Dalumat - AKTIBITI BLG.4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

GE-ELEC 2

AKTIBITI BLG.4
1. Ano ang pagkakaiba ng susing salita sa ambagan?
 Ang SUSING SALITA ay nakapokus sa isang tiyak na salita na lunsaran ng mas
malawak na pagtalakay sa ibat ibang magkakaugnay na usapin, samantalang
ang AMBAGAN ay nakapokus sa maramihang pag-aambag ng mga terminong
magkakaugnay.

2. Ano ang ibig sabihin ni Deriada sa kanyang sinabi? Bakit?


 Ang ibig sabihin niya rito ay makatutulong ito upang magkaroon pagkakaisa sa
kabila ng pagkakaiba ng mga wika sa buong kapuluan at hindi na magkaroon ng
puwang ang mapanghating ideya ng rehiyonalismo. Dahil to ay isang
pagpapalawak at pagpapatatag ng pagkilala at pagpapahalaga sa ating
kulturang pambansa.

3. Magbigay ng tig tatlong (3) halimbawa at liahad ang kahulugan nito

A. Inilahad ni Asenjo sa agrikultura


• BALISKAD – pangalawang pag-aararo para mapino ang nabungkag na
tigang na lupa.
• BINATI - ito ang palayan na naararo na at napatubigan at handa na
para taniman ng palay.
• INUPONG - bugkos ng mga naani. Komunidad ng mga inaning palay.

B. Inilahad ni Anonuevo sa pangingisda


• PANGAHIG ( pang + kahig) o galudgod - lambat na may pabigat at
kinakahig wari sa ilalim ng tubig sa tulong ng mga bangka para hulihin
ang mga biya at suso.
• KITANG - uri ng pangingisdang ginagamitan ng serye ng mga tansi at
bawat linya ng tansing tinatawag na leting ay may pain ang kawil.
• PUKOT - uri ng malaking lambat na inihahagis sa laot.

C. Hinggil sa pagkain
• ALIBUNDAN - hilaw na sinaing o kulang sa tubig na sinaing. LAGDOS
ito sa Ilonggo.
• BALINGGIYOT - taguri sa tao , hayop, ibon . Isda o anumang bagay
na napakaliit. ISOT ito sa Bisaya, Romblon.
• MAMBABAKAW - mangunguha o manghihingi ng isda o anumang
bagay sa palengke o baybayin.

D. Hinggil sa tao
• BARANGKONG - taguri sa binti na malaki, ang masel na parang sa
atleta at kinakabit sa taong mahusay umakyat ng bundok.
• HALUGAYGAY - uri ng larong pambata kung saan pinahuhulaan kung
sino sa mga nakahanay na mga bata na nakatikom na palad ang
nagtatago ng buto ng kanduli habang nag-aawitan ang mga bata.
• PILANTOD - paika –ikang paglalakad dahil sa pagkapilay o pinsala sa
tuhod.

E. Hinggil sa hanapbuhay
• BANGKIS - paraan ng pagtali na paagapay sa dalawang
pinagdurugtong na kahoy o kawayan.
• BAOY - bawiin ang isang bagay na ibinigay sa ibang tao sa sugal o
pera
• GARAUTAN - bagahe ,kargamento o anumang nakatali o nakakahong
dala-dalahan.

You might also like