Professional Documents
Culture Documents
dlp10-2
dlp10-2
(The process of systematically planning, developing, evaluating and managing the instructional
process by using principles of teaching and learning - D.O. 42, s. 2016)
Mga Kasanayan: Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay Code :
Hango sa Gabay (pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas)
Pangkurikulum F10WG-Ib-c-58
Susi ng Pag-unawana 1. Sa pagsasalaysay, gumamit ng mga pang-ugnay na nagdaragdag o nag-iisa-isa ng mga impormasyon
Lilinangin: o pangyayari.
2. May iba’t ibang paraan sa paggamit ng pang- ugnay sa pangungusap at kabilang dito ang
1.MGA LAYUNIN
Kaalaman Natutukoy ang gamit ng mga pang- ugnay sa pangungusap.
Kasanayan Nagagamit ng wasto ang pang- ugnay sa pangungusap.
Kaasalan Nagpapahayag ng sariling pananaw at aktibong nakikilahok sa pangkatang gawain.
Kahalagahan Napapahalagahan ang paggamit ng mga pang- ugnay sa pangungusap
Tungkol sa
kung
Bilang paglalahat
Pagkatapos
katulad ng
1. _Bilang paglalahat__, patuloy na ang pagsulong ng mataas na antas ng edukasyon sa Asya.
2. Magiging maayos ang sistema ng edukasyon __kung__ palaging sinasanay ang mga guro sa
makabagong kaalaman.
3. _Pagkatapos___ na maiangkop ng mga bansang Asyano ang makabagong teknolohiya, tiyak na
maibibilang na rin sila sa mga idustriyalisadong bansa.
4. Ang Japan ay _katulad ng United states sa pagkakaroon ng mataas na antas ng teknolohiya.
5. Ang bagong kurikulum ay _tungkol sa_ lalo pang pagpapataas ng antas ng karunungan.
4.6. Pagtataya Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa loob ng panaklong ang
angkop na pang-ugnay .
1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang
ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 2. (Unang, Pagkatapos)
tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis. 3. (Saka, Pati) pinaupo at
pinapalitan ng limampu ang kasulatan. 4. (Gayon din, dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang
walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo. 5. (Dahil sa, upang) katalinuhan ng katiwala,
pinuri ng amo ang tusong katiwala
4.7. Takdang-Aralin
7. Paglalagom o .
Panapos na Gawain
5. MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuhang 80% sa pagtataya..
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain sa remediation?.
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?.
E. Alin sa mga estratehiya ang lubos na nakakatulong? Paano ito nakakatulong?
F. Anong suliranin aking naranasan ang nais solusyunan ng aking punong-guro o tagamasid?
G.Anong kagamitang panturo ang aking nabuo na maaari kong mabahagi sa aking kapwa guro?
Inihanda ni:
Instructional Planning
(The process of systematically planning, developing, evaluating and managing the instructional
process by using principles of teaching and learning - D.O. 42, s. 2016)
Detailed Lesson Plan (DLP) Format
2. Nilalaman Ang Epiko ni Gilgamesh (Epiko-Egypt) ni N.K. Sandars ( Isinalin sa Filipino ni Cristina S. Chioco)
3. Mga Kagamitang Sanggunian: Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean
Pampagpatuturo Panitikang Pandaigdig Filipino 10
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng epiko at mitolohiya.
Epiko Mitolohiya
Mga Tauhan:
Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama
Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad
Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan
Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao
Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin
Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ng
Utnapishtim
Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga tao; binigyan ng
mga diyos ng buhay na walang hanggan.
1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang
katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit
mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na
nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya.
2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si
Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay
magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon
ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si
Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang
tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala
nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina
Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang
kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding
karamdaman.
3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa
kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako
ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka
kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng
sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot
ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang
mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya
ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking
mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa
bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik
4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luad ang
kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan,
hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at
nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga
makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging mga
diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng
tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan.
May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa
kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng
Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng
aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo
rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot
na takot.”
5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya nang
umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan?
Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?
Hindi kapanipaniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot
ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit
sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh.
“Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang
kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.”
6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nang
palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay,
ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si
Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos di na
makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang
araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay
akong kahiyahiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay,
ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.”
Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.
7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa
huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.
4.5 Paglalapat Unawain Mo Sa iyong sagutang papel, sagutin ang sumusunod na tanong.
1..Kung ikaw si Gilgamesh at namatay si Enkido, ano ang iyong mararamdaman? Bakit?
2.Anong mahalagang kaalaman tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig ng akda?
3.Ipaliwanag ang mensaheng ibinabahagi ng akda tungkol sa pagkakaibigan?
4.Sa inyong palagay, bakit kailangang iparanas ng may-akda ang mga suliranin sa pangunahing tauhan
ng epiko? Maituturing ba silang mga bayani ng kanilang panahon? Bakit?
5. Nasasalamin ba sa epiko ang paniniwala ng mga taga-Ehipto tungkol sa buhay na walang hanggan?
Patunayan. Ano ang kaibahan nito sa paniniwala nating mga Pilipino?
6.Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo ito wawakasan?
4.6. Pagtataya A. Suriin kung anong damdamin ang nais palutangin ng may-akda sa bawat pahayag. Piliin at
salungguhitan ang salitang nagpapahayag ng damdamin sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang sa
unahan ng bilang kung anong damdamin ito.
_____ 1. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi
ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya
ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.
” _____ 2. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay
Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?”
