Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGTALAKAY SA PAKSA

DAY 1: Kahalagahan ng Pamimilosopiya at mga Sangay nito


Kahalagahan ng Pamimilosopiya sa pagkaroon ng malawakang pananaw sa buhay
• Ang pamimilosopiya ay maaaring gamitin at iugnay sa pang-araw-araw na gawain at
mga pananaw sa buhay.
• Sa pananaw sa buhay, ang pilosopiya ang nagbibigay-daan upang magamit ng mga
tao ang replektibong pagiisip.
• Ang Pilosopiya ay nagpapalawak ng perspektibo sa buhay
• Mga Sangay ng Pilosopiya

1. Pilosopiyang Pangkaisipan
A. Lohika- nakatuon sa anyo o porma ng pangangatwiran, ang pagkamatuwid o
katumpakan nito, at hindi sinasaalang-alang kung ang batayang proposisyon ay
alinsunod o hindi sa mga pangyayari.
Matuwid na pangangatwiran
- kapag ang konklusyon ay may nesesaryong kaugnayan sa premis
Premis
- Yaong datos, mga piraso ng ebidensiya, o batayan, na nagpapatotoo sa konklusyon
Halimbawa 1:
• Lahat ng Bisaya ay mga Pilipino Lahat ng Cebuano ay mga Bisaya
• Samakatuwid, lahat ng Cebuano ay mga Pilipino
Ang pangangatwirang ito ay parehong matuwid at tama
Halimbawa 2:
• - Lahat ng Bisaya ay mga Ilokano Lahat ng Tagalog ay mga Bisaya
• - Samakatuwid, lahat ng mga Tagalog ay mga Ilokano.
Dito ay matuwid pa rin ang pangangatwiran subalit ang konklusyon ay mali at di
totoo.
Halimbawa 3:
• Lahat ng aso ay may mga buntot Lahat ng pusa ay may mga buntot
• Samakatuwid, lahat ng mga pusa ay mga aso.
Hindi mabibigyan ng katwiran o mapapatunayan ang proposisyon.
Halimbawa 4:
• Iniibig ni Jose si Marie Samakatuwid, iniibig ni Marie si Jose.
Maliwanag na hindi matuwid ang pangangatwirang ito.

B. Epistemolohiya
- galing sa wikang Griyego na episteme na ang kahulugan ay kaalaman o pang-unawa at
logos na ang ibig sabihin ay pag-aaral. Sangay ng pilosopiya na nag-aaral kung paano
natututo ang

• Uri ng Epistemolohiya
 1. Rasyunalismo
• Ang kaalaman ay nasa isipan na natin mula pa noong tayo’y ipinanganak.
2. Empirisismo
• Ang kaalaman ay masusumpungan sa pamamagitan ng mga sentido.(Pandamdam,
paningin, pandinig, panlasa, at pang-amoy)
• Uri ng Epistemolohiya
3. Iskeptisismo
• Pinagdududahan na totoo ang mga nakikita, naaamoy, nararamdaman, nalalasahan,
at naririnig.
4. Monismo
• Naniniwalang lahat ng nasa paligid nila ay bahagi ng kanilang sarili, ang indibidwal
at uniberso ay iisa.
2. Pilosopiyang Pangkatunayan
A. Metapisika
• Ang metapisika ay siyang pag-aaral ng bagay tungkol sa malawakang katangian nito
B. Teodiseya
• Pilosopiyang nagsisiyasat tungkol sa mga suliraning pambathala o pandiyos
C. Sikolohiyang Pilosopikal
• Pananaliksik tungkol sa pakiwaring ang tao ay binubuo ng mga pandama, at ng
isipan, ng katawan, at ng kaluluwa.
D. Kosmolohiya
• Pilosopiya ng mundo o daigdig. Tinatalakay dito ang mga suliraning nauukol sa
pasimula at katapusan ng daigdig.

3. Pilosopiyang Pang-asal
A. Etika
• Nag-aaral tungkol sa mga gawaing tao at naglalaan ng mga pamantayan para sa
kanilang kabutihan at kasamaan.
• Tinatawag din itong pilosopiyang pang-asal o moral sa dahilang may kinalaman ito
sa katumpakan o di katumpakan ng mga gawaing tao
B.Estetika
• Pilosopiya ng sining at kagandahan.

DAY 2: Pilosopikong Pamamaraan


Kahalagahan ng Paggamit ng Pilosopikong Pamamaraan
• nagbibigay-daan sa pag-unlad ng mga kapaki-pakinabang na kasanayan (skills) na
maaaring gamitin sa pang-araw-araw na kaganapan.
• Ang pamimilosopiya ay nakatutulong rin sa pagpapaunlad ng kaalaman sa
pagbibigay solusyon sa problema, pagbuo ng desisyon, at nakadaragdag sa pag-unlad
ng sarili.
• Ang pamimilosopiya ang nagbibigay-daan sa isang tao upang mamulat sa kritikal na
pagsusuri (critical analysis) at pagpapakahulugan sa mga konsepto, kahulugan,
argumento, at problema.
Repleksyon o Pagninilay
• Sa pagninilay (reflection), kinakailangan ang kagustuhan ng isang tao na pag-aralan
ang isipan, damdamin, at gawi upang madagdagan ang kaalaman ukol sa buhay at
mga karanasan. (Abella, 2016)
• Ang pagninilay (reflection) ay mahalaga upang matiyak na ang aksiyon at desisyon
ay napagmunihang mabuti at isinasaalang-alang ang mga maaaaring implikasyon at
kahihinatnan sa sarili, sa kapwa, at sa kapaligiran.
• Sa tuwing tayo ay nagninilay, kaya nating timbangin ang ating aksyon at desisyon
kung ito ba ay makatwiran o hindi. Repleksyong Pilosopikal (Philosophical
Reflection)
• Ang proseso ng makita ang mas malaking larawan tungkol sa lahat ng nangyayari.
• Ayon kay Gabriel Marcel, ito ay ang paraan ng pagbibigay ng oras para isipin ang
kahulugan at rason ng ating buhay.

You might also like