Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ARALING PANLIPUNAN 4

2022-2023
Panuto: Basahing Mabuti ang tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Ano ang dalawang uri ng panahon sa Pilipinas?


a. Taglagas at tagsibol c. Tag-init at tag-ulan
b. Taglamig at tag-init d. Tag-init at taglagas
_____ 2. Ang klima ng isang bansa ay nababatay sa kinalalgyan nito sa mundo. Bakit nakararanas
ng klimang tropical ang Pilipinas?
a. Dahil ang Pilipinas ay malapit sa ekwador at nasa mababang latitud
b. Dahil hindi nagyeyelo sa Pilipinas
c. Dahil ang Pilipinas ay malapit sa karagatang Pasipiko
d. Dahil ang Pilipinas ay isang bansa
_____ 3. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?
a. Napakainit sa Pilipinas
b. Napakalamig sa Pilipinas
c. Malamig at mainit sa Pilipinas
d. Hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas
_____ 4. Sumisibol sa ating bansa ang iba’t-ibang uri ng prutas na tropical gaya ng manga, pinya,
saging at marami pang iba. Lahat ay namumunga sa buong taon. Ano ang dahilan nito?
a. Angkop ang klima ng bansa sa mga prutas na ito
b. Malaking tulong ito sa kanilang kabuhayan
c. Malawak ang lupang taniman nito
d. Masisipag magtanim ang mga Pilipino
_____ 5. Ang pagbabago sa klima na sanhi ng gawain ng tao na nakapagpapabago ng
komposisyon ng atmospera.
a. Climate change b. Klima c. Panahon d. Temperatura

_____ 6. Ito ang dahilan kung bakit ang mga lugar tulad ng Baguio at Tagaytay ay may malamig
na temperature.
a. Altitud o kataasan ng lugar c. Layo ng lugar
b. Latitud d. Longhitud
_____ 7. Ano ang pangunahing pananim sa Pilipinas?
a. Palay b. Abaka c. Mais d Niyog
_____ 8. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagiging insular ng bansa?
a. Napapaligiran ng mga dagat at karagatan
b. Napapaligiran ng mga bansa sa Asya
c. Nakikitaan ng maraming baybayin
d. Mayaman sa yamang dagat
_____ 9. Sa ilang rehiyon nahahati ang Pilipinas?
a. 16 b. 17 c. 18 d. 19
_____ 10. Alin sa mga sumusunod na rehiyon ang sentro ng pamahalaan, edukasyon, relihiyon, at
industriya ng Pilipinas?
a. CAR b. CARAGA c. NCR d. ARMM
_____ 11. Alin sa sumusunod na mga pangunahing pangkat ng pulo ang may pinakamalaking
populasyon?
a. Luzon b. Mindanao c. Palawan d. Visayas
_____ 12. Ito ay isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang maraming aktibong bulkan at kung
saan nagaganap ang madalas na mga paglindol.
a. Ring of Fire c. Philvos
b. Pacific Ring of Fire d. Storm Surge
_____ 13. Ano ang isa pang katawagan sa Pacific Ring of Fire?
a. Circum-Pacific Belt c. Tectonic Plates
b. Climate Change d. Volcanic and Seismology
_____ 14. Anong ahensya ng pamahalaan ang namamahala sa mga pagkilos ng mga bulkan sa
bansa?
a. PAGASA b. DRRMC c. DENR d. PHILVOCS

_____ 15. Makikita sa Pilipinas ang isa sa pinakamaliit na isda sa buong mundo. Ito ay kilala sa tawag na?
a. dilis b. tilapya c. bangus d. tabios

II. Bumuo ng isang talata na hindi bababa sa (5) limang pangungusap patungkol sa kung paano mo
maipapakita ang iyong pagmamahal sa ating bansa.

Pamantayan sa paggawa:
Nilalaman – 2pts
Kalinisan ng paggawa – 1pt.
Wastong Baybay at bantas – 2pts.

You might also like