_____ 3. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di kapani-
paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?”
_____ 4. Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang
mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng panaginip.”
_____ 5. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.”
Sagot:
1.
2.
3.
4.
5.
4.7. Takdang-Aralin Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng mga epiko at pag-aralan ito dahil ang inyong kaalaman tungkol
dito ay kakailanganin bukas.-
Pabilangin ang mga estudyante ng 1-5. Magsaliksik ng epiko ang nakakuha sa bilang 1.. Ibalon 2.
Tuwaang 3. Iliiad at Odyssey 4. Divine Comedy 5. Song of Roland
7. Paglalagom o .
Panapos na Gawain
5. MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuhang 80% sa pagtataya..
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain sa remediation?.
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?.
E. Alin sa mga estratehiya ang lubos na nakakatulong? Paano ito nakakatulong?
F. Anong suliranin aking naranasan ang nais solusyunan ng aking punong-guro o tagamasid?
G.Anong kagamitang panturo ang aking nabuo na maaari kong mabahagi sa aking kapwa guro?
Instructional Planning
(The process of systematically planning, developing, evaluating and managing the instructional
process by using principles of teaching and learning - D.O. 42, s. 2016)
DLP Blg.: Asignatura: Filipino Baitang: 10 Markahan: Una Petsa : July 1-5, 2019 (2hrs.)
Mga Kasanayan: Nababasa nang paawit ang ilang piling saknong ng binasang akda Code :
Hango sa Gabay F10PS-Ie-f-67
Pangkurikulum
Susi ng Pag-unawana Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa tula? Gayundin susuriin kung bakit mahalagang
Lilinangin: unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga taga-Egypt?
1.MGA LAYUNIN
Kaalaman Nabibigyang reaksiyon ang napakinggang damdamin na nakapaloob sa isang tula o awit
Kasanayan Nababasa nang paawit ang ilang piling saknong ng binasang akda
Kaasalan Naipaliliwanag ang kabutihang naidudulot ng tapat na pagpapahayag ng damdamin sa isang tula
Kahalagahan Naipahahayag sa tula ang positibong pananaw sa buhay.
Marahil may ideya ka na sa tatalakayin nating paksa. Magpatuloy ka pa sa pagtuklas ng mga bagong
kaalaman.
Ang mga sopistikadong alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral na nagpapalagay at dinarama
ang katauhan ng isang simpleng tao. Maaaring pag-aralan ang tulang pastoral bilang:
a. isang alegorya na gumagamit ng simbolismo.
b. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang pagtakas sa
magulong buhay at madama pansamantala ang malaya at walang kaguluhang buhay.
c. Paglagay ng komplikado sa simple
b. Elehiya – Isang tula ng pamamanglaw na madaling makilala ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan,
kamatayan, at iba pa. Maaaring ito’y pagdaramdam o kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati
dahil sa isang yumao o nag-aagaw-buhay pa lamang na dahil sa kalungkutan ay nagnanais na ang
maliligayang sandali ay agad lumipas.
Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus
c. Soneto – tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng
tao, may malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao. Sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa
mambabasa.
Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon
d. Oda – Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdamin; walang tiyak na
bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. Nagpapahayag ang oda ng matayog na
damdamin at kaisipan ng makata. Sa matandang panulaan, karaniwang ito’y isang awit ng papuri
patungkol sa mga pambihirang nagawa ng isang dakilang tao, bansa o anumang bagay (buhay man o
patay) na maaaring papurihan sa pamamagitan ng pagtula. Halimbawa: Tumangis si Raquel
e. Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-
asa, pangamba, poot, at kaligayahan. Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay
isang awit hinggil sa pag-ibig o palasintahan. Ito’y nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at punong-
puno ng pagsamo at pagluhog sa isang sinisinta. Halimbawa: May Isang Pangarap ni Teodoro Gener
f. Dalit – Noong araw ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya.
Nabibilang din sa uring ito ang tula ng pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay pagdakila at
pagpaparangal. Sa panahon ng mga Espanyol ang dalitsamba at dalitbansa ay itinuturing nang iisa dahil
kilala ang dalawa sa taguring dalit. Ang dalitsamba ay patungkol sa Diyos, samantalang ang dalitbansa
ay pagpapahayag ng pag-ibig at pagdakila sa bayan. Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros Macaraig
3. Talinghaga – Ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Ayon kay A. Abadilla, tugma at
hindi tula ang binasa kapag sa unang pagbasa ay nauunawaan agad ang ibig sabihin. Kailangang may
naitatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o
matalinghagang mga pahayag.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
4.5 Paglalapat Naririto ang isang tulang nasulat noong panahon ng Bagong Kaharian (1570-1085 B.C.) ng Sinaunang
Egypt. Ito ang panahon ng pagapapalawak ng Empire ng Egypt at panahon ng napakasopistikadong pag-
usbong ng kultura nito.Tuklasin mo kung bakit mahalagang unawain ang tulang pastoral ng mga taga-
Egypt na nagpapakita ng pagnanais nila ng simpleng buhay sa gitna ng komplikadong sitwasyon ng
kanilang panahon.
Unang Pabasa:
Tahimik na pagbasa ng tula
Pangalawang Pagbasa:
Pagpapalapat ng himig.
Pangkatin ang klase sa limang pangkat. Palapatan ng himig ang tula ayon sa damdaming nangingibabaw
dito.
4.7. Takdang-Aralin
Inihanda ni: