Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

SOCIOLOGY AND

GLOBALIZATION
Social Sciences
Key College
11 pag.

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)
RADIO BROADCASTING SCRIPT
(Group 9)
Program Title: “Ratsada Balita Ngayon”
Format: Balita
Station: DZRP 101.5
Anchors: Justine Verallo
Angel Mae Tagalog
Reporters: Quia Marie Tumulak
Loraine Lyle Ursabia
Vincent Claire Villaceran
Marie Joy Sebungga
Anneca Manlangit

Station ID:
Ang himpilan ng mamamayan at sandigan ng malayang pamamahayag
Ito ang DZRP 101.5. Kapisanan ng mga broadcaster ng Pilipinas. DZRP
101.5! Ang Radyo ng Pilipino sa inyong talapihitan.
Voice Over 1:
Mula sa bulwagang pambalitaan ng DZRP 101.5 narito ang matapang na
Maghahatid ng nagbabagang balita ang inyong tagapagbalita na si Justine
Verallo at Angel Mae Tagalog, ito ang Ratsada Balita Ngayon!
Voice Over 2:
Ang oras sa buong kapuluan, alas otso ng umaga.
Anchor 1&2:
Magandang, magandang umaga sa inyong lahat. Kami po ang inyong
kabalitaan sa umagang ito Kabayang Angel at Kabayang Justine at kayo’y
nakikinig sa Ratsada Balita Ngayon!

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)
Anchor 2:
Para sa ulo ng mga balita ngayong araw!
Anchor 1:
Balitang Lokal!
 Bilang ng mga nasawi sa paguho ng lupa sa Cebu, umabot sa 29
 Lalaki, wagi sa lotto matapos maglinis ng aparador sa Canada
Anchor 2:
Balitang Regional!

 Anak ng negosyante sa Tagum City patay sa pamamaril


 Isa patay sa banggaan ng dalawang trak sa Davao City
Anchor 1:
Balitang Nasyonal!

 Senador Trillanes, nanawagan sa International Criminal Court


 Joint exploration ng Tsina at Pilipinas, pinag-uusapan pa
Anchor 2:
Balitang Internasyonal!

 Hapon at Amerika, pahihigpitin ang kooperasyon sa isyu ng H.Korea


 Akusasyon ng Amerika hinggil sa hacking ng Rusya, mapanganib:
opisyal Ruso
Anchor 1:
Balitang Pangnegosyo!
 Mga mahihirap pauutangin ni Duterte ng puhunang pangnegosyo
Anchor 2:
Balitang Sports!
 Melindo, olat sa Japan; bigo sa Mexico
Anchor1:
Balitang Showbiz!
 Bb. Pilipinas Intercontinental 2017 waging Miss Word PH 2018

Voice Over 1:
Oras ngayon, tatlong minute makalipas ang ika-walo ng umaga.

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)
Anchor 1:
Para sa Balitang Lokal!

 Bilang ng mga nasawi sa paguho ng lupa sa Cebu, umabot sa 29


Pakinggan natin ang kabuuang detalye sa ulat ni Quia Marie Tumulak.
Reporter 1:
Patuloy na tumaas ang bilang ng mga nasawi sa paguho ng lupa kahapon ng
umaga sa Lungsod ng Naga sa Cebu. Umabot na sa 29 na bangkay ang
nababawi sa gumuhong lupa.
Ang pinakahuling nailigtas ay ang 12-taong gulang na babae na sinasabing
tanging nakaligtas sa kanyang pamilya.
Ani Baltazar Tribunalo, pinuno ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction
and Management Council, may 200 silang tumugon sa emergency at may mga
heavy equipment at may sinanay na aso.
Anchor 2:
Para sa ikalawang Balitang Lokal!
 Lalaki, wagi sa lotto matapos maglinis ng aparador sa Canada
Iuulat muli ni Quia Marie Tumulak ang buong detalye.
Reporter 1:
Nagbago ang buhay ng isang lalaki sa Montreal, Canada nang mahanap niya
ang isang lotto ticket, na binili niya 10 buwan na ang nakalilipas, sa loob ng
jacket na nasa nalilinis niyang aparador.
Pinilit lamang si Gregorio De Santis ng kaniyang kapatid na babae na linisin
ang kaniyang aparador para humanap ng mga lumang damit na maaari nilang
ipamigay.
Pero sa paghalughog niyang iyon, nahanap ni De Santis ang isang lotto ticket
na binili niya noong Disyembre 2017, dahilan para mag-uwi siya noong
Biyernes ng CAN$1.75 Milyon (o nasa P73 milyon).
Ayon sa Loto-Quebec, nang ipa-validate ni De Santis ang kaniyang tiket,
inakala raw nito noong una na CAN$1,750 Lang ang iuuwi niya “When he
realized how much he had won, he says his heart almost stopped,” sabi ng
Loto-Quebec sa isang pahayag.
(Nang mapagtanto niya kung magkano ang kaniyang napanalunan, sabi niya
muntik nang tumugil ang puso niya).
Dekada 70 nang magsimula si De Santis na maglaro at dati rin siyang nanalo
ng CAN$4,000 (o nasa P166,000).

