Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

M

atapos
ang
Bagyo
ng
Rolly
at
Tonyo─ matinding
buhos ng ulan,
rumaragasang agos ng
baha, naghahampasang
alon, at malakas na ihip
ng hangin. Ilan lamang
iyan sa ipinaranas ng
Bagyong Ulysses sa
nakalipas na mga araw.

Bago pa man ang ika-12 ng Nobyembre sa kasalukuyang taon, abala na sa paghahanda ang mga
Pilipino sa bantang panganib na dala ng binabantayang bagyo ng PAGASA. Gayunpaman, sa
bilis nitong umabot sa 155kilometro kada oras na may dalang hangin na hanggang 255 kilometro
kada oras, milyong kabahayan at pamilya pa rin ang hinagupit ng nasabing Bagyong Ulysses.

Ayon pa sa mga ulat, tinayang mas malakas ang Bagyong Rolly ngunit buhat sa mas maraming
dalang ulan ang Bagyong Ulysses, nagdulot ito ng mas matinding pinsala.

Sinasabing may kabuuang 1785 barangay mula 154 munisipalidad and 30 lungsod mula sa 12 na
rehiyon ang apektado ng baha. At ayon pa sa National Disaster Risk Reduction and Management
Council (NDRRMC), 464 ang bilang ng lahat ng nasawi, 529 ang sugatan, at 37 ang nawawala,
samantalang kinikinitang aabot sa 11bilyong piso ang halaga ng lahat ng nasira ng bagyo.

Marami ang nagsasabing maikukumpara sa Bagyong Ondoy noong 2009 ang naturang bagyo na
siya naming sinuportahan ng mang-uulat ng ABS-CBN Telerdyo na si Estareja, sapagkat ang
Bagyong Ulysses daw ay isang malawak na bagyo.

May ilang bagyo pa ang inaasahang babayo sa Pilipinas bago matapos ang taon. Sa pamamagitan
ng mga aral na patuloy na napupulot ng bawat isa sa mga disaster na nararanasan, bakas ang
paglago ng kapasidad ng Pilipinas pagdating sa pagsagot sa mga pagsubok na binabato ng
mundo.

SANGGUNIAN: ABS-CBN News, “'Ulysses' brings catastrophic floods to Luzon, draws


'Ondoy' comparisons”. Posted at Nov 12 2020 01:57 PM. https://news.abs-
cbn.com/news/11/12/20/ulysses-like-ondoy-brings-catastrophic-floods-to-luzon

You might also like