Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

KABANATA V11

DISKURSO

Panimula
Ang diskurso at kultura ay may ugnayan. Ayon sa depinisyon ni Byram (2008) ng
kultura, ito ay mga pinagsasama-samang paniniwala, pagpapahalaga at pag-uugali ng
isang lipunan mula sa pinakamaliit nay unit ang pamilya tungo sa makrong pangkat ng
bansa. Para naman sa wika na isa sa instrumento ng kultura, tatalakayin natin sa
modyul na ito ang anyo ng diskurso, teorya ng diskurso, konteksto ng diskurso,
estratehiya ng diskurso at batayang uri ng diskurso.
Ayon kay Kramsch (2009) ang wika ay ginagamit hindi lamang instrumento ng
pagpapalitang impormasyon, subalit bilang isang sistema ng mga simbolo na may
kapangyarihang lumikha at humubog ng mga simbolikong realidad, gaya ng
pagpapahalaga, pananaw, at mga identidad sa pamamagitan ng diskurso.
Ayon kay Izaak Walton “good company and good discourse are the very sinews
of virtue.” Makakamit ang ano mang mithiin sa buhay kung ang isang tao ay magaling
sa pakikipagdiskurso. Ito ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o
pasalita. Sa karaniwang pagpapakahulugan, ang diskurso ay pakikipagtalastasan,
pakikipag-usap o ano mang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

Pangkalahatang Layunin
 Maipaliwanag ang kahulugan ng diskurso
 Matukoy ang mahahalagang komponent na bumubuo sa diskurso
 Mapahalagahan ang pagiging natatangi ng mga wika sa diskurso

Aralin: Anyo ng Diskurso, Teorya ng Diskurso: Pahapyaw na Pagtalakay,


Konteksto ng Diskurso

Panimula
Bawat araw, iba’t ibang uri ng sinasalitang wika ang ginagamit ng indibidwal. Iba
kapag nasa loob ng tahanan at nag-uusap-usap ang magkapamilya. Iba ang lenggwahe
ng nanay sa anak, ng tatay sa anak, at ng anak sa kanyang mga magulang. Sa

1
pamantayang kultural ng lipunang Pilipino, maaari namang mangatwiran ang anak
subalit ang tono at tinig ay dapat na mas mababa sa mga magulang at hindi paangil.
Ang gamit ng sinasalitang wika ay nakadepende rin sa uri ng hanapbuhay ng
isang indibidwal at kung ano ang pangangailangan na ginagamit ng
pakikipagtalastasan.

Layunin
 Naibibigay ang kahulugan ng diskurso
 Naipaliliwanag ang mga kaisipan na bumubuo sa diskurso
 Naisa-isa ang kabuluhan ng wika sa diskurso