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)
Ayon kay De Santis, balak niyang ilaan ang napanalunan sa kanyang
retirement account o pondo sa pagreretiro.
Hindi naman nabanggit kung may iniregalo ba si De Santis sa kaniyang
kapatid na nag-udyok sa kaniyang linisin ang aparador.
Voice Over 2:
DZRP 101.5! Ratsada Balita Ngayon.
Anchor 1:
Samantala sa Balitang Regional naman.
 Anak ng negosyante sa Tagum City patay sa pamamaril
Pakinggan natin ang kabuuang detalye sa ulat ni Loraine Lyle Ursabia.
Reporter 2:
Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang sasakyan sa
Barangay Magugpo South sa lungsod na ito Lunes ng Umaga.
Kinilala ang biktima na si Senen Villaceran 38 taong gulang at residente ng
Barangay Mankilam.
Ayon sa testigong si Alan Superable, kakaparada lang ng minamanehong
sasakyan ng biktima nang tabihan umano ito ng mga hindi kilalang armadong
lalaking nakasakay sa motorsiklo at paputukan nang maraming beses.
Katabi ng biktima ang kaniyang ina nang mangyari ang insidente at swerteng
hindi natamaan ng bala.
Sa imbestigasyon ng pulis, negosyo ang isa sa mga tinitingnang motibo sa
krimen matapos nagblotter sa Tagum City Police station noong mga
nakaraang lingo ang ina ng biktima dahil may nagbanta umano sa kanila.
“They are engaged into business real estate business na accordingly may
katransaksyon na di inaprubahan na nagalit sa kanil,” ani Supt. Philip
Jefferson Abaya, hepe ng Tagum City Police.
Narekober sa crime scene ang 7 basyo ng bala ng pinaniniwalaang kalibre 45
na baril. Nakuha rin ang baril ng biktima.
Iniimbestigahan pa ngayon ng Tagum City Police ang pagkakakilanlan ng mga
suspek base sa mga CCTV sa lugar.
Anchor 2:
Para sa ikalawang ulat ng Balitang Regional!
 Isa patay sa banggaan ng dalawang trak sa Davao City

