Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALIN 4:PAGLALAHAD

● Ito’y isang uri ng katha, maging pahayag o pasulat na nagbigay kabatiran kaalaman. Ang pangunahing
layunin sa nakikinig o bumabasa ang bagay nahindi maunawaan. Kung ibig nating ipaliwanag ang katuturan
o kahalagahan at paraan ng paggawa ng isang bagay, palgalahad ang ating gagamitin.
● Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang linaw ang isang konsepto o
kaisipan, abay o panindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD

1. Kalinawan
⮚ Malinaw ang paliwang at angkop o tama ang mga salitang ginagamit.
2. Katiyakan
⮚ Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin ng pagpapaliwanag.
3. Kaugnayan
⮚ Magkaugnay ang mga pangungusap o talata.
4. Diin
⮚ Binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang nais talakayin.

IBA’T IBANG URI NG PAGLALAHAD

❖ Pagbibigay ng Kahulugan
- May mga kahulugang makikita sa diksyunaryo sa bawat salita. Ang mga pansyentipiko at panteknikal
na terminolohiya ay may tiyak na katuturan kaya maiiwasan ang di pagkakaunawaan at pagkakaiban
ng interpretasyon sa harap ng batas.
- Ang pagpapakahulugan ay may dalawang dimension: denotasyon at konotasyon
- DENOTASYON. Ito ay karaniwang kahulugan dala ng deksyunaryo o salitang ginagamit sa
pinakakaraniwan at simpleng pahayag.

❖ Pagbibigay Katuturan
- Ang pagbibigay katuturan ay isang karaniwang pinagmulan ng paglalahad. Ang katuturan ay pagtiyak
ng abot at saklaw ng isang bagay sa pamamagitan ng pagbibigay ng hangganan nito at mga
napapaloob dito.
- Ang karaniwang pagbibigay katuturan sa diksyunaryo ay may tatlong bahagi:
1. Pananalita – salita o parirala na binibigyang ng katuturan
2. Kaurian – bagay o kaisipang kinabibilangan ng pananalita
3. Kaibahan – ang katangiang ikinaiiba ng bagay o kaisipang nililiwanag

❖ Pagbibigay ng Panuto
- Paglalahad na nagpapaliwang kung paano gawin ang isang bagay. Karaniwan itong ginagamit sa mga
pagsusulit, hakbang sa pagluluto, at hakbang sa pagbuo ng isang bagay.

❖ Ulat
- Pagbibigay impormasyon sa isinasagawang pag-aaral, pagmamasid, pakikinig, pananaliksik at
pagbabasa.
IBA PANG URI NG PAGLALAHAD

Ayon sa internet ang mga sumusunod ay uri ng paglalahad:

1. Pagbibigay Katuturan
- Napapalinaw nito ang pag – uunawa sa kahalagahan ng isang bagau, tao, pangyayari, dinarama o
konsepto.

2. Pagsunod sa Panuto/Pamamaraan
- Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi o paraan ng paglaro ng isanguri ng tao.

3. Pangulong Tudling/Editoryal
- Nagpapahayag ng opinion o palagay ng editor ng isang pahayagan o magasin tungkol sa
napapanahong isyu.

4. Sanaysay
- Anyong panitikan na naglalahad ng kuro-koro, pananaw, paniniwala at damdamin ng manunulat, hango
sa kanyang karanasan at sa inaakalang palagay niya sa katotohanan.

5. Balita
- Naglalaman ng mga pang araw- araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa.

6. Pitak
- Karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

7. Tala
- Paglilista ng mga bagay – bagay na dapat gawin o tandaan.

8. Ulat
- Paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik mula sa binasa, narinig,
nakita o naranasan.

You might also like