Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Alin ang Higit Na Nakatutulong sa Pagkatuto ng Mag-aaral:

Aklatba o Kompyuter?
(by Ronaldo C. Crisanto 9/5/2013)

Lakandiwa

Ang paksa ng pagtatalo kaugnay nang edukasyon

Na kung alin ang mas dapat na gamitin natin ngayon

Pagkatuto nitong bata saan higit masusulong

Sa aklat ba o kompyuter ang mas mabisang solusyon

At sa panig nitong aklat higit daw na kailangan

Si Sir Ador ay nagsabing ilalaban ng pustahan

Samantalang si Mam Shirley sa kompyuter nanindigan

Na sinumang makatalo ay hindi nya uurungan

Upang ating pong malaman kung sino ba ang mas tama

Ang panig ng bawat isa bigyang daan sa pagtula

Sa pagtindig ni Mam Shirley katwiran ay itutudla

Salubungin ng palakpak, sa bulwagan ay gumitna

Unang Tindig ng Mambabalagtas: Shirley R. San Antonio (Panig sa Kompyuter)

Ako itong si Mam Shirley sa Kompyuter ay pumanig

Pagkat aking nalalaman na sa aklat lalong higit

Pagtuturo dun sa bata kapag ito ang ginamit

Lahat sila’y matututo sa paraang mas mabilis

Samantalang itong aklat kung ito ay babasahin

Maiinip yaong bata at malimit na antukin

Kaya ngayon katalo ko sayo’y aking sasabihin

Mga aklat ay tiklupin kompyuter ko ang gamitin


Unang Tindig ng Mambabalagtas: Cipriano Ador Dionisio (Panig sa Aklat)

Ako itong si Sir Ador pumanig sa mga aklat

Na dapat lang na gamitin nang ang turo ay umunlad

Kapag ito’y binabasa maya’t mayang binubuklat

Pagkatuto nitong bata ay mabilis na lalawak.

Alam mo ba na ang bata kung ba’t hindi natututo

Madalang na sa kanila nagbabasa nitong libro

Kaya ngayon malinaw ba sa isip mo katalo ko

Kompyuter mo ang itago ang aklat ko ang buksan mo

Ikalawang tindig panig sa kompyuter

Alam mo ba na ang aklat kung ba’t ayaw nang basahin

Mga bata’y nagsasawa hirap silang intindihin

Pag ang guro ay may tanong at ang nais ay sagutin

Basahin man yaong aklat hirap silang unawain

Samantalang sa kompyuter hawakan lang yaong buton

Lalabas na itong sagot kung ano ang tinatanong

Kaya ngayon katalo ko dapat sa’yo ay umurong

Ipunin mo iyong aklat at itago mo sa baul.

Ikalawang Tindig (Panig sa Aklat)

Mga batang mag-aaral ngayo'y tamad nang magbasa

Paano nga ang kompyuter malaki ang impluwensya

Sa halip na ang utak ay hasain nang gumana

Ang pangahas ay kompyuter duon na lang umaasa

Paglipas ng mga araw h'wag mo sanang pagtatakhan

Pag ang bata'y laging wala sa loob ng paaralan

Kung mahubog sa ugali ang matinding katamaran


Walang ibang sisisihin kompyuter mo ang dahilan

Ikatlong Tindig: Panig sa Kompyuter

Ang paggamit ng kompyuter kaunlara'y ihahatid

Sapagkat ang kaalaman mas lalo pa na lalawig

Kapag sila'y ginabayan tinuruan bawat saglit

Sa pahamak ay malayo sa tagumpay ay malapit

Samantalang itong aklat basahin man araw-araw

Hindi mo rin masasabing marami kang malalaman

Kaya ngayon katalo ko ang gawin mo na mainam

Aminin mo ang tutoo, talo ka na sa 'ting laban

Ikatlong Tindig (Panig sa Aklat)

Ang aklat ko ay kumpleto nandun lahat ang aralin

Marami kang malalaman kung lagi mong babasahin

Kung may tanong at di alam kung paano sasagutin

Tingnan mo ang halimbawa at pwede mo na gayahin

Aaminin ko na ngayon ako sayo'y tuwang-tuwa

Sapagkat ang pananaw mo katulad ng isang bata

Pag ang aklat ay binasa't pinilit mong inunawa

Kapag hindi mo nalaman ang utak mo ay mahina

Lakandiwa:

Akin munang sumandaling putulin ang pagtatalo

Sapagkat ang bawat isa mainit na yaong ulo

Kung sabagay sa pahayag matibay ang patotoo

Walang tulak at kabigin magagaling ng pareho

At ngayon ang balagtasan ay muli kong ibabalik

Ang pingkian ng katwiran atin muling maririnig


Si Mam Shirley ay minsan pang katwiran ay ipipilit

Upang lalong patunayan na tama ang kanyang panig

Ikaapat na Tindig (Panig sa Kompyuter) (rebuttal)

Hindi mo ba napapansin pagkatapos ng halalan

Nang dahil sa kompyuter ko ay mabilis ang pagbilang

Hindi tulad nuong araw iniabot ng siyam syam

Ikaapat na Tindig (Panig sa Aklat)

Bumabagal ang pagbilang alam mo ba ang dahilan

Kandidato sa eleksyon walang lubay sa dayaan

Pag natalo'y dadagdagan ang nanalo'y babawasan

Panig sa Kompyuter

Ang mata mo'y masisira kung lagi kang nagbabasa

Lalo na kung babasahin maliliit yaong letra

Panig sa Aklat

Masisira yaong mata ng lahat ng 'yong eskwela

Sa radyesyon ng kompyuter duon iyon...makukuha

Panig sa Kompyuter

Ang paglabo nitong mata dumarating itong kusa

Lalo na kung yaong tao papunta na sa pagtanda

Panig sa Aklat

Kahit bata o matanda pag radyesyon ay tumama

Yaong mata ay hihina at lalabo....magkabila

Hatol ng Lakandiwa:

Matapos ko na marinig ang katwiran ninyo't panig


Sinuri ko nang mabuti kung sino ba ang mas mat'wid

Sapagkat ang hatol dito kapag ako ang nalihis

Daming bata't mga guro sa akin ay magagalit

Ang aklat ay talaan ng impormasyong mahalaga

Lubos tayong matututo kung palaging binabasa

At bago pa ilathala at dumaan sa imprenta

Sinusuring isa-isa bawat laman ng pahina

Ang halaga ng kompyuter kaya naman inimbento

Sa pag-unlad nitong agham, inilaang idisenyo

At ang bata kung nais mong sa turo ay umasenso

Gamitin mo ang kompyuter, halos lahat matututo

Ngunit huwag lilimutin ang bibliya nang masulat

Ang may gusto at may akda ay ang Diyos nating lahat

Hindi pa man nangyayari't matagal pang magaganap

Basahin mo ang bibliya nandun na at ...NAKASULAT

Kaya ngayon ang hatol ko sa paksa ng balagtasan

Walang talo at panalo patas sila sa tagisan

Mga aklat at kompyuter gamitin sa pag-aaral

Pagkat ito'y mga susi patungo sa....... KAUNLARAN

You might also like