Ang kasunduang ito ay isinagawa ngayon ika-27 Mayo taong 2022 dito sa Tanggapan ng Barangay Camagsaan, Capalonga, Camarines Norte, nila; EXEQUIEL L. ALER, may sapat na gulang, naninirahan sa Purok-2 Brgy. Poblacion, Capalonga, Camarines Norte, dito kikilalanin bilang UNANG PANIG, -at ni- RACHELLE ANNE MARIE G. SICAT, may sapat na gulang at, naninirahan sa nasasakupan ng 1026 Sto. Rosario Capas, Tarlac, dito siya ay kikilalanin bilang IKALAWANG PANIG, NAGSASALAYSAY AT NAGPAPATUNAY Na ang UNANG PANIG ay may natanggap na paunang bayad na ISANG DAAN AT DALAWAMPUNG LIBONG PISO (120,000.00) salaping Pilipino sa IKALAWANG PANIG at ang lupang ito ay nasasakupan ng Purok-2 Barangay Camagsaan na may sukat na 15x10 (150 sq.m.) na bahagi ng kanilang lupain, may LOT no. 561-D A=1,770 sq. m. Ang nasabing paunang bayad/halaga ay buong kasiyahang tinanggap ng unang panig mula sa ikalawang panig ngayon ika-30 ng MAYO taong 2022 at ang kakulangan na nagkakahalaga ng ISANG DAANG LIBONG PISO (100,000.00) ay babayaran sa buwan ng Disyembre o bago mag Disyembre, taong 2022.
SA KATUNAYAN NG LAHAT NG NAKASAAD SA KASULATANG ITO, ay lumagda ang
DALAWANG PANIG sa taas ng kanilang pangalan ngayong ika-27 ng MAYO 2022 sa nasasakupan ng Barangay Camagsaan, Capalonga, Camarines Norte
EXEQUIEL L. ALER RACHELLE ANNE MARIE G. SICAT
UNANG PANIG IKALAWANG PANIG
ROSELA V. ALER SIMON P. GONZALES JR.
ASAWA NG UNANG PANIG Representative/Tiyuhin ng IKALAWANG PANIG