Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

BALANGKAS B

I. A. Pamagat ng Katha – May akda


a. ABNKKBSNPLAko
Ito ang kauna-unahang akda ng manunulat, ito rin ang pinakasikat na akdang naisulat ni Bob Ong. Ang
pamagat na ito ay nangangahulugan na “ aba nakakabasa na pala ako” . Ang kwentong ito ay tungkol sa mga
alaala ng awtor mula ng siya ay bata pa hanggang noong siya ay nagkaroon na ng trabaho.
Ang akda ay inilabas taong 2001, kung saan ay madaling napagbili ang umabot sa 500 kopya ng akda.
Talaga naman pumatok sa mambabasa ang akda kaya naman hindi kataka-taka na taong 2004 ay umabotsa
mahigit na 240,000 ang naipagbiling kopya nito. Ang pagsikat ng libro ay siya ring nagbunsod ng pagkakakilala
sa kulturang pilipino. Nagdulot ito ng balik tanaw sa nakaraan ng mga mambabasa. Isinapelikula naman ito at
inilabas ng Viva Films taong 2014.
b. Pagkilala sa may akda
Si Bob Ong ay isang Kontemporaryong Pilipinong manunulat na gumagamit ng impormal na salitang
Filipino upang lumikha ng akda.Nanatiling palaisipan ang tunay na pangalan ni Bob Ong sapagkat hindi pa
kailanman niya inilabas ang totoong pagkatao niya. Tanyag ang kanyang akda sa nakakatawa at mga
makatotohanang pangyayaring hango sa buhay ng mga Pilipino. Talaga naman ang mga sinulat niyang akda
ay kawili wili kaya’t hindi nakapagtataka at marami ang mambabasa nito bukod sa ito ay nakakatawa ay
naiuugnay pa ng mga mambabasa ang sarili sa daloy ng kwento. Makikita sa mga akda ni Bob Ong ang
kultura ng mga Pilipino bagaman ito ay may halong pagpapatawa ay mapapansin ang pagpapakita sa kultura
ng mga Pilipino.
Marami ang nagkakamaling sa pagkakaalam na si Bob Ong ay isang Filipino-Chinese sapagkat
mapapansin ito sa kanyang gamit na apelyido. Ngunit nabanggit niya sa isa niyang akda na hindi naman
talaga niya apelyido ang Ong ito ay ginagamit lamang niya mula sa kanyang website na BobOng Pinoy.
Malinaw na ang Bob Ong ay sagisag panulat noong panahon na uso ang manunulat bilang isang web
developer at guro. Nagsimulang maging sagisag panulat ang Bob Ong ng may taong nakipag-ugnayan sa
kaniya sa pag aakalang totoong pangalan niya ay Bob Ong. Nagkamit ang website na BobOng pinoy ng
People’s Choice Philippine Web Award for Weird or Humor taong 1998, ngunit ito ay nawaala at nasira mula
noong bumaba na sa ppwesto ang dating pangulong Joseph “Erap” Estrada.
B. Sanggunian o aklat na Pinagkuhanan
Ang mga mag aaral ay bumatay sa kopya ng pelikulang ibinahagi ng guro sa klase.
https://drive.google.com/file/d/1_e_lIEMOTKfkXKrEoVp4w5Ze6-3daofa/view?usp=drivesdk
Ong, Bob (2005), Stainless Longganisa, Pasay: Visual Print Enterprise
https://sjubail.wordpress.com/2017/08/20/roberto-bob-ong/

II. Buod
Ipinakita niya ang buhay ng simpleng batang katulad niya. Tulad na lamang ng mga nilalarong mga laro
noon. Pinakita niya din ang buhay ng mga nararanasan ng batang nag aaral sa isang public elementary
school. Ipinaliwanag din niya ang mga pagtawid nila ng river tuwing papasok. Kaibigan niya sina Ulo at Portia.
Si Portia ay babaeng nagkakagusto sa kanya noong elementary pero naging tomboy dahil kay Ulo at Roberto.
Nang siya ay makagraduate, High School na, bilang isang normal na mag aaral, siya ay nag cutting
classes, at ang panonood ng mga sine kasama ang kaklase sa tunay namang hindi makakalimutan. Sa high
school, syempre hindi maiiwasan ang mga takdang aralin na ginagawa lamang tuwing umaga at pati na rin
ang mga dahilan na sinasabi sa guro tuwing tinatamad. Nabanggit din niya ang pinaka importante sa high life,
ang JS Prom kung saan nanduon si Special Someone.
Syempre pag katapos ng high school, college na, nag apply sila ng kanyang mga kaibigan sa isang
university. Pero kahit college na, hindi parin maiiwasan ang pagiging late at pag absent pero kahit siya ay
ganun parin, nagpursigi siya hanggang siya ay naging isang guro. Doon niya nalaman na hindi pala madali
ang pagiging isang guro.

III. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan
Pagbibigay ng uri at paliwanag tungkol dito (uri ng tula, uri ng dula, uri ng nobela atbp)
Ang ABNKKBSNPLAko?! ay mula sa isang nobela ng awtor na si Bob Ong at ito ay isina-pelikula
naman ng direktor na si Mark Meily. Ang uri ng pelikulang pinanood ay komedya o komedi. Ngunit kung ang
pag-uusapan namain ay ang uri ng nobela ito ay nauuri sa nobelang romasa at nobelang makabanghay.
Nobelang romansa sapagkat ipinakita ng pangunahing tauhan ang kanyang pagmamahal sa kanyang
magulang, kaibigan at sa kanyang special someone. Mauuri rin ito sa nobelang maka-banghay dahil ang awtor
ay gumamit ng estilong flashbacks kung paano niya inilalahad ang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauahan. Inilahad ang ng awtor ang kasalukuyan-flashback-kasalukuyan-flashback at wakas.
Sa pelikula, mapapansin na sa simula pa lamang ay mahihinuha na ang pagpapatawa ng pangunahing tauhan
na si Roberto. Gaya ng siping ito:
“Natutong magbasa, a-e-i-o-u, ka-ke-ki-ko-ku, tapos naging words ba-ka baka, ba-hay bahay, ba-ba-e
babae. Bilib sa akin yung teacher ko dati mabilis kasi akong Mabasa kaso nabuko nyang kabesote lang ako
nang basahin ko ang salitang bahay sa libro kubo pala ang nakasulat nanghuhula lang kasi ako base sa
pictures.”
“Kaya mong magbasa ng mga kasinungalingan sa dyaryo, kaya mo rin magbasa ng mga subtitles sa
mga foreign movies at kaya mor in magbasa ng mga vandalism sa upuan ng bus gaya ng “Bobo ang bumasa
nito!”
Noong siya ay nasa elementarya at ipinaalala ng kanilang guro na mayroon silang show and tell muli
kinabukasan…
“…We will still have show and tell tomorrow so everybody bring something” “What is this, anong
nangyayari?” “kanina pa po kasi syang naglalaro ayaw po akong pahiramin” “Roberto bakit ka nagdadala ng
laruan sa klase?” “Huh, sabi nyo magdala ulit ng laruan? “Huh may sinabi ba akong ganon?” na nakumpiska
ang kanyang laruan at hinataw pa siya ng pamalo ng kaniyang guro.
Bukod doon, mayroon ding scene kung saan ang mga mag-aaral ay naghahati-hati sa kanin at pang-
ulam, nang dahil si Roberto ang nasa dulo walang natira sa kanya kundi tutong at pira-piraso ng ulam.
Nang pinakakanta sila ng kanilang guro ng When you happy and you know it clap your hands ay
masakit ang tiyan ni Roberto at kanyang iniinda ang sakit nito siya nagkakaroon ng dilemma sa kanyang sarili.
Ganito ang sinasabi nya sa kanyang sarili
“Litong-lito ka na ang lahat ng mag-aaral ay nakatingin sayo pati si teacher, ikaw na lang nakaupo.
Lahat silay naghihintay sa iyong pagtayo, mga matang nakatitig sa iyong mga manta tahimik ang buong klase,
tibok ng puso mo lamang ang tanging naririnig mo wala ka nang maalala” at dito nalaman ng lahat na siya ay
dumimi na sa kanyang salawal.
Isang nakatatawang pangyayari rin ang ipinakita sa pelikula nang si Roberto kasama sina Ulo at Portia
ay naghahanap ng unibersidad para sa kanilang pagpasok sa kolehiyo.
“Kasama ang mga down to earth kong kaibigan, naghanap kami ng mga papasukang kolehiyo sa
Maynila. First stop University of the East. Dirediretso kami sa loob ng campus hindi pa raw sila tumatanggap
ng mga applicants. Sa march 25 pa sabi nang sikyo, sinunod naman naming sya. Disappointed kaming
lumabas ng gate, malayo na kami nang maisip naming march 25 na pala. Second stop, Polytechnic university
of the Philippines PUP also known as the Polytechnic university of the Philippines. Medyo di ko nagustuhan
ang vibes ng pagpasok sa campus. Siguro dahil doon sa guard na nanghaharang sa gate dahil sa pagtitinda
ng self-address stamp envelope na kakailanganin naming sa resulta ng exam. Medyo magula ang proseso ng
araw na iyon, pinagpasa-pasahan kami ng mga personel. At higit sa lahat wala akong nakitang cute na co-eds,
nagback-out na kami. Third stop, centro escolar university. Ayos naman nilagay ko sa applicatiuon form na
gutso kong kumuha ng kursong marketing pero ang totoo wala lang, wala akong maisip na kurso noon. Nag-
eeni-minie mini mo lang ako para may maisagot sa tanong. 4th stop, pamatasan ng lungsod ng maynila.
Computer science ang sinulat ko sa application form kahit na ang interes ko doon ay kapantay lamang ng
interes ko sa mga kolugo.”
Ilan lamang ang mga sipi na ito na nagpapakita na ang pelikula ay nasa anyong komedi. Malaki rin ang
naitulong ng editing at lalong higit ng background music upang mas lalo pang mapalitaw ang nakakatawang
panghihkayat ng pelikula.