Pagtalakay
Ano ang Diskurso?
Si Michel Foucault ay isang Pranses, kinikilala siya dahil sa kanyang di
matatawarang ambag sa larangan ng pilosopiya, at pagsusuri ng diskurso. Litaw sa
kanyang mga akda ang interes sa kaalamang taglay ng bawat tao at ang
kapangyarihang taglay at nagpapakilos sa mga ito. Isa siya sa mga nagbigay ng
matibay na sandigan sa teorya at praktika ng diskurso.
Ang diskurso, ayon sa Diksyunaryong Ingles-Filipino (1984) ay
nangangahulugang magsulat o magsalita nang katagalan o kahabaan. Ayon naman sa
Webster’s News World Dictionary (1995), ang diskurso ay isang porma na pagtalakay
sa isang paksa, pasulat man o pasalita. Sa karaniwang pagpapakahulugan, ito ay
pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o ano mang paraan ng pagpapahayag ng ideya
tungkol sa isang paksa.
Ang diskurso ay maaaring nasa anyong pasalita o pasulat. Bagama’t maituturing
na magkatulad ang layunin ng pasalita at pasulat na diskurso, ang makapaghayag ng
kaisipan, may pagkakaiba ang dalawa. Mayroong ilang kahingian ang bawat anyo na
naiiba sa isa. Ayon nga kay Bernales (2017), may kaniya-kaniyang kalikasan at
pangangailangan ang bawat isa at mahalagang taglayin ng mga partisipante nito ang
komunikatibo at linggwistikang kompitens.
Sa pasalitang diskurso, karaniwang magkaharap ang mga participant kung kaya’t
bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuonan din ng bawat
participant ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono,
diin, kilos, kumpas ng kamay, tinig, tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na
maaaring makapagpabago ng kahulugan ng isang mensahe.
2
Sa kabilag banda, sa pasulat na diskurso, higit nap ag-iingat ang isinasagawa ng
manunulat. Sa sandaling ang mensaheng nakapaloob sa isang isinulat na diskurso ay
nakarating sa tagatanggap at ito’y kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng
manunulat ang kanyang mga naisulat. Maaaring ulit-ulitin ng mambabasa ang ano
mang nakasulat na mensahe. Sakaling mayroong mga pagkakamali sa gramatika man
o sa mismong nilalaman, maaaring maging simula ito ng miskomunikasyon.
Sa paghahanda para sa isang pasalitang diskurso, higit na maluwag ang daloy
ng talastasan kung ihahambing sa pasulat na nito. Agad na nakatatanggap ng pidbak
kung kaya’t agad na nakakapagpasya ang bawat partisipante ng diskurso kung
epektibo ba o hindi ang kanilang isinasagawang palitan.
Sa kabilang banda, higit na mas mahabang panahon ang inilalaan sa
paghahanda para sa pasulat na diskurso. Maingat na pinipili ang bawat salitang
inilalapat sa papel. May mga pagkakataon na makailang beses itong nirerebisa upang
matiyak na malinaw ang mensahe at ito’y mababatid ng tagatanggap. Tinitiyak din ng
manunulat na kanyang nasusunod ang wastong tuntunin sa pasulat, ito man ay isang
liham, sanaysay, ulat, tesis a anupaman. Laging iniisip ng manunulat na maaaring balik-
balikan ng mambabasa ang kanyang naisulat at sakaling may hindi wasto na naisulat,
mayroong magagamit na ebidensya ang mambabasa laban sa kanya dahil mayroong
tekstong nakalimbag. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang komunikatib at
linggwistik kompitens ng bawat partisipante sa isang diskurso. Hindi lamang mga salita
ang nagpapahatid ng mensahe. Bukod sa salita, pinagtutuonan din ng pansin ang ibang
salik. Kung harapan at pasalita ang diskurso, mahalaga ang wastong asal tuwing
nakikipag-usap. Mahirap nang mabansagang bastos! Sa pasulat naman na diskurso ay
kailangang maingat sa mga salita at baka makasuhan ng libelo.

Teorya ng Diskurso: Pahapyaw na Pagtalakay


Sa lahat ng pagkakataon, laging isaisip na walang teoryang perpekto. Bawat isa
ay may kani-kaniyang kalakasan at kahinaan. Bilang mga mapanuring mag-aaral,
kailangang pagsumikapan ninyong suriin nang kritikal ang mga positibo at negatibong
element ng bawat isa.
Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon. Ang
mga teoryang ito ay maaaring maging susi sa ganap nap ag-unawa sa proseso ng
pagdidiskurso o komunikasyon. Ang mga teoryang ito ay nakatutulong upang tayo ay
maging konseptwal at prediktibo. Samakatwid, ang isang tao ay maaaring makagawa
3
ng mga desisyon tungkol sa mga sitwasyong pangkomunikasyon batay sa mga saliksik
ng mga teorista.

