Filipino 11 Quarter 3 Week 3 Las #1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: ___________________ Baitang at Seksyon: _______ Iskor: __________

Paaralan: ____________________ Guro: _________________ Asignatura: Filipino 11

Manunulat ng LAS: LOYD M. GALDONES Tagasuri ng Nilalaman: JERIEL B. CARACOL

Paksa: Tekstong Deskriptibo Quarter 3 Week 3 LAS 1
Mga Layunin: a. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto
(F11WG-IIIc-90).
b. Nasusuri ang nilalaman teksto batay sa nais nitong ipahiwatig.
Sanggunian: Dayag, A., Del Rosario, MG., 2016. Pinagyamang Pluma, Makati City,
Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.,pp 25-48

Nilalaman

Ang teskstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita
ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa halip na pintura o
pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa
tekstong deskriptibo. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit upang mailarawan ang bawat tauhan,
tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang buhay sa imahinasyon ng mambabasa.

Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maririnig, maamoy, malalasahan o mahahawakan na

ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito.

Gawain

PANUTO: Basahing mabuti ang paglalarawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Sa unang tingin pa lang ay labis na akong naakit sa kaniyang mga matang tila nangungusap. Di ko
mapuknat ang aking paningin sa hindi pangkaraniwang kagandahan sa aking harapan. Papalayo na ako sa
kaniya subalit alam kong dalawang nagsusumamong mga mata ang nakatitig sa aking bawat galaw, tila nang-
aakit upang siya ay balikan, yakapin at ituring na akin. Siya na nga at wala nang iba ang hinahanap ko. Hindi ako
makapapayag na mawala pa siyang muli sa aking paningin. Halos magkandarapa ako sa pagmamadali upang
siya’y mabalikan. “ Manong, ang asong iyan na ang gusto ko. Siya na nga at wala nang iba. Babayaran ko at
nang maiuwi ko na.”

1. Naging epektibo ba ng ginawang paglalarawan? Bakit?

_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________.

2. Naisip mo ba agad na isang aso pala ang inilalarawan?

Anong bagay ang inakala mong inilalarawan batay sa mga naunang pangungusap?

_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________.
3. Anong katangian ng talata ang sa palagay mo ay agad nakakuha sa atensiyon ng mambabasa?
Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________.

4. Kung ikaw ang maglalarawan sa mga pangyayari sa unang pagkikita ninyo ng iyang alaga, paano mo ito
ilalarawan? ( Kung wala kang alaga ay ilahad mo ang naiisip na mangyayari sa una ninyong pagkikita ng
hayop na gusto mo sanang alagaan).