B.Istilo ng paglalahad
C. Mga Tayutay

Mga halimbawa ng bawat Tayutay na Maikling paliwanag tungkol sa bawat tayutay na


natagpuan sa kathang sinuri hinalaw
1. Tinawag siyang Teacher Tigang kasi Ito ay pagtutulad sapagkat gumamit siya ng dalawang
para siyang lupa na uhaw sa ulan bagay na magkakaiba na ginagamitan ng “para” upang
maghambing sa uhaw na lupa at Teacher Tigang.
Binigyan din ng pagpapakahulugan ang salitang Tigang
na ang ibig sabihin ay pagiging “terror at matandang
dalaga”.

2. Naglalaro sa ilalim ng galit na araw Sa tayutay na ito ay binigyang katauhan ang araw sa
loob ng pahayag

3. At ganon nalang, hindi ko na hawak ang Batay sa pahayag, hindi ibig sabihin na wala na sa kanya
puso ko. ang kanyang puso. At hindi ibig sabihin na kapag may
napupusuan o nagugustuhan ang isang tao ay nawala na
sa kanya ang kanyang puso.

4. Parang "Time's Up!" ang reunion,"pass Sa pahayag na ito ay ginamitan ng salitang parang na
your papers finished or not!" Oras na kung saaan inihalintulad o inihambing ang Time’s Up sa
para husgahan kung naging sino ka...o reunion. Ibig sabihin nito ang Time’s Up ay panahon na
kung naging magkano ka. Sino ang para magpasa, tapos ka man o hindi samantalang
naging successful? Sino ang naging sinasabi dito na sa reunion ay panahon na para ikaw ay
pinaka-successful? husgahan. Kung magkano ka, sino ka, naging
matagumpay ka ba o hindi at sino ang mas-umangat sa
buhay.

5. Wala akong ginawa maghapon kundi Ang ibig sabihin ng pumatay ng oras sa pahayag ay
maglibot, pumatay ng oras at pinalipas ang oras o inubos ang oras sa anumang bagay.
magliwaliw