Pinakapopular na teorya ay ang speech act theory and ethnography of


communication.
1. Ang speech act theory ay isang teorya ng wikang batay sa aklat na How to Do Things
wirh Words ni J.L. Austin (1975). Nakabatay ito sa pangunahing premis na ang wika ay
isang mode of action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon. Wika ng ani
John Seale, all linguistic communication involves linguistic acts. Ayon sa mga
naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistika ay hindi ang
simbolo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga
simbolo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.
Hinati ni Austin ang mga aktong linggwistika na ito sa tatlong komponent.
Ang una ay ang aktong lokyusyonari o ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ang
ikalawa, ang aktong ilokyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi
ng isang bagay. Ang ikatlo ay ang aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang
bagay na kadalasang nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto sa
damdamin, pag-iisip at aksyon ng tagapakinig ng ispiker o maging ng ibang tao.
Samakatwid, ang una ay may kahulugan, ang ikalawa ay may pwersa at ang ikatlo’y
may konsikwens.
2. Ang ethnography of communication ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit,
padron at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang
pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang
partikular na komunidad. Halimbawa, kung nais nating pag-aralan ang glossolalia
(speaking in tongues) na karaniwang makikita sa mga Kristiyanong sekta, kailangan
nating dumalo sa mga pagtitipon ng isang sektang Kristiyano, makisalamuha sa kanila
at kung maaari’y maging isa sa kanila at mismong aktwal na makaranas ng gayon. Sa
pamamagitan lamang niyon, ayon sa mga teorista nito, tayo’y magiging pamilyar sa
konteksto ng glossolalia upang maipaliwanag ang tungkuling sosyal nito.

May iba’t ibang Teknik na maaaring magamit sa partisipant-obserbasyon:


1. Introspection o ang paggamit ng intuition,
2. Detached Observation o ang di-partisipantoryong obserbasyon ng interaksyon sa
komunidad,
3. Interviewing o ang istraktyurd na interaksiyong berbal sa mga miyembro ng komunidad,
4
4. Philology o ang paggamit ng mga pasulat na materyales,
5. Ethnosemantics o ang pag-aaral ng mga kahulugang kultural,
6. Ethnomethodology o ang detalyadong analisis ng mga kumbersasyon, tinatawag ding
diskurso analisis ng mga linggwista at ang,
7. Phenomenology o ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang
penomenolohikal.

Sa website na http://www.mcgraw-hill.com, pahapyaw na tinalakay ang iba pang mga


teorya. Dalawa sa mga ito ay ang communication accommodation theory at ang teorya
ng narrative paradigm.
1. Communication Accommodation Theory, sinusuri ang mga motibasyon at konsikwens
ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng estilo ng komunikasyon.
Ang mga teorista nito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay
nagtatangkang iakomodeyt a i-adjust ang kanilang estilo kapag nakikipag-usap sa iba.
Ang akomodasyong ito ay nagagawa sa dalawang paraan: divergence and
convergence. Ang mga grupong may malakas na pagmamalaking etniko ay madalas na
gumagamit ng divergence upang bigyang-diin ang kanilang identidad. Samantalang ang
convergence ay nagaganap kung saan mayroong matinding pangangailangan para sa
social approval. Ang gumagawa nito madalas ay mga indibidwal na walang
kapangyarihan.
2. Narrative Paradigm ay naglalarawan naman sa mga tao bilang storytelling animals. Ang
teoryang ito ay nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyonal na
lohika ng argumento. Ang naratibong lohika o ang lohika ng mabuting katuwiran ay
nagmumungkahi na husgahan ang kredebelidad ng isang ispiker batay sa kohirens at
pediliti ng kanilang istorya. Isang demokratikong paghuhusga di umano ito sapagkat
hindi naman kailangan ng pagsasanay sa oratoryo at panghikayat upang makalikha ng
paghuhusga batay sa kohirens at pediliti.

Konteksto ng Diskurso
Masalimuot na usapin ang diskurso dahil sa lawak ng saklaw nito. Ito rin ay pag-
aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at konteksto nito. Sinasaklaw rin ng paksang ito
ang semiotika, sikolohiya, antropolohiya, at sosyolohiya. Pinag-aaralan ng mga
eksperto ang wika habang ginagamit sa lahat ng mga nasusulat na teksto; mula sa
pinakasimbling paraan ng pagpapahayag hanggang sa pinakamataas na genre ng
komunikasyon (McCarthy,1991).
5
Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa ano mang oras, espasyo at
konteksto. Ang mga kontekstong iyon ay madalas na ituring bilang mga partikular na
kombinasyon ng mga taong bummubuo sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
Samakatwid, ang konteksto ng isang diskurso ay maaring interpersonal, paggugrupo,
pang-organisasyon, pangmasa, intercultural at pangkasarian:
1. Kontekstong Interpersonal. Ito ang kontekstong umiiral sa mga sitwasyong
kinasasangkutan ng dalawa o iilang tao tulad ng usapan ng magkaibigan at
pagpapalitan ng chat messages ng magkaibigan sa Facebook.
2. Kontekstong Panggrupo. Ito ang mga kontekstong umiiral sa mga sitwasyong
kinasasangkutan ng pangkat ng mga tao tulad ng pulong ng pamunuan ng isang
samahang pangmag-aaral at palitan ng mga miyembro ng chat messages sa
kanilang chat group.
3. Kontekstong Pang-organisasyon. Umiiral sa loob ng mga institusyon o
tanggapan tulad ng pagsasagawa ng team building ng mga empleyado ng isang
opisina at paglabas ng memorandum ng pangulo ng isang kumpanya para sa
lahat ng mga empleyado.
4. Kontekstong Pangmasa. Umiiral sa mga sitwasyong nasasangkot ang publiko
tulad ng pagtatalumpati ng isang politico sa harap ng mga botante at
paglalathala ng mga balita sa dyaryo.
5. Kontekstong Interkultural. Umiiral sa pagitan ng mga taong may magkakaibang
kultura tulad ng pagpupulong ng mga pinuno o kinatawan ng mga pangkat etniko
(halimbawa: Igorot, Mangyan, Badjao) at paglathala ng aklat na Basic Filipino
para sa mga dayuhang mula sa iba’t ibang bansa.
6. Kontekstong Pangkasarian. Umiiral sa mga sitwasyong kailangan ng maingat na
pagsasaalang-alang sa mga katangiang pangkasarian tulad ng pag-uusap ng
mga kababaihan tungkol sa menstruation at paglalathala ng mga magasing
panlalaki.

Sa mabisa at epektibong paglalarawa, karaniwang pang-uri at mga pang-abay


ang ginagamit upang mabigyan-buhay ang ano mang inilalarawan. Sa pamamagitan ng
mga ito, nagiging malinaw sa isipan ng tagatanggap ang anumang bagay nan ais
maipabatid ng iba.
Ang pagsusuri at pag-aaral ng diskurso ay isang larangang pinagtutuonan ng
pansin ng mga dalubwika. Sa ating pag-aaral ng masining na pagpapahayag, ating
pagtutuoonan ng higit na pansin ang apat (4) na Batayang Uri ng Diskurso: (1)
6
Paglalarawan o Deskripsyon, (2) Pagsasalaysay o Narasyon, (3) Paglalahad o
Eksposisyon, (4) Pangagatwiran o Argumentasyon.
(1) Paglalarawan o Deskripsyon- ay isang anyo ng diskurso na nagpapahayag ng
sapat na detalye o katangian ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya
upang ang isang mambabasa o tagapakinig ay makalikha ng isang larawang
mental kung ano man ang inilalarawan. Kung ang isang pintor ay gumagamit ng
iba’t ibang kulay upang maisabuhay ang isang larawan, gayon din ang isang
manunulat. Gumagamit siya ng mga salita na ngiging daan upang mabuo ang
larawan sa isipan ng mambabasa o tagapakinig. Ang paglalarawan ay bunga ng
kakintalang likha ng ating limang pandama ayon nga kina Tumangan, et al
(1997).
Mahalaga ang deskripsyong diskurso dahil ito ay isang daan upang
makilala ang isang tagpagpahayag. Sa pamamagitan ng kanyang pagbibigay-
katangian sa ano mang kanyang inilalarawan, nagkakaroon ng ideya ang
tagapakinig o mambabasa kung ano ang kanyang panlasa tungkol sa mga
bagay-bagay, kung paano siya mag-isip at kung paano niya binibigyan ng
katawagan o leybel ang mga bagay sa kanyang kapaligiran. Sa ganitong
pamamaraan din ay napapagalaw niya ang sariling imahinasyon maging ng
kanyang mambabasa o tagapakinig.
Layunin ng paglalarawan ang makalikha ng imahen sa isipan ng kanyang
mambabasa upang maging sila ay maranas din ang naranasan ng manunulat.
Ang paglalarawan ay karaniwang isinasagawa upang makahikayat ng kapwa.
Isang halimbawa ay ang paglalarawan ng mga pook-pasyalan upang
makahikayat ng mga turista. Isa pa ay ang paglalarawan ng isang bagong
produkto upang makahikayat ng mamimili.
(2) Pagsasalaysay o Narasyon- ay isang anyo ng diskursong nagpapahayag ng
mga magkakaugnay na pangyayaring may tiyak na simula tungo sa isang tiyak at
makabuluhang wakas. Ang narasyon sa simpleng pananalita ay pagsasalaysay.
Dito, isinasambit natin ang mga detalyeng kalakip ng isang particular na
pangyayari upang maibabahagi sa iba ang mga bagay na nagaganap sa atin o
kaya ang mga bagay na ating nasaksihan, nabasa o napakinggan.

