Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panimula:

Ang distance learning ay Ang bagong pamamaraan ngayong panahon upang makapag aral Ang bawat
mag aaral sa bawat sulok Ng mundo. Ito ay may malaking tulong para sa mga mag aaral ngayong
pandemya lalo na't ipinatupad Ng gobyerno na bawal na muna Ang pagkakaroon Ng face to face na
klase sa bawat paaralan. Ang distance learning ay maaaring online classes o birtwal na pag aaral gamit
Ang internet habang nasa bahay lamang Ang bawat mag aaral at maaari ding modular lamang na Kung
saan ay kumukuha nalang Ng kopya sa paaralan Ng pag aaralan at sasagutan at ipapasa ito sa
nakatakdang araw ng pasahan. Ayon sa DepEd (2020), Ang distance learning ay isang alternatibong
paraan upang maipagpatuloy Ang edukasyon Ng mga mag-aaral katulad nalang Ng modular distance
learning at online distance learning.

Ang kalidad Ng pagkatuto ay Ang pagkakaroon Ng sapat na kaalaman tungkol sa mga aralin na tinalakay
Ng mga guro. Ang pagkatuto Ng mag aaral ay nakadepende Kung malinaw na isinulat o ipinahayag Ng
guro Ang panuto sa bawat modules na kanilang ginawa. At nakadepende dito Kung maganda nga ba Ang
kanilang pagpapaliwanag sa bawat leksyon na pag aaralan Ng mga mag aaral. Ayon Kay Gatchalian na
chairperson Ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, Ang kaalaman Ng mga mag
aaral ay nakasalalay sa kahusayan at kahandaan Ng mga guro.

Ang kalidad Ng pagkatuto Ng mga mag aaral ay Hindi na sapat lalo na sa mga modular lamang. Hindi na
masyadong napagtutuunan Ng pansin Ang bawat mag aaral lalo na't minsan ay walang oras Ang kanilang
mga magulang para bantayan ito dahil sa may mga trabaho. Ang ibang mag aaral ay nagsasagot nalang
kahit na wala pang sapat na kaalaman. Ang importante para sakanila ay makapagpasa Ng modules kahit
na walang natutunan sa mga pag aaralan. Tila ba'y hindi na importante Kung may matutunan sila o wala
basta't sumunod sila sa mga gawain kahit na hindi na tama at wala nang koneksiyon Ang sagot sa
tanong.

Ang ibang mag aaral ay umaasa na lamang sa pangangalap Ng sagot sa internet at hindi na ito inaaral
pa. Minsan ay nanghihingi nalang ito Ng mga sagot sa kaklase para kopyahin nalang ito upang makapasa.
Hindi mapagkakaila na mas maganda nung face to face na klase pa kumpara sa paraan Ng pag aaral
ngayon. Hindi na mabigyan pansin Ang mga mag aaral Kung may sapat na nga ba itong kaalaman. Hindi
na masasabi Kung karapat-dapat ba itong tumungtong sa bagong antas Ng pag aaral o hindi dahil sa
kompleto Naman ito Ng mga pinapasa pero Hindi parin mawari Kung sila nga ba mismo Ang nagsagot
nito at Kung may natutunan ba sila tungkol dito.

Ang modules ay Hindi kompleto Ang dapat pag aaralan at minsan ay Puro tanong lang Ang meron ngunit
walang kahit isang pag aaralan Kung kaya't Ang mga mag aaral ay napepresyur na sa pamamaraan Ng
pag aaral na ito. Lalo na't hindi lahat Ng mag aaral ay kayang bumili Ng mga selpon o kahit anong gadyet
para sa pag aaral nila. Ang iba ay nahuhuli na sa klase at walang magawa o masagot dahil wala silang
sapat na pera para bumili Ng gadyet na makakatulong sa pag aaral nila. Ang iba ay napipilitang huminto
sa pag aaral at may iba namang nagpapakamatay dahil dito.
Ngunit meron ding ibang mga mag aaral Ang mas nabigyan Ng pansin Ng kanilang mga magulang
sakanilang pag aaral. Merong mga mag aaral na dati ay tila binabaliwala lang nila Ang kanilang pag aaral
sa paaralan at minsan ay tinutulugan rin. Ngunit ngayong distance learning ay napagtuunan ito Ng
pansin Ng kanilang mga magulang at nabantayan. Meron Nang mga mag aaral na natututo Ng dahil sa
may nagbabantay sakanila at nagtuturo sa bawat indibidwal na mag aaral, maaaring mga magulang nila
Ang nagtuturo o kumuha sila Ng tagapagturo (tutor) para sa mga anak nila.

Ang layunin Ng mga mananaliksik sa pag aaral tungkol dito ay upang malaman Kung talaga nga bang
epektibo Ang distance learning at Kung nakakatulong ito sa mga mag aaral o hindi. At Kung may
natututunan ba Ang mga mag aaral sa pamamaraan Ng pag aaral sa bawat leksyon na kailangang aralin.
At upang malaman Kung nakakaapekto din ito sa pag uugali ng bawat istudyante sa paraan ng pag aaral
na meron Ang pilipinas ngayon.

You might also like