation (BDRRMO) at dito parin matatagpuan ang mga
iba pang tanggapan tulad na lamang ng opisina ng Sangguniang Kabataan (SK),
Alternative Learning System (ALS) Senior Citizens (SC), Persons With Disabilities
(PWD) at marami pang iba.

Ang nasabing bagong tanggapan ay sa donasyon ng dating congressman ng


ikatlong distrito ng Cagayan na si Hon. Randy Ting at sa tulong na rin ng lokal na
pamahalan ng siyudad sa pangunguna ni Mayor Jefferson P. Soriano na pinondohan ng
mahigit kumulang tatlong milyong piso.

You might also like