Mahalaga ang diskursong naratib sa ating pang-araw-araw na pamumuhay dahil


na tin sa tayong mga tao ay may likas na kaugaliang makipagkapwa-tao at ang
pagbabahagi ng mga bagay-bagay na nangyayari sa ating buhay o maging sa
7
buhay ng iba ay isang karaniwang gawaing pantao. Ang kapanganakan ng isang
sanggol, pagtatapos ng isang anak, pagkapanalo sa isang patimpalak o maging
ang pagkawala ng isang natatanging bagay ay ating itinuturing na mga
makabuluhang pangyayari na binabahagi sa kapwa.

(3) Paglalahad o Eksposisyon- ay anyo ng diskurso na nagpapahayag ng mga


ideya, kaisipan, at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman na inihanay sa
isang maayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaraoon
ng bago o dagdag na kaalaman ng isang tao.
Mahalagang diskurso ang eksposisyon dahil ito ay nagiging daan sa
pagkakaroon ng bago o karagdagang kaalaman ng tao kaugnay ng mga bagay
na nagaganap sa kanyang kapaligiran. Ang mga kaalamang ito naman ay
nagiging daan sa pagpapabuti ng kanyang pagkatao at nagpapaangat ng antas
ng pamumuhay ng ibang tao. Ang tao ay laging may mga katanungan na
kanyang ninanais na matugunan kung kaya’t madalas siyang naghahanap ng
paraan upang mabigyan ng sagot ang mga ito.
Ang pangunahing layunin ng diskursong ekspositori ay upang
makapagbigay ng impormasyon. Nilalayon ng diskursong ito na maragdagan ang
kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay na nagaganap sa kanyang kapaligiran.
Ang kasalukuyang antas ng pamumuhay ng tao ay bunga ng mga pag-aaral na
isinagawa ng mga tao noong unang panahon at sa pamamagitan ng
pagpapaliwanag, naging daan ito upang maisalin sa mga susunod na
henerasyon upang patuloy na mapakinabangan ng susunod na henerasyon at
mapaunlad ang antas ng kanilang buhay. Ayon kina Bernales, et al (2006)
layunin ng eksposisyon na gumawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling
na pagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao. Sa
patuloy na pagsasaliksik ng mga tao, ang mga katanungang nabuo sa kanilang
isipan ay isa-isa ring nabibigyan ng katugunan at sa pagpapaliwanag sa mga
tao, ang mga kaalaman ay napakikinabangan.
(4) Pangagatwiran o Argumentasyon. Ay isang anyo ng diskurso na nakatuon sa
pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang
makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig. Mahalaga ang
argumentasyon dahil sa ating pagpapahayag ng ating mga pananaw hinggil sa mga
isyung ating kinakaharap, nagkakaraoon ng ideya ang mga tao sa ating paligid hinggil
sa ating pagkatao base sa ating mga paniniwala na masasalamin sa ating mga
8
paninindigan. Mahalagang magroon tayong matibay na paninindigan sa ating mga
pinaniniwalaang tama. Kung tayo ay madalas na pabagu-bago ang isipan, malamang
sa hinaharap ay hindi na tayo paniwalaan ng ating kapwa.