D. Sariling Reaksyon
1. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Realismo
Ang pelikulang ABNKKBSNPLAko ni Bob Ong ay hango sa isang karanasan ng tauhan na si Roberto Ong
kung saan ipinakita kung paano nag simula ang kaniyang pagkatao bilang isang estudyante hanggang siya ay
makapag trabaho.
Ang teoryang pampanitikan na nakapaloob sa pelikula ay Teoryang Realismo, marahil maraming teorya ang
makikita sa pelikulang ABNKKBSNPLAko ni Bob Ong ngunit mas nananaig ang Teoryang Realismo. Ilan sa
mga linya ang tumatak sa isipan at damdamin sa pagpapatibay ng teoryang realismo ay ang mga:
“Hindi maiiwasan sa buhay ang bagyo. Kahit sa classroom.”
“Sa elementary, may subject na Good manners and Right conduct para magturo ng kabutihang asal. Sa
highschool, may School Regulations and Rules of Conduct para magturo sa mga natutunan.”
“Hell ang high school.” nariyan ang mga terror na titser
“Sa college mararanasan ang sumubok mag apply sa ibang unibersidad, sumubok sa nais na kurso,
maranasan mahuli sa klase, may pagkakataon na panghihinaan ng loob at subok ulet
Lahat ng mga linya na iyan ay ilan pa lamang sa nagpapatunay nito. Sa bawat scene na ipinapakita ay tunay
at talagang makakarelate lahat. Simula sa pagiging estudyante, simulang matutong bumasa, mga gawain sa
loob ng klase, mga pinagdaanan nung high school gayon din sa kolehiyo at hanggang sa makapag trabaho.
Ilan lamang iyan sa patunay na lahat ay dumadaan at nakakaranas ng katulad na sitwasyon na pinakita sa
pelikula.
2. Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan

Jericho Rosales bilang ("Roberto "Bob Ong") : Siya ang pangunahing tauhan sa kwento pati na rin ang
tagapagsalaysay. Si Roberto Ong ay isa lamang simpleng tao. May pangarapat simple lamang sa buhay o
kahit sa anong bagay.

Vandolph bilang ("Ulo") : Isang mapagkakatiwalaan, mapagmahal na kaibigan, kaklase at kasama ni


Roberto hangang siya ay makatapos at magkaroon ng trabaho.

Meg Imperial bilang ("Portia") : isang tibo ngunit mapagkakatiwalaan na kaibigan ni Ong.

Adrian Cabido (“Batang Roberto”) : Isang bersyon ni Ong na mahiyain, mahinhinat masunuring anak.

Solomon Mark de Guzman bilang (“Batang Ulo”) : Isang bersyon ni Ulo na makulit, maingayngunit
nagbibigay saya sa kanilang mag kakaibigan.

Julia Klarisse Base bilang (“Batang Portia”) : Isang bersyon ni Portia na maganda’t palaayos na batang
babae na may lihim na pagtingin sa kanyang kaibigan na si Ong. May lakas na loobna umamin kay Ong para
sa kanyang nararamdaman.
Andi Eigenmann bilang ("Special Someone") : Isang bagong lipat na estudyante na mayangking ganda na
nagustuhan ni Bob Ong. Ginamit niya si Ong upang pagselosin si Ken, ngunit nahulog din siya kay Ong
kinalaunan.

Giselle Sanchez bilang ("Uheyara") : Ang guro ni Roberto, isang simpleng guro at maasikasongguro. Mabait
siya at tinuturing niyang tunay na anak ang kanyang ga estudyante.

Marnie Lapus bilang (“Teacher Tigang”) : Iang teror nilang guro, walang ibang ginawa kundi ang magalit sa
loob ng klase.

Paul Jake Castillo bilang (“Ken”) : Isang gwapo at babaero ngunit mahal na mahal ni Special Someone.

Julio Diaz bilang (“Roberto's Tatay”) : Isang masipag, maunawain at mapagmahal na ama. Hindi siya
nagalit o pinilit na mag-aral si Ong subalit inunawa niya ang kanyang anak.

Bing Pimentel bilang (“Nanay Lucing”) : Isang mabait, maalalahanin at mapagmahal na ina ni Ong. Siya
ang naging sandalan ni Ong, noong panahon na siya ay nahihirapan at nawawalanngpag-asa, hindi niya
pinabayaan ang kanyang anak ngunit ito’y dinamayan sa pinagdadaanannganak.

b. Galaw ng Pangyayari
Ang mga sumusunod ay ang mga pagkasunod sunod na pangyayari sa kwento:

 Pangunahing Pangyayari
- Si Roberto ay isang guro kasama ang kanyang kaibigan na si Portia na isang guro din. At
iniisip niya ang kanilang reunion. Nagdadalawang isip siya kung pupunta ba siya o hindi.
Naalala niya nung elementarya pa lamang siya ay nakikipaglaro siya kasama ang kanyang
mga kaibigan. Nakilala niya sina Ulo at si Portia. Napapagalitan siya ng kanyang guro.
Naiisip din niya ang kanyang ina at ama na nais nila makatapos sa pagaaral dahil sa
kahirapan. Ang kanyang ina ay hindi nakatapos ng pagaaral sa hayskul samantala ang
kanyang ama ay nagtratrabaho sa ibang bansa bilang isang marine ngunit nagbabayad
naman ng mga utang. Dahil sa kahirapan ay kinakailangan nilang magkayod sa
pagtratrabaho para sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya.
- Naalala din niya si Portia kung bakit siya ay naging isang tomboy dahil tinanggihan niya
ang kanyang damdamin. Mula noon, si Portia ay may pagtingin na sa mga kababaihan.

 Pasidhi o Pataas na Pangyayari


- Nung hayskul, sina Roberto, Portia, at si Ulo ay nagcucutting class upang makapanood ng
sine. Mayroon silang guro na terror hanggang siya ay may nakilalang magandang binibini
na nagpatibog ng kanyang puso. Ito ay si special someone, isang transferee sa kanilang
school. Si Roberto ay gumawa ng isang love letter para mailahad niya ang kanyang
nararamdaman at palihim niya itong inilagay sa librong binabasa ng kanyang special
someone. At nabasa naman ito ni special someone at hinahanap niya ito kung sino ang
gumawa ng love letter na ito.
- Nalaman ni Roberto na may kasintahan na pala si special someone na ngangalang Ken. At
siya ay naging malungkot at nasaktan ang kanyang nararamdaman. Kaya naman siya ay
gumawa ng isang letter upang maihayag niya ang kanyang malungkot na nararamdaman.
At habang naguusap si special someone sa kanyang kaklase ay inilagay ni Roberto ang
kanyang liham sa bag ni special someone at tumakbo ito. At napansin ito ni special
someone kung sino ang naglagay ng letter na ito.
- Nagulat na lamang si Roberto nung isang araw na si special someone ay niyaya siya na
maging partner para sa JS prom. At tinanong ni Roberto, paano na si ken. At sinabi naman
ni special someone ay wala na raw sila. Hindi alam ni Roberto na ginagamit lang siya ni
special someone para pagselosin niya si ken dahil sa ginawa nito.

 Karurukan o Kasukdulan
- Sa araw ng JS prom, magkasama si Roberto at si special someone. Si special someone ay
nakita niya si ken na may ibang babae at pinuntahan niya ito. Nagtataka naman si Roberto
kung bakit at biglang nagulat na lamang siya na may biglang umupo sa tabi niya at ito pala
ay si Portia. At si Portia ay sinabihan niya si Roberto na walang gusto si special someone sa
kanya. At biglang nagalit si Roberto kay Portia at umalis na lamang siya upang pumunta sa
CR ngunit sinundan pa rin siya ni Portia. Ngunit nagkaayos pa rin sila hanggang sila ay
nakagraduate ng high school.
- Ang tatlong magkakaibigan na sina Roberto, Portia at si Ulo ay naghahanap na pwedeng
mapapasukan na unibersidad para sa kanilang kolehiyo. Ngunit, ilang school ang kanilang
pinag-applyan ay hindi sila nakapasok. Hanggang sila ay nakakita ng magandang school at
sila ay kumuha ng kanilang nais na kurso. Si Ulo ay nagdrop dahil siya ay nagtratrabaho na
bilang isang factory worker.
- Si Roberto Ong ay kumuha ng computer programing ngunit siya ay nahihirapan sa kanyang
pagaaral dahil nakipaghiwalay si special someone sa kanilang relasyon. Hindi na siya
nakakapagpasa sa tamang oras at siya ay laging umaabsent sa klase kaya naman bagsak
ang kanyang grado. Napansin naman ng kanyang ina ang pagiging matamlayin nito.
Kinausap niya ito kung okey lang ba ang kanyang pagaaral at napagdesisyon na ilipat na
lamang sa ibang school upang maging komportable ang kanyang pagaaral. Subalit, si
Roberto ay hindi nagseryoso at hindi pumapasok sa school sa loob ng dalawang buwan.
Siya ay nagsinungaling ngunit kalaunan sinabi niya pa rin niya ito sa kanyang pamilya.

