Bigyang Prayoridad-Edited

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bigyang prayoridad ang mga ‘higit na nangangailangan' - Kap Micua

Alicia Marayag, Kwin Martin

Nanawagan si Punong Barangay Margita M. Micua sa kanyang mga kabarangay na bigyang


prayoridad ang mga kabarangay na mas higit na nangangailanagan ng tulong sa gitna ng
umiiral na pandemya.

Ayon kay Micua, nakiusap itong unawain muna ng mga hindi napasama sa unang listahan
ng mga nakatanggap ng ayudang nagmula sa Quick Response Fund o QRF ng Barangay
tulad na lamang ng mga pamilyang may empleyado sa pribadong kumpanya ngunit nawalan
ng trabaho, OFW at may maliliit na negosyo dahil magkakaroon pa ng susunod na
distribusyon.

Ayon sa kanyang Facebook post, binigyang prayoridad din ang mga miyembro ng Pantawid
Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, kasapi ng National Household Targeting System o
NHTS, laborers, tricycle drivers at iba pang mga karapat-dapat mabigyan ng tulong.

Kaugnay nito, matagumpay namang naipamahagi ang tulong mula sa pamahalaang lungsod
ng Tuguegarao noong ika-28 ng Mayo katuwang ang mga opisyal ng barangay. Laman nito
ay sampung kilong bigas, live chicken at food assistance.

You might also like