DLP Q1 Paksa 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG BASEY

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
303592

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Petsa: Abril 4-5, 2022

Guro: ANGELO L. MANACPO Markahan: Ikatlong Markahan Blg. ng Linggo: 9


Baitang at Seksyon (Oras):

Abril 4, 2022 (Lunes) Abril 5, 2022 (Martes)


G9-Pythagoras 7:30-8:30 1:00 – 2:00 G9-Harmony 7:30-8:30 1:00 – 2:00
G9-Archimedes 8:30 – 9:30 2:00 – 3:00 G9-Fleming 8:30 – 9:30 2:00 – 3:00
G9-newton 9:45 – 10:45 3:15 – 4:15

I. LAYUNIN
Mga kasanayan sa  Naipakikilala ang sarili sa isang malikhaing paraan
pagkatuto/layunin (MELC’s-  Nakapagbabahagi ng mga kalakasan
Based)  Napupunan ng mga impormasyon hinggil sa sarili

II. PAKSA Sino Ako?


A. Sanggunian Verzosa, Lyra. Peer Faci: Kalakbay sa mga Alon ng Buhay (A Resource Booklet for Peer
Facilitation). pp 2-3
B. Mga Kagamitan MHPSS Booklet/ MHPSS LAS, Activity Sheet
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral/ Panimula
Marami na nga ang nabago sa ating paraan ng pamumuhay dulot ng
pandemyang ating hinaharap. Kung dati ay maaari tayong dumalo sa mga
pagtitipong marami ang bisita, ngayon ay pili na lamang ang mga imbitado sa mga
birthday party at handaan. Kung dati ay maaari mong mayakap ang isang kaibigan,
kamag-anak at kakilalang matagal mo nang hindi nakikita ngayong ay kaway at
“finger heart” na lamang ang ating ibinabati sa kanila.

Higit dalawang taon din kayong hindi nakatuntong dito sa paaralan. Alam
kong kilala na ninyo ang ilan sa mga kasama ninyo ngayon sa silid na ito at ang ilan
naman ay hindi pamilyar sa inyo.

B. Pangganyak
Panuto: Bawat mag-aaral ay pumili ng isang pang-uri (adjective) na maglalarawan sa
sarili. Ang pang-uri ay kailangang nagsisimula sa parehong unang titik ng pangalan
ng mag-aaral. (Kung walang mahanap na pang-uri sa Filipino ang mag-aaral ay
hayaan silang gumamit ng salitang Ingles) Ilahad sa klase ang kanta at ritmo na
susundin ng lahat sa malikhaing pagpapakilala.
Halimbawa: Marites – mausisa
Irene – iconical

Ako si Marites, ako’y mausisa


Ako si ___________, ako ay / ako’y ______________.
(Ritmo: tap, tap, clap, finger click, clap)

(Ulitin ang kanta hanggang makapagbahagi na ang lahat.)

C. Paglalahad ng aralin
1.Aralin: Interaktibong Nahirapan ka bang makahanap ng pang-uri na katugma ng unang titik ng
Gawain iyong pangalan? Bakit oo/hindi?
2.Pagbasa/pakikinig sa
Ipabasa sa mga mag-aaral ang sumusunod na teksto na hango sa pahina 4 ng
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG BASEY
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
303592

akda
Peer Faci: Kalakbay sa mga Alon ng Buhay o pahina 2 ng MHPSS LAS.
D. Pagtalakay sa aralin
Panuto: Magpakita ng mga salita/pahayag sa mga mag-aaral. Maaaring
ipabasa sa iba’t ibang emosyon (galit, masaya, balisa, tuliro, atbp), ipakanta,
ipasayaw o ipa-pantomina ang pahayag.
1. Maganda ako!
2. Blackpink
3. Bakit parang kasalanan ko?
4. Tiktok
5. My brother is not a pig!
E. Paglalapat
Ano ang iyong nabatid hinggil sa iyong sarili sa gawaing ito?
Ano naman ang iyong nabatid hinggil sa iyong mga kaklase sa gawaing ito?
F. Paglalagom
Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang ugali, personalidad, at nakagawian.
Mainam na makilala at matanggap muna natin ang ating sarili upang maging
magaan ang pagtanggap natin sa iba.

Bigyan ang bawat isang mag-aaral ng papel na batay sa pahina 3 ng Peer Faci:
IV. PAGTATAYA Kalakbay sa mga Alon ng Buhay. Padugtungan lamang sa mga mag-aaral ang mga
pahayag. Pumili ng limang (5) mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong
ang aking punungguro at superbisor?
G. Anong mga Inobasyon o Lokalisasyon sa mga kagamitang
ang ginamit/natuklasan ko na nais kong ibahagi sa ibang
guro?

Inihanda ni:
Binigyang-pansin:
ANGELO L. MANACPO
Guro II/ Filipino ELENA M. CABUGAYAN
Ulongguro I/ Filipino

Pinagtibay ni:

RELDIN R. CAJES, PhD


Punungguro II

You might also like