 Kakalasan o Pababang Aksyon


- Siya ay pumasok pa rin ngunit iba na ang kanyang kinukuha ngunit may kaugnayan pa rin
ito sa kanyang ninanais. Hanggang siya ay makatapos ng pagaaral sa kanyang kinukuhang
kurso.
- Siya ay naging guro at ang kanyang itinuturo ay patungkol sa computer. Kahit mahirap ay
ginagawa niya ang lahat para matuto ang kanyang mga estudyante.
- Nagkita ulit si Roberto at si special someone kasama ang kanyang nobyo na si Ken sa
reunion. At ibinalita nito na magpapakasal na sila at naging malungkot si Roberto at nais na
niyang umalis. Nakita ni Portia ang malungkot na mukha ni Roberto nung umalis ito at agad
na tinawagan ni Portia ang isa nilang kaibigan na si Ulo na kailangan na kailangan niyang
pumunta dahil kay Roberto. Si Ulo naman ay pumunta agad at nagkita sila ni Portia at
nakita nila si Roberto na nakaupo sa labas ng venue. Tinabihan nila ito, kinomport, at
inadvice patungkol sa pagibig at ang kahalagahan ng kanilang pagkakaibigan. Bumalik ulit
sila sa loob ng venue at sumayaw.

 Wakas
- Si special someone ay nakita niya ang kanyang nobyo na si ken na may kahalikan na iba.
At siya nakipaghiwalay na at siya ay tumakbo na habang umiiyak at nabunggo niya si
Roberto ngunit hindi na niya ito pinansin at umalis na ito. Napansin naman ito ni Roberto
ang pagiyak ni special someone kaya sinundan niya ito. Sinundan din ito nina Ulo at ni
Portia ngunit ito ay palihim.
- Si Roberto ay nakita niya si special someone na nakaupo at pinuntahan niya at dinamayan
niya ito. At si special someone ay napatingin kay Roberto at ganundin si Roberto at unti-
unting napalapit ang kanilang mukha hanggang ang kanilang mga labi ay dumampi. Nakita
ng mga kaibigan ni Roberto ang kanilang ginawa at sila ay kinilig.
-

3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
Sa panonood ng pelikulang ABNKKBSNPLAko maraming aral ang matutuhan na maaaring magbago
sa ating sari-sariling mga pananaw. Isa ako sa nakatunghay o nakapanood ng pelikulang aking binaggit at
masasabi kong totoong maraming pagbabagong magaganap sa ating isipan sa oras na mapanood ang
pelikula. Una na riyan ang edukasyon, na kung saan kadalasan kapag tayo’y wala pa sa hustong gulang ay
hindi natin masyadong pinapahalagahan ang pag-aaral lalo’t higit ngayon na nasa modernong panahon na
tayo na kung saan ang lahat ng bagay at gawain ay nagagawa na nating mapadali sa tulong ng teknolohiya.
Sapagkat mapapansin sa pelikula na bagamat hindi ganon kasipag mag-aral ang pangunahing tauhan na si
Roberto at hindi pa ganoon kalawak ang daloy ng teknolohiya nila ay nagawa pa rin niyang makapagtapos ng
pag-aaral kahit na napabayaan niya ang kanyag pag-aaral at paulit-ulit na kumuha ng iba’t ibang kurso. Kaya
naman lalong tumibay ang aking pananaw patungkol sa edukasyon lalo na ang kahalagahan nito sa ating
buhay. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na huwag matakot sa pagkakamali at magpatuloy lang kung ano ang
aking sinimulan. Sapagkat sa panonood ng pelikula ay mag-iiwan ito ng katagang “Ang pagkakamali ay hindi
nangangahulugang ika’y isang talunan bagkus ika’y maituturing lang na talunan kung ika’y walang ginawa
upang itama ang iyong mga pagkakamali. Ikalawa ay ang pagmamahal ng pamilya, napaka-swerte ni Roberto
na may maunawain at mapagmahal siyang pamilya na sumusuporta sa kanyang mga nais sa buhay bagamat
nagkaroon siya ng takot na sabihin sa kanyang mga magulang ang kanyang maling ginagawa ay sinabi niya
pa rin iyon at naunawaan naman ito ng kayang pamilya. Kaya ako bilang isang panganay na anak ay marami
rin akong takot ngunit sa panonood ko ng pelikula ni Bob Ong ay nagkakumpiyansa ako na ipahayag ang mga
saloobin ko sa aking pamilya. Ikatlo o ang panghuli ay ang pagpili ng mga kaibigan, sa pelikula ay pinakita ang
matibay na samahan ng mga magkakaibigan na sina Roberto, Ulo at Portia halos magkakapatid na ang
turingan nila sa isa’t isa. Napagtanto ko na napakahalaga na makahanap ka ng mga tunay na kaibigan
bagamat hindi ganoon karami, ang mahalaga ay ituturing kang pamilya at tanggap ka kung ano o sino ka.
Ang nobela/pelikulang ABNKKBSNPLAko ay nakatulong sa aking pag-iisip o pagdedesisyon bilang
isang mag-aaral upang maunawaan o maintindihan ko pa ang maaaring kahihinatnan ng aking buhay bilang
isang estudyante.