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)
Muli nating pakinggan ang kabuuang ulat sa pagbabalita ni Loraine Lyle
Ursabia
Reporter 2:
Isa ang patay sa banggaan ng 2 trak sa lungsod ng Davao noong Lunes.
Sa imbestigasyon, hinahabol umano ng drayber ng trak ng basura ang
nakabangga at nakasira umano sa side mirror ng kanilang trak.
Kumabig ang drayber para mag-overtake pero nang makita na hindi kayang
mag-overtake dahil may kasunod na kotse, bumalik ito sa lane ta nabangga
ang isa pang trak na biglang tumigil sa harap ng gate ng isang subdivision.
Sa lakas ng impact, wasak ang harapang bahagi ng trak at umatras pa ito
matapos mabangga. Dahil dito, nabangga rin ang likod nito sa mga
nakatambak na tangke sa isang pribadong lote.
Nakilala ang drayber ng trak na namatay, na si Archie Cerro. Ligtas naman
ang tatlong sakay na pasahero nito na pawang nagtamo ng minor injuries.
Hindi na muna nagpaunlak ng interview ang pamilya ng drayber na namatay.
Anchor 1:
At para sa Balitang Nasyonal naman.
 Senador Trillanes, nanawagan sa International Criminal Court
Ang buong detalye ay iuulat ni Vincent Claire Villaceran.
Reporter 3:
Nanawagan si Senador Trillanes IV sa Internatinal Criminal Court na
madaliin na ang pagsisiyasat sa mga reklamong ipinarating laban kay
Pangulong Duterte kasunod ng kanyang pag-amin na ang mga extrajudicial
killing lamang ang kaniyang kasalanan.
Ani senador Trillanes, nararapat lamang seryosohin ng ICC ang pahayag na
ito upang mabatid ang pananagutan ng pangulo laban sa taong bayan. Hindi
umano makapagkukubli ang pangulo at ang Malacanang sa pagsasabing biro
lamang ang pahayag kahapon sa harap ng mga taga-Civil Service
Commission.
Hindi kailanman magiging biro sapagkat may 30,000 na ang nasawi sa
programa ng pangulo laban sa illegal na droga.
Anchor 2:
At para sa ikalalawang Balitang Nasyonal!
 Joint exploration ng Tsina at Pilipinas, pinag-uusapan pa
Muli nating pakinggan ang kabuuang ulat kay Vincent Claire Villaceran.

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)
Reporter 3:
Nag-uusap na ang Pilipinas at Tsina hinggil sa posibilidad na magkaroon ng
joint exploration sa yamang likas na nasa South China Sea. Ito ang pahayag ni
Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua pagkatapos ng pagdiriwang ng
ika-69 na taong pagkakatatag ng People’s Republic of China.
Napagtanto na umano ng magkabilang panig ang kahalagahan ng
pagpapanatili ng katatagan at kapayapaan sa South China Sea bago pa man
makapagsimula ng mga pagsusuri sa likas na yamang nasa ilalim ng
karagatan.
Ani Ambassador Zhao, nauunawaan niyang mayroong ‘di pagkakasundo si
ilang sektor sa Pilipinas at mayroon ding ganitong situwasyon sa Tsina.
Subalit idinagdag niyang darating din ang panahong malulutas din ang mga
isyung bumabalot sa kopiny exploration.
Ikinagalak din niya ang pagdalo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa
Chinese reception sa Makati Shangri-La kagabi. Napag-usapan nila ang
magandang pagpapalitan ng kaalaman at mga mag-aaral at maging mga
alagad ng media.
Kumpirmado rin kay Ambassador Zhao na dadalaw si Pangulong Xi Jinping sa
Pilipinas sa malapit na panahon. Hinihintay na lamang umabot ang
pagkakasundo kung kailan makadadalaw ang pangulo ng Tsina sa Pilipinas.
Voice Over 1:
Oras, alas nuwebe impunto na nang umaga.
Anchor 1:
Samantala, pumunta naman tayo sa Balitang Internasyonal!
 Hapon at Amerika, pahihigpitin ang kooperasyon sa isyu ng H.Korea
Ang buong detalye ipapahayag ni Marie Joy Sebungga.
Reporter 4:
Nagtagpo kahapon, Sabado, ika-6 ng Oktubre 2018, sa Tokyo, sina Shinzo
Abe, Punong Ministro ng Hapon at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng
Amerika.
Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa mga paksang babanggitin ni Pompeo sa
kanyang pagdalaw sa Hilagang Korea na nakatakdang gawin ngayong araw.
Sinang-ayunan din ng dalawang panig, na patuloy na ipatupad ang mga
resolusyon ng United Nations Security Council hinggil sa pagpapataw ng
sangsyon laban sa Hilagang Korea, at panatilihin ang mahigpit na
kooperasyon ng Amerika, Hapon, at Timog Korea, para pasulungin ang

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)
pagsasagawa ng Hilagang Korea ng mga konkretong aksyon ng
denuklearisasyon.
Anchor 2:
Para sa ikalawang Balitang Internasyonal!
 Akusasyon ng Amerika hinggil sa hacking ng Rusya, mapanganib:
opisyal Ruso
Muling ihahayag ang kabuuang detalye sa ulat ni Marie Joy Sebungga.
Reporter 4:
Ipinahayag nitong Huwebes, Setyembre 4(local time) ni Sergey Ryabkov,
Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya na mapanganib sa relasyong
Ruso-Amerika ang akusasyon ng Amerika na di-umano’y hacking ang Rusya.

