Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Filipino at mga Katutubong Wika:Kasangkapan sa Patuklas at Paglikha”

Ano ng ba ang katutubong wika? Mahalaga ba na matutunan ang katutubong


wika? Ang katutubong wika ay mahalaga dahil ito ang unang lenggwahe na natutunan mula sa
kanyang pagkabata. Halimbawa na ang Ilocano, Illonggo, Batangueño at marami pang
iba.Mahalaga na matutunan ang katutubong wika dahil bahagi ito ng personal at
pangkulturang pagkakakilanlan ng isang tao.Iba pang kahagahan nito ay nabibigyan nito ng
repleksiyon para sa pagpapahalaga ng kanyang pinagmulan. Ang katutubong wika ay kayang
makapaglarawan ng totoong pagkilos ng taong nagsasalita nito. Iba pang kahalagahan ng
katutubong ay maaari kang gumawa ng isang sayaw, kanta at marami pang iba na puede
nating gamitin balang-araw.
Ang pagkakaroon ng kaalaman ng iba’t kaalaman ng mga katutubong wika
bukod sa wikang Filipino ay napakalaking bagay na magagawa upang makatuklas at
makalikha ng iba’t ibang bagay. Gaya na lamang ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose P.
Rizal na inaral niya ang maraming lenggwahe kaya madali na lang sa kanya na makipag-usap
sa iba’t ibang lahi na naging dahilan upang magkaroon ng malawak na kaalaman.
Masasabi rin natin na ang wikang Filipino at mga katutubong wika ay
pundasyon ng ugnayang pangkaunlaran sa anumang larangan ng sektor na pang ekonomiya,
kalusugan, agrikultura, at edukasyon na nangangailangan na ang kaagapay ay wika.
Magkakaunawaan lamang ang bawat isa kung ang wikang gamit ay nalalaman ng
magkabilang panig ng sa ganun ay madaling mapg-uusapan ang mga plano tungo sa pagtuklas
at paglikha ng mga bagay na nagiging dahilan upang umunlad sa anumang sektor ng ating
lipunan.
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa wikang Filipino at mga wikang katutubo ay
nagiging kasangkapan upang makamit ang mga makamundong kaalaman at pagtuklas sa
walang bahid na kalagayan ng bayan. Instrumento rin ito upang makamit ang tunay na diwa
ng kalayaan at katarungan.
Upang makasabay din sa makabagong takbo ng globalisasyon, pangunahin ang
pagkakaisa ng mga mamamayan kung saan ang sariling wika ang magiging tulay sa
kamalayan at maghahatid ng karunungang magpapaunlad sa ating bayan. Tanging ang wika
ang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan.
Sa ngayon, ang kalagayan ng wikang katutubo ay sadyang nanganganib. Unti-
unting naglalaho ang ilang wika ng ating lahi. Nakakalungkot man, may ilang wikang
katutubo ang namamatay sa ating bansa. Kaya dapat lamang na gumawa ng mga hakbang
upang mapayabong at mapanatili ang mga wikang katutubo at maging ang wikang Filipino ng
sa ganun ay magamit sa makabuluhang paglikha sa mga baga-bagay na mag-aangat sa diwa at
kulturang Filipino tungo sa maunlad na bansa. Dapat ding palawakin at bigyang batas ang
paggamit ng wikang Filipino at mga wikang katutubo dahil napakahalaga nito sa ating bansa.
Ating bigyan ng pagpapahalaga, pagyamanin at pagyabungin pa. Dapat din nating bigyan ng
karapatan ang mga katutubong ng malayang pagpapahayag, pagkakaroon ng daan sa
edukasyon at partisipasyon sa mga gawaing pampamayanan gamit ang katutubong wika.
Mahalin at tangkilikin natin ang ating wikang Filipino at mga katutubong wika.
Laging tandaan na tayong mga Filipino ang pag-asa ng ating bayan.

You might also like