b. Bisa sa Damdamin
Bilang isang mag-aaral na nag-aral sa isang pampublikong paaralan ay naalala ko rin ang mga
pinagdaanan ko nung ako’y nasa elementarya pa lamang at high school nandiyan na ang pagrurush ng mga
requirements, pakikipaglaro sa mga kaklase ko ng mga sinanunang laro kagaya ng SOS, flames at marami
pang iba at syempre hindi rin mawawala ang ating ultimate crush noong tayo’y elementarya pa lamang. Kaya
naman habang pinapanood ko ang pelikula ay nagkaroon ako ng pagbalik tanaw sa aking pagiging isang bata
at iyon ay nagdulot sa akin ng saglit na kaligayahan. Sa patuloy na pagdaloy ng storya ay napagtanto ko o
naramdaman ko na bilang isang magiging guro sa hinaharap nagkaroon ako ng pangamba sa mga
ekspektasyon ng mga tao sa akin kapag ako’y isang ganap na guro na. Naramdaman ko at naimahe ko na
sarili ko ang pinapanood ko sa pelikula at doon ay nagkaroon ako ng malaking takot na baka hindi ko kayanin
ang pagtuturo ngunit sa isang banda ay napag-isip ko na hindi na tama na magpadala ako sa aking takot
bagkus ay gawin ko itong inspirasyon upang pagbutihan ko ang aking pag-aaral ng saganon ay magawa ko
ng tama ang aking mga gagawin at makakuha ako ng sapat na respeto mula sa mga tao lalong lalo na sa mga
mag-aaral ko sa hinaharap.
c.Bisang Kaasalan
Ang ilan sa mga pangyayari na nagpapakita ng bisang kaasalan ay ang mga sumusunod: pagliban sa
klase, cheating, vandalism, hindi pag-attend sa klase, paggawa ng assignment/project sa school,
pagsisinungaling na pumapasok sa eskwelahan at higit lalo sa lahat ay ang hindi faithful sa relasyon. Ang
tumatak na senaryo na talagang nagpakita ng bisa ng kaasalan ay ang eksena sa movie na araw ng pasko
noon at sila ay salo salong kumakain at habang nag-aabot ng regalo ang kanilang ama sa kanila ay pumasok
sa kwarto si Roberto at nagsulat ng isang liham ng nais niyang ipagtapat na kung saan nakasulat doon na
dalawang buwan na siyang hindi pumapasok sa eskwelahan. Hindi na niya kinakaya ang kaniyang
pagsisinungaling. Inabot niya ang sulat sa kanyang ama. Sinabi ng ama na pede naman siyang tumigil sa pag-
aaral at magpahinga muna at tsaka bumalik sa pag-aaral kapag nais na niya.Pagkatapos ng lahat ng iyon ay
bumalik pa rin siya sa eskwelahan. 
Maipapakita dito na sa kabila ng mga pinagdadaanan ni Roberto ay naging responsable pa rin siya
biang isang indibidwal. Ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral at kalaunan ay naging matagumpay
na guro siya.