Ipinatalastas nang araw ring iyon ng Kagawaran ng Katarungan ng Amerika


ang sakdal sa pitong opisyal militar ng Rusya na pinaghihinalaang nakilahok
sa hacking sa mga doping agency at ibang mga organisasyong pandaigdig.
Anchor 1:
Magbabalik ang DZRP 101.5 Ratsada Balita Ngayon makalipas ang isang
paalala.

INFOMERCIAL
Pedro: Oh pare ba’t ang tamlay mo yata ngayon?
Juan: Nag-away kasi kami ng misis ko pare.
Pedro: Ano naman ang dahilan pare?
Juan: Sabi niya hindi na raw kasi siya maligaya sa piling ko dahil
tuwing uuwi ako galing trabaho. Hindi ko na siya
napagtutuunan ng pansin. Kaya ayon nagtampo tuloy.
Pedro: Aysus! Yan lang pala pare. Madali lang ang solusyon
diyan.
Juan: Talaga pare! Ano?
Pedro: Uminom ka ng Dried Wax Capsule araw-araw. At tiyak
hindi na magtatampo yang misis mo. Nagbibigay kasi ito
ng lakas na hindi mo inaakala. Lakas sa pagbabakan hindi

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)
lang sa araw pati narin sa gabi.
Juan: Talaga pare? Sige pare bili muna ako ng Dried Wax Capsule!

(Sa Bahay)
Juan: Hon I’m home!
Misis: Oh mukhang iba yata ang energy mo ngayon?
Juan: Kasi Hon uminom ako ng Dried Wax Capsule. At ang galing, bilis
ng epekto. So ano? Game kaba?
Misis: Waaaaahhhh!!! HAHAHAHAHA. Ibang klase!

Voice Over 2:
Dried Wax Capsule. Bilis galing, bilis epekto.
Para ang pagmamahalan ay tuloy-tuloy!

Anchor 2:
Muling nagbabalik ang DZRP 101.5 Ratsada Balita Ngayon!
Ngayon dumako naman tayo sa Balitang Pangnegosyo!
 Mga mahihirap pauutangin ni Duterte ng puhunang pangnegosyo
Pakinggan natin ang buong detalye sa ulat ni Loraine Lyle Ursabia.
Reporter 1:
Nangako ang bagong Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga-Tondo na
magpapautang ng puhunan sa mga mamamayang hikahos sa buhay upang
makapagsimula ng munting negosyo.
Ang pahayag ng pangulo ay ginawa noong siya ay makipagsalu-salo sa isang
hapunan na ginanap sa Delpan Sports Complex sa Tondo. Bumisita siya sa
nasabing lugar upang magpasalamat sa suportang ibinigay sa kanya ng mga
taga-Maynila noong halalan.
Ayon sa ulat ng Hataw Tabloid, sinabi umano ni Duterte na sa halip na
pasukin ang pagbebenta ng illegal na droga, mas mainam pa na magsimula na
lang ng negosyo kahit maliit lamang.
Ang tanging hiling ni Duterete ay ang maibalik sa gobyerno ang puhunang
ipahihiram kapag ang negosyong itinatag ay lumago na. Ito ay nang sa gayo’y

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)
maipahiram naman ang pera sa iba pang mga Pilipinong nais ding
magnegosyo.
Anchor 1:
Samantala sa Balitang Sports naman.
 Melindo, olat sa Japan; bigo sa Mexico
Pakinggan natin ang ulat ni Quia Marie Tumulak.
Reporter 1:
Ginamit ni WBC light flyweight champion Ken Shiro ang bentahe sa taas at
haba ng mga galamay para maitarak ang 7th round technical knockout kontra
dating IBF junior flyweight champion Milan Melindo ng Pilipinas nitong
Sabado sa Yokohama, Japan.

