Filipino 11 Quarter 3 Week 5 Las #1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: ___________________ Baitang at Seksyon: _______ Iskor: __________

Paaralan: ____________________ Guro: _________________ Asignatura: Filipino 11

Manunulat ng LAS: LOYD M. GALDONES Tagasuri ng Nilalaman: JERIEL B. CARACOL


Paksa: Tekstong Naratibo Quarter 3 Week 5 LAS 1
Mga Layunin: a. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa
(F11PS-IIIf-92).
b. Nakikilala ang tekstong naratibo.
c. Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng dayalogo, saloobin o
damdamin sa tekstong naratibo.
Sanggunian: Dayag, A., Del Rosario, MG., 2016. Pinagyamang Pluma, Makati City,
Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.,pp 49-68

Nilalaman

Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao, mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula
hanggang katapusan. Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga
pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo
ng kabutihang-asal, mahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng
pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at
pagtitiyaga ay nagdudulot ng mga tagumpay at iba pa.

May dalawang paraan kung paano inilalahad o ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang diyalogo,
saloobin at damdamin.

1. Direkta o Tuwirang Pahayag - Ang tuwirang pahayag ay naglalahad ng eksaktong mensahe o


impormasyon ipinahayag ng isang tao. Gumagamit ito ng mga panipi upang ipakita ang buong
sinabi ng mamahayag.

Halimbawa: “Donato, kakain na anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala
sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kaniyang kinalalagyan.
“Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha?”
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina.
-mula sa “Ang Kariton ni Donato”

2. Di-Tuwirang Pahayag - Binabanggit lamang muli kung ano ang tinuran o sinabi ng isang tao. Hindi
ito ginagamitan ng mga panipi. Madalas rin ay ginagamitan ito nga mga pang-ukol tulad ng
alinsunod sa/kay, batay sa/kay, ayon sa/kay atbp.

Halimbawa: Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang ito’y abalang-abala sa
ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kaniyang kinalalagyan. Sinabi
niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya.
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina.
Gawain

PANUTO: Gamit ang tekstong naratibo, bumuo ng tig-5 pangungusap sa dalawang paraan ng
pagpahayag ng dayalogo, saloobin o damdamin upang lalong maipakita ang pagkakaiba ito. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

Tuwirang Pahayag Di-Tuwirang Pahayag


1

You might also like