d.Bisa sa Lipunan

Inilahad sa pelikula ang tunay na nararanasan ng estudyante kung saan ipinakita ang mga pagsubok
na pinagdaanan bago makapagtapos ng pag-aaral. Ang nagpapakita ng bisang lipunan ay ang senaryo kung
saan  unang araw ni Roberto sa pagtuturo kung kaya'y pumasok siya ng classroom ngunit  hindi naniniwala
ang mga estudyante na siya ang kanilang guro. Hanggang sa nakita nya sa class record na mali ang
pinasukan niya. Nung nakarating na sya sa mismong ikaklase nya ay maiingay ang mga estudyante at ganoon
rin senaryo ang nangyari kung saan hindi naniniwala na siya ay guro hanggang sa nag-attendance na siya.
Doon napagtanto ng mga estudyante na siya nga ang guro nila. Kung saan pumapasok sa bisang lipunan
sapagkat ang mga estudyante ay yaong tumitingin lamang sa panlabas na kaanyuan. Marahil ay ang
panghuhusga ay makikita sa pelikula. Marapat na irespeto ang nagsasalita sa unahan at intindihin ang nais
ipahayag upang sa ganoon maiwasan ang mga pagkakamaling posibleng mangyari. Ang isang pang napansin
na tumutukoy sa bisa sa lipunan ay tungkol sa trabaho. Nabanggit doon na teacher lamang ang  natapos
kumpara sa iba na nakapagtapos ng pagiging abogado at marami pang iba. Kahangahanga ang karakter ni
Ulo na kahit factory worker ang kaniyang trabaho ay ipinagmamalaki niya at hindi iniisip ang sasabihin ng iba.
Masasalamin na sa lipunan ay mayroong mapanghusga sa kanilang kapuwa ngunit ang dapat gawin ay huwag
intindihin at gawin ang naaayon sa tama. Ang buhay ay parang gulong kung minsan ay nasa itaas ka at kung
minsan ay nasa ibaba kaya't huwag ikahiya kung anong katayuan sa buhay.

Istilo ng paglalahad

Ang pelikulang “ABNKKBSNPLAKO?!” ay isang pelikulang nagpapatungkol sa buhay ng isang


estudyante na sa simula ay hindi alam ang kahalagahan ng pag-aaral ngunit ng lumaon ay unti-unting
nagkaroon ng realisasyon sa buhay na ang pagiging isang estudyante ay ang pinakaunang hakbang at simula pa
lamang ng isang mahaba habang paglalakbay.

At batay sa pelikulang napanood mayroong nakapaloob na istilo ng paglalahad na nakakatulong upang


mapalitaw ang kaisipan, kaugalian ng mga tauhan at tema/paksa ng bawat pangyayari sa pelikulang ito.

Una na dito ang “Pagbibigay ng katarungan”


Ipinapakita sa pelikulang ito ang naging buhay ni Ulo na isang pangkaraniwan na kabataan na sa una ay walang
interes sa pag-aaral at di naiintindihan ang kahalagahan ng edukasyon. At inilahad din dito ang mga pangarap,
masasaya at di masasayang pangyayari at mga problemang hinaharap ng isang estudyante.
Pangalawa ang “Pangulong Tudling/Editoryal”
Sa pelikulang ito pinakita ni Bob Ong ang kanyang malawak na kaisipan para lang maiugnay nya sa
pangkaraniwang na problema/ o isyu na na minsan ng kinaharap ng bawat estudyante. Kaya ginawa nya ang
pelikulang “abnkkbsnplako” upang sa ganon ay maipaintindi nya sa kaniyang manunuod ang nais nya
maipabatid at magkaroon ng koneksyon ang bawat estudyante na nakapanuod ng pelikulang ito.

At ang huli ang “Sanaysay”


Ipinakita sa pelikulang ito ang mga tunay na karanasan ng isang estudyante sa eskwelahan mula sa
elementarya, sekondarya at maging kolehiyo. Nais ipamulat sa atin ng pelikula na ito Ang hirap, pagsisikap at
katanyagan ng isang estudyante katulad na lang ni Ulo. Tunay na maiiugnay ito sa buhay ng estudyante. At ito
ay tunay na karanasan ni Bob Ong na siyang gumawa ng nobela/ at naging basehan ng pelikula na ito para ng
magbigay aral sa mga kabataan o estudyante.

You might also like