Bagama’t nakipagsabayan si Melindo sa Hapones, nagkaputok-putok ang


kaniyang mukha sa matutulis na suntok ni Shiro kaya ipinatigil ng ring
physician kay American referee Laurence Cole ang laban eksaktong 2:47 ng
7th round.
Ito ang unang pagkatalo via stoppage ni Melindo sa kanyang 13 taong
pagboboksing kaya bumagsak ang kaniyang kartada sa 37 panalo. Napaganda
naman ni Shiro ang kaniyang kartada sa perpektong 14 panalo, 8 sa
pamamagitan ng knockouts at ito ang ikaapat na matagumpay na depensa
niya.

Voice Over 1:
Oras, als nuwebe imedya na ng umaga.
Anchor 2:
Ngayon naman ay pakinggan natin ang Balitang Showbiz!
 Bb. Pilipinas Intercontinental 2017 waging Miss Word PH 2018
Alamin natin ang buong detalye sa ulat ni Anneca Manlangit
Reporter 5:
“Recycled” ang tinanghal na Miss World Philippines 2018 – Katarina
Rodriguez.
Winner na si Katarina ang isa sa major titles nang sumali siya sa nakaraang
Bb. Pilipinas (Miss Intercontinental). Luhaan nga lang siya nang lumaban na
sa international pageant dahil hindi niya nasungkit ang korona.

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)
Wagi naman si Alyssa Muhlach-Alvarez bilang Reina Hispanoamericana na
unang napanalunan ni Winwyn Marquez. Nanalo naman bilang 1st Princess
ang Regal Baby na si Channel Morales.
Anchor 1:
Ulat panahon naman ang ibabalita ni Marie Joy Sebungga.
Reporter 4:
Makakaranas ng pulu-pulong pagkulog at pagkidlat sa kalakhang Cebu City.
Ang tinatayang agwat ng temperature ay mula pinakamataas (31) hanggang
sa pinakamababa (25) antas ng sentigrado.
Ang araw ay sumikat alas 6:16 ng umaga at lulubog mamayang alas 5:32 ng
hapon. Araw October 9,2018.

Anchor 2:
Sa puntong ito babalikan natin ang ating ulo ng mga nagbabagang
balita ngayong araw!
Anchor 1:
Balitang Lokal!
 Bilang ng mga nasawi sa paguho ng lupa sa Cebu, umabot sa 29
 Lalaki, wagi sa lotto matapos maglinis ng aparador sa Canada
Anchor 2:
Balitang Regional!

 Anak ng negosyante sa Tagum City patay sa pamamaril


 Isa patay sa banggaan ng dalawang trak sa Davao City
Anchor 1:
Balitang Nasyonal!

 Senador Trillanes, nanawagan sa International Criminal Court


 Joint exploration ng Tsina at Pilipinas, pinag-uusapan pa
Anchor 2:
Balitang Internasyonal!

 Hapon at Amerika, pahihigpitin ang kooperasyon sa isyu ng H.Korea


 Akusasyon ng Amerika hinggil sa hacking ng Rusya, mapanganib:
opisyal Ruso
Anchor 1:
Balitang Pangnegosyo!

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)
 Mga mahihirap pauutangin ni Duterte ng puhunang pangnegosyo
Anchor 2:
Balitang Sports!
 Melindo, olat sa Japan; bigo sa Mexico
Anchor1:
Balitang Showbiz!
 Bb. Pilipinas Intercontinental 2017 waging Miss Word PH 2018
Anchor 1&2:
Muli kayo’y nakikinig sa……………… DZRP 101.5 Ratsada Balita Ngayon!
Ang himpilan ng mamamayan at sandigan ng malayang pamamahayag
Ito ang DZRP 101.5. Kapisanan ng mga broadcaster ng Pilipinas. DZRP
101.5! Ang Radyo ng Pilipino sa inyong talapihitan.

Voice Over 2:
Mula sa bulwagang pambalitaan ng DZRP 101.5 narito ang matapang na
Maghahatid ng nagbabagang balita ang inyong tagapagbalita na si Justine
Verallo at Angel Mae Tagalog, ito ang Ratsada Balita Ngayon!

Anchor 1&2:
Hanggang sa muli naming pagbabalita!
Maraming salamat sa inyong pakikinig!

Document shared on www.docsity.com


Downloaded by: gysia-113 (lcvanmagna@gmail.com)

You might also like