Gawain:
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.
1. Magkliping ng iba’t ibang uri ng eksposisyon at uriin ang bawat isa.
2. Magsaliksik hinggil sa isang napapanahong isyung panlipunan o pandaigdig.
3. Sumulat ng isang komposisyong deskriptibo hinggil sa taong iyong nais
kananayamin tungkol sa COVID-19. Gawing masining ang deskripsyon.

Buod
Ang diskurso, ayon sa Diksyunaryong Ingles-Filipino (1984) ay
nangangahulugang magsulat o magsalita nang katagalan o kahabaan. Ayon naman
sa Webster’s News World Dictionary (1995), ang diskurso ay isang porma na
pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita. Sa karaniwang
pagpapakahulugan, ito ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o ano mang paraan
ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.
Ang diskurso ay maaaring nasa anyong pasalita o pasulat. Bagama’t
maituturing na magkatulad ang layunin ng pasalita at pasulat na diskurso, ang
makapaghayag ng kaisipan, may pagkakaiba ang dalawa. Mayroong ilang kahingian
ang bawat anyo na naiiba sa isa. Ayon nga kay Bernales (2017), may kaniya-
kaniyang kalikasan at pangangailangan ang bawat isa at mahalagang taglayin ng
mga partisipante nito ang komunikatibo at linggwistikang kompitens.
Ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang isang
paraan ng pagpokus sa isang tiyak na proseso at epektong pangkomunikasyon. Kung
tutuosin kasi, ang hangganan ng konteksto ng isang diskurso ay abstrakto at mahirap
uriin. Pansining lagging may kontekstong interpersonal lahit sa loob ng diskursong
panggrupo at organisasyonal. Ang mga diskursong pangkasarian ay lagi ring umiiral
sa tuwing ang mga taong may magkaibang kasarian ay nagtatalastasan sa loob man
ng iba pang konteksto. Samantala, kapag ang isang teksto ay ipinararaan sa mga
midyang pangmasa at nakararating sa mga taong may iba-ibang kultura nagkakaroon
ng diskurso sa kontekstong interkultural.
Ang konteksto ng presentasyon ay nakaiimpluwensya sa kung ano at paano
sasabihin ang isang mensahe. Walang taong nais maparatangang nagsasalita o
9
nagsusulat nang out of context.
Sa pangkalahatan, ang deskriptibong diskurso ay ang pagbibigay ng malinaw na
imahen ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang makalikha ng isang
impresyon o kakintalan.
Sa pagsasalaysay, nagiging daan din ito upang ating makilala nang lubusan
ang ating kalinangan dahil ang mga pangyayaring naganap sa ating mga ninuno ay
naipasa sa mga susunog na salinlahi dahil sa pagsasalaysay. Ang mga kabayanihan
ng ating mga ninuno ang siya namang ating pinag-aaralan sa mga kwento ng
kasaysayan.
Sa huli, tanging ang mambabasa pa rin ang siyang makakapagpasya kung
naging mahusay ba ang manunulat sa kanyang layong makahikayat. Gaano man
kahusay ang pagmamatwid kung ang isang mambabasa ay sarado ang isipan o ‘di
naman kaya ay may sariling paniniwalang pinaninindigan, magiging mahirap ang
pagkumbinse ngunit ang mahalaga ay nagawa mong panghawakan ang atensyon ng
mambabasa upang basahin hanggang sa wakas ang iyong isinulat na
argumentasyon.

