Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Panahunang Pagsusulit sa Filipino Unang 9

Pangalan: Petsa:

Baitang / Seksyon:

I. Panuto: Piliin at Bilugan ang letra ng wastong sagot sa mga pahayag o katanungan.

1. Elemento o sangkap ng maikling kuwento na pinag-iikutan ng mga pangyayari sa kuwento.


a. Tema b. tauhan c.tagpuan d. banghay
2. Ito ang tinatawag na pinakakaluluwa ng akdang dula.
a.dayalogo o iskrip b. karakter c. eksena d. director

3.Isang anyo ng panitikan na naglalahad at nagbibigay ng sariling opinion, pangangatuwiran at saloobin tungkol sa isang paksa o
isyu.

a. Balagtasan b. talumpati c. debate d. tula

4.Elemento o sangkap ng akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento, teleserye at nobela na naglalahad ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.

a.tagpuan b.imahe o kaisipan c. tema d. banghay

5.Ito ay ang sangkap ng teleserye na nagpapakita ng sining sa pagkuha ng bidyu na kinabibilangan ng liwanag,anggulo,dimension at
marami pang iba.

a. direktor b. sinematograpiya c. pamamaraan d. simbolismo

6.Ito ang paglabas masok sa entablado ng mga tauhan o karakter .

a.tagpo b. yugto c.eksena d.iskrip

7.Ang bilang ng mga pantig sa bawat taluntod ng tula ay tinatawag na..

a.saknong b. tugma c. sukat d. sesura

8. Ang di-tahasang pagbibigay kahulugan sa isang pahayag, salita o sugnay.

a.konotatibo b. denotatibo c. paghahambing d.pagtutulad

9. Ang pahayag na “ di maliparang uwak “ ay isang halimbawa ng ..

a.denotatibo b. konotatibo c. komparatibo d. naratibo

10.Ang pagkakahati ng bilang ng pantig sa bawat taluntod ng tula ..

a.sesura b.sukat c. saknong d.taluntod

11.Ang pagkakaparepareho ng tugma at tunog sa huling pantig ng taluntod.

a.tugma b.sukat c. saknong d.sesura

12.Uri ng tauhan sa isang akda na tinatawag na bida sa isang akda o istorya.

a.antagonista b. protagonista c. tauhang bilog d. tauhang lapad

13.Sangkap ng akdang pampanitikan na naglalahad ng pinangyarihan, panahon at oras ng isang kuwento.

a.banghay b. simbolismo c. tagpuan d. tauhan

14.Bahagi ng banghay ng kuwento na naglalahad at nagpapakilala sa mga tauhan at tagpuan sa kuwento.


a.kakalasan b. panimula c. pataas na aksyon d. pababang aksyon

15.Sangkap ng tula na nagbibigay ng ganda , aliw-aw at indayog kapag binibigkas na.

a.tugma b. pantig c. imahe d. talinghaga

16.Ang binasang akdang pampanitikan na pinamagatang “Gapo” ay isang halimbawa ng..

a.maikling kuwento b. nobela c. dula d. teleserye

17.Ang sumusunod na sangkap ng akda ay matatagpuan sa uri ng panitikan na maikling kuwento at teleserye, maliban sa..

a.tauhan b. tagpuan c.banghay d. sinematograpiya

18.Ang nagbibigay buhay sa isang dula.

a.direktor b. manonood c. karakter d.iskrip

19.Akdang pampanitikan na nagpapahayag ng damdamin, saloobin, mithiin at guni-guni gamit ang isipan, damdamin at imahinasyon.

a.dula b.tula c. teleserye d. maikling kuwento

20.Ang pagbibigay kahulugan na literal at tahasang nakikita ang nais sabihin at ipakahulugan.

a.konotatibo b. denotatibo c. pangatnig d. pang-ukol.

II.Basahin at unawain ang sariling likhang tula at tukuyin kung anong uri ng sangkap ang hinihingi sa mga katanungan.

Buhay Guro

Bente kuwatro oras itong aming kawangis

Paglilingkod sa inyo,abot hanggang langit

Pagmamahal sa inyo at pagmamalasakit

Wagas,tunay na tunay, kahit walang kapalit

21. Ibigay ang mga tugma

22. sukat

23.Bilang ng taludtod

24. tema

25. talinghaga

II.Pag-iisa – isa

26 – 30 – Ibigay ang elemento sangkap ng maikling kuwento

31 – 36 – Ibigay ang sangkap o elemento ng dula


36 - 40 - Mga sangkap / elemento ng teleserye

41 - 45 - Mga Sangkap ng tula

46 - 50 Banghay ng Maikling kuwento

You might also like