EBALWASYON:
Sagutin ito sa hiwalay na sagutang papel.
I. Piliin kung aling uri ng diskurso ang tinutukoy ng sumusunod.
1. Naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa isipan ng mga mambabasa
2. Naglalayong makakumbinsi ng pagsang-ayon hinggil sa isang opinion o katwiran
3. May layuning masalaysay p magkwento ng mga magkakaugnay-ugnay na
pangyayari
4. Tinatawag na paglalahad sa maraming aklat sa Filipino
5. Layuning gumawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling na pagpapaliwanag
sa ano mang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao
6. Pabuod at pasaklaw ang dalawang uri nito
7. Sanaysay at editorial ang mga mahusay na halimbawa nito
8. Ang nahuhuli sa apat na uri ng diskurso
9. Kailangan ng mabisang panghikayat at di-mapasusubaliang pagsisiwalat ng mga
prinsipyo o paninindigan
10.Katulad ng manunulat nito ang pintor na pumipili ng mga sangkap na kasama sa
pagguhit upang makalikha ng isang buhay na larawan

10
11. Makapangyarihan ang wika. Maaari itong maging kasangkapan ng pang-aalipin
kung paano ginamit ng mga Amerikano ang wikang ingles nang alipinin nila ang ating
bansa may ilang dekada na ang nakalilipas.
12. Dahil sa pagsulat, napapanatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limot ang
kasaysayan ng isang bansa. Ang mga nasusulat na tala ay mababasa ng salinlahi
kaya’t malalaman nila ang pinagdaanan ng kanilang bansa.
13. Bawat Pilipino ay may karapatang mabuhay…mabuhay nang mapayapa, mabuhay
nang marangal at mabuhay nang maunlad. Magagawa lamang natin ito kung ang
wikang ating ginagamit sa araw-araw ng ating buhay saan mang larangan ay ang
wikang Filipino. Naniniwala ako na ang wikang Filipino ang isa sa mga susi upang di na
makawala pa sa ating mga kamay ang mga karapatang ito.
14. Ang tunay na lunas sa aking palagay ay ang wastong edukasyon sa mga nais mag-
asawa. Ang pag-aasawa nang hindi handa’y ay dapat tukuying mali. Ngunit kung
pahintulutan ang diborsyo, mawawalan ng saysay ang ganitong edukasyon. Inaalis ng
diborsyo ang pangangailangang magpataw ng disiplina sa sarili, ang pangangailangang
magkaroon ng prinsipyo sa buhay. Ito ang mga mabigat na dahilang moral laban sa
diborsyo.
15. Isang araw, di maipaliwanag ang pangyayaring nasaksihan ng lalaki sa labas ng
kanilang maliit na dampa. Namatay ang mga halaman. Natuyo ang lupa at walang tubig
sa batis at ilog. Lumaganap ang tag-gutom. Dumating ang panahon na nagluwal ng
sanggol ang babae kaya’t napilitan silang maghanap ng pagkain. Nilibot nila ang
kagubatan, pinasyal ang burol at inakyat ang tuktok ng bundok. Sa kanilang pagkagulat
ng makita sila roon ng isang kakaibang halaman. May manipis na dahoon at may maliit
na bunga iyon. Ngayon lamang sila nakakita ng ganoon.

II.Tukuyin kung tama o mali ang diwa ng bawat kasunod na pahayag.


21.Ang diskurso ay maaaring nasa anyong pasalita at pasulat.
22. Ang mga teorya ng diskurso ay naiiba sa mga teorya ng komunikasyon.
23. Ang speech act theory ay nakabatay sap remis na ang wika ay isang mode of
action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon.
24. Ang Philology ay pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, padron at tungkulin ng
pagsasalita.
25. Inilalarawan ng communication accommodation theory ang mga tao bilang
storytelling animals.

11
26. Kontekstong interpersonal ang umiiral sa mga sitwasyong kinasasangkutan ng
dalawa o ilang tao tulad ng usapan ng magkakaibigan.
27. Kontekstong interkultural ang umiiral sa nga sitwasyong nasasangkot ang publiko.
28. Sa paglalahad ng layunin ng diskurso, iminumungkahing maging ispesipiko
hangga’t maaari.
29. Ang tisis ay tinatawag ding sentral o susing ideya, ang pangungusap na lumalagom
sa mensahe.
30. Madali lamang ang paglikha ng estratehiyang pandiskurso.

SANGGUNIAN
Alagad-Abad, M. at Castaneto-Ruedas P. 1995. Filipino Bilang Tanging Gamit sa
Pagtuturo. Quezon City: National Book Store.
Abesamis, Norma R., et al. 2006. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Valenzuela
City: Mutya Publishing House, Inc.
Almario, Virgilio S. 1993. Filipino ng mga Pilipino. Manila: Anvil Publishing, Inc.
Amoncio, Ma. Perpetua E., et al. 2018. Diskurso sa Filipino. Malabon City: Mutya
Publishing House., Inc.
Austero, Cecilia S., et al. 2013.retorika at Masining na Pagpapahayag. Sta. Mesa,
Manila:
Rajah Publishing House.
Baylon, G.V., 1986. “Pagsusulit at ang Paghahanda Nito”. Papel na binasa sa
pambansang seminar sa Filipino. Batac, Ilokos Norte.
Belvez, P.M., 1991. Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo. Manila: Philippine Normal
College
Bernales, Rolando A., et al. 2007. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Valenzuela
City: Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, Rolando A., et al. 2018. Retorika at Diskurso sa Wikang Filipino. Malabon
City:
Mutya Publishing House., Inc.
Buensuceso, Teresita S. 2006. Masaklaw na Filipino (Filipino 4 sa antas tersyarya).
Quezon City: Rex Book Store.
Catacata, P.D., et al., 1984. Masaklaw na Pilipino. Metro Manila, Philippines:
National Book Store, Inc
Cruz, P.Z., et al., 1973. Teaching the Elementary School Subjects. Manila: Rex
Book Store.
12
Edwards, John. 2013. Bilingualism and Multilingualism: Some central concepts in The
Handbook of Bilingualism and Multilingualism (2 nd ed.) edited by Tej K. Bhatia and
William C. Ritchie. United Kindom: Blackwell Publishing, Ltd.
Gatal, F., et al., 1971. Pantulong Sa Pagtuturo ng Iba’t Ibang Asignatura. Manila:
Writers Publishing Corporation.
Gleason, H.A.1955. An Introduction to Descriptive Linguistics. New York: Holt,Rinehart
and Winston Inc.
Gonzales, Lydia Fer, et al. 1978. Wika: Tungo sa Pambansang Pagkakinlanlan. Quezon
City: Rex Printing Company, Inc.
Gronlund, N.E. 1970. Stating Objectives for Classroom Instruction. New York: The
McMillan Co.
Guamen, F.C. et al, 1981. Tanging Gamit ng Filipino. Quezon City, Philippines: R.P
Garcia Publishing Co., Inc.
Hufana, Nerissa L. 2001. Mga Piling Kuwentong Bayan ng mga Maguindanaon at
Maranao: Isang serye ng mga modyul para sa pagtuturo ng panitikan. Marawi
City.
Hufana, Nerissa L., et al. 2018. Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City:
Mutya Publishing House., Inc.
Jocano, F.L. 2008. Sulod Society, A study in kinship and social organization of
mountain
people of central Panay. The University of the Philippines Press.
Sanchez, Remedios A., et al. 2014. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Intramuros,
Manila: Unlimited Books Library Services & Publishing Inc.
www.//language links.org/onlinepapers/wika
www.bukidnon.gov.ph
www.kms.kalingatambayan.com
http://www.ncip.gov.ph/resources/ethno_detail.php?ethnoid=68
http:/encyclopedia2.thefreedictionary.com/bukidnonprovince”>Bukidnon</aError!
Hyperlink reference not valid.
Readings, http://www.archive.org/details/Bukidnonofmindan46cole

13
14

You might also like